Follow me on Instagram and Twitter : @darlasauler

Exclusive behind-the-scenes photos : ASAP XV in Baguio!

Tuesday, November 30, 2010

Here are the behind-the-scenes photos os ASAP XV in Baguio, as I promised you friends! Thanks to my ASAP XV correspondent, Leo Bernardo! Hihihi!





Read more...

Sharon Cuneta, umaasang magkaka-ayos sila ni Aga Muhlach!

Sunday, November 28, 2010


This week ay naging very controversial ang ginawang joke ni Sharon Cuneta about Aga Muhlach, sa concert ng common friend nilang si Ai Ai delas Alas last November 19 sa Araneta Coliseum. Dito ay pabirong sinagot ng Megastar ng "sino yun?" ang sinabi sa kanya ni Ai Ai na batiin niya si Aga, na nandoon din nung gabing iyon kasama ang asawa nitong si Charlene Gonzalez-Muhlach. Ang diumano'y reason ng pagtatampo ni Sharon kay Aga, ang hindi pagkakatuloy ng movie project nila na dapat ay follow-up sa box office hit movie nilang "Kung Ako na Lang Sana" last 2003. 

After lumabas nang paulit-ulit sa newspapers and tv shows ang mga pahayag ni Sharon about this issue, finally ay dinetalye ng Megastar ang kwento ng tampo niya kay Aga sa itnerview niya sa The Buzz. 
"I didn’t mean for this whole thing to happen, ang dating pala ay negative. Actually yung sabi kong sino yun, nagtaka ako kung bakit hindi tumawa yung tao? Actually wala namang bago sa tampuhang ito, except na-dyaryo. Pero alam mo kapag tinanong ako bakit pa sa Araneta ipakita mong may tampo ka, matagal na nyang alam na may tampo ako sa kanya. Naaayos namin pero di pa niya nasasagot kung bakit, bakit nga wala pa tayong movie, sabi nang sabi na meron. actually ang liliit... hindi naman kailangang lumaki! Hindi lang naman yung movie ang issue ko yun lang mga maliliit na tampo na yun nga, di ka pwede pumunta sa concert ko. Hindi ko naman dine-demand sa lahat ng kaibigan ko na lahat ng ginagawa ko puntahan. Pero I would have appreciated yung sorry Ems I can’t go... Ang ano ko naman is naiinggit naman ako, buti pa si Ai. I think sometimes, I think na-miss ko lang yung kaming dalawa, di ba nagkaka-missan din kayo e. Di ba yung konting importansya na pinaparamdam ng isang kaibigan sa kapwa kaibigan niya," ang paliwanag ni Sharon.
Pero dagdag pa ni Sharon, ang isang labis na naka-hurt sa kanya sa paglaki ng controversy na ito...

"Kasi may isang word sa column ni Tito Ricky na lumabas, na parang siguro ganon yung tampo ko kasi I'm feeling rejected. Yung word na rejected tinamaan ako talaga. Nagulat lang ako. Saka sana makausap ko yung kaibigan ko, hindi yung kolumnista. Hindi naman kailangan na umabot dun... sa totoo lang parang feeling ko, wala pang nakaka-insulto sa akin o nakaka-humiliate sa akin, in a way na kaya nangyari dahil sa mga 1+1 nalalagyan ng ganito, na may magco-comment nang ganito. Masakit kasi ako na rin nagsabi sa sagot ko na hindi naman ako starlet, pinaghirapan ko rin naman yung respeto at pagtingin sa akin."

Ang tampo niya kay Aga, madali naman daw sanang mawawala. Simple lang naman sana ang hinihintay niyang gawin ni Aga.
"Alam mo ang kapalit ng tampo, kahit sa Araneta gawin: karinyo, lambing... Ang daling tapusin nito kahit nung concert, sabihin mo uy sobra ka naman ganyan ganyan, sabihin ko eh ikaw kasi ganyan tapos mag usap tayo, tapos. yun lang eh... kasi ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang pagbalewala. Ang masakit dun siya pa, 7 taon ko na siyang minamahal na kaibigan," Sharon reveals.
Pero katulad ng kahit na sinong magkaibigan, Sharon still hopes na maaayos nila ni Aga ang tampuhang ito.
"Ako I really want this to end... Enteng alam mo simpleng tampuhan lang ito, tignan mo nakikipagusap pa ako ngayon sa iyo sa camera ano ba naman yun. Nakakahiya kasi simpleng tampuhan lang ito, so bakit nadagdagan pa ng sakit na di naman kailangan? Basta ako wala akong pagkukulang sa iyo, naging mabuti akong kaibigan sa iyo. I love you, I still love you... You know I'm still your friend. But ang friendship naman is two ways diba? Two way thing naman, I can't be friends with you, if you don’t want to be friends with me. The difference is you hear from me, I don’t hear from you eh, I hear from people that you know. So sana I hear from you. I want my friend back, if it’s not possible, I’m okay," ang emotional na pahayag ng Megastar.

Read more...

KC Concepcion to host The Star Circle Quest for The Next Kiddie Superstars!

Saturday, November 27, 2010


video

Patuloy pa rin po ang auditions kaya sa mga may cutie kids na kilala o kamag-anak, go na sa ABS-CBN Center Road. November 27 to 29 (Saturday to Sunday), 10am to 6pm. The Magic continues! Are you in, or out?

Read more...

STAR CIRCLE QUEST for The Next Kiddie Superstars! Are you IN or OUT?

Wednesday, November 24, 2010

Eto na ang chance niyo mga bagets! Audition na! The Magic continues! Malay niyo para sa inyo rin di ba?

video

Read more...

Philippine Tatler Ball 2010 photos

Tuesday, November 23, 2010

Here are some photos from the Philippine Tatler Ball 2010 last Saturday, November 20. Thanks Ruffy for allowing me to post these photos here!




Read more...

Spotted! Sikat na showbiz couple, nagma-malling na parang isang pamilya!

Monday, November 22, 2010

Alam na ng marami kung sino ito, pero for fun lang... hindi ko sila papangalanan. Hulaan din kung sino ang batang kasama nila! Hihihi! Pero isang clue, I super love this couple! As in.


Go, hula na! Hihihi!

Read more...

KC Concepcion WOWS L.A. and SanFo!

Sunday, November 21, 2010

Sa mga nakakamiss kay KC Concepcion, don't worry dahil bukas ay pabalik na siya dito sa Pilipinas! At next week live na live na ulit siya sa The Buzz! Pero sa ngayon, heto muna ang ilang exclusive photos from her LA and SanFo shows! Thanks Carmi for the photos! And nagpapasalamat din po si KC sa napakaraming Pilipino and friends na pumunta sa shows nila! 







Read more...

Gladys Reyes gives birth to a healthy baby boy!

Before 1pm of Saturday, November 20, 2010 : Ipinanganak na ni Gladys Reyes ang third child nila ni Christopher Roxas  sa Asian Hospital. Caesarian si Gladys. Her new baby boy is named Grant-Carlin Sommereux, 6.8lbs at 50cms long. Right now ay recovering na si Gladys, at full breastfeeding na! Congrats Gladys and Christopher! Ang cute ni Carlin!


Read more...

Exclusive Photos of Coco Martin at the Hollywood Screening of his movie "NOY"

Friday, November 19, 2010

These are photos from the screening of Coco Martin's movie, "NOY," at The Chaplin Theater in Hollywood last November 16, 2010. The event was hosted by hollywood actor Michael Copon (na super crush ko sa one tree hill!!!!),  and was attended by some celebrities like Ron Jeremy, SWAY from American Idol, Xango Henry, etc. Nagkaroon din ng question and answer portion after the screening. January next year, malalaman na if "NOY" got the 'Oscar nod.' Good luck Coco! And of course, thanks to may friend Muriel Reroma from L.A. for the photos and information. 



Read more...

Sarah Geronimo-Gerald Anderson movie, POSSIBLE?

Thursday, November 18, 2010


After ng mga pinagdaanan nilang intriga sa kani-kanilang personal na buhay at careers, naka-abang ang lahat ngayon kung sa paanong paraan magmo-move forward sina Gerald Anderson at Sarah Geronimo. Isa kayang way para sa new chapter of their lives, ay ang kanilang pagtatambal sa isang project - specifically, sa isang pelikula? 

When asked about the possibility of a team-up with Gerald, Sarah said that she is hoping na ma-conceptualize ng maayos ang pelikula at maganda naman ang story. "Sana ma-push through," ang pahayag ng Popstar Princess. Usap-usapan na isa ang pelikula with Gerald sa tatlong future movies ni Sarah, ang isa pa ay ang balik-tambalan nila ni John Lloyd at yung isa raw ay kasama naman ang Megastar Sharon Cuneta. "Kakausapin ko si Boss, hindi pa kami nag-uusap,"was Sarah's answer when asked to confirm these details. 

On the other hand, si Gerald naman ay open daw for new opportunities sa kanyang career. Sa tanong naman kung handa na siyang maka-trabaho si Sarah, ang naging sagot ng hunk actor ay : "I'm ready to go back to work, kung yun na yun, excited ako... Excited lang ako for the new projects na hinahanda nila, so tignan natin, tignan natin."

Does this mean tuluyan na siyang magpapa-alam sa dating ka-loveteam niyang si Kim Chiu? "Syempre, me and Kim are friends, and paminsan-minsan nagte-textan kami and we still see each other kaya... wala pong goodbye sa Kimerald. Imposible ho, dun po ako nagsimula... Kung for the meantime hindi kami, break or pahinga, uhm, imposible ho," 
ang sagot ng PMPC's Best Actor for a Single Performance na si Gerald. Nang mahingan naman ng kanyang opinyon tungkol sa pagkaka-pareha raw ni Kim kay Enchong Dee... "Kami ni Kim excited kami to go back to work. So yun na yun hahaha," ang tanging say ng hunk actor.

Source : Showbiz News Ngayon

Read more...

Is there a rift between Pokwang and K Brosas?

Matapos mapasama bilang isa sa mga host ng noontime show na Pilipinas, Win na Win, marami ang napapaisip kung isa nga bang malaking threat si K Brosas para kay Pokwang, na matagal nang nasa programa. According to rumors, kung gaano kasaya on camera ang dalawa, eh ganun naman din daw sila ka-cold sa isa't isa when off camera! Issueng mabilis namang nilinaw ng dalawa!


"Rawr! Rawr (nagpapatawa)... Unang araw pa lang aaargh, rawr, i hate you, i hate you! Wala! Diyos ko, magkasama pa nga kami niyan kanina... itong isa, baklita na eh. Baklita, masa, pak boom. O wapak kaming dalawa, nagkakatulungan kaming dalawa," ang masayang kwento pa ni Pokwang.
"Bakit naman kami magdededmahan? Kwentuhan lang kami sa dressing room. Tawanan lang kami nang tawanan. Yun nagsisimula yon e. Behind the camera kailangan magkaibigan kayo at magka-chikahan, pagdating sa screen normal ang dating," ang depensa buwelta naman ni K sa intriga.


Bago pa mas lumala ang rumors, both also made it clear na walang sapawang nangyayari sa kanila, when it comes to hosting the noontime show.
"Hindi kami nagsasapawan, walang ganon. Nagbibigayan kami, saka nakakatawa, meron kaming rapport na normal, di namin pinag-aralan, di namin pinag-usapan. Kusa na lang lumabas. May bago kaming segment, ang galaw galaw. Ang saya saya," kwento ni K. At ang paliwanag naman ni Pokie : "Nakikita niyo naman siguro yung division of labor namin. Pag kami, kami ni Rico J, kami. Tapos pag siya, i-intro ko siya, pak o tapos pagka-ako ulit, ako, may kanya-kanya kaming moment."
In all fairness naman sa dalawang ito, I personally think na hindi sila magkaka-issue dahil mas nagiging close na sila ngayon. Dahil minsan ko nang nakita ang pagkaka-pareho nila bilang tao at babae, nung nag-guest sila sa Simply KC kasama ang kani-kanilang anak na pareho nang dalaga. See, pareho silang single mom, at hindi lang yun, parehas silang dumaan sa maraming pagsubok sa buhay. At ngayon, todo kayod para sa kanilang pamilya. kaya mabuhay kayo Pokie and K!
Source : Showbiz News Ngayon

Read more...

Bea Alonzo and Robin Padilla team up for a new ABS-CBN teleserye!

Tuesday, November 16, 2010


After the success of her teleserye with Gretchen Barretto, Magkaribal, Bea Alonzo will soon start preparing for her new tv series with her new leading man, Robin Padilla. 

"Mag-start nako ng soap with Robin on December. Baka late November magworkshop na kami, story conference, ganun," the actress revealed when Showbiz News Ngayon (SNN) interviewed her. 

Aware naman ang lahat na right now, Robin is committed to Mariel Rodriguez. Pero kahit ganun, hindi pa rin maiiwasan na ma-link sa iba ang action star oras na magbalik trabaho na siya. When Bea was asked if she's ready na ma-link kay Robin, eto ang sagot ng aktres : "Hindi naman, hindi naman, more than yung takot, wala talagang takot, mas excited ako. Excited ako to be working with him. With the Robin Padilla. Yun pa lang parang prestige na yun di ba? Na hindi naman lahat ng kababaihan ng henerasyon namin maka-katrabaho siya sa isang soap opera. I'm really excited."

Later this month nakatakdang bumalik sina Mariel at Robin from India. And inaasahan ng marami na magbabalik-trabaho kaagad ang dalawa, na nami-miss na rin ng kani-kanilang mga supporters. 

Source : Showbiz News Ngayon

Read more...

Is Zanjoe Marudo dating Bianca Manalo?


Pumutok sa SNN ang balitang meron na raw bagong special girl sa buhay niya ngayon ang hunk actor na si Zanjoe Marudo. At ito ay walang iba kundi ang beauty queen turned actress, bida sa Juanita Banana, na si Bianca Manalo. Sa interview sa kanya ay halatang nagulat si Bianca sa issueng ito.

"Uy! Wala po! Nakakahiya! Nakakahiya! Nakakahiya baka isipin ng tao bakit may biglang lumabas, nung nasabi ko lang naman yun, lumabas kami as a group ng magkaribal," ang pagpapaliwanag ng prangkang si Bianca.

Samantala ayon naman kay Zanjoe, na-surprise siya kung gaano kasayang kasama at kausap si Bianca. "Ang saya kasama, nung first time naming nagkasama sa isang event... naging komportable agad kami, makulit din eh, di mo akalain na may kalog pala kahit beauty queen," ang sabi pa ni Z.

Kahit pa nahihiyang-naiilang si Bianca sa bagong issue na ito sa kanila, si Zanjoe naman nagbitaw ng medyo makahulugang statement. Sabi niya, "minsan parang nai-intimidate ako na baka... di mo masubukan kasi beauty queen... buti na lang matangkad ako, so ako baka puwede."

Source : Showbiz News Ngayon

Read more...

EXCLUSIVE photos from ABS-CBN Boss Deo Endrinal's birthday party!

Saturday, November 13, 2010

Last night, halos lahat ng sikat at VIP pagdating sa mundo ng showbiz ay nagsama-sama at nakisaya sa birthday party ni Sir Deo Endrinal. Here are some photos para masilip niyo naman ang mga kaganapan kagabi. ☺

Sir Deo with John "Sweet" Lapuz, Direk Erick Salud and Kris Aquino.
Bea Alonzo and Angelica Panganiban
Almost complete CHIURIGOGOBASCHU. Xian Lim, Erich Gonzalez, Kitkat, Kim Chiu and Jake Cuenca. Sakto namang nag-banyo si Melissa Ricks nang kunan ko tong photo na ito.




Read more...

Roxanne Guinoo returns to acting, teams up with Albert Martinez for MMK this Saturday!

Thursday, November 11, 2010


Pagkatapos ng kanyang pamamahinga pagkatapos ng kanyang pagbubuntis, nagbabalik si Roxanne Guinoo to acting via an episode in MMK that pits her acting chops with award-winning actor and director Albert Martinez.


Bilang isang madrasta sa mga anak na halos kasing-tanda niya, alam kung mapapagtagumpayan ni Arlen (Roxanne) ang pahirap na dala ng mga anak ni Sonny dahil hindi nila ito matanggap. Ito ang kwentong iikutan ng episode ngayong Sabado, sa direksyon ni Rechie del Carmen at panulat ni Joan Habana.

Read more...

Sikat na Aktres, hinimatay sa CR!

Wednesday, November 10, 2010

Naku, sino ang aktres na ito? Go guess na!


Read more...

Angel Locsin, nakakatanggap ng mga pagbabanta sa kanilang pamilya!


Matapos mapaslang ang kanyang pamangkin na si Rachelle Marie Colmenares Salvador Sansan (28 years old) sa Carcar, Cebu, kanina sa report ni Marie Lozano sa TV Patrol ay inamin ni Angel nakakatanggap daw ng banta ang pamilya nila mula sa suspect - ang mismong asawa ng biktima na nagngangalang Fernando.

"Meron kaming death threats, pag di raw kami tumigil sa kakasalita, may gagawin siya sa amin," ang rebelasyon ni Angel. Kasabay nito ay ang paghingi niya ng tulong sa lahat. "Sa mga tao, sa authorities, please lang tulungan niyo kami na bigyan ng hustisya si Ate Shel."

Sinabi din ni Angel na handang magbigay ng reward ang kanilang pamilya sa kung sino mang makatutulong na mahuli ang suspect.

Read more...

My Amnesia Girl Music Video

Tuesday, November 9, 2010

video

Sa November 24 na! Wag na wag palalampasin!

Read more...

EXCLUSIVE! FIRST HERE : Piolo, Bea, Sam, Pokwang, Gerald and John Lloyd... Heartthrobs and Friends in LONDON!

Here are some photos po ng Heartthrobs and Friends show in London, kung saan suepr dami na namang napasayang kapamilya doon nina Piolo Pascual, Bea Alonzo, Sam Milby, Pokwang, Gerald Anderson and John Lloyd Cruz. Baka po may magtanong, wala po si Kim Chiu sa London show na ito. Pero sa pagkaka-alam ko, nasa Dublin, Ireland show siya dahil naka-usap ko siya while she was there a few days ago.

Maraming, maraming salamat kay Jerick Collado from London for the photos!








Read more...

My Amnesia Girl, November 24 na!

Monday, November 8, 2010

Read more...

Star Magic, nilinaw ang diumano'y pagkakabili ni Gerald Anderson ng isang hinihinalang "Hot Car" ; Gerald at Bea Alonzo, nag-break na raw?


Sa pagputok ng balitang diumano'y "Hot Car" ang nabiling Hummer ni Gerald Anderson, kaagad nilinaw ng Star Magic ang sitwasyon ng aktor. Sa official statement na ipinadala nila sa The Buzz kahapon, narito po ang gusto nilang ipaabot sa lahat  lalo na sa mga fans ni Gerald :
“NASA MAAYOS NA KONDISYON AT MAY MGA LEGAL NA PAPELES NANG MABILI NI GERALD ANDERSON ANG HUMMER NOONG JULY 2010. KASALUKUYANG INAAYOS NG ‘DEALER’ AT NG KANYANG ABUGADO ANG MGA DIUMANO’Y MALING PAGKUKUWESTYON NG AWTORIDAD SA KANYANG NABILING SASAKYAN. MAKIKIPAG-UGNAYAN DIN SI GERALD SA KINAUUKULAN PAG-UWI NIYA MULA EUROPE. NAWA’Y MATAPOS NA ANG PAGKAKADAWIT NG PANGALAN NI GERALD SA USAPING ‘HOT CARS.’”

On the other hand, bagamat hindi naman umaamin si Gerald na may romantic relationship sila ni Bea Alonzo, lumabas sa entertainment website na www.PEP.ph na diumano : break na sina Bea at Gerald. Nangyari diumano ang break-up sa London, kung saan naroon ang dalawa kasama ang iba pang kapamilya para sa ilang shows. Ayon sa source ng website, diumano ay ginawa ni Gerald ang pakikipag-kalas kay Bea para "maprotektahan" ang  mga mahal niya sa buhay. Di ba nga kasi nung kainitan ng issue nilang dalawa, nakatanggap daw ng ilang pagbabanta pati ang mismong pamilya ni Gerald. Kaya ayun. Well, hintayin natin ang pag-uwi nila from Europe at nang malantad na ang totoo.

Read more...

John Prats and Rachelle Ann Go, may namumuo nang pagtitinginan?

Sunday, November 7, 2010


Wow! Nagulat ako sa bagong balitang ito ha, John Prats and Rachelle Ann Go - bagong soon-to-be-couple na? Sa entertainment site na www.push.com.ph, inamin diumano ni Prats na lumalabas na sila ni Rachelle Ann. Magkaibigan na raw sila bago pa lumipat sa Kapuso Network ang The Ultimate Champion, at recently ay muli nga silang nagkakasama. Nakausap na rin daw ni Prats ang kaibigan, at ex-boyfriend ni Rachelle Ann, na si Gab Valenciano. At wala naman daw problema kung lumalabas sila ngayon ng diva. Sinabi rin daw ni Prats na bukod sa maganda, sexy at magaling kumanta si Rachelle Ann, ay napahanga siya nito sa pagmamahal at pagiging close nito sa kanyang pamilya. May linya pa diumano si Prats na magiging masaya ang pasko niya dahil sa unexpected na pagdating ng Kapuso Diva sa kanyang buhay. 

Read more...

Kris Aquino and Diether Ocampo sa DALAW pictorial

Wednesday, November 3, 2010

Eto po ang ilan sa behind-the-scenes photos ng pictorial nina Kris Aquino at Diether Ocampo, for their MMFF movie DALAW kahapon. Thanks Alvin Gagui for the photos!


Read more...

"Nakalimutan ko ang Diyos," Hayden Kho on his mistakes, and on moving on.

Monday, November 1, 2010


Kahapon sa The Buzz ay first time napanood ng sambayanan si Hayden Kho, Jr. sa isang isang live interview sa isang talk show, talking about his past mistakes - the controversial sex videos, and his present life. Dito ay naging very humble si Hayden na tanggapin ang kanyang pagkakamali, and to face all the consequences. Naging aminado siyang noong mga panahong pumutok ang mga sex video scandals niya ay naging marupok siyang tao, naging mahina sa tukso at inakalang nasa kanya na ang lahat. Sabi niya nga, "nakalimutan ko ang Diyos." Pero ngayon, habang pinagsisisihan ang kanyang mga nagawa, at sinisimulang patawain ang mga nagkamali naman sa kanya, ay masasabi naman daw ni Hayden na mas malakas na siyang tao ngayon.

Sa interview niyaring ito ay walang paga-alinlangan nang kinumirma ni Hayden na nagkabalikan na sila ng dating kasintahang si Dra. Vicki Belo. Ito ay sa kabila ng hayagang pagpapapahayag ng mga anak ni Vicki na hindi nila matatanggap at magagawang mahalin si Hayden, nang ma-interview silang mag-iina ni KC Concepcion sa Simply KC a few months ago. Nang hingin naman ni Boy Abunda ang reaksyon ni Hayden sa pahayag na ito ng anak ng babaeng kanyang minamahal, ito ang naging pahayag ni Hayden.
“I’m out to live my life for myself and for the person I love. I am not out to please other people. Sinubukan ko na ‘yan dati. Ginagawa ko ang mga bagay para sa ibang tao, it didn’t work out. Ngayon natutunan ko na kung mayroon akong bagay na gagawin, ito ‘yung bagay na gusto ko lang talagang gawin para sa sarili ko. Sana lang, dasal ko, na sana makita nila in time na mahal ko talaga si Vicki.”
Sa ngayon ay hinaharap na ni Hayden ang buhay bilang isang changed person, at kailan lang ay naglabas siya ng sariling line niya ng pabango.  

Read more...

KC Concepcion, confirmed! Star Magic artist na!


Matapos maging palaisipan sa marami kung totoo ang mga kumakalat na balitang, member na ng Star Magic family si KC Concepcion... Finally yesterday on The Buzz ay kinumpirma na ito ni Mr. Johnny Manahan, at ng tv host-actress herself. Puno naman ng pasasalamat at love na nagpaalam si KC sa kanyang former managers na sina Shirley Kuan at Sandra Chavez. At the same time, excited and happy rin si KC sa bagong possibilities na haharapin niya with her new management. KC also thanked her "sisters" and "brothers" sa Star Magic family who welcomed her as soon as they found out about her transfer - ito ay sina Bea Alonzo, John Lloyd Cruz, Shaina Magdayao, Angelica Panganiban, Kristine Hermosa, Kim Chiu, Gerald Anderson, Sam Milby, Piolo Pascual, Maja Salvador at marami pang iba. Super ganda rin naman ng naging pag-welcome sa kanya ni Mr. M, na ipinapadala sa The Buzz ang statement na ito :

“IT IS WITH GREAT PRIDE, HONOR AND JOY THAT I WELCOME KC TO THE STAR MAGIC FAMILY WHERE SHE IS MUCH APPRECIATED. BY JOINING US, KC SHOULD TAKE THE COMFORT TO KNOW THAT SHE WILL BE TREATED WITH MUCH DECENCY, LOVE, AND RESPECT BY HER STAR MAGIC MANAGEMENT.
KC CAN LIKEWISE BE ASSURED SHE HAS THE FULL AND ENTHUSIASTIC BACKING OF ABS-CBN AND HER STAR MAGIC FAMILY OF ARTISTS. WE ARE ALL GRATEFUL FOR HER TRUST AND CONFIDENCE, AND WISH TO EXTEND OUR APPRECIATION TO MS. SANDRA CHAVEZ AND MS. SHIRLEY KUAN WHO HAVE GENEROUSLY EXTENDED THEIR FULL COOPERATION IN MAKING THE TRANSITION SMOOTH AND CORDIAL.
WE NOW WISH FOR KC TO FURTHER BLOOM INTO A FINER ACTRESS AND ENTERTAINER AND A PERSONALITY WORTHY OF ADMIRATION BY A VERY DISCRIMINATING PUBLIC.”

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP