"Nakakatensyon yung duet namin, nanginginig yung tuhod ko..." Sarah Geronimo on production number with Angeline Quinto sa ASAP ROCKS

Sunday, March 13, 2011

As expected, nagsisimula nang i-compare sa isa't isa ngayon sina Sarah Geronimo at ang Star Power's first grand winner na si Angeline Quinto. Nagkataon kasing naging magkalaban na sila noon sa Star for a Night, kung saan si Sarah naman ang tinanghal na champion. 


Now na nagkakasama na sila sa ASAP Rocks, at nagshi-share muli ng entablado, umugong ang intrigang threat na raw si Angeline ngayon sa career ni Sarah. Pero sabi ng Popstar Princess, "masama yung iniisip na may threat... Baka ma-psycho ako, hindi eh... Hindi maganda yung ganoong ugali..."

Kung tutuusin kasi, happy raw si Sarah sa tagumpay ngayon ni Angeline. "Ay masayang-masaya ako for Angeline, sabi ko nga sa kanya, sa wakas... talaga kasi, lalo na nung narinig ko yung istorya niya... masakit, masakit sa aking malaman na ganun yung nangyari. At ito ngang pagka-panalo niya, ay sobra akong natutuwa," pahayag ni Sarah.

Humble naman na inamin ng reigning Box Office Queen na sa unang duet nila ni Angeline sa ASAP Rocks ay kinabahan siya. "Nakakatensyon yung duet namin, nanginginig yung tuhod ko... Kasi hindi naman kasi kami dapat kabahan pero alam mo na, parang laging ganun, may nagsho-showdown. Parang contest ulit... Pero sana hindi na ganun sa susunod na production number namin together. Para mas magawa namin nang maayos," ang mapagkumbabang pag-amin ni Sarah.

"Kailangan mong i-sustain kung ano yung meron ka... ipagdadasal mo rin kung ano yung plano sa'yo ng Diyos. Ganun, at saka healthy competition lang," dagdag pa ni Sarah na naiintindihan naman kung bakit may ibang pilit silang pinagtatapat ngayon ni Angeline. Bilib naman daw talaga siya kay Angeline, at ngayon daw ay time nito to shine. "Tapos na ako eh, kailangan pangalagaan ko na lang kung ano ang meron ako," sabi pa ni Sarah.

Go SG! Positive lang lagi! Dedma sa intriga, good luck sa CATCH ME... I'M IN LOVE, na showing na this March 23! 

Source : The Buzz

18 comments:

sugarfree March 13, 2011 at 9:24 PM  

nasira na ang boses ni sarah eh. basag at hirap na hirap syang abutin ang matataas na notes.. kung pinipilit nya, lumalabas at lumalaki ung ugat nya sa leeg.

at tsaka, hindi na kagaya ng dati ung quality

tama.. pangalagaan na lang kung ano meron sya.. meron kasing isang soprano singer before na pumutok ung ugat sa leeg dahil pinilit abutin ang mataas na pitch kahit di na kaya..

Anonymous,  March 14, 2011 at 5:09 AM  

parang ang layo naman ng comment mo sa article. nalito ako tuloy.. hehe peace

Anonymous,  March 14, 2011 at 6:59 AM  

ang boses ni angeline is makinis at very clear and she can hit the high note at malinis ang voice niya, yung kay sarah parang hindi niya naabot ang mataas na note kaya kung may ear ka for music, halata na nabasag na konti ang boses ni sarah or nawala ang timing niya kasabay ng kanyang paghinga, ang analysis ay kung kung naabot niya ang mataas na note ng malinis at di gumagaralgal.

Anonymous,  March 14, 2011 at 1:39 PM  

Infairness naman, Sarah's voice improved a lot. Mas controlled, mas maganda na yung diction at mas sexy yung low notes nya. Kahit sabihin nating di na masyadong mataas. You can't deny that her voice suits any genre of music w/c is nice because it simply means she can sing & bring different things on the table. =)

jo March 14, 2011 at 7:28 PM  

i love sarah g.. all in one actress, singer, host, good dancer n rin sya ngaun.. ano p hahanapin mo..

Anonymous,  March 14, 2011 at 7:44 PM  

Eto lang ang masasabi ko versatile at one of a kind si sarah bihira k n lng makakita ng singer ngayon na kyang gawin ang lhat ng genre--pop,rap,rnb,jazz, hip-hop etc. na sinasabayan pa ng sayaw. malinaw pa yung diction. At isa p siyang box-office queen, no doubt. malakas ang hatak niya sa masa even after all these years. at hindi mo sya makikitang kakalat-kalat. humble pa siya at god fearing. si angeline naman i'm sure sisikat yan ng bonggang-bongga. POSITIVE LANG TEH. :))

Anonymous,  March 14, 2011 at 8:06 PM  

sana wag na lang silang icompare kasi c Angeline nagsisimula pa lang, si Sarah ang dami nang napatunayan..pareho silang magaling pero i like SG more kasi versatile yung boses niya and marunong din sumayaw..Good luck angeline sa career mo and sana maging succesful ka rin kaulad ni sarah..

Anonymous,  March 14, 2011 at 8:51 PM  

Sarah Gee is Sarah Gee.. I love her...mataas ang boses ni SG pero alam nya kung kelan gagamitin ito. pag nanonood kau ng concerts nya sa araneta dun nyo maririnig. Love her rap love her low notes, high notes, dancing and acting lahat lahat na. I like Angeline too and we have to give her a chance too but please don't compare... Healthy competition ok lang. Mas maganda pagsamahin sila para mas lalong gumanda ang asap like ipalit kay Shin para may segment ulet na pang quality kasi kakamiss na ang magagandang kantahan ng asap :)

Melissa E. March 14, 2011 at 10:48 PM  

I dunno why people is comparing sarah g and angeline. which is so stupid in my opinion. I am a sarah fan but i also like angeline when she won from star power. A voice can change you know when you get older. Plus, if a voice is over used that's cause that voice do weird things. Angeline has still more to experience to be at top and I know she will be there. I like how Sarah support her. At least she is not selfish to share a spotlight on the stage.

Carmina March 15, 2011 at 2:21 AM  

I'm a Sarah fan but I don't hate Angeline. In fact I'm happy for her success. However I don't know why we need to compare the two or why they have to be in a showdown of voices. They have already been in a competition together and we all know who won.
It's not how high a singer can hit the notes but how he/she connects with the listeners. Also it's a matter of preference by the listeners because honestly I don't like "birit" singers or singers who sing as if it's the end of the world if they don't do the "birit" because it takes away from the emotional connection of the singer to the song. A person who likes "biritan" may disagree with me. So the debate between who is the better singer won't end to the point it becomes a useless debate.
I think the handlers or those PR people of Angeline are trying to use the Sarah G comparison to boost her career. However I think it is premature to compare her to Sarah G coz she hasn't proven anything yet except for winning a singing contest that aims to manufacture a star similar to Sarah G's stature in fact even naming the contest Search for Female Pop Superstar as if there is none yet. Duh!
I'm not downplaying Angeline because I believe that she can do it too but I think it's quite unfair to compare her to Sarah G because we all know what Sarah G has already achieved.
Let Angeline shine on her own merit so that she will gain the adulation, success & popularity that she deserves.

Anonymous,  March 15, 2011 at 7:18 AM  

sarah has a 9-year advantage over angeline kaya di puede i-compare. ang similarity lang nila is that they were both "introduced" sa SFAN. angeline's tranformation over the 4-5 months of star power is amazing. just imagine what another year can do for her. she has the potential of becoming a real superstar. di na sila dapat i-compare kasi baka mahinog sa pilit si angeline. give her time and i'm sure she'll soar.

Anonymous,  March 15, 2011 at 1:06 PM  

Bye-bye Sarah :( Hello, Angeline :)!

sugarfree March 15, 2011 at 11:59 PM  

am not a fan of both singers..

honest to goodnezz na analysis lang ng estado ng boses ni sarah today! sira na talaga boses nya.. kaya nga sya pinapakanta ng rnb, jazz etc, kasi di na nya kayang abutin ung mga birit na kanta.. eh eto pa naman ang nagpasikat sa kanya..

walang kumukwestyon kung sino ang mas nauna at kung sino ang maraming napatunayan..

boses ang pinag-uusapan..

Anonymous,  March 16, 2011 at 10:40 AM  

Si Sarah humble? Sure.... and pigs can fly. Go Angeline! Take care of yourself and your voice. When you get to the top, remain humble. Huwag kang tumulad kay Sarah OA.

Anonymous,  March 16, 2011 at 11:09 AM  

off the topic..kung sira boses ni sarah g..anu pa nagyari sa boses ni christian bautista??..nadurog na??!..

Anonymous,  March 16, 2011 at 3:22 PM  

aww! sarah g will always be sarah g. and that cant be change! angeline is just angeline. but i know she'll be a good singer. i dont know why they have to be compare. sarah proved so many things. she is MULTI TALENTED. we cant deny it. so please stop criticizing my idol. so embarassing ! :/

Anonymous,  March 17, 2011 at 6:48 PM  

No need to compare as both are blessed with unmistakable talent. Instead, it would be best to see them support each other and at the same time watch them grow and better themselves as artists. That's why I love ASAP. It shouldn't always be about comparisons and competition. For this specific performance, Sarah's voice was not exactly in tiptop condition, but that is not to say that she no longer has it. Given proper rest, she's fully capable of rendering out of this world concert and live performances. For 9 years, she has truly proven her spot in showbiz and has won me as a fan because of her versatility, poignant performances, and humility. As for Angeline, she has gained my respect in Star Power as well because she too possesses the right mindset and fighting spirit to make her own mark.

Anonymous,  March 24, 2011 at 7:43 PM  

sarah is sarah, angeline is angeline.. di dapat sila icompare... theyre both champions...and pls stop this intruiging issues... theyre friends... crab mentality tigilan na.... Go Angeline....God Bless!!!

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP