"Matagal na matagal ko na siyang gustong makausap... Gusto ko talagang mag-sorry sa kanya," Sarah Geronimo sa pagbabati nila ni Cristine Reyes

Sunday, March 20, 2011


Magandang balita talaga ang naging pagbabati kanina sa backstage ng ASAP ROCKS nina Sarah Geronimo at Cristine Reyes. Sa kumalat sa Twitter, sinabing nagyakapan at halos magka-iyakan pa ang dalawa. Sa live interview sa kanila ni Gerald Anderson kanina sa The Buzz for the promo of their movie Catch Me... I'm In Love na ipapalabas na sa Wednesday, detalyadong kinuwento ng two-time box office queen kung paano silang nagkabati ni Cristine.

"Matagal na matagal ko na siyang gustong makausap, matapos ang lahat ng gulo, gusto ko talagang mag-sorry sa kanya... walang pagkakataon po kasi eh, para masabi... masyado pong masakit yung nangyari, kung ako yung mauuna ganun. Pero ako sa sarili ko, nun pa gusto ko nang mag-sorry para matapos na at ah, alam kong nasaktan din siya. Kaya kailangan ko ring mag-apologize," pagsisimula ni Sarah.


May nakalimutan daw sila sa dressing room - eyeliner, nung time na yun at nung pabalik siya nangyari ang pagku-krus ng landas nila ni Cristine. "Eksakto palabas si Cristine, so nagkatinginan kami, na-ano pa siya, umiwas pa siya. Sabi ko "Cristine," nagulat siya. Syempre may takot din sa akin, ano kaya tatanggapin kaya niya? O baka masaktan kaya ako? Ano kayang mangyayari? So niyakap ko na lang siya... hindi ko na siya pinakawalan," ang sincere na kwento ni Sarah.

Sa pagsasalita niyang ito, nilinaw na rin ni Sarah ang mga lumang issues na hindi niya ansagot noon. Katulad na lamang ng pag-approach niya raw minsan kay Rayver, na ang intensyon lang naman niya ay ipakita sa lahat na okay na siya, okay na sila as friends. Kasabay nito, ipinaliwanag din ni Sarah ang naging joke niya noon sa rehearsals ng ASAP ROCKS tungkol sa magagaling sumayaw na habulin ng seksing babae, kung matatandaan niyo, ito ang naging simula ng naging maaanghang na pahayag ni Cristine noon sa Twitter. 

"Merry Christmas Ray, naaalala mo pa ba ako? Sarah! Ganun lang po, wala akong intensyon na para, makipag-flirt sa kanya ganun? Walang ganun po. At yung biro ko sa stage na yun during rehearsals, sine-set ko lang yung mood na okay na tayo... saka yung joke ko na yun for John (Prats) and Rayver kasi totoo naman yun na yung mga magagaling sumayaw lapitin talaga ng magaganda at seksing babae. Si Rachelle (Ann Go) sexy, si Cristine sexy, maganda. Yun lang po wala akong ibang ibig sabihin dun, at yun ang gusto kong ipaliwanag kay Cristine," sabi ni Sarah.

Si Mommy Divine sa early part ng interview ni Sarah kanina sa studio ng The Buzz.
Idinagdag din ni Sarah na matapos silang magka-ayos ni Cristine, ay nagkita rin ito at ang ina niyang si Mommy Divine. Nag-sorry rin daw ang sexy actress sa ina ni Sarah. "Sabi ko, Cristine, naiintindihan kita, in love ka eh. Nangyari rin sa akin yan noon... Ay sorry Mommy," dagdag ni Sarah sabay pabirong sorry kay Mommy Divine na nandoon din sa studio kanina. 

Ang saya naman ng balitang ito. Lahat talaga ng gulo, naaayos. Love you Sarah and AA! 

29 comments:

michelle,  March 20, 2011 at 8:51 PM  

hinangaan talaga kita sarah! Napakabuti ng puso mo. sana marami pang tao ang maging kagaya mo! God will bless you even more!

Anonymous,  March 20, 2011 at 9:04 PM  

bakit bitin ang interview ni sarah at gerald sa the buzz.. hindi ko na napanuod itong part ng interview na ito. pinutol ba talaga?

Anonymous,  March 20, 2011 at 9:10 PM  

But the way Cristine was asked by gossipboy (w/c known to be her friend btw) mukhang sya pa ang na stress dahil sa nangyari. I just really hope Cristine is sincere sa pagbabati nila.

Carmina March 20, 2011 at 9:11 PM  

This proves once again why I am a Sarah Geronimo fan! My admiration has tripled. No matter what, Sarah you have my/our support forever! Godbless!

Anonymous,  March 20, 2011 at 9:17 PM  

kahit si Boy Abunda sa interview at sa start pa lang ng the buzz favorite tlg nya si Cristine... hay naku.. si sarah kahit siraan nyo lumalabas pa din ang totoong ugali... mabuting tao at pinalaki ng maayos. sa fame na meron sya.. kung di dahil sa values na tinuturo ng magulang nya.. baka bumagsak na din sya sa tagumpay nya..

Anonymous,  March 20, 2011 at 10:04 PM  

yey! sana totoo na to sincere si sarah ih. sana same din si cristine. happy for my idol na ok na xa at ok nasdin ang lahat sa paligid niya. :)) agree ako sayo carmina. :">

Anonymous,  March 20, 2011 at 10:08 PM  

grabe ang kababaang loob na ipinakita ni SARAH GERONIMO sa pakikipag-reconcile niya kay cristine! thumbs up, Ms. SARAH! dapat ka talagang tularan di lang ng mga kabataan pati na din ng mga katandaan,,, kaya IDOL kitang talaga! we love you!

jo March 20, 2011 at 11:25 PM  

ur such a good person sarah.. i super admire u as a person.. goodluck s lahat ng gagawin mo.. nawa'y matapos n mga nega s issue n to at sana tlg sincere c cristine ng batiin sya di sya mging plastic! sana tlg matapos n to.. bait bait ni sarah pr s ganitong klaseng issue

Anonymous,  March 21, 2011 at 4:11 AM  

kaya nga kung bakit idol ka ng papa ko,dahil sa napakababang loob.gustong gusto ng papa ko si sarah....last na uwi ko ng pinas ang sabi nya si sarah lang ang dahilan kaya minsan napapadako siya sa paglipat sa channel 2 para makita si sarah.

Anonymous,  March 21, 2011 at 5:34 AM  

good job sarah..we love you so much..ibang klasi ka..goodluck sa movie and we are here to support you all of the time....IDOL.

Anonymous,  March 21, 2011 at 7:00 AM  

Hindi kaya ginagawa lang ni Sarah to para sa promotion ng movie niya! Nagtatanong lang po?

Anonymous,  March 21, 2011 at 10:15 AM  

gimik ni sarah...alam ng lahat ang power tripping niya sa abs-cbn noh!

Anonymous,  March 21, 2011 at 1:51 PM  

Congrats Sarah! It takes a lot of courage and maturity to do what you did...to apologize even if you were insulted, publicly maligned and even wished to be dead! Just shows the goodness of your heart.I'm not a fan of Sarah but in this controversy, i take her side. It's not an excuse, NEVER an excuse to insult someone because you are hurt. You always lose if you let your temper rein you in. Showing restraint will gain you respect, as in Sarah's case...Keep up the good work Sarah and to Cristine, may you learn to practice humility and restraint in the future..

Anonymous,  March 21, 2011 at 1:56 PM  

may movie kasi kaya ganoon!

Anonymous,  March 21, 2011 at 8:28 PM  

Sarah will do anything for publicity.... act humble, say sorry ... oh, how sincere ;).... it all boils down to her and her family's belief in
doing everything for money. Halatang-halata ka naman, Sarah. Napaka-fake mo. Gagawa ng issue just for people to talk about her. Bulok style. And before Sarah's crazy fans start bashing, I'm no fan of Cristine Reyes either.

Anonymous,  March 21, 2011 at 8:32 PM  

I wonder who's next on Sarah's fans list of people to bash next (after Bea ALonzo, Charice, Shaina Magdayao, Cristine Reyes, Angeline Quinto, etc.). Kim Chiu?

Anonymous,  March 21, 2011 at 8:47 PM  

you guys are HATERS leave her alone... genuinely good person

Melissa E. March 22, 2011 at 12:08 AM  

Geez... Get to see who are the Anti- sarah Fans. Get a life. Can a person be sincere and be the first person to step forward and move on. You guys there are keep this issue alive... You guys are so bored eh that you guys want to keep this alive. Grow up!

Sarah and Cristine - Awesome to see that you guys don't hate each other. Everything happens for a reason. I hope everyone moves forward and be happy.

Sarah G - You are true woman who can stand and say sorry even if you have been hurt. I salute u. I wish u happiness and love. I know u will find that person who is perfectly fits for u.

Anonymous,  March 22, 2011 at 12:21 AM  

Yung mga haters dyan, isipin nyo n kung anong gusto nyong isipin.. Sarah's a nice person... Maraming nakakakita nun. Di nya kailangan ng promotion sa ganitong paraan...duh pangalan pa nga lng nya kilala halos lahat ng tao sa Pinas.. Eh lalo pa bagay talaga tandem nila ni Gerald.. Di nya kailangan gumawa ng eksena para lng kumita noh.. Mga concerts at movies nga nya laging blockbusters eh asan yung gimik sa mga yun...di nmn nya ginusto n magka- issue noh... Hay mga haters nga nmn hilig mang husga!

Anonymous,  March 22, 2011 at 7:15 AM  

gimik, para sa movie niya, so sad!

Anonymous,  March 22, 2011 at 9:33 AM  

yes, pa humble effect kuno ang gimik ni sarah geronimo sa movie niya, kawawa naman sya, can't you think of something else to promote the movie like the movie itself not the personal issues, kung gusto ni sarah makipagbati why not do it in private bakit kailangan pang i broadcast, gimik talagang lumalabas at hindi bukal sa puso ni sarah, ginamit pa si Cristime at Rayver, gimik mo sarah bulok.

Anonymous,  March 22, 2011 at 9:38 AM  

gimik like your movie, because I'm fooling, fooling the fans again, and I do believe i'm fooling , fooling once again, yan ang theme song ng movie, you cannot fool the fans again. You can fool them once but not all the time. Catch me, I'm fooling, fooling the fans again and I do believe I'm fooling the fans again.

POV March 22, 2011 at 9:47 AM  

ahahaha..ang mga bitter nga naman, ndi matanggap na mabuting tao si sarah kasi nga they hate her..

seriously, get a life..and lighten up..haha baka gumuho na lang ang mundo at puno pa rin ng hatred yang puso niu (or my puso nga ba talaga kau?)

Peace Ya'll...

Anonymous,  March 23, 2011 at 12:12 AM  

di na kailangan ni Sarah ng ganitong gimik noh.. alam nyang matatalino fans nya.. Big star kaya sya duh! Ang lakas nya sa tao bakit kailangan nya ng gimik... Ay super excited n ako sa movie nila ni Gerald...Godbless sana super blockbuster ulit..

Anonymous,  March 24, 2011 at 2:15 PM  

ahaha wala ng ningning ang ilaw ni sarah, five years lang ang kinang niya hahaha, nothing last forever hahaha isip na lang kayo ng ibang gimik hahaha

Anonymous,  March 25, 2011 at 12:16 PM  

bakit mo binati si cristine sarah.....? lam mo ayaw na ayaw na namin sya.....di na siya sikat...dahil nagpakasama palang ugali niya..CRISTINE REYES ..HINDI NA SIKAT!!!!!!

mcm,  March 27, 2011 at 1:43 PM  

You're not famous if you don't have haters so to all the bitter people up there, karma is a bitch so you better be careful of what you say. I don't think it's a publicity stunt at all, all the people who worked with Sarah praised her for being professional and very down to earth. Diba nga they met when Sarah was on her way to the dressing room so malamang may nakakita and then they tipped The Buzz. Sarah didn't even mention anything about it, Boy Abunda opened the question and Sarah only answered, what's wrong with answering a question?

Anonymous,  April 16, 2011 at 12:19 AM  

HAYAN,,KASE,,ANG KLANDIAN NG MGA TAO,,NG MGA STARS,,,KE BABATA PA,,JOWA DITO,,DUN,,JAN,,AYAN,,NAKASIRA TULOY KINA SARAH-CRISTINE AT RAYVER ANG ISYUNG WALANG KWENTA NA IYAN,,WAHAHAH.KE BABATA PA KASE,,DI MUNA,,MAG FOCUS SA WORK AT MAG IPON,,SAYANG!NAKASIRA SA IMAGE NI SARAH,,,NAGMUKHA SYANG LIAR AT MALANDING PATAGO,,HEHE,,,ITONG SI CRISTINE NAMAN NOON PA SIRA NA IMAGE NYA,,DURING DENIS TRILLO PA,,HEHEHE...KAKALOKA SILA,,SI RAYVER PA,,WALA NAMANG APIL IYON,,WALA LANG,,,

BUT WE ADMIRE PIPOL NA MARUNONG MAGPATAWAD AT MAG PAKUMBABA,,TAO TAYO DIBA,,SI GOD LANG ANG MAY KARAPATANG MAGMALAKI,..SAKA,,WALA NAMANG KWENTA AWAYAN NILA,,IMMATURED SILA,,,WAHAHAAAA..

NOW,,OK NA,,LIFE MUST GOES ON,,WALA NA,,TULOY ANG WORK,,AT LIFE,,BATA PA KAYO,,SO,,FOCUS AT FOCUS,,OK,,WAG MAGBILANG NG JOWAHAN,,HEHE..EWWW

Anonymous,  April 16, 2011 at 11:17 AM  

HI MS DARLA SANA MAG UPLOAD KARIN NG MGA PICTURES NG STAR MAGIC US TOUR AT SAKA ANG PIC NI KC AND PIOLO WHEN THEY MEET IN NEW YORK SANA PAGBIGYAN MO KAMI MGA FANS..

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP