Follow me on Instagram and Twitter : @darlasauler

WITH EXCLUSIVE BACKSTAGE VIDEOS AND PHOTOS! It's Official! PIOLO PASCUAL at KC CONCEPCION, 3 months nang mag-on!

Monday, January 31, 2011


photo courtesy : Patch Buenaventura
Buong bayan ay ginulat at pinakilig kahapon ni Piolo Pascual nang finally ay aminin niya sa The Buzz na sila na nga ni KC Concepcion. Sa Straight from the Heart segment ni Charlene Gonzalez naganap ang pinakahihintay na pag-amin ng aktor. Aminado si Piolo na ilang interviews na rin ang iniwasan niya, para lang ma-separate ang kanyang personal life sa professional live niya. "But I guess I've come to a point na gusto kong magpakatotoo regardless of what people might say, I owe it to the public and I owe it to the person," ang unang statement na binitawan ng aktor na nagpa-excite sa lahat ng nanunuod.

Hindi na nagawang i-promote ni Piolo Pascual ang hawak niyang album, dahil sa super intense na reaksyon ng lahat ng sabihin niyang "yes" sila na ni KC Concepcion
At nang diretsahan siyang tanungin ni Charlene kung sila na ni KC, parang bombang sumabog ang sagot ni Piolo na "YES." Bilang confirmation naman sa hinala ng iba, tama na ang magiging reaction ng anak niyang si Inigo ang isa sa mga kino-consider ni Piolo kaya hindi kaagad siya maka-amin o makapag-commit sa isang relationship. Pino-protektahan lang daw niya ang kanyang anak na 13 years old pa lamang. "But I think I have decided kung anuman ang magiging reaksyon ng anak ko from here, you just have to deal with it.," ang sabi ni Piolo sabay birong para rin daw matigil na yung ibang boys na nagpaparinig kay KC. Dahil para sa kanya raw, si KC na ang nakikita niyang babae na gusto niyang makasama habambuhay.

So sa lahat ng may crush kay KC, Piolo wants you guys to know, "she is taken" na. Bilang story behind their pagiging-officially-mag-on story, September 21 pa hiningi ni Piolo kay KC ang "yes" or "no" na sagot ni KC. Pero hindi pa siya kaagad nasagot ni KC. October 21, nakabalik na from Europe ang tv host saka lamang niya ibinigay kay Piolo ang kanyang "YES". At mula nga noon, officially ay siya na ang "PRINCESS" ni Piolo. At si Piolo, ang "Jaguar" ni KC.

KC with Tito Boy Abunda and Toni Gonzaga, tutok na tutok sa interview ni Charlene kay Piolo.
 photo courtesy : Patch Buenaventura
Emotional sina KC at Piolo nang magkayakp sila right after Piolo's itnerview
photo courtesy : Patch Buenaventrua

Ang tanong ngayon ng marami, what happened backstage during and after Piolo's interview? To find out, click here to see the exclusive videos and photos! 

Read more...

"We're starting off a clean slate," Toni Gonzaga on working again with Mariel Rodriguez


For the first time ay naging very open kahapon si Toni Gonzaga about her reconciliation with Mariel Rodriguez. Sa The Buzz, she revealed that last Saturday, January 29, 2011... bandang 7pm, ay nagkita at nagkausap ulit silang dalawa ni Mariel after 6-7 months since their much-talked about misunderstanding. Their heart-to-heart talk lasted daw for 4 hours, kung saan ibinuhos na nila sa isa't isa ang lahat ng kanilang nararamdaman at naiisip, lalo pa ngayong muli silang magkaka-trabaho as hosts sa new noontime show ng ABS-CBN kasama nina Randy Santiago at John Estrada.

Naging very awkward daw ang kanilang pagkikita sa simula dahil hindi nila alam kung paanong magsisimula sa kanilang pag-uusap. Nagbiro pa nga si Toni na parang noon lang sila nagkakilala dahil umabot pa sila sa puntong may nagtanong kung "saan ka na nakatira ngayon?" Pero nagka-ilangan man sa simula, "we ended on a good conversation and everything was cleared. I said everything in my heart and everything na nasa puso niya," dagdag pa ni Toni.

Hindi naman nagsara ng pinto ang dalawa patungkol sa kanilang malalim na pagkakaibigan in fairness, sabi nga ni Toni, the fact na tinanggap niya at tinanggap ni Mariel ang noontime show project na ito knowing that they will be working with each other again, ibig sabihin nun willing talaga sila both na ayusin ang gusto sa pagitan nila at magsimula ulit. At the end of their 4-hour talk ay nagka-iyakan pa raw sila dahil sabi pa nga ni Mariel while crying daw, ay akala nito wala na siya sa kasal ni Toni and Direk Paul Soriano. Pero inassure siya ni Toni na kasama siya sa kasal.

Before Toni revealed these details, inamin niyang nag-text siya kay Mariel at nagkaintindihan naman sila tungkol sa mga ikukwento nila sa bayan. Hay isa ako sa happiest persons sa pagkaka-ayos nilang dalawa, dahil I love them both so much!

Read more...

EXCLUSIVE! FIRST HERE : Kris Aquino at Diether Ocampo, may once-a-month Saturday night out deal


Naging malaking balita ang pagkikita nina Kris Aquino at Ruffa Gutierrez sa Opus restaurand and lounge, sa Resorts World. Kasama ni Kris that time sina Ai Ai delas Alas and Diether Ocampo. Si Ai Ai, given na dahil friendship ni Kris, pero si Diet... marami ang nagtatanong bakit kasama ni Kris si Diet. So nang makausap ko si Kris, I found out na meron pala silang agreement ni Diet na their friendship doesn't end with Dalaw. So they came up with a deal na once a month, they will have a Saturday night out together. So the night na nagkita sina Kris and Ruffa, yun ang first Saturday night out nina Krisy and Diet. Kris invited Ai Ai to join them after ng Pilipinas Got Talent taping.

Read more...

BI Revealed : Precious Lara Quigaman and Marco Alcaraz, magpapakasal na sa 2012 (primetime teleserye actress and hunk actor na engaged)


This weekend, Precious Lara Quigaman and Marco Alcaraz revealed na to everyone na silang dalawa ang tinukoy ng isang blind item dito sa pagbubukas ng 2011. Naging very vocal na ang dalawa about their love for each other, and kung paanong hindi sila mabubuhay without each other. So sa lahat po ng nakahula, congratulations hehehe! And syempre congrats Precious and Marco! Go sa love, love, love!

Read more...

MORE PHOTOS : KC Concepcion in Uganda!

Friday, January 28, 2011


Heto po ang silip sa UNWFP mission ni KC Concepcion sa Uganda. Thanks KC for the photos!



CLICK HERE for more photos! And tell me kung paanong, in your own little way, you'll help fight child hunger.

Read more...

My Amnesia Girl and Imortal... now available on DVD and VCD!

video
video

Read more...

DEREK RAMSAY, lilipat na nga ba sa TV5?

Thursday, January 27, 2011


Marami ang na-intriga today sa paglabas ng headline na "Derek Ramsay lilipat na sa TV5" sa showbiz section ng www.philstar.com. Pero sa buong article ay wala namang ibinigay na detalye o anumang source kung saan nanggaling ang balitang ito. 


Kaya naman bago pa kung anu-anong speculations ang lumabas, I immediately asked Derek. He called me up, and I informed him about the rumor. He said marami na nga raw ang nagtanong sa kanya today, about this paglipat issue. Pero nilinaw ng hunk actor na hindi totoo ang tsismis na ito. "There is no truth to that, I am under contract with ABS-CBN and I am very happy. And I am the type of person who fulfills his obligations before anything else," ang statement ni Derek. Thanks D! 

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS : ASAP ROCKS in ILOILO!

Wednesday, January 26, 2011

The ASAP ROCKS stars gamely posed for darlasauler.com before and in-between their production numbers, during the ASAP ROCKS presentation in Iloilo last Sunday, January 23.

Thanks to my dear friend Chinee Bernardo for these photos! 








CLICK HERE for more photos, and tell us sino ang favorite ASAP ROCKS star niyo!

Read more...

Team Azkals' Phil Younghusband, umaming crush sina ANGEL LOCSIN at KC Concepcion! EXCLUSIVE AND FIRST HERE : ANGEL & KC REACT!

Tuesday, January 25, 2011


Kagabi sa SNN ay marami ang kinilig sa feature nila about the Team Azkals. At syempre, bilang nasa showbiz na rin kahit papaano ang ilan sa kanila... well, si Phil Younghusband, hindi nakaiwas ang boys sa tanong kung sino ang celebrity crushes nila! Phil said na sa lahat ng female stars, sina Angel Locsin and KC Concepcion ang pinaka-gusto niya. "Angel and KC, they're both very pretty. They're always on billboards, see them a lot... They're very pretty but I haven't met them yet. Very attractive," ang honest confession ni Phil. Dahil nalalapit na ang V-Day, na-ungkat ang lovelife niya and he admitted na malamig ang Valentine's Day niya. "I'm single. I've been alone for the last 4 years in Valentine's day. I wouldn't be surprised if I'm alone again. If Angel and KC wanna bring me on Valentine's and ask me if I'm willing to do something, then I'm willing to," ang sabi pa ng Brit-Pinoy football player.

Syempre pa, when I heard about this I immediately asked Angel's and KC's reactions. Pareho pa silang nagulat and syempre nahiya nang diretsahan ko silang tanungin tungkol dito. Hehehe.

"Thank you! Sounds like he's giving me a compliment and that deserves a recognition ☺ go azkals! ☺," was Angel's reaction.

Si KC naman, heto ang sagot sa akin : "First impression? He reminds me of Sam (Milby). I mean Angel is one of the sexiest  girls I've ever met, so it's sweet  of him to think of me for Valentine's day as well... ☺"

Thank you so much Angel and KC! Love you!

Phil Younghusband's Interview from SNN, January 24, 2011

Read more...

Thanks VP Jojo Binay! Yay!


Syempre thanks din to my dear friend G3 San Diego for this photo! Hehehe!

Read more...

Melai Cantiveros at Jason Francisco, handang handa na sa kanilang unang lead role sa MANA PO! Abangan!



Mula pa lang noong PBB time nila, super love ko na talaga itong MELASON. Super aliw at nababaitan ako kay Melai, at super duper crush ko naman itong si Jason hehehe. Buti na lang, marami akong MELASON supporters na kaibigan at through them ay nakakapag-update ako ng madalas tungkol sa paboritong loveteam na ito ng masa. Last January 17 and 22, nasa taping for their own Precious Hearts Romances Presents : MANA PO ang dalawa. Of course, todo ang support ng kanilang supporters lalong lalo ang MELASON PEXers na sumugod sa Antipolo, Rizal para iparamdam kina Melai at Jason ang pagmamahal nila. And thru my twitter friend Maria Devaughn, heto po ang ilang exclusive photos from their taping. Thanks MELASON PEXers! Love you guys!

Oh and syempre, advanced na ang greeting ko kina Melai at Jason who will celebrate their first anniversary as a couple on February 8, 2011. Yey!


Grabe! Super crush jud nako ning si Jason! Melai, teh ayaw'g kasuko ha! Hehehe! Hantud crush lang ko! (hehehe sorry di ko mapigilan mag-comment)

CLICK HERE for more and more photos pa ng dalawa ang their friends! And syempre wag kalimutan mag-comment ha!

Read more...

SHARON CUNETA, umaming kinausap si Rayver Cruz to protect Sarah Geronimo

Monday, January 24, 2011


Sa isang one-on-one interview niya with Boy Abunda during her launch as Marie France's latest endorser... masayang ibinalita ng Megastar na si Sharon Cuneta that she already lost more than 20 pounds and 24 inches in body measurement dahil sa ginagawang treatments sa kanya sa Marie France. 

Kasunod nito, Sharon finally confirmed that she did talk to Rayver Cruz about Sarah Geronimo. She said, "kasi my intention was if I were to contribute anything, I want it to be that they knew I wanted them all to be okay. So when I went up to him sabi ko, Rayver, and you know I have never talked to this boy. I said pa nga, anak, babae naman yung amin. Sabi ko, I don't know you, but I love her, so ayusin mo naman, anak. Babae yung amin. Protektahan mo naman."

Dagdag pa ng Megastar, "I was doing my part as a friend to Sarah... I stood up for my friend. There's nothing wrong with that. And I just felt she got hurt, and it wasn't right that the people involved in causing her hurt were parang putting her down pa." Nilinaw niya rin na she never confronted or talked to Cristine Reyes regarding this issue.

Source : SNN, January 24, 2011

Read more...

Vice Ganda chooses Gladys Reyes and Jhong Hilario as his favorite Showitme hurados



Kanina sa guesting niya sa The Buzz, diretsahang inamin ni Vice Ganda kay Charlene Gonzalez na nangunguna sa listahan ng favorite co-hurados niya na nabura na sa noontime show na Showtime sina Gladys Reyes at Jhong Hilario. Aside kasi sa matagal niyang nakasama ang dalawa, iba rin daw ang chemistry at pagkakasundo nila.

Photo from Paulo's Twitter account
Hindi naman diretsahang napangalanan ni Vice and third favorite niya, dahil the audience teased him na about Paulo Hubalde. Ginulat naman ni Vice ang lahat ng aminin niyang na-in love siya sa naburado na ring hurado ng show. Sa usapin naman ng love, nagpakatotoo si Vice when he said na naranasan niya nang bumili ng pag-ibig, dahil kung sa doon siya masaya wala nang magagawa ang iba. At kung hindi naman daw kasi siya ang bibili para sa sarili niya, sino ang bibili? 



Isang big revelation din ang tungkol sa condition ng lola niyang nasa US, who had a stroke recently. Pero para kay Vice ang importante raw ay makakasama niya na ito, at ang kanyang ina sa darating na February dahil uuwi ang mga ito dito sa Pilipinas.


Source : The Buzz, January 23, 2011

Read more...

FIRST HERE! EXCLUSIVE PHOTOS : Sam Milby and KC Concepcion's Airdance rehearsal with the G-Force

Sunday, January 23, 2011

Dahil pinalabas na kanina ang Mega 2011, the Sharon Cuneta Birthday Special kung saan napa-wow din ang lahat sa airdance number nina KC Concepcion at Sam Milby... heto na ang ilang photos ng rehearsal nilang dalawa! Syempre with the amazing G-force, and ang nag-iisang si Teacher Georcelle Dapat. Sensya na kung malabo yung iba. Hehehe!





Click here for more photos! And comment na!

Read more...

KRIS AQUINO at RUFFA GUTIERREZ, muling nagkita after their much-talked about The Buzz controversy

Just a few hours ago, marami ang nagulat at natuwa when Tim Yap tweeted na spotted sa Opus restaurant and lounge sa Resorts World sina Kris Aquino at Ruffa Gutierrez. Matatandaang matapos ang controversial "walkout" ni Ruffa sa The Buzz, ay na-intriga nang todo ang friendship ng dalawa. But according to Yap, kanina ay nag-hello sa isa't isa sina Kris at Ruffa bilang friends. According naman to Miriam Quiambao's tweet, Kris walked into Opus with Ai Ai and Diet. 


Earlier, Ruffa tweeted something na diumano'y patungkol sa pagkikita nilang ito : "My gosh I'm soooooo happy! Para akong nabunutan ng tinik! You'll never ever believe who I bumped into? Big smiles, shrieks w/matching talon!"

And then after more than two hours, eto naman ang bago niyang tweet : "No to akwardness (awkwardness), yes to happiness!"


Nakausap ko naman si Kris Aquino immediately after kong malaman ang balita, and she confirmed the news. "She said hello, I said Hi. Happy na dapat ang lahat," ang sabi ng Queen of All Media. Pero dagdag pa ni Krisy, umalis din agad sila sa Opus dahil going to a bar is really not her thing. At least, na-experience niya lang kahit papaano.

Yehey ang saya ng balitang ito! Peace, peace, peace... Love, love, love!

Source : Tweets from Tim Yap, Miriam Quiambao and Ruffa Gutierrez

Read more...

Cherry Pie Picache, hinamon si Baron Geisler na aminin ang nagawa nitong pagkakamali

Friday, January 21, 2011


Buong bayan ay ito na lang ang naririnig at napapanood ngayon - ang pangha-harass diumano ni Baron Geisler sa co-star niyang si Cherry Pie Picache, sa set ng teleserye nilang NOAH. Katulad ng mga nakaraang akusasyon sa aktor, nasa influence raw ito ng alak ng maganap ang lahat. Matapos humingi ng sorry si Baron kay Cherry Pie kaninang umaga lamang at umaming totoong nakainom siya nung gabing nangyari ang sinasabing insidente, isang hamon naman ang binitiwan ng aktres para sa aktor. Ito ay ang aminin niya ang maling nagawa niya. "Dapat mapaayos siya, the first step to be humble enough to acknowledge what he has done, maybe the mistakes that he has done and to seek help," ang pahayag ng aktres sa interview sa kanya ni Mario Dumaual for TV Patrol na ipinalabas kanina lang din.

Pero sa ngayon, maliban sa hangad niyang makamit what is "fair" and just. Sabi pa niya, "I'm ready to put all back, these experiences behind me... I would like to continue to pray, to the other ladies, we have the same sad experience."

Sa dulo, gusto lang din niya na mapabuti ang lahat gamit ang mga natutunan sa pangyayaring ito.

Source : TV Patrol - January 21, 2011

Read more...

Kitkat and fiance na si Walby, super sweet sa kanilang US tour!

Noong nakaraang holiday season ay nag-tour sa US ang soon to be husband-and-wife na sina Kitkat and Walby. Kahit sa 12/12/12 pa ang kasal nila, ngayon pa lang ay kitang-kita na sa dalawa kung gaano nila kamahal at napapasaya ang isa't isa. Thank you so much mareng Kitkat for the photos! Mwah!




Click here for more photos!

Read more...

"Parang nanay ko na po yun," Baron Geisler sa isyung pangha-harass diumano niya kay Cherry Pie Picache

Wednesday, January 19, 2011

Pinaka-mainit na isyung usap-usapan ngayon, ang diumano'y pagwawala ni Baron Geisler sa set ng teleserye nilang NOAH, dahil sa pagdating daw nito sa set na lasing. Hindi pa man natatapos ang mga kasong kinasasangkutan ng magaling na aktor dahil sa diumano'y pangha-harass habang nasa impluwensiya ng alak, panibagong hinaharap nito ngayon ang diumano'y aksidente niya namang pagkakahawak sa dibdib ng kasamang aktres sa Noah, na si Ms. Cherry Pie Picache. 

Ayon pa sa ibang reports, diumano ay naging "rough" ang pag-asal ni Baron nung araw na iyon. Nasobrahan din daw ang pakikipag-harutan nito sa mga kid stars ng serye na sina Zaijian Jaranilla at Xyriel Manabat. Maging ang isang staff ng programa ay diumano'y hinalikan at hinawakan ni Baron sa maselang bahagi ng katawan nito. 

Ms. Pie's photo courtesy of ABS-CBN.com

Kanina sa report ng TV Patrol, habang nasa hearing sa Bocaue, Bulacan kaugnay ng kaso naman niya involving Yasmien Kurdi, itinanggi ni Baron ang akusasyong pambabastos niya kay Cherry Pie. "Parang nanay ko po yun... yung mga kasamahan ko sa taping, sa trabaho hindi ko binibigyang malisya," paliwanag ng aktor. Dagdag pa niya, isang "kagalang-galang" na babae ang tingin niya kay Cherry Pie. 

"Yung character ko po ay isang unggoy na mahilig magwala, yun lang po ang ginawa ko, in character lang po ako," depensa pa ng aktor sa isyung nahawakan diumano niya sa dibdib ang aktres. Sinabi pa niyang sa eksenang may ina-abduct, may iba na nasasakal pa nga raw ang bini-biktima.

Emosyonal naman ang boses ng aktor, nang amining nasasaktan na siya sa pag-atake ng ganitong intriga sa kanya. "Sawang-sawa na po ako sa mga balitang walang katotohanan, ayaw po nila akong bigyan ng pagkakataon na magbago... Dun po ako nasasaktan ng sobra-sobra." Sa isyu naman nila ni Yasmien, pinanindigan ni Baron na hindi siya hihingi ng paumanihin lalo pa't alam niyang nasa tamang side siya. Mula naman sa push.com.ph, sinabi raw ng manager ni Baron Geisler na this week ay ipapasok nila sa isang rehabilitation center ang aktor.

Source : TV Patrol, January 19, 2011

Read more...

Vhong Navarro, happy sa relationship nila ng non-showbiz girlfriend

Monday, January 17, 2011

Kanina ay ginanap ang press conference para sa pelikulang BULONG ng Star Cinema, starring Vhong Navarro and Angelica Panganiban na ipapalabas na sa mga sinehan on February 2. Doon ay syempre hindi nakaiwas ang dalawa sa mga questions about their personal lives. At dito nga ay nakamusta ng aking source si Vhong at ang kanyang non-showbiz girlfriend, and he said masaya naman daw sila. Hindi rin daw nagseselos ang girlfriend niya sa mga nagiging on-screen partners niya, lalo na si Anne Curtis na madalas niyang kabiruan sa noontime show na Showtime.

Thanks Ms. Hervie Bautista for the photo!

Read more...

Laser Eye Treatment and 3D tv, regalo nina Derek Ramsay at Angelica Panganiban sa isa't isa


As we all know, Angelica Panganiban and Derek Ramsay spent a long quality time with each other last Christmas and New Year in Palawan. Pero aside from this, syempre may special gift din sila for each other. Sinagot ni Derek ang LASIK laser eye treatment ni Angelica, at 3D tv na diumano'y nagkakahalaga ng humigit-kumulang P250, 000 naman ang bigay sa kanya ng aktres. 

Read more...

"You will always have a friend in me," Mariel Rodriguez wishes Toni Gonzaga happiness on her 27th Birthday

Sunday, January 16, 2011


Sa kanyang Big Birhtday Bash on The Buzz kanina, inabangan ng lahat kung babati rin kay Toni Gonzaga si Mariel Rodriguez. Matatandaan na nagkaroon ng misunderstanding ang dalawa last year, kung saan maraming pangit na rumors ang nagsilabasan. But kung hindi alam ng marami, okay na sina Mariel and Toni. Kaya naman sa nalalapit na 27th birthday ng Ultimate Multimedia Star, hindi nawala sa mga nagbigay ng birthday messages sa kanya si Mariel, through a text message read by Tito Boy Abunda on air. Narito po ang kabuuang message ni Ma kay Toni.

"Happy happy happy happy birthday Toni!!!! ☺ I am very happy for you dahil napakarami mong blessings na natatanggap. You deserve them because you work so hard. A lot has happened but one thing is for sure you will always have a friend in me. ☺ It's not the first time that this happened to us but I think our friendship is strong enough to surpass any obstacle ☺ Mangingibabaw at mangingibabaw ang mabuti nating pagkakaibigan ☺  hindi lang kaibigan ang turing ko sayo... isa kang kapatid... alam mo yan ☺ Happy happy bday Toni!!!!!! ☺ My bday wish for you is simple... I just hope you are happy... yun lang ☺ And toni.... Ako nagpakasal na ☺ ikaw naman ang next!!!! Hehhehehhe :) happy birthday!!!!!!" - Mariel

Na-touch naman si Toni sa message ni Mariel, and here's her full reaction-reply to the message...

"Thank you, thank you Ma, thank you, thank you for that message! It's been a long time since huli tayong nagkita, and I'm looking forward na magkita tayo one of these days. Thank you for wishing me well, kahit noong Christmas. And ahm, just like kung ano yung nararamdaman mo, kung ano man yung nangyari noon, kung anuman yung pinagdaanan natin, i will always treasure you in my heart. I miss you."

Photo of Bianca, Mariel and Toni I posted here last March 25, 2010. Courtesy of Kris Aquino (the PBB Staff), taken during the promo shoot of the PBB Teen Edition last year.

Sa pinagdaanang test ng friendship nila nina Bianca Gonzalez, mas naging mature na raw ang paningin nila sa buhay dagdag pa ni Toni. "Yung mga ganitong mga pinagdadaanan, or yung ganitong nararanasan namin, it helps us mature and really know, who and what to value in life. Kaya that's one thing that we're taking away from everything that we've been through, ako, si Bianca and si Ma."

A photo Mariel sent darlasauler.com last May 27, 2010. Silang tatlo ito nina Toni and Bianca, when they watched Sex and the City 2 together the previous night.

Pero syempre hindi lang si Mariel and some girl friends ang bumati kay Toni, dahil pati ang lahat ng leading men - as in hottest leading men sa showbiz ngayon, nagbigay-pugay rin sa birthday girl. Click here to read their messages for Toni.

Read more...

Piolo Pascual and KC Concepcion, magpapakasal na sa 2012?

Until now, wala pa ring makakasagot kung officially mag-on na nga ba sina Piolo Pascual at KC Concepcion. And aware naman tayong lahat na sa usaping ito, marami ang nakaka-intindi sa request ng dalawa to let them keep their personal lives or relationship private. Pero syempre, marami rin ang naiinis dahil bakit hindi pa nila klaruhin kung ano nga bang meron silang dalawa.

Pero dahil sa nakikita ng marami kina Piolo at KC, hindi kataka-takang lumabas ang rumors na magpapakasal na diumano sila next year. Na-trigger pa kasi ito ng naging statements ng Mom ni Piolo during his birthday celebration sa isang event sa ABS-CBN, kung saan humirit ito na "hopefully masundan na si Inigo," ang son ni Piolo. Sinegundahan pa kasi ito ng sister naman ni PJ when she said that "of course, we’ve been waiting for that. We’ve been telling him to get married as soon as possible," when asked kung gusto na nilang magpakasal ang kapatid niya.

Finally when it was Piolo's turn to answer the wedding-next-year issue, ito ang kanyang naging declaration.

"We both wish for the same thing. We do not want to pre-empt things, better wait. Parang ako gusto ko naman na i-enjoy muna ni Kristina yung buhay niya like how we enjoy each other’s company, at least hindi ganun ka strenuous yung relationship, di kailangan ng pressure. It will come in a time that we’re both ready, it will fall into place. At this point in my life gusto ko munang mag-enjoy. Wag naman next year, wag natin madaliin."


Before her departure pa-Uganda last Friday, The Buzz tried to get KC's side regarding the rumored wedding plans and her reaction to Piolo's declaration. But the UN World Food Programme Ambassador chose to keep everything about her and Piolo private.

Source : The Buzz, January 16, 2011

Read more...

"Hindi na po kami nag-uusap ni Rayver," Sarah Geronimo on the Cristine Reyes-Rayver Cruz Issue

After Rayver Cruz and Cristine Reyes became open about their romantic relationship, marami na ang nag-abang sa magiging reaksyon o saloobin ng daitng na-link kay Rayver na si Sarah Geronimo. Lahat curious kung ano ang mga sagot ni Sarah sa mga naging pasaring sa kanya ni Cristine sa Twitter last December 12, 2010. Kanina finally ay narinig na ng lahat ang side ng Popstar Princess, through her interview aired on The Buzz.
"May karapatan naman din po ako na magsalita, may panahon talaga na kailangan kong magsalita kasi pamilya ko na rin po talaga yung… yun ang pinakamasakit dun eh, yung mga magulang ko eh, ayun..." Sarah said.

Contrary to what Cristine expressed in her tweets, wala naman daw intensyon na manakit o magparinig si Sarah. "Wala po talaga akong intensyon na manakit ng ibang tao, na mang-insulto ng pagkatao ng isang tao. Wala. Hindi ko nakita sa mga magulang ko yun, nagulat lang po ako na magkakaganon."

Hinarap din ng singer-actress ang intrigang pakitang-tao lang ang 'good image' na pino-project niya sa publiko. 

"Well, siguro ganon lang talaga po na lahat tayo may kanya kanyang opinion, may kanya kanyang perception sa ibang tao. Hindi mo naman yun maco-control eh na, uy isipin mo naman na mabait ako talaga. Kung anuman yung nasabi ng isang tao, kailangan mong tanggapin at kailangan mo ring patunayan na mali, mali yung pananaw mo sa akin. Hindi po ako marunong mang-plastic ng ibang tao. Kung may galit ako o sama ng loob, sasabihin ko sa iyo yun po."


click here to read more


Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS! Angelica Panganiban and Derek Ramsay in Palawan!

Saturday, January 15, 2011

Last Christmas / New year, Angelica Panganiban and Derek Ramsay spent quite some quality time with each other and their friends / family in Palawan. Sa photos pa lang ay kitang-kita na how strong ang love nila for each other, at hindi lang yun, kung paano silang nagkakasundo kasama ang iba pang significant persons in their lives. Thank you so much Angelica and Derek for these exclusive photos! I love you both super!




Read more...

Catching up with the newly-weds Regine Velasquez and Ogie Alcasid!

Last night ay nagkaroon ng small get-together sa bahay ng bagong kasal na sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid, para sa ilang kaibigan nila from the Kapuso Network. Here's one photo from that night, thank you so much Pauleen Luna!

Pauleen and Ogie with boss Malou-Choa Fagar

Read more...

EXCLUSIVE PHOTO! KC Concepcion, nagkapasa-pasa ang hita para sa surprise number niya for her Mama's birthday!

Saturday, January 8, 2011

Grabe. As in grabe. Ilang araw ko nang tinu-tweet kung gaano ka-bongga ang production number na gagawin ni KC Concepcion sa Mega 2011, the birthday special of Sharon Cuneta. I have seen her rehearsed na rin and ako mismo natatakot sa gagawin niya. Eto po ang proof ng hirap at sakit na dinadanas ni KC dahil sa dedication niyang mapaganda ang gagawin niya for her Mama, and of course para sa lahat ng viewers. Nakaka-bilib talaga ang bagets na ito sa pagiging professional. As in. Dedma sa pain, dedma sa pagod. Basta kailangan niyang gawin, gagawin niya. And isa pa, super love niya rin naman kasi ang gagawin niya. 

So naku, abangan po talaga nating lahat ang pasabog niyang number sa Mega 2011, The Sharon Cuneta Birthday Special.


Read more...

EXCLUSIVE SILIP! Coco Martin and Andi Eigenmann in Baguio!

Heto po ang ilang photos, na magpapasilip sa inyo sa preparations na ginagawa ng lahat ng kasama sa pinaka-aabangang teleserye ngayong 2011. Ang Minsan Lang Kitang Iibigin kung saan lahat ng pinaka-mahuhusay na artista sa industriya ay magsasama-sama, sa pangunguna nina Coco Martin, Andi Eigenmann at Maja Salvador. 

Thanks for this Baguio photos Ms. Hervie Bautista!





Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP