Follow me on Instagram and Twitter : @darlasauler

EXCLUSIVE PHOTOS! Kim Chiu's white Christmas in Korea!

Friday, December 31, 2010

After ng lahat ng pinagdaanan niya ngayong 2010, Kim Chiu decided to spend Christmas alone. Gusto niya ng malamig at white Christmas, and finally nagawa niya po ng masaya! Let us all be happy for Kim na bonggang bongga ang mga pasabog na bagong projects sa 2011! 

Thank you so much Kimmy for allowing me to post these photos! Hihihi! Love you bebe!



And nung Noche Buena time, magkatext kami ni Kim and nakakatuwa kasi sabi niya eto handa niya for Christmas, waffle and kape and tea. Hihihi!

Happy 2011 Kimmy! And friends, abangan nating lahat ang kanyang BINONDO GIRL! Winner!

Read more...

Merry JamLi Christmas from the JamLi Poppers!

Friday, December 24, 2010


Bago ang noche buena, humabol ang email na ito sa akin from Nikki Dimasangal ng JamLi Poppers. Dahil baka di ako umabot sa kainan namin, heto popost ko na lang ng buo ang message niya. Hihihi! Thanks JamLi Poppers! Maligayang Pasko!


Read more...

EXCLUSIVE Behind-the-Scenes photos : IMORTAL taping today!

Wednesday, December 22, 2010

Bago ang Christmas, heto po muna ang silip sa taping today ng top-rating teleserye ngayon na IMORTAL! Salamat sa nag-iisang si Ms. LBM for the photos!


Read more...

PBB Teen's James Reid and Tricia Santos, nagbigay ng maagang pamasko sa mga bata sa Virlanie Foundation!

Monday, December 20, 2010

I just received an email from the Global JaCia, supporters nina James Reid and Tricia Santos ng PBB Teen Clash of 2010, kung saan gusto nilang i-share ang naging outreach project nila together with JaCia kahapon December 19, sa Virlanie Foundation in Makati. Narito po ang part ng message nila sa email :
"...kahapon ng umaga (December 19, 2010) pumunta sila James at Tricia sa Virlanie Makati kasama ng mga fans, volunteers at donors para po sa outreach party organized by Jacia fans. Ito pong project na 'to ay matagal nang plano ng mga Jacia fans since hindi po matuloy-tuloy ang get together namin kaya naisipan po namin na since malapit na mag-Pasko why not help those children in need, kasi alam po namin na si Tricia ay nag-vo-volunteer at sumasama  sa lolo nya sa Davao sa mga charity events bago pa po sya sumali sa PBB. Kaya eto po ang nabuo naming idea instead na mag-organize ng GT..."
Thank you so much Global JaCia. More power po!





Read more...

RAYVER CRUZ admits involvement in Sarah Geronimo-Cristine Reyes feud!

Saturday, December 18, 2010



Matapos ang controversial tweets ni Cristine Reyes na ngayon ay sinasabing patungkol diumano kay Sarah Geronimo, finally ay lumantad na at nagsalita ang lalaking itinuturong puno't dulo ng iringan between the two kapamilya actresses. Sa isang one-on-one interview ay inamin finally ni Rayver na siya nga ang dahilan kung bakit sumabog at nag-tweet ng ganun si Cristine. Pero isa lang yan sa mga inamin ng aktor, para sa iba pang detalye... basahin ang full transcription below, mula sa interview sa kanya ni Boy Abunda for The Buzz.


BOY : Rayver maraming, maraming salamat sa pagkakataong ito. Nais ko lamang sabihin sayo, that hindi lingid sa kaaalaman ng publiko that I always look forward to interviewing Cristine Reyes dahil lahat ng aking tinatanong ay sinasagot. Wala syang inaatrasan. And the last guesting she did on The Buzz was the Abunda Challenge, kung saan siya’y aking tinanong kung at one point nagkaroon kayo ng relasyon at sinabi niyang oo. So I’ll ask you the same question. Rayver, nagkaroon ba kayo ng relasyon ni Cristine Reyes?
RAYVER : opo Tito Boy, nagkaroon po kami ng relasyon.
BOY : kwentuhan mo ako.
RAYVER : nagkaroon kami ng relasyon, eto yun nung April and masyado kasing mabilis Tito Boy eh. Alam naman nating lahat na kapag minamadali yung lahat ng bagay, hindi maganda. So kahit ako mismo nabibilisan, kahit siya rin. So nakapagdesisyon kami na mas kilalanin muna yung bawat isa. And yun yung nangyari samin, nawala kami naghiwalay kami and naging magkaibigan kami, lumabas-labas kami. And yun nga gusto ko kasing mas maging solid yung samahan and yun nga niligawan ko siya Tito Boy.  
BOY : alright hindi ko pa tatanungin kung naging kayo ulit pero dito muna tayo Rayver... Kayo ba ni Sarah Geronimo, nagkaroon ng relasyon?
RAYVER : ah sasabihin ko po sa inyo Tito Boy... Totoong minahal ko po si Sarah. And dahil nga kasi nirerespeto ko naman kasi yung desisyon ng mga magulang niya, and alam ko naman talaga na bawal pa. So ako na rin po mismo yung lumayo. Pero napakaswerte ng taong mamahalin niya at ng taong magmamahal kay Sarah pagdating ng panahon kasi napakabuting tao po talaga ni Sarah. Pero sa kabila ng lahat napakaswerte ko rin po talaga ngayon, kasi alam ko may taong nagmamahal sakin ng sobra at may taong minamahal ko ng sobra sobra
BOY : okay. Deretsahan Rayver, una, kayo na ba ni Cristine Reyes? Girlfriend mo ba si Cristine Reyes, oo o hindi?
RAYVER : opo Tito Boy kasi siya yung taong tinutukoy ko eh.
BOY : at one point in your life hinabol ka ba ni Critsine Reyes?
RAYVER : hindi po tito boy. Actually baligtad nga po. Ang daming naghahabol kay Cristine napakaswerte ko kasi ako yung nagustuhan niya.
BOY : bakit kayo nagclick ni Cristine?
RAYVER : ano kasi siya eh maraming bagay na gusto ko sa kanya, yung totoo siyang tao. Sa kabila ng lahat ng lahat kasi ng mga humuhusga sa kanya, hindi nila nakikita yung totoong Cristine, ako nakita ko yun. Masayahin, makulit parang bata paminsan. Higit sa lahat napakasarap magmahal, maalaga and lagi siyang nandyan para sakin kaya mas lalo ko pa siyang minahal dahil sa katangian niyang yun.
BOY : ano sa palagay mo ang nagustuhan niya sayo?
RAYVER : siguro nag-jive po talaga kami.
BOY : paano mo siya niligawan? Mahirap bang ligawan si Cristine Reyes?
RAYVER : hindi ko sasabihin pong napakadali siyempre yung ganung klaseng babae, paghihirapan mo yun. Nakakatuwa lang kasi nakakalabas labas kami nung magkaibigan kami. And yun nga, niligawan kon siya ulit.
BOY : ano to, personal? Ah inspite of her schedule, you found time to be with her?
RAYVER : opo and ako rin mismo yung nagte-text sa kanya kung pwede ka bang lumabas ganun nga and papayag naman siya tapos lagi akong may flowers na dala kasi pakiramdam ko hindi nalalaos, everytime walang sablay na pag bibigyan ko ng bulaklak ang isang babae, napapangiti mo...



Read more...

Kristine Book 2, mas paiinitin ang inyong mga gabi!

Thursday, December 16, 2010

Naku eto na ang pinaka-controversial teleserye dahil sa pagiging daring ng mga eksena at stars nila! Ito ang bagong pictorial kasama ang mga bagong stars na kasama nina Jewel at Bernard sa book 2 ng serye. 

And speaking of controversial, naaalala niyo ang controversial tweets ni Cristine Reyes patama kay Sarah Geronimo raw? Trivia : sa kasagsagan ng pictorial na ito nag-tweet si Crisitne ng mga pasaring diumano kay Sarah.

At ang lalakeng itinuturong dahilan ng alitan diumano ng dalawa? Tama! Si Rayver Cruz. Finally ay magsasalita na po siya, sa explosive one-on-one interview sa kanya ni Tito Boy Abunda. Abangan sa Sunday, sa The Buzz! 



Read more...

Kris Aquino with Bimby, Diether Ocampo and Vice Ganda sa gift-giving project nila in Bacoor, Cavite



Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS : ABS-CBN Christmas Special

Wednesday, December 15, 2010

Heto po ang ilang behind-the-scenes photos from the ABS-CBN Christmas Special na "Isang Maningning na Pasko, Kapamilya" held at the Araneta Coliseum last night. Ipapalabas ang special na ito sa ABS-CBN ngayong Sabado at Linggo. Thanks to my ate G3 San Diego for the photos! Hihihi!





Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS : The TALK SHOW Royalties from The Buzz!

Post ko lang ang mga photos na ito, kasi bihira lang mangyari na magkasama-sama on stage ang mga hinahangaang talk show hosts na sina Boy Abunda, Kris Aquino, Charlene Gonzalez, Toni Gonzaga, KC Concepcion. Sayang wala sina Luis Manzano, Bianca Gonzalez, Mariel Rodriguez, Nikki Gil at Ogie Diaz. 



Read more...

Jodi Sta. Maria, may pinapatamaan nga ba sa bago niyang commercial?

Tuesday, December 14, 2010

Usap-usapan dito sa Internet ngayon ang bagong commercial ni Jodi Sta. Maria para sa Gluta-C whitening products. Ang lahat curious, may pinapatamaan nga ba ang mahusay na aktres sa bagong TVC na ito? Sinasabi kasi sa commercial na "Sis, sabi mo pinaputi ka ng ini-endorse mo? Pero di ba pinanganak kang maputi?"


Ayon pa sa ilan, tama naman ang sinasabi ni Jodi sa commercial. Meron nga namang mga artistang nage-endorse ng whitening products ngayon ang ipinanganak na mestiza o di kaya'y galing sa pamilyang mestiza. Yung iba umabot pa sa point na kwestyunin ang truth in advertising dahil sa issueng ito. Kaya naman daw, kung bibili ng whitening product, dun na sa proven na talagang pinaputi ang celebrity endorser! Hindi yung maputi na ang endorser to begin with. Pak!

Read more...

Kris Aquino sa gift-giving niya kanina sa Maybunga Elementary School, Rosario, Pasig





Thanks Alvin Gagui for the photos!
Sent from my BlackBerry® wireless handheld

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS! MELASON, Kitkat and Piolo Pascual at the One Kapamilya Go Christmas Edition in Japan!

Ang babait talaga ng mga melason friends ko! Heto naman po ang photos ng paborito na loveteam ng marami ng buong bayan, na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco, kasama sina Piolo Pascual at Kitkat sa kanilang One Kapamilya Go shows sa Nagoya and Tokyo, Japan last December 11 and 12. Thank you to @runawaybride and the MELASON PEXERS - Tropang Japan for the photos! I love MELASON! 




Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS : Paul Jake Castillo, with Papa Tibo, sa special fun run and feeding program in Cebu!

Last December 12, muling lumipad patungong Cebu si Paul Jake Castillo kasama ang kaibigang si Papa Tibo Jumalon para sa Casino Femme Presents : "Empowered Run Series". After ng fun run nila ay nag-feeding program naman sila PJC para sa may 50 kids at the IPI Sports Complex. According to my source na kilala talaga si PJC, love raw talaga ng showbiz newcomer ang mga kids. Awww, kaya ako I love PJC rin. Hihihi! Thanks to my friend from Cebu na si Martin Jimeno for the photos and info.




Read more...

I love Chris Tiu!

Saturday, December 11, 2010


Thanks Denden Roxas for this!

Read more...

Kris Aquino plus other DALAW stars sa mall shows in Cebu!

Friday, December 10, 2010



Read more...

Dalaw PressCon at the Parklane International Hotel in Cebu



Thanks again Alvin Gagui for these photos!
Sent from my BlackBerry® wireless handheld

Read more...

Kris Aquino and Diether Ocampo in Cebu now for DALAW!



Thanks Alvin Gagui for the photos!
Sent from my BlackBerry® wireless handheld

Read more...

JEWEL MISCHE, now an official Kapamilya Star!

Wednesday, December 8, 2010



Ayan matapos ang usap-usapan about her paglipat sa ABS-CBN, ngayon ay confirmed na confirmed na talaga! Official Kapamilya na ang dating Kapuso star at girlfriend diumano ni Richard Gutierrez na si Jewel Mische, matapos siyang pumirma ng exclusive contract with ABS-CBN kanina lang. Present sa contract signing ang mga ABS-CBN executives at Star Magic's Johnny Manahan. Sa unang project na gagawin ni Jewel ay makakatambal niya ang hunk actor na si Gerald Anderson. Aprubado naman daw ni Kim Chiu ang bagong leading lady ni Gerald, at sa katunayan ay noong Thursday, sa ABS-CBN Trade Launch sa PICC ay nagkita-kita na ang tatlo. 


Super happy naman si Jewel dahil finally daw ay makakapag-work na ulit siya, dahil na-miss niya rin ang umarte. Good luck Jewel, kapamilya! Oh, and syempre thank you Marie Lozano and Hervie Bautista for the photos!

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS! Spotted : Piolo Pascual, super sweet sa paghatid kay KC Concepcion papunta sa kanyang The Buzz dressing room!

Tuesday, December 7, 2010

Matapos ang ASAP XV number ni KC Concepcion noong Sunday with Piolo Pascual, katulad ng inaasahan ng marami ay hinatid ng aktor si KC pabalik sa The Buzz dressing room nito. Pero based sa nakita ko, mabilis ding bumalik si Papa P sa ASAP XV studio matapos nitong ihatid si KC. 



Read more...

Jake Cuenca admits dating Melissa Ricks for 1 year and 9 months now!


Last Sunday on The Buzz, finally ay pormal nang inamin ni Jake Cuenca na 1 year and 9 months na silang nagde-date ni Melissa Ricks. Ito ay matapos niyang hindi sagutin ang tanong ni Charlene Gonzalez kung ano talaga ang tunay na dahilan ng naging pagtatalo nila ni Jason Abalos sa Davao a couple of weeks ago. According to the hunk actor, tutal naayos na naman ang gusot between him, Jason and Coco... mas mabuti nang wag nang pag-usapan ang issue. Dagdag pa niya, kung anuman ang namagitan sa pagitan nila ng aktor ay "usapang lalaki" na lamang. 

Read more...

Spotted! KC Concepcion and Jewel Mische, sa ABS-CBN Trade Launch last December 2!

Monday, December 6, 2010

For the first time ay nakita ko rin together sina KC Concepcion at Jewel Mische - na matagal nang sinasabing magkamukha. Pasensya na lang po talaga dahil eto lang ang nakayanan ko that night hahaha! Ang labo! Hehehe! Nakakaaliw naman nang magkrus ang landas ng dalawa dahil super nice naman silang nagbatian. Abangan ang mas maayos na photo nila together, soon. Hehehe. At abangan kung ano ang magiging bagong chapter ng career ni Jewel.


Read more...

Go ECO CHIC!

Usong-uso na talaga ngayon ang pagiging eco chic! Kaya naman hindi magpapahuli ang SM malls, as they launch their very cool SM eco bags! May 4 different styles pa ang bags na ito na pwedeng pagpilian, ang FLOW, SPARK, RENEW and BREATHE! P35.00 ang bawat bag, na mabibili sa mga SM malls. These eco bags are made of recyclable and durable materials that can last up to 2 years of daily use. 

Sa mga interested, and gustong maging eco chic din, jumoin na sa Facebook page na http://www.facebook.com/SMSupermallsEcoBag and get a chance to win games, get updated with the latest news sa ating Mother Earth, at iba pa! 

Read more...

SABEL, mamayang gabi na bago mag-TV patrol!

Abangan nating lahat ang pamumukadkad ng isang bulaklak... Si Jessy Mendiola bilang si Sabel! Mamayang gabi na po, before TV Patrol!


Read more...

Sharon Cuneta at Aga Muhlach, nagka-ayos na!

Sunday, December 5, 2010

Matapos malantad sa publiko ang tampo ng Megastar Sharon Cuneta sa close friend niyang si Aga Muhlach, finally this time ay pwede nang sabihing okay na ang lahat. Aga's wife, Charlene Gonzalez, revealed last Sunday on The Buzz na nagka-usap na sina Sharon at Aga the day before.


"Oo... ni Aga, Saturday... Basta nag-usap kami, pinuntahan niya ako tapos nag-usap, ano lang apologies were exchanged, accepted. Yun lang," ang confirmation ni Sharon nang muli siyang ma-interview ng The Buzz.

Dagdag pa ng Megastar, masaya ang kinalabasan ng kanilang pag-uusap. "Siyempre maganda, kasi ang friends naman ganon dapat nag-uusap di ba? Maganda okay naman. Marami pa rin akong tanong, pero ayoko nang magtanong (giggles) Wala na, wala yun... I can never not forgive Aga, hindi ako mapagtanim. Kaya lang nga hindi na kami kasing dalas na mag-keep in touch, siguro life happens, so kanya kanya kaming pagka-busy ngayon."

Pero when asked kung posible pang matuloy ang movie team-up nila, na sinasabing isa sa mga naging tampo niya kay Aga, ito lang ang naging sagot ni Sharon : "Siguro wag na natin muna pag-usapan kasi pagod na pagod ako (laughs) Napagod talaga ako! Isang linggo rin ng buhay ko yun!"

Basta sa nangyaring gulo between them, isa lang ang natutunan ni Mega. "Ako naman I've always learned na ang friendship naman, you keep it special basta kami ni Aga, nagkaka-intindihan kami, so I know... basta nag-usap kami ayos na kami." 

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

TopBlogs.com.ph

Entertainment & Lifestyle - Top Blogs Philippines

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP