RICKY RIVERO, nagsalita na tungkol sa pananaksak na sinapit diumano sa lalaking nakilala sa Facebook!

Sunday, June 26, 2011

Ilang araw din nating hinintay ang kanyang salaysay. Ang kwento sa likod ng pananaksak sa kanya ng lalaking nakilala sa raw niya sa Facebook. Ano nga ba ang nagtulak kay Hanz Ivan Ruiz, para diumano'y saksakin ang Mula sa Puso unit director na si Ricky Rivero? Ang krimeng ito ba ay may kinalaman sa pangangailangan ng suspect ng pera? Si Hanz ba ay boyfriend, o naka-relasyon sexually, ni Ricky? Ang buong kwento... ang sagot sa lahat ng palaisipan... mula mismo kay Ricky, sa kanyang first interview matapos makalabas ng ospital. Isang The Buzz exclusive.


Narito po ang naging usapan nila ni Tito Boy Abunda.

BOY : ricky maraming salamat sa pagkakataong ito... how are you?
RICKY : im recovering well... medyo masakit pa yung ibang mga sugat kasi mas malalim yung iba dun sa iba... nung dinala ko sa heart center tito boy parang napuncture yata yung isang area ng lung ko, yung right lung ko so they had to put a tube para magdrain out yung dugo saka para yung hindi magcollapse daw yung lung... so eto yung medyo malalim talaga  
BOY : ricky andaming mga kwentong naglabasan, maraming mga bersyon... ano ba talaga ang nangyari?
RICKY : so nung Sunday pa lang ng gabi nagkakatextan na kami ni hanz na gusto niyang magsleep over sa bahay. Tapos sinasabi ko sa kanya na medyo busy ako... But he was insistent na dun siya matulog... ang sinasabi niya kasi may trabaho siya kinabukasan din sa diliman so parang ako din may taping din ako kinabukasan so sabi ko sige, pero sabi ko mga eleven pa siguro ko pupwede. Sabi niya sige hintayin kita sabi ko okay.
BOY : ito ba’y unang pagkakataon na siya’y nagsabing pwedeng mag sleep… pwedeng makitulog? 
RICKY : no no... this is the third, nakatulog na siya nung una tapos yung pangalawa, it was only Thursday before nung Sunday. Hindi lang natuloy yung pagtulog niya talaga diretso kasi mga past eleven tumawag yata yung step mother niya sa kanya at sinabing dinala yung daddy niya sa hospital so kailangan niyang umuwi./ 
BOY : tapos itong lingo na ngayon, nagtetext text sabi niya pwede ko magsleep over…  
RICKY : then sabi ko sa kanya akala ko ba binabantayan mo yung daddy mo?
BOY : and then what did he say? 
RICKY : sabi niya nasa Caloocan siya. sabi ko sinong nagbabantay dun? Sabi niya yung mommy ko. Eh kamusta na yung daddy mo? Sabi niya lalabas na kinabukasan... which was Monday bale Sunday night kami naguusap eh... Sabi ko sige. Basta magtext text na lang... so anyway to cut the long story short nag usap kami sabi nya mga ten oclock papunta na ko ng quezon city so magkita na lang kami sa may kanto ng edsa saka ng timog... so dun ko siya sinundo, so mga bandang bago mag 12 nasundo ko na siya... so sumakay siya ng kotse nag usap usap sandalI dumating kami sa bahay binigyan ko siya ng pantulog, nanood kami ng tv/ and after mga 30-45 mins sabi ko parehas pa tayong maaga bukas... mag aalarm na ko ng 6:15.
BOY : but in your conversation mula nung sinundo mo siya sa may kanto ng edsa saka timog did he talk to you about needing some help dahil lalabas nga ang tatay kinabukasan? Did he mention to you na buntis ang kanyang girlfriend? 
RICKY : wala wala... wala hindi siya humingi ng pera. Pero nung Thursday night na nagpaalam siya na uuwi siya dahil nga dinala sa ospital yung tatay niya, inabutan ko rin siya na para at least kung may kailangang bilhing gamot, makatulong. Pero that Sunday night wala kaming pinag usapan tungkol… tinanong ko lang siya ulit, sabi ko okay na yung daddy mo? sabi niya  okay na okay na... anyway yun na yun nandun na kami sa bahay... Pinatay ko na yung ilaw... tapos natulog na kami. Ng maayos...
BOY : mga anong oras ito?
RICKY : bago mag alauna...
BOY : and then?
RICKY : and then nagising na lang ako nandito na siya sa ibabaw ko tapos sinasaksak na niya ko ng sinasaksak. Nung nakaganito na ko nung dumilat ako nakita ko na siya dito sa ibabaw ko akala ko para kong binabangungot.... parang inaano ko sa utak ko gising gising and then tuloy tuloy lang siya sa pagganun saka ko lang na ano.. na this is happening na... so sinimulan ko na siyang labanan tapos sinasabi ko sa kanya bakit mo ko sinasaksak?! Bakit mo ko sinasaksak?!
BOY : anong sinasabi niya?
RICKY : di siya nagsasalita basta tuloy tuloy lang siya sa pagsaksak sakin
BOY : walang sound as in tahimik siyang sinasaksak ka?
RICKY : wala wala hindi siya nagsasalita basta tuloy tuloy lang siyang ganun nanggigigil lang siya... so sumastruggle kaming ganun hanggang sa nahawakan ko siya sa wrist... nahawakan ko siya nabaligtad ko yung pwesto so ang nangyari samin mula sa nakaganito ko na umiiwas ako, kasi nakikita ko na wala kasi kong tshirt nung natulog ako nung gabing yun eh/ so nakita ko na ang dami ko nang dugo... so nung nahawakan ko siya sa wrist nagbaligtad kami ng puwesto. 
BOY : anong gamit niya? 
RICKY : eto eto yan ganun 
BOY : paano Ito, paganun o paganun?
RICKY : yan tama na tama na [ganun pa rin siya ganun pa rin siya ng ganun hanggang sa nahawakan ko siya naganun ko siya ngayon so nagbaligtad kami ng pwesto. so eto na siya ngayon... so nung napindown ko na siya [pero dumudugo] oo dumudugo. nakita ko wala na yung kutsilyo sabi ko bakit mo ko sinasaksak tama na tama na. tapos nakikita ko sa mukha niya na para siyang nacoconfuse eh. Nagdie down yung rage eh nagdie down yung rage 
BOY : pero there was rage ha? May galit? nanlilisik ang mata?
RICKY : galit. gigil na gigil siya sa pagsaksak sakin talaga eh... sa isip ko anong nangyari? Parang maayos tayong natulog wala naman tayong pinag awayan? So nung time na nagsubside yung rage niya tumakbo ko ng banyo kasi puro dugo na ko, kasi gusto kong Makita kung gaano karami nang tama yung meron ako...
BOY : tumakbo ka sa banyo ibig sabihin malakas ka pa rin ha? 
RICKY : wala kong naramdam wala kong nararamdaman 

Click HERE to continue reading!

RICKY : pagtakbo ko ng banyo binuksan ko yung shower tumama yung tubig sa tiyan ko nakita ko na andami ko ng tama sa tyan andami ko nang tama sa tagiliran sa chest area. Sabi ko sa isip ko kailangan ko na pumunta s ospital... paglabas ko ng banyo kukunin ko na yung susi ko sinalubong niya ko ng tuwalya tapos tinalian niya ko sa leeg... pagsalubong niya ginanyan niya agad yung tuwalya tapos nahiga kami parehas sa sahig so nandito siya sa likod eto yung tuwalya
BOY : ano yung kanyang intensyon?
RICKY : dito nagsalita na siya ang sabi niya sakin kailangan ko ng pera, mamamatay yung tatay ko bigyan mo ko ng pera... that was the only time he started talking and sabi ko sa kanya, oo bibigyan kita ng pera pero kailangan ko nang pumunta ng ospital ngayon na. tapos nagstruggle kami nakapumiglas ako hindi ko alam kung paano ko nakapumiglas, nakuha ko yung susi ng kotse ko, yung bag ko tapos tumakbo na ko palabas ng unit ko
BOY : natakot ka sa kanya?
RICKY : actually lahat tito boy lahat nung takot ko andun sa saksak eh. Lahat nung takot andun sa nung tinatuwalya na niya ko hindi na ko masyadong natatakot...
BOY : hindi ka sumigaw?
RICKY : sumigaw na ko nung nasa labas na ko nung unit... 
BOY : you found your key, you walked out of your place hindi ka hinabol? 
RICKY : sumunod siya lumalakad siya pasunod... so nung patakbo ko sumisigaw na ko nakita ko na sumusunod siya sa likod ko... so by the time na sumisigaw ako nakita ko yung isang kaibigan ko may kainuman dun sa may tapat na building paglabas ko, sabi niya o pare anong nangyari? Sabi ko sinasaksak ako sinasaksak ako nito and then eksakto nakita ko palabas na siya nung gate so nakita ko parang sinusuntok na siya ng kaibigan ko. Ako dumiretso na ko sa kotse ko nagdrive off na ko papunta ng heart center... 

BOY : so kailan ka nahimasmasan?
Ricky : nung time na nagdadrive ako papunta ng heart center, yun yung pinagdadasal ko…sabi ko  [cracky voice] lord wag lang ako mawalan ng malay tao, makarating lang ako ng ospital ng may malay tao... yun yung pinagdadasal ko umabot lang ako ng er, di ko alam kung gaano kalalim yung tama pero umabot lang ako ng er lord. Nakarating ako ng er... I was awake hanggang makalipat ako ng st lukes. Hinihintay ko yung word na “stable na siya.” 


BOY : ricky anong gamit  niya na kutsilyo?
RICKY : it was a steak knife it was my steak knife
BOY : so it wasn’t a bread knife katulad ng sinasabi ng iba... so matalim?
RICKY : matalim talaga hindi lang mataba yung blade [pero manipis yung dulo] oo yung patusok din yung dulo...
BOY : ilan ang stabbed wounds?
RICKY : according sa doctor 17. eto nandito, eto dito eto dito saka eto dito sa leg hanggang dito saka eto yung sa mga arms...

BOY : what he’s trying to say here is that hindi niya alam ang kanyang ginawa...
RICKY : [laughs] pu-pwede ba yun? Siyempre may malay tao siyang nagsstruggle kami… ang tagal nung struggle namin sinasabihan ko siya na tama na bakit mo ko sinasaksak bakit mo ko sinasaksak saka gigil na gigil siya ayaw niyang tigilan yung pagsaksak sakin eh...
BOY : so itong sinasabi niya na hindi niya alam ang kanyang ginagawa ay isang malaking kasinungalingan oo o hindi?
RICKY : siya lang ang makakasagot niyan . di ako naniniwala diyan/

BOY : nung nagkita kayo, hindi ba siya mukhang nakadrugs? Lasing?
RICKY : hindi siya nakainom, that im sure of, yung drugs hindi ko masabi maayos naman siyang kausap lagi naman kasi hindi naman siya madaldal talaga eh tahimik siyang tao
BOY : pero walang indication na nakadrugs ito?
RICKY : wala wala...
BOY : nung naguusap kayo mula sa timog pauwi, walang indication na may problema dahil napag usapan niyo naman... lalabas na ang kanyang tatay kinabukasan?
RICKY : wala maayos nga kami eh wala kaming pinag aawayan maayos kaming magkaibigan

Taliwas din sa sinabi ng suspect na tinulungan niyang maghugas ng sugat sa CR si Ricky, ang naging pahayag ng direktor...

RICKY : no of course not kung gusto niya kong tulungan bakit niya ko tinalian sa leeg at humihingi siya ng pera sakin... dapat nilagay niya sa tiyan ko [para ang dugo ay di dumaloy] korek. Of course wala siyang intensyon na tulungan ako... imbis na tulungan niya kong makalabas at makapunta ng ospital dinelay pa niya ko dahil ang tagal pa naming nagbuno buno dun sa sahig at tinalian niya ko ng tuwalya sa sahig...

BOY : ricky ang tanong ng marami, sino ba siya? sino ba siya sa buhay mo? Ito bang taong ito, si hanz ivan ruiz ba ay boyfriend mo? Sino siya sa buhay mo?
RICKY : si hanz ruiz nakipagkilala siya sakin sa facebook few months ago. At to make things clear hindi ko siya boyfriend alam ko na may girlfriend siya hindi namin napaguusapan yung girlfriend niya. napagusapan na namin once so alam ko na may girlfriend siya,so wala kaming relasyon, magkaibigan lang kami ni hanz
BOY : all in all bilang magkaibigan ilang beses kayong nagkita ni hanz?
RICKY : mga four...
BOY : bakit mo siya pinatulog sa iyong bahay? Did you have enough trust? Or were you close enough?
RICKY : ilang beses na rin naman kaming nakalabas, nakatulog na rin naman siya, it wasn’t his first time na matulog sa bahay, okay naman.
BOY : ricky you may or you may not answer this question, did you have a sexual relationship with hanz
RICKY : oo may nangyari samin. [STINGER] Ofcourse di naman ako magsisinungaling. Something happened already in the past
BOY : pero walang commitment, walang usapan na tayo?
RICKY : maliwanag ang usapan na hindi tayo.
BOY : ako parati ko sinasabi na choice ng kahit sino, ikaw choice mo choice ko ang magpatuloy sa ating mga tahanan pero yung choice na yan ay di nangangahulugan na mayroong karapatan ang kahit sino na manakit, mamaslang, pumatay.
RICKY : yes of course pinagkakatiwalaan mo nga yung tao eh... tapos ganun ang gagawin sayo. Hindi naman tama yun

BOY : has he tried to get in touch with you?
RICKY : wala wala pa
BOY : anybody from the family?
RICKY : wala pa wala pang kumakausap sakin

Nang magkita sila matapos ang pananaksak diumano, may takot pa rin sa dibdib ni Ricky...

BOY : how was that meeting?
RICKY : medyo ninenerbyos din ako tapos sinabihan ko rin yung mga pulis and the people who were with me at that time na wag siyang papasukin sa room
BOY : bakit ricky?
RICKY : takot ako… takot ako di pa ko nakakarecover
BOY : take me back to that moment when you saw him?
RICKY : yun tapos nung sinabi na ng pulis na eto na kailangan mo na iidentify, bumukas yung pintuan tapos may lumakad na tatlong lalaki nakacivilian tapos tinanong ako ng mga pulis kung sino sa kanila, tinuro ko siya. 3050 tapos tinitignan lang niya ko tapos tinitignan ko rin siya pagkaturo ko dinescribe ko kung ano yung suot niya, Nung naituro ko na tapos umokay na yung pulis, I looked away already hindi na ko tumingin...
BOY : are you going to file charges?
RICKY : yes oo nasa ano na, naano na nung piskal,nung Tuesday sa pulis, yung Wednesday yung assistant prosecutor naman yung nandun. I have to do it all over again within the presence of the assistant city prosecutor so nakafile na ngayon yung ano. Yung naghihintay na lang yung subpoena para sa arraignment kung kelan yung arraignment
BOY : paano ka nabago nito?
RICKY : siyempre yung nagpapasalamat ako sa mga nakakasalubong ko na kinakamusta ko na we prayed for you. Naano ko dun sa laki at dami ng mga nagdadasal sakin...
BOY : did you expect the kind of love that you got
RICKY : it was overwhelming sobra [long pause] [PARANG NAIIYAK]

BOY : can you forgive him?
RICKY : alam mo pinagdadasal ko yan araw araw/ sa puso ko siguro masasabi ko na ano in a way napatawad ko na siya sa ginawa niya sakin pero he has to suffer the consequences of what he did
BOY : he’s watching anong nais mong sabihin...
RICKY : I have nothing to say
BOY : what is your prayer now anong dasal sa diyos?
RICKY : na nagpapasalamat ako lagi na yun ang una kong inaano lagi sa diyos araw araw for giving me this second life and for protecting me that night na nangyari yun...
BOY : what is your advice sa akin sa lahat ng nanonood... sa mga bakla na nagmamasid sa pag uusap na ito
RICKY : so yun lang siguro be careful kapag medyo may pagdududa ka sa isip mo. Make sure na you inform your friends kung sino kasama mo at what point in time...
BOY : medyo technical lang ang tanong na ito, would you think this is a hate-crime?
RICKY : truthfully tito boy, di ko masasabi, di ko masasabing oo di ko masasabing hindi. Pero dun sa mga circumstances na nangyari dun sa lahat ng nangyaring ito, yes it’s a hate crime... pero in my heart di ko maano... di ko maisip na may taong ganun na pwedeng magalit nang ganun kagrabe sa akin or any gay person or or any person for that matter... na wala kong ginagawa...
BOY : huling katanungan... Gusto mo bang makulong si hanz?
RICKY : kailangan justice has to be served... kailangan niya harapin yung mga consequences ng mga ginawa niya sakin
BOY:  ricky salamat
RICKY : thank you tito boy maraming salamat po


3 comments:

Anonymous,  June 26, 2011 at 6:35 PM  

bait ni ricky sana maging aral ito sa atin..wag magtiwala sa di masydong kilala..

Anonymous,  July 1, 2011 at 6:13 PM  

beware of eyeball!!!nakakamatay yan!!! oh my god!!!nakakaloka baka napasukan ang suspek ng masamang espiritu!!

Anonymous,  July 2, 2011 at 8:38 PM  

ISANG MORAL LESSONS SA MGA GAYS PIPOL,LAHTA NG GENDER NA DIN,NA WAG MAGTIWALA SA MGA GANYANG EYEBALL,,ONLINE,,PLS,,DELIKADO ANG BUHAY NATIN JAN,,KASE HIDNI NAMAN NATIN KILALA IYAN THEN PAPATULUYIN MO SA HOUSE MO,,EWWW,..ISA PA ,,SAKIT DIN ANG PWEDI MONG MAKUHA SA GANYAN,,IBA IBA ANG GAYS,,ANG PAGKA BAKLA,,ITS FINE RO BE GAY IKANGA,,PERO,,SANA NAMAN KNOWN URE LIMITASYON,,ITS OK NA MAKIPAG RELASYON KA NA,,KESA SA MAGPAGAMIT O GUMAMIT KA KUNG SINO SINO NALANG JAN,,BUKOD SA DELIKADO ANG LIFE ,,PWWEDI KAPANG MAGKASAKIT,,HINDI KOMO GAY KA,,ISA KANG SEX OBJETC O PARAUSAN O ISANG BANGKO,,ANG TAONG PERA LANG ANG NAIS SAYO,,IT MEANS..HIDNI ITO NATATAKOT PUMATAY,O PATAYIN KA,,TSK,,ITAAS NAMAN NATIN ANG IMAHE NG MGA BAKLA SA PINAS,,WE NEED DECENT,PROFESIONAL,MAAYOS,EDUKADO,MAY SILBI SA BAYAN O ROLE MODEL NA GAYS,PARA LALO TAYONG IRESPETO,,HIDNI ITOMNG MGA GANITONG ISYU NA GINAMIT KANANGA,,PAPATAYIN KAPA,,WAT THE HECK!!THNX GOD,,HINDI SYA NAKAWALA.

ISA PA,,DIBALE NG MAGJAKOL KA,,HEHE,,KESA SA MAGBAYAD KA NG GUYS,,TSK,TSK,NAKAKAWALANG RESPETO,,SA PINOY,MAGBABAYAD ANG MGA BAKLA,,SA IBANG LAHI,,PANALO ANG MGA BAKLA,,LALO NA KAPAG PRETTY AT HOT KANG BAKLA,,,O MAAYOS,,THEY WILL TREAT U PA NA BABAE TLAGA,,,WAG SA PINOY,,MAS OK SA IBANG LAHI NALANG,,EUROPEAN O AMERICAN,MAY PATUTUNGUHAN ANG RELASYON,,ITONG KASO NA ITO JUST LIKE VERSACE,,LUBOS NA PAGTTIWALA,,NA HUMANTONG SA PATAYAN,,,BETTER,,KILALANIN O MAGING FRENS MUNA KAYO NG GUY BAGO,,HUMANTONG SA SLEEP OVER...MABUTI ANG DYOS KAY RICKY!KASE MABUTI SYANG TAO,,NAHULI ITONG SI HANZ,....


SANA NAMAN,,SA MGA GAYS JAN,,SA ABROAD,,NA VIRUS AT NAHUHULI DAHIL SA KALASWAAN NILA SA ABROAD,,,WAG NAMAN,,STAY DECENT AT FOCUS,,SA DYOS AT FAMILY,,,CONTROL LANG,,AT KILALANIN ANG MGA TAO NA NASA PALIGID NATIN,,MAGING AWARE O VIGILANT,,,GAYS R NOT SEX OBJECT,HINDI BANGKO,,AT HIDNI RIN PARAUSAN,WE HATE GAYS NA INSECURE,INGGIT,,WALANG MODO,,PANGIT NA FEELING PA,,WE LOVE GAYS NA DECENT,MAAYOS,HIDNI BITCCHY,PRETTY,HOT AT MAY SILBI SA BAYAN,,ROL MODEL,,,

INGAT LAGI,,,KAMATAYAN AT SAKIT ANG KALABAN NG MGA BAKLA,,SA MUNDO IF HINDI SILA MARUNONG MAGDISIPLINA,,MAGSISIMULA ANG RESPETO SA SARILI AT HINDI SA IBANG TAO,,YUN LANG!

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP