"Parang nanay ko na po yun," Baron Geisler sa isyung pangha-harass diumano niya kay Cherry Pie Picache

Wednesday, January 19, 2011

Pinaka-mainit na isyung usap-usapan ngayon, ang diumano'y pagwawala ni Baron Geisler sa set ng teleserye nilang NOAH, dahil sa pagdating daw nito sa set na lasing. Hindi pa man natatapos ang mga kasong kinasasangkutan ng magaling na aktor dahil sa diumano'y pangha-harass habang nasa impluwensiya ng alak, panibagong hinaharap nito ngayon ang diumano'y aksidente niya namang pagkakahawak sa dibdib ng kasamang aktres sa Noah, na si Ms. Cherry Pie Picache. 

Ayon pa sa ibang reports, diumano ay naging "rough" ang pag-asal ni Baron nung araw na iyon. Nasobrahan din daw ang pakikipag-harutan nito sa mga kid stars ng serye na sina Zaijian Jaranilla at Xyriel Manabat. Maging ang isang staff ng programa ay diumano'y hinalikan at hinawakan ni Baron sa maselang bahagi ng katawan nito. 

Ms. Pie's photo courtesy of ABS-CBN.com

Kanina sa report ng TV Patrol, habang nasa hearing sa Bocaue, Bulacan kaugnay ng kaso naman niya involving Yasmien Kurdi, itinanggi ni Baron ang akusasyong pambabastos niya kay Cherry Pie. "Parang nanay ko po yun... yung mga kasamahan ko sa taping, sa trabaho hindi ko binibigyang malisya," paliwanag ng aktor. Dagdag pa niya, isang "kagalang-galang" na babae ang tingin niya kay Cherry Pie. 

"Yung character ko po ay isang unggoy na mahilig magwala, yun lang po ang ginawa ko, in character lang po ako," depensa pa ng aktor sa isyung nahawakan diumano niya sa dibdib ang aktres. Sinabi pa niyang sa eksenang may ina-abduct, may iba na nasasakal pa nga raw ang bini-biktima.

Emosyonal naman ang boses ng aktor, nang amining nasasaktan na siya sa pag-atake ng ganitong intriga sa kanya. "Sawang-sawa na po ako sa mga balitang walang katotohanan, ayaw po nila akong bigyan ng pagkakataon na magbago... Dun po ako nasasaktan ng sobra-sobra." Sa isyu naman nila ni Yasmien, pinanindigan ni Baron na hindi siya hihingi ng paumanihin lalo pa't alam niyang nasa tamang side siya. Mula naman sa push.com.ph, sinabi raw ng manager ni Baron Geisler na this week ay ipapasok nila sa isang rehabilitation center ang aktor.

Source : TV Patrol, January 19, 2011

5 comments:

Anonymous,  January 21, 2011 at 2:18 PM  

@ baron Trust in the power of God.always pray. i know you as an actor but were not know each other personally,i am a fun of you but i fell what you've felt.alam ko you are known for harassed person for so many accuses but still only God can bring you up. put God above all and you will be forgiven. alam ko na your longing for your career at sa tingin ko naman hindi ang tipo ni cherry pie ang e ha harassed mo....keep on praying and Goddluck
@ Cherry pie look for your same age na irereklamo wag naman ang mas bata pa syo haller gurang kna.......mahiya ka nga.....for your information your an actress at kahit na sinong artista pwede ka hawakan at masagi..nasagi ka lang ni baron harassment...na try you na nga ang bed scene,kissing scene at body contact sa halos lahat ng artista pa virgin ka parin.........wake up
Goodluck na lang syo

Anonymous,  January 21, 2011 at 7:22 PM  

tama..goodluck nlang sa lahat ng artista.especially kai anne curtis..from your idol,

Anonymous,  January 21, 2011 at 8:37 PM  

@2:18 IT DOESN'T MEAN MAS MATANDA AT NAHARASS KA NG BATA SAYO DI KA NA MAGREREKLAMO. OKEY KA LANG? NARINIG MO BA ANG BALITA LAST MONTH 75YEARS OLD NA RAPED AT PINATAY NG 22YEARS OLD LANG BECAUSE THE GUY WAS INFLUENCED OF DRUGS. ilang babae pa ba ang kailangang maharrassed ni baron ang gusto mo para e reklamo siya? ibang klase ka rin magisip ano? may pinag-aralan ka ba? UTAK TALANGKA KA! SUMAMA KA DUN KAY BARON!

Anonymous,  January 22, 2011 at 5:18 AM  

yong isa dito hindi naman si Anne Curtis ang pinaguusapan sinisingit niya, papansin. Hello Darla bigyan si Anne Curtis ng post niya para yong fan niya hindi mukhang kawawa na sinisingit kahit saan yong idol niya!

Anonymous,  January 25, 2011 at 7:34 AM  

hay naku ganun naman talaga nag iiba ugali pag under influence nang mga bisyo. d2 nga sa US uso uso yang mga ganyan like Lindsay Lohan. pabalik balik sa rehab at kung sino sino na..ganun talaga ang takbuhan ng mga artista pag me problema.

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP