Follow me on Instagram and Twitter : @darlasauler

EXCLUSIVE PHOTOS : John Estrada and Priscilla Meirelles Wedding

Monday, February 28, 2011


Te Amo Mahal. Last Saturday ay ginanap na ang kasalang John Estrada at Priscilla Meirelles sa isang resort sa La Union. Tumayong best man ni John ang matalik na kaibigang si Richard Gomez, at matrons of honor naman sina Lucy Torres-Gomez at kaibigan ni Priscilla na si Marvie Young-Lim. Secondary sponsors naman sina Ginger Conejero, Anjo Yllana, Randy Santiago, Ai Ai delas Alas, Ogie Alcasid, Gabby Concepcion at Sharon Cuneta. Present din sa kasal ang kaibigan nilang si Kris Aquino bilang bible reader. Hindi rin syempre pwedeng mawala sa mahalagang event na ito sa buhay ni John ang mga anak niya kay Janice de Belen, ganun din syempre ang pamilya ni Priscilla na lumipad papunta rito from Brazil.

Sa first interview sa kanilang bilang husband and wife sa The Buzz, ito ang naging sagot ng dalawa nang matanong kung after the wedding ay paano nila ide-describe ang love. 

"It's all about giving ang when you love someone, you don't think too much of yourself... You start to see or try to please that person, or somehow that everything comes in your mind is regarding that person... because you want that person to be happy. And if you have a power to make that person happy you gonna do because you love the person," sabi ni Priscilla. "Love is wonderful," naman ang short pero meaningful na sagot ni John.


Mapapanood ang napakagandang coverage ng kasal nina John at Priscilla. ang Te Amo Mahal, The John Estrada-Priscilla Meirelles Wedding, sa ABS-CBN ngayong darating na March 13 na. Pero sa ngayon silipin muna ito through the photos! Syempre maraming salamat sa aking ate na si G3 San Diego and isang source na ayaw magpa-reveal ng identity, for the photos!




Click here for more photos!

Read more...

Soulmates Anne Curtis and Luis Manzano, boto sa special someone sa buhay ng isa't isa!


Isa sa mga pinaka-ina-admire na friendship ng isang boy at girl sa showbiz, ay ang meron sina Anne Curtis at Luis Manzano. Kahit pa nagsimula sila sa pagde-date, masayang isipin na pwede palang maging mag-best friend ang dalawang taong hindi umubra as lovers. Dahil sa sobra nilang closeness, ni-reveal ng dalawa sa The Buzz interview nila na umabot pa raw silang dalawa noon sa point na binigyan na nila ng names ang apat na "future kids" nila. 

Pero ngayon, solid na solid na ang friendship nila. Kaya kahit ilang beses silang magtambal on screen, wala nang ilangan o hiyaan. Kahit pa nga may matinding kissing scene sila sa movie nilang "Who's That Girl?" ay nagagawa pa rin ng dalawang mag-biruan-asaran at tawanan. Pagdating naman sa kani-kanilang personal na buhay, specifically sa lovelife, sinabi ni Luis na happy for Anne at sa significant other sa buhay nito ngayon. "I've never seen her happier. So which goes to show that she is with a great guy right now," ang sincere na pahayag ni Luis.

Wala mang ka-relasyon si Luis ngayon, prangka naman si Anne para sabihing boto siya sa isang babaeng alam niyang special pa rin ngayon para sa best friend. "Of course if there's someone I see na bagay sa kanya, itago natin siya sa pangalang "hulog ng langit" (laughs) "heaven sent" ba siya? I can't really comment on both of them kasi respect na lang sa privacy nila, but if there's anyone that I want... if there's anyone na bagay sa kanya, it would be her," ang statement naman ni Anne. Na sa lahat ng nakarinig ay iisang babae lang ang nasa isip na tinutukoy ni Anne. (Click here for more photos of Anne and Luis)

Read more...

"Siguro time na para mag-move on na tayong lahat," Cristine Reyes sa hindi matapos na intriga sa kanila nina Rayver Cruz at Sarah Geronimo

After ma-shock, maka-relate, ma-touch at maiyak ang lahat sa mga naging confessions ni Sarah Geronimo tungkol sa masakit niyang pinagdaanan sa kanyang buhay pag-ibig... Inaabangan ng lahat ang magiging reaction o ang sasabihin ni Rayver Cruz. Pero until now, hindi pa naririnig ang side ng aktor. Samantalang ang kanyang present girlfriend na si Cristine Reyes, nagbigay ng isang exclusive interview para sa The Buzz.


Aware sina Cristine at Rayver sa malaking issue na lumabas matapos silang umamin tungkol sa kanilang relasyon. May mga nagsasabi pang pinagsabay diumano ni Rayver ang pakikipag-relasyon sa kanila ni Sarah. Pero sa pahayag ng sexy actress sa The Buzz, sinabi niyang hindi dapat umabot sa malaking intriga ang pangyayaring ito sa kani-kanilang buhay. "Kasi kung wala naman pong nakialam di naman po mangyayari yun, kasi di naman intensyon ng tao na pagsabayin talaga. Paano pagsasabayin, naging kami September 14 and I think nag-break sila summer last year."

Nilinaw din ni Cristine na napatunayan niya nang wala siyang kasalanan sa mga nangyari kay Sarah at Rayver. Kaya kung maaari nga ay ayaw niya nang magsalita. Tungkol naman sa isang tweet niya na naging controversial kaagad, itinanggi rin ni Cristine na hindi si Sarah ang pinatatamaan niya. 

Kahit pa kilala siya bilang isang palabang babae, hindi naman itinago ni Cristine ang tunay na nararamdaman sa patuloy na pang-iintriga sa kanila. "Siyempre hindi naman alam ng mga tao yung ano, hindi naman nila kami nakikita pag wala sa camera eh. Nasasaktan din kami. Tingin kasi ng mga tao porket nagalit ka, nakapagsalita ka ng mga ganung bagay masama ka nang tao. Hindi naman po ganun yun eh. Para sa akin, nadaan lang po ako dun sa pulso ko, yung galit. Pero it doesn't mean na masama kang tao."

Kaya para tuluyan nang maging happy and peaceful ang buhay nilang lahat, hangad na rin ni Cristine na matapos na ang issueng ito sa kanilang tatlo. 

"Basta ang wish ko lang, matanggap na lang po ng iba na masaya na kami and matanggap niya na wala po kaming kasalanan sa kanila. Matanggap nila na hindi namin ginusto yung mga nangyari before. Basta ang naparating ko lang po namin na hindi dapat po nila kami sinasabihan ng kung anu-ano kasi wala naman po kaming kasalanan. Yun lang naman po yung sa amin, tama na... Gusto ko na po matapos ang issue para tahimik na kaming lahat. Nasabi ko an yung dapat kong sabihin. Naparating ko na yung gusto kong maparating. Siguro time na para mag-move on na tayong lahat," ang pagtatapos ni Cristine.

Read more...

"Matagal na po akong okay," Sarah Geronimo on her failed relationship with Rayver Cruz

Matapos lumabas ang buong kwento tungkol sa "love triangle" involving Sarah Geronimo, Rayver Cruz and Cristine Reyes sa YES Magazine... isang exclusive interview ang nakuha ng The Buzz mula mismo sa Popstar Princess kung saan, for the last time Sarah shared what she feels tungkol sa pinagdaanang pagsubok sa kanyang buhay pag-ibig.


Sa interview ng The Buzz sa kanya, inamin ng box office queen na hindi naging madali for her and her family ang desisyong magsalita na siya finally tungkol sa issue.

"Syempre di po madali... Nung una ayoko na talagang pag-usapan, ayoko na pong mabulatlat pa kung ano nangyari... Pagpiyestahan kami, ayoko na. Pero wala eh... masyado na kasing masakit para hayaan ko na ibang tao, na ganituhin ako, pamilya ko... so kailangan na rin talaga," pahayag ng singer-actress.

Ang pagpapa-interview daw nina Cristine at Rayver ang isa sa mga dahilan para magsalita na rin siya. "Kasi nagsasalita rin sila, para naman akong tanga kung di ako magsasalita di ba? Meron naman akong dila, may karapatan din akong ipagtanggol sarili ko, pamilya ko..."

"Mahirap ding masyado mong kino-contain sa sarili mo ang emotions mo, wala kang outlet, wala kang mapagsabihan. Mas naging ano ako, relaxed. Mas okay po ako na nakapagsalita ako, di tulad noon na tinatago ko," dagdag pa ni Sarah.

Kung meron man siyang dala-dala hanggang ngayon mula sa heartbreak niyang ito, yun daw ay ang lessons na natutunan niya. Naging stronger and wiser daw siya bilang isang tao. "Sana maintindihan ng tao na kami ay tao lamang din (giggles)," ang request ni Sarah.

Pero kung tatanungin siya kung nakapag-move na ba siya sa pangyayaring ito sa buhay niya, sinabi ni Sarah na matagal na raw. "Di ko lang talaga akalain na aabot sa ganito, matagal na po akong okay."

Read more...

FIRST HERE! EXCLUSIVE video leak of the AGA MUHLACH-ANGEL LOCSIN movie!

Sunday, February 27, 2011

Naku buti na lang marami-rami rin akong matinik na sources sa loob ng showbiz! Kaya heto, para sa mga super duper excited na sa movie nina Aga Muhlach at Angel Locsin, mauna na kayong sumilip sa mga nagaganap sa shooting nila - o magaganap sa mismong pelikula!

video

Read more...

FIRST HERE! EXCLUSIVE photos : Sarah Geronimo and Gerald Anderson, CATCH ME... I'M IN LOVE! Malapit na!

Saturday, February 26, 2011

Catch me... I'm in love. Kayo ba in love right now? Well, in love man kayo o hindi, o kahit broken hearted pa, I'm sure pag pinanood niyo ang movie na ito mas lalo kayong mai-in love, mai-inspire ma-in love o mahe-heal ang broken heart niyo! Kaya bilang silip, heto ang ilang super gandang photos mula sa movie ng Pop Princess na si Sarah Geronimo at ni Gerald Anderson. CATCH ME... I'M IN LOVE. MARCH 23 na!









CLICK HERE for 50+ more photos! Thank you so much Star Cinema!

Read more...

Naka-PLDT my DSL wifi+modem ka na ba?

Wednesday, February 23, 2011


Get the best internet experience! Tulad nina Rhian Ramos at Alyanna Martinez, mag-PLDT myDSL wifi+modem ka na! Hindi mo na kailangan ng router, dahil ang wifi modem ng PLDT ay siya na ring modem mo! Ang bongga di ba? Heto po ang ilang details ng offer nilang ito :
1. It's a plug and play device just like the regular myDSL modem
2. Its range is up to 25 meters
3. It has a 4-port hub
4. 2, 200 pesos for plans 990 and 1299
5. 1, 000 pesos for high speed plans - 999/995/3000
6. Ultra sleek black design
7. You save as much as 1, 500 pesos since you don't have to buy a separate modem and wifi.

Read more...

PHOTOS : Behind the scenes of the VIC SOTTO & BEA ALONZO movie



Click here for more photos! Thanks again Kagawad Odie Jose for the photos!

Read more...

"That is so far from the truth..." - Phil Younghusband sa issue na pinagpustahan nila ng Team Azkals members si Angel Locsin

Monday, February 21, 2011

After ng kilig ng marami sa page-express ni Phil Younghusband ng intention niyang makilala at maka-date si Angel Locsin through Twitter, sumunod naman as expected dito ang iba't ibang intriga. May mga nagsasabing hindi dapat sa Twitter lang nag-express si Phil ng intentions niya kay Angel. Isyung agad namang sinagot ni Phil sa interview sa kanya ng E-Live. 


"I'm apologizing to Angel... because I made it public, I've given her unneeded stress. I really respect Angel so I don't really want to make anything worse," ang pahayag ni Phil.

Pero ang intrigang talagang ikinagulat ng marami, ay ang diumano'y pagpupustahan lang ni Phil at iba pang teammates niya sa Azkals na maide-date niya si Angel. Pero bago pa lumala ang isyu, eto ang mabilis na depensa ni Phil, sa interview pa rin ng E-Live.

"That is so far from the truth, I can't believe people are even suggesting I was saying that. I like Angel and I want to get to know Angel, but this has got nothing to do with the team."

Maging ang kapatid ni Phil na si James Younghusband ay bumuwelta rin sa pustahan issue na ito.

"I respect the privacy of Phil and Angel. I let them get to know each other, and I clarify, there is no bet. The Azkals have nothing to do with them getting to know each other," sabi ni James.

Nang makausap ng The Buzz ang iba pang members ng Team Azkals, lahat sila ay nagulat din sa issue. Sinisiguro nilang walang pustahang nangyari at Phil sincerely likes Angel.

Read more...

Piolo Pascual at KC Concepcion, nag-Sunset Cruise sa Subic!


Bilang post-Valentine's Day celebration, sinundo ni Piolo si KC last Tuesday. Pero dahil may something si KC sa Subic the following day, Piolo decided na sa Subic na rin sila pumunta ng princess niya para hindi naman masyadong mahaggard si KC. So ayun nga, habang nasa isang salon si KC, sinundo siya ni Piolo. Nagbyahe na sila together pa-Subic, KC fell asleep while nasa byahe sila. At nang magising ang princess, nagulat siya dahil sa Subic Bay Yacht Club siya dinala ng Jaguar (tawag ni KC kay Piolo) niya. Piolo syempre knows na super favorite ni KC ang mag-yacht, ang dagat, ang katahimikan sa lugar. Ano ang nangyari pagdating nila sa Subic Yacht Club? Naku, click here na to continue reading!

Read more...

BRENNA and CLARENCE, Star Circle Quest's Grand Kiddie Superstars!

Saturday, February 19, 2011

Matapos ang pag-aabang ng buong bayan... at ang pagsuporta ng lahat sa kani-kanilang bet na kiddie questors... Kanina sa SCQ Grand Questors' Night ay nagka-alaman na kung sino sa Magic Circle of 6 na sina Brenna, Veyda, Maurice, Clarence, Jelo at Kristoff ang pinakamagsha-shine!


Walang duda, lahat napasayaw sa galing ni Brenna sa dancefloor, with her beauty na hinaluan ng super astig na facial expressions... Siya ang dineklarang  SCQ Grand Girl Kiddie Superstar!


Patuloy namang pinasaya ni Clarence ang lahat with his knock, knock jokes na puro pagkain ang laman! Lahat talaga namang gusto siyang yakapin at pisil-pisilin! Kaya ganun na lang ang saya ng marami niyang supporters nang siya ang tanghaling SCQ Grand Boy Kiddie Superstar!

Congrats Brenna and Clarence, at maraming, maraming salamat po sa lahat ng tumutok at sumuporta sa season na ito ng SCQ Kids mula pa noong simula. The Magic Continues! Hanggang sa susunod!

Read more...

SUPER HOT! Photos of Gerald Anderson for his movie with Sarah Geronimo!

Thursday, February 17, 2011



CLICK HERE for more hot, hot, hot photos!

Read more...

Melissa Ricks and Matt Evans, back in each other's arms!



Tuluy-tuloy pa rin ang selebrasyon ng Valentines' sa MMK ngayong Sabado as it brings together once again Matt Evans and Melissa Ricks sa isang love story na tiyak na kapupulutan ng aral at inspirasyon ng maraming kabataan ngayon. Gagampanan nila ang papel nina Bobit at May, respectively, two young lovers, na sa kabila ng paglipas ng panahon at pagsubok ay pinangibabawan pa rin ng pag-ibig at pagmamahal. 


Don't miss this very special episode ng MMK sa direksyon ni Roni Velasco!

Read more...

Wag magpahuli sa latest showbiz chika online! Mag-PLDT myDSL modem+wifi in ONE na!

Sa bilis ng pagkalat ng information ngayon sa internet, lalo na ang mga showbiz news and other chikas, hindi kataka-taka kung lahat tayo nagkikita-kita na ngayon sa cyberworld! Kaya naman very convenient na ngayon kung naka-wifi kayo at home right? Pero minsan di ba hassle yung may wifi modem na kayong pina-plug, meron pang router. Pero don't worry, dahil tulad ni Rhian Ramos, pwede niyo nang mas pabonggahin ang inyong internet experience ngayon! Dahil ang PLDT myDSL ay nag-launch na ng kanilang wifi+modem in one!

Subscribers can now enjoy their high speed connections at home without being tied down to a cable. It's the first modem-and-Wi-Fi router-in-one from PLDT. 
Sleek, innovative, and future-ready, the Wi-Fi Modem is available with PLDT myDSL bundled plans 990 and 1299, allowing you wireless broadband access anywhere at home. And beyond the convenience of portability, subscribers of myDSL Plans 999, 1995, and 3000 get to avail themselves of a modem that can accommodate up to four wired and multiple wireless connections. Your entire family can go online using your desktop computers, laptops, and mobile devices simultaneously. 
O di ba ang saya! Kaya I'm sure with this innovation, mas madali at mabilis na ang pagdating sa inyo ng mga latest happenings sa showbiz world, at mga insider chikas from darlasauler.com! Go!

Read more...

UPDATED : Kim Chiu, nakausap na ang basketball star na si Simon Atkins

Tuesday, February 15, 2011

During this event yesterday, finally ay nagkausap na sa phone sina Kim Chiu at Simon Atkins, matapos mag-express ang huli na gusto niyang makilala ang primetime princess through Twitter. And according to my sources, nagkausap ang dalawa through Kim's make up artist Haidee. Naging friends kasi sa Twitter si Haidee and Simon, nagkakuhaan ng number, and naging textmates. And kahapon nga, pinilit ni Simon si Haidee na makausap si Kim. But because nasa event nga si Kim that time, halos hi and hello lang daw ang naging usapan nila ng basketball player. 


CLICK HERE for more photos. Thank you Kagawad Odie Jose for the photos!

Read more...

THE BUZZ hosts - Toni Gonzaga, KC Concepcion, Charlene Gonzalez and Boy Abunda, sinorpresa ng kanilang mga partners for Valentine's Day

Monday, February 14, 2011

Magkahalong gulat, tuwa at love ang naramdaman ng apat na hosts ng The Buzz kanina nang sorpresahin sila ng kani-kanilang partners na nagbigay ng taos sa pusong Valentine's Day messages for them. 

"Sobra sobra na yung binigay sa akin ni Charlene, I can't ask for more...  I will never be tired of saying that I love you and thank you for everything. You give life to me, thank you for all the care and the love sa mga anak natin at sa akin... I always say till the end of time, you will be there and I will be there, I love you , I love you very much." - Aga Muhlach




"We spend Valentine's with each other, place is not really the concern. The concern is we spend the Valentine together... That's what makes Valentines special, the time that we can share together... Tin, Happy Valentine's Day... you know everything that I feel, you know everything that it's us... stay happy, stay yipee, stay yehey." - Direk Paul Soriano





"Thanks for being with me, sa tinagal-tagal at dinami-dami ng pinagdaanan natin... I believe na ang love talaga knows no boundaries... it's something you cannot define, no matter what happens, it's love, di mo siya pwedeng kontrahin at labanan... Thank you for this very special Valentine date that we're going to have this year, I pray for more, I pray that every year we'll be able to celebrate Valentine's together." 
                                                           - Piolo Pascual



photo courtesy : PEP.ph
"I am very excited because this is the first time that Boy and I will be spending Valentine's with Nanay... Happy Valentine's baby. Alam mo 27 years, parang kahapon lang pero ang wish ko lang sana for the rest of our lives, we'll be spending Valentine's day together. Wala na akong maiisip na iba pa to spend Valentine's with but you, so Happy Valentine's day... I love you baby." - Bong Quintana

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS : Kris Aquino gives back on her birthday

Sunday, February 13, 2011

Para maiba sa previous birthday celebrations niya, this year bago pa man ang eskaktong birthday niya - February 14, ay nagpunta sa Camiling, Tarlac ang Queen of All Media para sa isang gift giving and medical mission, bilang pagshi-share raw ng blessings na natatanggap niya. Syempre kinagabihan may mass, prayer fellowship at intimate dinner din siyang inihanda for her family and close friends. Thanks Krisy for inviting me! Hihihi! Thanks Alvin Gagui for the photos!


CLICK HERE for more photos!

Read more...

"Let's try another day," Angel Locsin to Phil Younghusband's Valentine's Day date invitation

Thursday, February 10, 2011


Nabulabog ang Twitter world today when Team Azkals' Phil Younghusband invited Angel Locsin for a Valentines day date. Sa Twitter message ni Phil kay Angel, eto ang sabi niya : 


Sinagot naman ni Angel sa Twitter din ang message na ito ni Phil, sabi ng aktres : 


Grabe ha, talaga namang love is in the air! Naku! Kayo ba my ka-date na ngayong V-day?

Read more...

BTS photos : HAPPY, YIPEE, YEHEY! Ngayong Sabado na after SHOWTIME!




CLICK HERE for more photos!

Read more...

FIRST HERE! EXCLUSIVE: Bea Alonzo, Angel Locsin, Anne Curtis, KC Concepcion... in one project! Ang bongga!

Monday, February 7, 2011



Thank you sooooo much Mark Nicdao! Naku friends, abangan niyo ang paglabas ng "project" na ito ng apat sa pinaka-magaganda at sikat na female stars natin! BEA ALONZO. ANGEL LOCSIN. ANNE CURTIS. KC CONCEPCION. Saan ka pa? Abangan ito ngayong February 2011. VANTAGE, Mark Nicdao + Celebrities. Nakaka-loka! 

Pero syempre hindi lang isang photo ang ipapasilip ko sa inyo! Dahil meron ding video ng behind the scenes ng kung anumang project ito! Kaya mauna na sa lahat, CLICK HERE para mapanood ang video!

Read more...

EXCUSIVE PHOTOS : Happy First Anniversary Melai and Jason!



Napaka-sweet talaga ng Melason PEXers at iba pang supporters nina Melai Cantiveros at Jason Francisco! Bukas pa ang first anniversary ng dalawa pero eto, na-sorpresa na agad sila! Heto ang ipinadalang kwento sa akin ng MELASON PEXers...

"Sinurpresa ng mga fans sina Melai Cantiveros at Jason Francisco, mas kilala 

bilang Melason, noong gabi ng Pebrero 5 habang nagsushooting sila sa Antipolo ng 
indie fillm nilang Pureza. Kasama ang isang marching band mula sa Don Bosco 
Vocational School, hinarana ng Melason Pexers sina Melai at Jason ng kantang 
Can’t Take My Eyes Off You. 



Matatandaang noong madaling araw ng Pebrero 8, 2010, umakyat si Jason sa bubong 
ng bahay ni Kuya upang opisyal na ipahayag ang tunay na damdamin niya kay Melai. 
Hiniling ni Jason kay Kuya ang isang marching band para patugtugin ang Can’t 
Take My Eyes Off You habang kinakantahan niya si Melai. Sa petsang ito naging 
opisyal na magsweetypie ang Melason.


CLICK HERE to read more, and see more photos!

Read more...

Cristine Reyes and Rayver Cruz, to live "happily ever after" PLUS : EXCLUSIVE photos sa fairy tale birthday party ni Cristine

Sunday, February 6, 2011

Last night ay ginanap ang birthday party ni Cristine Reyes, syempre pa present dito ang boyfriend niyang si Rayver Cruz. Nandun din ang pamilya ng aktor, ni Cristine at ng programang Kristine. Super happy and sweet sina AA and Rayver sa isa't isa, habang naka-Snow White costume ang birthday celebrator. Ayaw daw mag-costume ala prince charming ni Rayver kasi baka pagtawanan siya ng mga friends niya. Hehehe! Dahil fairy tale naman ang theme ng party, buong pagmamahalang sinabi nina Cristine at Rayver na nakikita nila ang mga sarili nilang magli-live happily ever after. 



CLICK HERE for more exclusive photos!

Read more...

FIRST HERE! EXCLUSIVE: Ara Mina, SPOTTED with her non-showbiz boyfriend!


Here's Ara Mina with her non-showbiz boyfriend MOY, sa birthday party ng kapatid niyang si Cristine Reyes last night.

Read more...

FIRST HERE! EXCLUSIVE: PIOLO PASCUAL, ipinakilala na si KC CONCEPCION sa pamilya at mga kamag-anak!

Saturday, February 5, 2011


Matapos ang pag-amin ni Piolo Pascual tungkol sa 3-month romantic relationship nila ni KC Concepcion, parang naging very open na ang dalawa sa kanilang pagmamahal sa isa't isa. Alam niyo ba, last Tuesday ay ipinakilala ni Piolo at ng mommy nito na si Mommy Amy si KC sa kanilang mga kamag-anak. And Piolo's choice na restaurant para sa pagtipon sa kanilang mga kamag-anak at kay KC, sa MESA sa Greenbelt 5! In fairness good choice! Favorite ko rin dun, sarap ng food! 

At eto pa nga, yesterday, ay binisita ni Piolo si KC sa taping ng SCQ. Ang sweet di ba? Hihihi! Kaya abangan din mamaya si Piolo Pascual sa SCQ Kids, 6:45pm!



Click here for more exclusive photos, and video! Hehehe!

Read more...

FIRST HERE! Gladys Reyes, newly-appointed MTRCB Board Member

Thursday, February 3, 2011


Just got this news! Congratulations kay mareng Gladys Reyes, bilang newly-appointed MTRCB Board Member na siya! Sa monday ay gaganapin ang oath-taking niya. Ang bongga, you deserve it Glads! And syempre, patuloy niyo ring subaybayan si Gladys bilang isa sa magagaling na quest jurors ng Star Circle Quest for the Next Kiddie Superstars, Saturdays after TV Patrol Weekend. 

Read more...

Iya Villania and newest Kapamilya star Venus Raj, to join Umagang Kay Ganda starting February 7


Naglabas na ng official press statement ang ABS-CBN announcing the latest changes sa Umagang Kay Ganda. And ito nga ay ang pagpasok nina Venus Raj at Iya Villania sa program. Ayon sa press release, dream come true raw ang pagkakasama niya sa UKG barkada para kay Venus, kung saan isa na siya sa maghahatid ng freshest showbiz news sa atin at the same time, doing a segment on public service also. 

Si Iya Villania naman will be hosting the segment called "Youth Tube," kung saan she will feature naman the latest and hottest videos that are making a big buzz online. Pwede na rin daw maki-interact ang viewers this time, gamit ang iba't ibang social networking sites sa internet. 

Kasabay ng pagpasok ng dalawa sa morning show, marami ring new segments ang UKG na dapat abangan! Kaya para sa mga gising na ng 5:00am, make sure hindi kayo mahuli sa mga balita! Tutok lang sa Umagang Kay Ganda!

Read more...

Welcome back Mariel Rodriguez-Padilla!

Wednesday, February 2, 2011

Ilang araw na lang, mapapanood at makakasama na ulit natin ang namiss nating si Mariel Rodriguez-Padilla! As we all know, magho-host siya sa bagong noontime show ng ABS-CBN with Toni Gonzaga, Randy Santiago and John Estrada. 


Kaya bago pa natin siya makita live sa TV, heto na ang silip kay Mariel na original celebrity correspondent ko dito sa darlasauler.com hehehe! Love your new haircut by Pin Antonio Ma, thanks! See you very, very soon!

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

TopBlogs.com.ph

Entertainment & Lifestyle - Top Blogs Philippines

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP