"Alam ko maayos din to one of these days..." Coco Martin sa naging alitan nila ni Matteo Guidicelli dahil kay Maja Salvador

Sunday, September 18, 2011

Matapos ang all-out interview ni Matteo Guidicelli tungkol sa kwento sa likod ng nangyaring sapakan sa pagitan nila ni Coco Martin noong nakaraang Star Magic Ball - dahil kay Maja Salvador, finally ay nagsalita na rin si Coco sa The Buzz patungkol dito. Ayon sa aktor, napanood niya ang interview ni Matteo at ang paghingi nito ng paumanhin sa kanya. 
"Sabi ko nga kumbaga sila na yung nagbukas ng pinto para magkaayos kami at sila na yung nagpakumbaba, at ako rin po sana hinihiling ko na matapos na rin to at magkaayos na rin kami," ang bungad na pahayag ni Coco.

Hindi na rin daw iniisip ng award-winning actor ang gulong namagitan sa kanila. "Kinalimutan ko na po yun at natutuwa naman po ako dahil alam ko malapit na po kaming magkaayos lahat," ang sabi niya.

Nang matanong naman kung sakaling magkakaroon ng offer na magsama silang tatlo nina Matteo at Maja sa isang project, walang pag-aalinlangang sinabi ni Coco na willing siyang gawin ito. Sa ngayon ang mahalaga ay pare-pareho na raw nilang gustong iwan sa nakaraan ang pangit na nangyari sa Star Magic Ball, at tuluyan nang magkaayos. "Alam ko maaayos din to one of these days, masaya ko parang willing naman mag ayos yung bawat panig at tahimik naman kami pare-pareho," pagtatapos ni Coco.
 

9 comments:

Anonymous,  September 18, 2011 at 11:53 PM  

pamatay talaga ang ngiti mo COCO!! grabe! ngiti pa lang nakuha mo na ako...kitang kita din naman ang pagiging sincere mo sa lahat ng sagot mo. we love you! sobra!

Anonymous,  September 18, 2011 at 11:57 PM  

kala ko haba ng interview ni coco, ambush interview pala yung dating. pero sulit naman. saya ng marinig siya and kitang-kita din yung saya sa mukha niya. Hay. ikaw na. you already coco!

Anonymous,  September 19, 2011 at 10:45 AM  

thats right...looking forward to your next project sa abs, and looking forward to your next leading lady, and next blockbuster serye and box-office movie.

Anonymous,  September 19, 2011 at 3:07 PM  

hai grabe coco martin ang pogi mo tlga kahit kelan nkakawala ng mga problema at issue ang mkha mo at ngiti mo..at ramdam ko ang pagiging sincere at honest mo..ingat knlng lage at wag ng isipin ang lahat

Anonymous,  September 19, 2011 at 11:15 PM  

Ang pogi pogi mo Coco Martin!!!! Love, Nikki & Cay :))

Anonymous,  September 20, 2011 at 5:56 AM  

NGAYON LANG ULIT AKO NAINLOVE SA ISANG ARTISTA AT

IKAW YON COCO :) HAY....

Anonymous,  September 21, 2011 at 6:31 PM  

Ms. Darla! Pwede hubang pakibulong kela Ms.Charo bigyan ulit sila ng teleserye.?? Please!!! hahaha We Love Cocojam!! Benta na sila eeee .. :)

Anonymous,  September 21, 2011 at 6:32 PM  

Ms. Darla! Pwede hubang pakibulong kela Ms.Charo bigyan ulit sila ng teleserye.?? Please!!! hahaha We Love Cocojam!! Benta na sila eeee .. :)

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP