BRENNA and CLARENCE, Star Circle Quest's Grand Kiddie Superstars!

Saturday, February 19, 2011

Matapos ang pag-aabang ng buong bayan... at ang pagsuporta ng lahat sa kani-kanilang bet na kiddie questors... Kanina sa SCQ Grand Questors' Night ay nagka-alaman na kung sino sa Magic Circle of 6 na sina Brenna, Veyda, Maurice, Clarence, Jelo at Kristoff ang pinakamagsha-shine!


Walang duda, lahat napasayaw sa galing ni Brenna sa dancefloor, with her beauty na hinaluan ng super astig na facial expressions... Siya ang dineklarang  SCQ Grand Girl Kiddie Superstar!


Patuloy namang pinasaya ni Clarence ang lahat with his knock, knock jokes na puro pagkain ang laman! Lahat talaga namang gusto siyang yakapin at pisil-pisilin! Kaya ganun na lang ang saya ng marami niyang supporters nang siya ang tanghaling SCQ Grand Boy Kiddie Superstar!

Congrats Brenna and Clarence, at maraming, maraming salamat po sa lahat ng tumutok at sumuporta sa season na ito ng SCQ Kids mula pa noong simula. The Magic Continues! Hanggang sa susunod!

1 comments:

anzhelahr February 22, 2011 at 9:21 AM  

goooooh ,gooooh ,clarence hhaha sana pg butihan mo ang pagiging childstar,,

wag kang mag alala, marami kami sumosuporta sau..:))

"anzhelahr"

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP