Condolence sa pamilya nina Camille Prats, at sa pamilya ng pumanaw niyang husband na si Anthony Linsangan

Friday, September 23, 2011



Nakakalungkot ang natanggap kong message kaninang umaga, tungkol sa tuluyang pamamaalam na nga ng husband ni Camille Prats na si Anthony Linsangan. Mahigit 3 years pa lang na kasal ang dalawa, at mag-32 pa lang sa October 12. Ayon sa naglabasang reports, nasopharyngeal cancer ang ikinamatay ni Anthony. Pero meron ding nagsasabing cancer of the lymph nodes o lymphoma raw ang sakit niya - ang lymphoma ay the cancer kung saan lumalaki ng abnormal ang mga kulani sa katawan ng isang tao. According to a source, last month lang din daw sinabi sa pamilya nina Camille at ni Anthony na may 6 months to live na lamang ang huli. Ibuburol daw ang mga labi ni Anthony sa Heritage Park Chapel, sa Taguig. Muli, nakikiramay po ako sa mga naiwan ni Anthony.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP