Breaking News : Tyron Perez found dead in an abandoned car in Valenzuela.

Thursday, December 29, 2011


Tyrone Perez in his last two episodes in Maalaala Mo kaya, with Baron Geisler and the last one with Ejay Falcon aired last December 3, 2011.

No details available yet. Pero may kumakalat sa Twitter na suicide raw? Shocking naman ito, ilang araw na lang matatapos na ang 2011, humabol pa ang isang Perez from showbiz. Couple of months ago lang nakita ko pa itong si Tyrone sa Jollibee Alabang with two girls. 

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS : The World Champion - Jed Madela's home.




Click here for more photos! And text DARLA ON to 2366!

Read more...

United Nations High Commissioner for Refugees, nagpadala na ng tulong para sa mga nasalanta ng Bagyong Sendong

Saturday, December 24, 2011



Kahapon ay dumating na sa Pilipinas ang tone-toneladang relief goods na ipinadala ng United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR), na sinalubong naman ng kanilang Honorary Patron for Asia na si Kris Aquino. Kasama si Bimby, at ang UN Philippine representative na si Bernard Kerbalt, tinanggap ni Kris ang mga relief goods na ipinadala ng UNHCR sa tulong at contribution na rin ng iba pang bansa. Partial pa lang ang dumating kahapon mula sa warehouse ng UNHCR sa UAE. Tuloy-tuloy pa ang pagdating ng maraming tonelada ng goods hanggang sa December 26. Itu-turnover ito nina Kris sa DSWD, na siya namang magdi-distribute ng mga ito sa mga nangangailangan nating kapamilya sa Mindanao. 

Aside from the help from the UNHCR, tuloy-tuloy rin ang efforts ng marami nating kapamilya para kahit papaano ay makadamay sa mga biktima ni Sendong. Kaya sa mga may gusto pong itulong, contact nalang your chosen group and share your blessings. 

Read more...

Maja Salvador and Melissa Ricks glam up for Christmas!

Friday, December 16, 2011


Maja Salvador and Melissa Ricks, two of the hottest stars in Philippine primetime television today, sign up for popular apparel brand Petit Monde.

Melissa, star of the hit primetime soap “Nasaan ka Elisa”, will soon start shooting a new soap titled ‘’Walang Hanggan.’’ For all her showbiz and non-showbiz engagements, she relies on Petit Monde for fashion and style.


“Petit Monde has everything from casual shirts, to formal dresses--different prints like floral prints and pastel colors! They even have accessories and colognes to boot! Petit Monde is really every girl’s one-stop shop for all their fashion needs,” says Melissa who goes for comfort and simplicity when it comes to pulling an edgy look.

Meanwhile, Maja Salvador, who just wrapped up ‘’My Binondo Girl’’ and is currently doing shows out of the country, reveals her favorite Petit Monde collection consists of long dresses, trendy shorts, and colorful cardigans for the cool December breeze.


“If you don't feel comfortable with your outfit, don't wear it because it will ruin the whole aura and the look that you are trying to project. The key to dressing well is confidence,” Maja advises.

Melissa looks up to A-list Hollywood actresses Leighton Meester, Rachel McAdams, Blake Lively and Paris Hilton as her fashion idols, while Maja likes Miley Cyrus, Nicole Richie, Jennifer Aniston and Victoria Beckham.

Although Melissa has a stylist who helps her pick out her outfits, she still has the last say about the whole look, always opting for a simple yet well-put finish. Melissa is open to taking risks and exploring different styles.

For its 2011 holiday collection, Petit Monde offers a vast array of clothing that help these stars glam up just right for the yuletide season! 

Click here for more photos!

Read more...

Kris Aquino, itataya ang pangalan, para sa pelikulang Segunda Mano!

Monday, December 12, 2011


Kanina ay ginanap sa ABS-CBN ang press conference para sa pelikulang Segunda Mano na pagbibidahan nina Angelica Panganiban, Dingdong Dantes at ng Queen of All Media na si Kris Aquino. Very vocal ang tatlo sa excitement nila para sa pelikulang ito, lalo na si Angelica na itinodo raw lahat ng makakaya niya pagdating sa pag-arte para lang hindi mapahiya, sa pagkakapili sa kanya na mapasama sa movie. Naging very honest at prangka si Kris sa pagsasabi na ang pelikulang ito, ay hindi niya pelikula dahil si Dingdong daw talaga ang nagpakita ng kakaibang husay dito. 


"Itataya ko, hindi lang ang pangalan ko, kundi ng buong angkan namin," ang mabigat na pahayag na binitiwan ni Kris na talaga namang nagpa-react sa lahat ng press present kanina. Tinutukoy ni Kris sa statement na ito ang last 20 minutes daw ng kanilang pelikula, na kailangan daw talagang tutukan dahil super ganda. Sa lahat daw ng pelikulang nagawa niya, ito na yung best 20 minutes na napanood niya. Kaya naman, nagsabi na rin daw siya kay Direk Chito Rono, kung dati ang mga pelikulang Feng Shui at Sukob ang dalawang pelikulang talagang ipinagmamalaki niya at gusto niyang ipapanood kahit sa mga apo niya in the future, ngayon daw... madadagdag na ang Segunda Mano sa listahan. Ganun kaganda ang pelikula. Kaya naman paniguradong ngayon pa lang, buong bayan ay excited na ring mapanood ang Segunda Mano. According to reliable sources, grabe rin daw ang "pambubugbog" kay Kris dito, kakabugin pa ang mga massacre movies na nagawa niya noon.


Segunda Mano, sa December 25 na po!  

Read more...

The Bottomline with Boy Abunda, Asian TV Awards' Best Talk Show!

Thursday, December 8, 2011

This just in! The Bottomline with Boy Abunda won the Best Talk Show award sa 16th Asian Television Awards held now in Singapore. Congrats Tito Boy and to the whole team of Bottomline!

Photo courtesy : Phil Roxas

Read more...

OVER 100 EXCLUSIVE PHOTOS : The Home of The Comedy Queen, Ai Ai delas Alas!

Thank you so much Comedy Queen for allowing me to post the photos of your home here. 




Click here for more photos! And text DARLA ON to 2366!

Read more...

PHOTOS : Star Magic's Feeding Program in Fairview, with Piolo Pascual and other Star Magic artists!

Wednesday, December 7, 2011



Last December 2, sama-samang nagpunta sa Teresa Heights in Faiview, Quezon City ang mga Star Magic stars na sina Piolo Pascual, Sam Milby, Melissa Ricks, Matt Evans, Julia Montes, Jason Francisco, Jayson Gainza at iba pa, para sa feeding program project ng Star Magic. The event was hosted by Melissa, and was for the benefit of about 300 under-nourished kids in Fairview. 

Thanks Thess Gubi and Tracy Manlangit for the info and photos!





Click here for more photos!

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS : LA Galaxy VS Team Azkals in Manila!

Sunday, December 4, 2011

Thank you so much to my K-Pop and etc. correspondent, Rochelle Veron for these photos. Sayang lang talaga hindi bumuhos ang ulan during the game... Bago mag-react na nine-nega ko ang game, ang gusto ko lang naman po eh mabasa ang players at wet look silang maglaro... you know. Hihihi. Pero buti na lang nagsihubaran ang karamihan pagkatapos. Hahaha! Congrats Team Azkals, Phil Younghusband, bongga naka-score tayo against David Beckham's team!







Click here for more photos!

Read more...

EXCLUSIVE! FIRST HERE : Maja Salvador dispels break-up rumors between her and Matteo Guidicelli!

Saturday, December 3, 2011

Matapos umikot ang intrigang naghiwalay na sina Maja Salvador at Matteo Guidicelli, at magsalita si Matteo, finally ay nagbigay na rin ng pahayag si Maja na kababalik lang nung isang araw from her series of shows sa Canada with Coco Martin and Angeline Quinto. 

Sa kasalukuyan ay may sakit at nasa hospital pa rin si Matteo, pero mukhang mapapadali ang kanyang paggaling dahil mismong si Maja ang nagnu-nurse sa kanya ngayon, patunay na they are okay. "She's taking care of me... hehe," ang sabi nga ni Matteo sa akin.


Nang si Maja naman ang makausap ko, heto ang message niya : "We are okay... Very okay! ☺ thanks ati! Please pray tayo para Monday makalabas na siya. Mwaaah!"

Ayan, good news na ito para sa lahat ng nag-aalala sa dalawa. Pray na lang tayong lahat na maging okay na si Matty at ma-discharge na siya from the hospital as soon as possible.

Read more...

FIRST HERE! Matteo Guidicelli speaks up about rumored break-up with Maja Salvador!

Thursday, December 1, 2011


Matapos ang controversial KC Concepcion-Piolo Pascual break-up, isang showbiz couple pa ang nai-intriga ngayong may pinagdadaanan daw ang relasyon. Sina Maja Salvador at Matteo Guidicelli. Nagsimulang mas uminit ang rumors when Maja and Matteo both posted controversial posts sa kani-kanilang Twitter account. Alam naman natin na with Twitter, bawat post lang ng celebrities ng tweets madalas mabigyan ng meaning. Kahit pa minsan, lyrics lang ng kanta ang mga ito.

Here are some of Maja's tweets, and retweets :






Eto naman ang nai-intriga ring tweet ni Matteo.


So now, what's the real score ba talaga between them? 
HIWALAY NA NGA BA sina Maja at Matteo? 

I asked Matteo about it, and heto po ang reply niya sa akin.
"Hello Darla! ☺Maja and I will fix whatever problem it is po. Nothing to worry po."
Thanks Matty! Ngayon, hintayin na lang natin ang mangyayari tutal pauwi na rin naman po si Maja from her series of shows sa Canada with Coco Martin and Angeline Quinto. And let's hope na kung meron mang pinagdadaanan ang dalawa, maging maayos at happy pa rin ang Christmas nila together. Love you Maj and Matty!

Read more...

Maja Salvador and Coco Martin in Canada!

Wednesday, November 30, 2011


"Alexander and Krista, Saskatoon. Nakapitas kami ni Maja ng bulaklak sa bday bouquet ni Angeline Quinto. Hahaha!" - Mader Bibs


"Nov25 Saskatoon Canada, first show Go Canada. At Last! Maja entered when Coco sang Minsan Lang Kita Iibigin. Crowd went wild. Nagbanter sila for 5 minutes and sigawan ang tao. They did this too last night in Calgary show. And tonight in Edmonton show." - Mader Bibs

Thanks Mader Bibs for the photos! 


Pero maiba lang, ano nga kaya ang pinagdadaanan ni Maja Salvador ngayon? Medyo controversial kasi ang dating ng ilang tweets niya, ayon sa mga nakakabasa nito. Marami ring nagtu-tweet sa akin, may problema nga ba ang relasyon nila ngayon ni Matteo Guidicelli?

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS : Joey De Leon in ABS-CBN, with Kris Aquino, Gerald Anderson and Toni Gonzaga!

Tuesday, November 29, 2011

In all fairness, akala ko hindi ko na makikita si Joey de Leon at maku-kumpleto ang TVJ "I Love Darla". Thanks to the movie Won't Last A Day Without You, muling tumapak sa ABS-CBN si Joey. Ang bait niya pala grabe, bukod sa napakahusay at talino nang tao. Walang ka-yabang yabang sa personal. At congrats kay Toni Gonzaga bilang siya raw ang babaeng Joey De Leon hehehe! 
Text DARLA ON to 2366!




Click here for more photos.

Read more...

The KC Concepcion and Piolo Pascual Break Up : The Sad Ending of a Fairytale

Sunday, November 27, 2011


Lahat tayo naging saksi sa love story nina KC Concepcion at Piolo Pascual, kwento ng isang "prinsesa" at isang "prinsipe" na ang tingin ng lahat isang modern day fairytale. Mula sa ligawan, hanggang sa pormal na pag-amin ni Piolo, nakasubaybay ang buong bayan sa kanila. Lahat umasa - at umaasa - na sa happy ending mauuwi ang kwento. Pero a few months ago, nagsimulang kumalat ang tsismis... ang rumors tungkol sa pagkakalabuan hanggang sa hiwalayan daw ng dalawa. Both chose to keep mum on the issue. Hanggang sa isa sa kanila, hindi na nakayanan ang sakit. KC Concepcion finally broke her silence, in an explosive and much-awaited tell-all interview on The Buzz, with Boy Abunda. At narito po ang kabuuan ng naging pag-uusap nilang dalawa.

October 21, 2010. Ang date kung kelan daw naging formal ang relationship nina KC & Piolo. Isang alaalang painfully, binalikan ni KC as she opened up her heart to Tito Boy and the viewers.
"Actually simula nung 18 ako tinry na niya akong ligawan. But then in the the last three years talaga since bumalik ako from abroad, siya yung unang bumungad sa akin, siya at saka yung barkada niya yung una kong nakilala... Two years kasi ako Tito niligawan ni PJ, on and off. So talagang sa loob-loob ko sabi ko, sabi nila kailangan mo talagang kilalanin yung tao muna so yun yung ginawa ko na talagang kinilala ko siya. Simula ng Lovers in Paris na sinasabi niyang he wants to get to know me more than a friend... May mga times pa na mga 3 months hindi kami nag-uusap tapos biglang bumalik siya tapos nanligaw na talaga."

Ang pagdidilly-dally ni Piolo sa panliligaw sa kanya, gave KC the impression at first na baka hindi talaga sila for each other.
"Baka hindi siya sure sa akin or, parang iniisip mo na lang nung natapos yung Lovers baka kasi break muna kasi nga araw-araw kaming nagkikita. Basta nagde-date na rin ako ng iba na non-showbiz naman, so hindi na alam ng tao. And then he came back nung April 2010 and then sabi niya nung birthday ko, pinuntahan niya ako sa beach and then sabi niya sa akin, give me another chance."

And she gave him another chance.
"Opo naman. After that by October 2010, he asked me to be his girlfriend. For me ano lang, babae lang ako na niligawan, kinilig nang sobra kasi di ba tingnan ka lang ni Piolo nang konti, talaga namang di ba as a girl kikiligin ka talaga. As I always say, ikaw ba ligawan ni PJ? Or somebody na kasing bait niya? Or somebody na ganyan kagwapo? At that time nagpapakatotoo lang naman ako."




Pero before pa matuloy ang kanilang relasyon, both were told by their friends na baka maling maging sila, na baka hindi sila dapat maging sila.
"Napagusapan namin yan Tito Boy ni PJ, and sinabi rin naman po niya sa akin na meron din namang nagsasabi sa kanya raw na ayaw din nila sa akin for him. So sabi ko po-problemahin ba natin yun? Yung ibang tao? Kasi anyone can have naman an opinion about you, anyone can have an opinion about me. So sabi ko, wag natin pansinin yung ibang tao if anything, ako sasabihin ko sa iyo. I trust you, so let’s make it a point na kung anuman yung sasabihin mo sa akin, kung anuman ang sasabihin ko sa iyo, yun ang paniniwalaan ko."

But the best thing in their relationship, considering that this was KC's first "showbiz relationship"...
"I think the best thing is that natuto ako na parang, mas naging mas mature talaga ako sa relationship na ito. First relationship ko rin na seryoso talaga to the point na may mga bagay na hindi naman kumportable, nagagawa mong tanggapin kasi mahal mo and you choose to accept... Mas naiintindihan ko kung ano yung pagmamahal. It sounds corny pero yung mas accepting ako."

When Tito Boy asked her to compare the October 21 of 2010, sa October 21 ng taong ito... KC said na maraming bagay ang naging clear to her, kung ano yung mga kaya at hindi niya kayang gawin.
"Bilang babae na minsan (pause) uhm, kailangan mo rin intindihin yung sarili mo kasi bigay lang ako nang bigay, saka iniintindi ko lahat Tito Boy. Parang masyado akong nagbigay ng benefit of the doubt sa lahat.  Intindi lang ako nang intindi, tanggap lang ako nang tanggap. Yun pala hindi pala dapat ganon."

Why is she speaking up now? Why tell her story now?
"Ang dami po kasing nangyari in the last year na parang bukod sa marami akong natutunan talaga, may mga masasayang moments naman Tito Boy syempre ano lang talaga, hindi kasi ako mahilig magkwento ng problema namin sa iba hangga’t kaya ko pa. And I guess nung time na na-realize ko na talaga na hindi na talaga ito gagana, dalawa o tatlong buwan talaga ako pumapasok sa The Buzz every Sunday or sa ASAP na kunyari okay lang lahat, kasi akala ko mawawala lang siya, na akala ko parang hindi naman kailangan malaman ng ibang tao. Para maayos yung problem but then, talagang pag pumapasok ako tapos  pagdating ng commercial break, hindi ko na talaga alam kung anong mararamdaman ko dahil sa lahat ng pinagdadaanan namin... nagkukulong na lang ako sa banyo. Hindi ko na pwedeng gawin yun eh. Hindi ko na siya kayang mag-isa."


When Tito Boy directly asked her the big question, kung hiwalay na ba sila ni Piolo, KC nodded. Yes, it is confirmed. Break na silang dalawa. And the next big question is, WHY?

Read more...

One of the most promising loveteams today, Kathryn Bernardo and Daniel Padilla!

Saturday, November 26, 2011

Abangan sila sa Gandang Gabi Vice ngayong Sunday! Text DARLA ON to 23666!


CLICK HERE for more photos!

Read more...

Luis Manzano finally admits relationship with Jennylyn Mercado!


Finally, matapos ang exclusively dating... ang mutual understanding... inamin na ni Luis Manzano na pormal na silang magkasintahan ni Jennylyn Mercado! 

"Sabi ko nga life has its way of surprising us, pero we still have a long way to go... Kumbaga before, we had our feet sa grey area. Pero ngayon kumbaga, we know where we stand," ang pahayag ng tv host-actor.



Paano nangyari ang 'formalization' ng kanilang relasyon?
"Kumakain lang kami eh, ano okay na? Okay na? It was a very nice moment,  it was a very nice moment."

What made him choose that moment naman?
"Di ba sinasabi nga nila when everyone’s asking, ang sinasabi ko when the time comes mangyayari yun."

Dahil ba sa panibagong love story na binubuo niya ngayon with Jen, na Mats kung kanyang tawagin, ay burado na ang lahat ng pains na naidulot sa kanya ng previous relationships niya?
"Ayoko naman sabihin na… Once I say na pain, parang ang dami namang may atraso sa akin, hindi. Kumbaga sa lahat ng failed attempts... But right now let's say na it’s a very, very clean slate, with a very, very fresh start."

Ano naman ang mga katangian ni Jennylyn na gustong-gusto niya?
"She's very, very malambing. At very, very maalaga. She bakes and she cooks for me, ako mga once or twice lang ata ako nakapagluto sa kanya. Kahit gaano pa tayo katanda o ka-jaded sa pagmamahal, meron pa rin tayong inner baby na gustong inaalagaan."

"Well obviously I'm happy and it exudes, yung aura mo marami ang nagsasabi, hindi po ako, na apparently blooming ako. So I guess yung happiness na yun, it translates to how I am, how I act, how I talk. It gives you that extra... extra gusto," pagtatapos ni Luis.

Courtesy : The Buzz

Read more...

Over 40 EXCLUSIVE PHOTOS : Regine Velasquez and Ogie Alcasid's Baby Nate!

18 days ago nang isilang ni Regine Velasquez ang baby boy nila ni Ogie Alcasid na si Nathaniel James, o si Baby Nate. Maraming beses nang umikot sa internet ang ilang photos ni Baby Nate, pero para sa mga di pa nakakakita o gustong paulit-ulit na titigan ang super cute na baby ng Asia's songbird at ni Ogie, heto po. Maraming salamat sa manager ni Ogie na si Leo Dominguez for allowing me to post these photos here. 

Text DARLA ON to 2366!










CLICK HERE for more photos!

Read more...

Ang ULTIMATE PASABOG na sasagot sa MALAKING TANONG ng bayan... KC CONCEPCION tells all! THE BUZZ, 11.27.11!

Friday, November 25, 2011

video

Read more...

Exclusive BTS Video : Enchong Dee!

Monday, November 21, 2011

video

Read more...

Exclusive BTS Videos : Pokwang!

Sunday, November 20, 2011

video
video

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS : Tuloy po tayo, sa bahay ni Ara Mina!

Heto po ang silip sa bahay ni Ara Mina, as featured sa Kris TV. Thanks Ara for allowing me to post the photos here. Bongga! In fairness, ang ganda at maalaga talaga ni Ara sa house, as in consistent. Nakita ko na rin kasi yung dati niyang bahay, and talagang pinanindigan niya ang pagiging malinis at masinop sa gamit. Oh, baka may interesado pala, FOR SALE raw itong bahay niyang ito. 

Text DARLA ON to 2366!




Click here for more photos! 

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

recent viewers

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP