Mutya, pangarap magka-bahay, sasakyan at palaruan para sa kanyang pamilya!

Monday, May 2, 2011


Kanina sa The Buzz, sa kanyang first ever talk show live guesting, lahat nakyutan sa bida ng top-rating teleseryeng Mutya na si Mutya Orquia. Kasabay ng pagpapasalamat niya sa lahat ng sumusuporta sa kanilang teleserye, inamin din ni Mutya na ang pangarap niya lang talaga ngayon ay magkaroon ng sariling bahay at sasakyan for her family, at isang palaruan para sa kanya. 

Pagdating naman sa pag-arte, proud at confident ang child superstar na sabihin kay Tito Boy Abunda na walang nagtuturo sa kanyang umarte. Hehehe. Super cute ni bagets as in! Kaya naku friends, tutukan nating lahat ang huling linggo ng Mutya at siguradong mas marami pa tayong mga eksenang hindi dapat palampasin. Congrats sa buong team ng Mutya sa napaka-successful niyong programa!

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP