Follow me on Instagram and Twitter : @darlasauler

OVER 50 EXCLUSIVE PHOTOS : Asap Rocks stars in Cebu!

Thursday, March 31, 2011

Mga friends, silipin na ang mga behind the scenes kaganapan sa ASAP ROCKS in Cebu last Sunday! Syempre thank you so much to my friend Leo Bernardo for the photos!




Click here na agad for more photos!

Read more...

Derek Ramsay at Angelica Panganiban, going strong sa kabila ng paulit-ulit na balitang hiwalay na sila!


Isang oras ang nakakalipas, marami ang nagulat at nag-alala nang maglabas ng statement ang PEP, na kinukumpirmang hiwalay na sina Angelica Panganiban at Derek Ramsay. 


As a friend na-bother ako nang mabasa ko ito kaya I immediately called up Derek, and again, isa na naman itong paninirang issue sa kanilang dalawa. Hindi po totoong hiwalay sila, medyo nafu-frustrate na nga sina Derek dahil paulit-ulit na lang ang balitang hiwalay sila. So sa mga nagmamahal sa dalawa, wag na pong mag-alala. Sila pa rin. Happy and going strong.

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS! Mara Clara star Kathryn Bernardo's birthday asalto with friends and family

Tuesday, March 29, 2011

Nakaka-touch naman dahil super bait talaga ng mga supporters ng iba't ibang celebrities sa site ko. Patuloy silang nagse-send ng photos para mai-share sa ating lahat ang happy moments nila with their idols. 

I got an email from Kathryn Bernardo's official fan club, ang Kathryn Bernardo Buddies (KBBuddies), na nagshe-share ng kanilang birthday asalto for the young star last Saturday sa taping ng Mara Clara. Kaya sa maraming nagmamahal kay Mara, sa iba't ibang panig ng world, eto po ang ilang photos! Happy Birthday again Kathryn! Thank you KBBuddies!



Click here for more photos!

Read more...

Toni Gonzaga signs two-year contract with Star Cinema

Katatapos lang pumirmang muli ni Toni Gonzaga ngayon ng 2-year, 3-picture contract with Star Cinema. Kasama niya sa contract-signing ang parents niya, and of course nandun ang big boss ng Star Cinema na si Ms. Malou Santos. Kasama sa line up ng movies niya yung ginagawa niyang pelikula now with Eugene Domingo, Zanjoe Marudo, etc. Plus syempre meron pa with John Lloyd Cruz ulit. When asked again tungkol sa issue ng box office queen title, muli ay nilinaw ni Toni na okay sila ni AiAi delas Alas, at sa katunayan ay magka-text pa sila. Thanks Kagawad Odie Jose for the photos!


Click here for more photos!

Read more...

FIRST HERE! EXCLUSIVE PHOTO : Spotted Angel Locsin and Phil Younghusband sa Bonifacio High Street

Monday, March 28, 2011

A friend sent me this photo yesterday, finally, a photo of Angel Locsin and Phil Younghusband together! Nakunan ito ni Nikki Enriquez Laquian sa Bonifacio High Street. Thanks so much again Nikki! 


Read more...

FIRST HERE! EXCLUSIVE PHOTOS : KC Concepcion and Sam Milby movie behind the scenes

Saturday, March 26, 2011

I am so glad na sumama kina KC Concepcion at Sam Milby sa shooting ng movie nila in Bukidnon / Cagayan de Oro ang Twitter friend kong si Eira Caberte. Dahil dyan, heto ang patikim na photos nina KC and Sam from her!


Click here for more photos!

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS! SPOTTED : Star Power winner Angeline Quinto with new girl friends!

Thursday, March 24, 2011

Isa-isa na talagang natutupad ang mga pangarap ni Angeline Quinto, ang grand winner ng Star Power ni megastar Sharon Cuneta. Aside from her dream duets, eto pa at ang dating mga napapanood at iniidolo niya lang, nakakasama niya na at nagiging ka-close niya na! Heto siya with KC Concepcion and her sister Garrie, with Marie Digby!


Read more...

Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, pinayuhan sina KC at Piolo Pascual na wag pasira sa mga intriga sa kanilang relasyon

Sunday, March 20, 2011


Mula nang umamin sina Piolo Pascual at KC Concepcion na officially ay sila na, sunod-sunod na ang mga naglalabasang intriga patungkol sa kanilang relasyon. Sinagot na ni Piolo ang mga issues na ito, kaya naman ang ilan, inaabangan ang magiging reactions ng parents ni KC na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. 


Sa isang interview sa kanila, pinayuhan nina Sharon at Gabby ang dalawa na maging matatag laban sa mga gustong sumira sa kanilang pagmamahalan. "Basta masaya sila okay sa akin yun, importante maging matibay sila sa intriga dahil ngayon nalaman na sila. Pareho naman silang mabait na bata okay lang, I'm sure it will work out," ang pahayag ng Papa Gabby ni KC.

Buo naman ang tiwala ng Megastar sa kanyang panganay na anak. "I keep telling Kace, you two stay strong kasi pag nagpa-apekto ka, tuloy-tuloy na yan... Ang nagkakaalaman at nagkakakilala ng tunay, kayong dalawa lang. Kahit kami di namin alam. So you feel it in your heart. You should protect what you have. Don't allow anyone to destroy it. Kung mayroong sisira, dapat nanggaling sa inyo, hindi sa labas. Kasi dinaanan ko yun eh. I trust them both, KC is an adult and she's growing into a beautiful human being. If there's someone I trust it's my daughter," ang sabi naman ng Mama Shawie ni KC.


Read more...

WITH EXCLUSIVE PHOTOS : Panganay ni Kris Aquino na si Josh, graduate na!

Kanina sa UP Film Center ay ginanap na ang moving up ceremonies ni Joshua Aquino, panganay na anak ng Queen of All Media na si Kris Aquino. Present sa nasabing graduation si Kris, Bimby, at ang tatlo pang sisters ni Krisy.

"It's a moving up, it's a transition kasi natapos na niya yung intermediate. After this kasi, meron kaming bagong pinuntahan na... bagong life coach na magta-transition kami from the school environment, pupunta na si Josh sa life skills. Meaning mahilig kasi siya mag-bake, may chef na mag-aaral siya doon, at mahilig siya sa music so magpa-piano siya," ang kwento ni Kris sa isang naunang interview sa kanya.

Click here for more photos!

Read more...

"Matagal na matagal ko na siyang gustong makausap... Gusto ko talagang mag-sorry sa kanya," Sarah Geronimo sa pagbabati nila ni Cristine Reyes


Magandang balita talaga ang naging pagbabati kanina sa backstage ng ASAP ROCKS nina Sarah Geronimo at Cristine Reyes. Sa kumalat sa Twitter, sinabing nagyakapan at halos magka-iyakan pa ang dalawa. Sa live interview sa kanila ni Gerald Anderson kanina sa The Buzz for the promo of their movie Catch Me... I'm In Love na ipapalabas na sa Wednesday, detalyadong kinuwento ng two-time box office queen kung paano silang nagkabati ni Cristine.

"Matagal na matagal ko na siyang gustong makausap, matapos ang lahat ng gulo, gusto ko talagang mag-sorry sa kanya... walang pagkakataon po kasi eh, para masabi... masyado pong masakit yung nangyari, kung ako yung mauuna ganun. Pero ako sa sarili ko, nun pa gusto ko nang mag-sorry para matapos na at ah, alam kong nasaktan din siya. Kaya kailangan ko ring mag-apologize," pagsisimula ni Sarah.


May nakalimutan daw sila sa dressing room - eyeliner, nung time na yun at nung pabalik siya nangyari ang pagku-krus ng landas nila ni Cristine. "Eksakto palabas si Cristine, so nagkatinginan kami, na-ano pa siya, umiwas pa siya. Sabi ko "Cristine," nagulat siya. Syempre may takot din sa akin, ano kaya tatanggapin kaya niya? O baka masaktan kaya ako? Ano kayang mangyayari? So niyakap ko na lang siya... hindi ko na siya pinakawalan," ang sincere na kwento ni Sarah.

Sa pagsasalita niyang ito, nilinaw na rin ni Sarah ang mga lumang issues na hindi niya ansagot noon. Katulad na lamang ng pag-approach niya raw minsan kay Rayver, na ang intensyon lang naman niya ay ipakita sa lahat na okay na siya, okay na sila as friends. Kasabay nito, ipinaliwanag din ni Sarah ang naging joke niya noon sa rehearsals ng ASAP ROCKS tungkol sa magagaling sumayaw na habulin ng seksing babae, kung matatandaan niyo, ito ang naging simula ng naging maaanghang na pahayag ni Cristine noon sa Twitter. 

"Merry Christmas Ray, naaalala mo pa ba ako? Sarah! Ganun lang po, wala akong intensyon na para, makipag-flirt sa kanya ganun? Walang ganun po. At yung biro ko sa stage na yun during rehearsals, sine-set ko lang yung mood na okay na tayo... saka yung joke ko na yun for John (Prats) and Rayver kasi totoo naman yun na yung mga magagaling sumayaw lapitin talaga ng magaganda at seksing babae. Si Rachelle (Ann Go) sexy, si Cristine sexy, maganda. Yun lang po wala akong ibang ibig sabihin dun, at yun ang gusto kong ipaliwanag kay Cristine," sabi ni Sarah.

Si Mommy Divine sa early part ng interview ni Sarah kanina sa studio ng The Buzz.
Idinagdag din ni Sarah na matapos silang magka-ayos ni Cristine, ay nagkita rin ito at ang ina niyang si Mommy Divine. Nag-sorry rin daw ang sexy actress sa ina ni Sarah. "Sabi ko, Cristine, naiintindihan kita, in love ka eh. Nangyari rin sa akin yan noon... Ay sorry Mommy," dagdag ni Sarah sabay pabirong sorry kay Mommy Divine na nandoon din sa studio kanina. 

Ang saya naman ng balitang ito. Lahat talaga ng gulo, naaayos. Love you Sarah and AA! 

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS : Toni Gonzaga-Eugene Domingo movie

Friday, March 18, 2011

Thank you Ms. Hervie Bautista for the photos!


Click here for more photos!

Read more...

'Baby James' maagang nag-celebrate ng birthday with Mom Kris Aquino

Thursday, March 17, 2011

A few hours ago, sa special event for their new endorsement, maagang sinelebrate nina Kris Aquino and "Baby James"(ayon sa court, wag na raw tawaging Baby James si Bimby - James na raw dapat) ang birthday ng huli na dapat ay sa April pa. Ni-reveal din ni Krisy kanina na sa Palm Sunday ay aalis ulit silang mag-iina ng bansa para makapag-bonding. Thanks Kagawad Odie Jose for the photos! 


Click here for more photos.

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS! FIRST HERE : Cristine Reyes and Rayver Cruz sa kanilang Bangkok trip as a couple

Wednesday, March 16, 2011

Heto po ang photos ng Thailand trip nina Cristine Reyes at Rayver Cruz, last March 11-14. Thank you AA for allowing me to post these photos here! Luv yah!





Click here for more exclusive photos! 

Read more...

Marie Digby, kapamilya na nga ba?

Tuesday, March 15, 2011

Marami ang natuwa sa balitang nandito sa Pilipinas si Marie Digby. Pero ang tanong ng marami : susubukan na rin ba niya ang showbiz dito? Magiging kapamilya na ba siya? Well... sa ngayon wala pa pong siguradong sagot dyan.


Pero according to my reliable source, 3 months na mag-stay dito sa bansa si Marie at posibleng mapanood natin siya sa number one variety show tuwing Sunday, ang ASAP ROCKS. Welcome Marie! 

Kayo friends, ano ang gusto niyong gawin ni Marie? Saan niyo siya gustong mapanood? Go, share your thoughts na! 

Read more...

Kim Chiu at Gerald Anderson, nagkabalikan na nga ba?

Sunday, March 13, 2011

Kahit pa sa huling live guesting niya sa The Buzz ay sinabi ni Gerald Anderson na he is not in love right now... tuloy pa rin ang pag-ikot ng usap-usapang nagkabalikan na sila ni Kim Chiu.


Kasabay ng kanilang high school graduation last week...  ay sinagot na rin ni Kim ang issueng ito nang ma-corner siya ng The Buzz. "Hindi, hindi po namin priority yun. Masaya naman po si Gerald ngayon as siya lang, sa career niya, maganda naman. Huwag na po nating guluhin yun, kung nandyan... nandyan. Kung wala, wala. Magkaibigan pa rin naman kami. Huwag na lang po natin pilitin kung anung mangyari, hayaan na lang po natin, time heals din naman, bahala na," ang sabi ng aktres. 

Read more...

"Nakakatensyon yung duet namin, nanginginig yung tuhod ko..." Sarah Geronimo on production number with Angeline Quinto sa ASAP ROCKS

As expected, nagsisimula nang i-compare sa isa't isa ngayon sina Sarah Geronimo at ang Star Power's first grand winner na si Angeline Quinto. Nagkataon kasing naging magkalaban na sila noon sa Star for a Night, kung saan si Sarah naman ang tinanghal na champion. 


Now na nagkakasama na sila sa ASAP Rocks, at nagshi-share muli ng entablado, umugong ang intrigang threat na raw si Angeline ngayon sa career ni Sarah. Pero sabi ng Popstar Princess, "masama yung iniisip na may threat... Baka ma-psycho ako, hindi eh... Hindi maganda yung ganoong ugali..."

Kung tutuusin kasi, happy raw si Sarah sa tagumpay ngayon ni Angeline. "Ay masayang-masaya ako for Angeline, sabi ko nga sa kanya, sa wakas... talaga kasi, lalo na nung narinig ko yung istorya niya... masakit, masakit sa aking malaman na ganun yung nangyari. At ito ngang pagka-panalo niya, ay sobra akong natutuwa," pahayag ni Sarah.

Humble naman na inamin ng reigning Box Office Queen na sa unang duet nila ni Angeline sa ASAP Rocks ay kinabahan siya. "Nakakatensyon yung duet namin, nanginginig yung tuhod ko... Kasi hindi naman kasi kami dapat kabahan pero alam mo na, parang laging ganun, may nagsho-showdown. Parang contest ulit... Pero sana hindi na ganun sa susunod na production number namin together. Para mas magawa namin nang maayos," ang mapagkumbabang pag-amin ni Sarah.

"Kailangan mong i-sustain kung ano yung meron ka... ipagdadasal mo rin kung ano yung plano sa'yo ng Diyos. Ganun, at saka healthy competition lang," dagdag pa ni Sarah na naiintindihan naman kung bakit may ibang pilit silang pinagtatapat ngayon ni Angeline. Bilib naman daw talaga siya kay Angeline, at ngayon daw ay time nito to shine. "Tapos na ako eh, kailangan pangalagaan ko na lang kung ano ang meron ako," sabi pa ni Sarah.

Go SG! Positive lang lagi! Dedma sa intriga, good luck sa CATCH ME... I'M IN LOVE, na showing na this March 23! 

Source : The Buzz

Read more...

"He's a blessing," Bea Alonzo on Zanjoe Marudo

Wednesday, March 9, 2011

Kahapon, nauna nang nalaman ng mga k-textmates ko ang saloobin ni Bea Alonzo tungkol kay Zanjoe Marudo. Dahil for the first time nga ay nagsalita ng mahaba ang aktres tungkol sa nanliligaw sa kanyang si Zanjoe, sa interview sa kanya ng SNN.

"He's a blessing... dumating siya sa buhay ko, hindi para pawiin yung sinasabi mong pain from other experiences, this is another chapter in my life... Right now I'm happy where I am, he is very thoughtful and sweet. I think it's working well... most of the time pumupunta siya, susunduin niya ako, lumalabas kami. We do a lot of special things together, it's so special that I cannot share with you," ang masayang pahayag ni Bea.


Inamin din ni Bea na kapag hindi niya nakikita si Zanjoe ay nami-miss niya ito. "Busy na rin siya ngayon, busy na rin ako, mas madalas kaming nagkikita noon kaysa ngayon. Pero mas maganda every time we see each other mas marami kaming kwento... Kung may kasama ka namang araw-araw madalas, pag naputol yun mami-miss mo siya, siya yung taong gusto mong laging kasama," sabi niya.

On the other hand, kung ang pagiging busy niya ang pag-uusapan, bukod sa pelikula nila ni bossing Vic Sotto ay gagawin na rin soon ni Bea ang pelikula niya with Angel Locsin, ang Maalaala Mo Kaya the movie.

"It's such a big project, nung nalaman ko sobra akong nagtatalon sa sobrang tuwa... She's a good actress, who wouldn't want to work with her? Ngayon, ibang timpla yung pelikula, talagang well-researched," excited na kwento ni Bea.

Pero syempre, hindi naman pwedeng hindi ma-miss ni Bea ang original leading man niyang si John Lloyd Cruz. Kaya good news para sa lahat ng supporters nila, ang reunion movie na gagawin nila directed by Olivia Lamasan. "Sa totoo lang nami-miss kong ka-trabaho si Lloydie, pag nakikita ko siya sa TV, I am really proud of him kasi ang layo-layo na nang narating niya."

Read more...

Paulit-ulit na kiligin! CATCH ME... I'M IN LOVE music video

Monday, March 7, 2011


video

Read more...

Gerald Anderson, hindi raw in love sa ngayon


Kahapon sa kanyang guesting sa The Buzz, umamin si Gerald na right now, he is not in love with anyone. Pero hindi niya naman itinanggi na si Kim Chiu ang kanyang first love, not his greatest love dahil sa edad niya ngayon ay masyado pang maaga para sabihing he already found his greatest love.

Busy ang hunk actor ngayon with his career. Sa March 23 na ang showing ng pelikula nila ni Sarah Geronimo, ang "Catch Me... I'm In Love" na siguradong magpapakilig sa lahat ng manunuod nito. Hindi naman isinasara ni Gerald ang pinto sa kung anumang possibilities na dumating sa kanilang dalawa ng leading lady. 

Happy Birthday Gerald Anderson! ☺

Read more...

Erich Gonzales and Enchong Dee, sa Filipino remake ng Maria la del barrio

Sunday, March 6, 2011



Last Thursday ay pormal nang ipinakilala ng ABS-CBN sa lahat ang bagong Maria la del Barrio at Luis Fernando na mamahalin ng buong bayan! Ito nga ay sina Erich Gonzales at Enchong Dee. Makakasama rin sa nasabing remake sina Angel Aquino, K Brosas, Ian Veneracion, Tricia Santos at ilang bagong mukhang makikilala niyo soon. The serye will be directed by Rory Quintos.

Sa pagharap nila sa ilang members of the press, natanong ang dalawa kung tulad ng original ay handa rin silang maging palaban when it comes to being "sensual" sa project nilang ito. "Kami ang magbibigay ng panibagong ibig sabihin ng sexy," ang hirit ni Enchong. At sabi nga ni Direk Rory, "they're ready."

Buo rin naman ang loob ni Erich para sa napakalaking challenge na ito sa kanya bilang aktres, dahil alam niyang hindi siya papabayaan ng ASB-CBN. At lagi naman daw nasa tabi nila si Direk Rory para i-guide sila. 

Kaya friends, kung nabaliw-baliw tayo dati sa Maria la del Barrio, tutukan niyo itong remake na ito dahil mas lalo niyong mamahalin sina Maria at Luis Fernando ngayon. Click here for more photos!

Read more...

FIRST HERE! EXCLUSIVE : Derek Ramsay, bumuwelta sa pang-aaway ng isang diumano'y Phil Younghusband fan kay Angelica Panganiban!

Thursday, March 3, 2011


Naging maingay at controversial muli ang Twitter today, dahil sa pang-aaway ng isang diumano'y Phil Younghusband / Team Azkals fan kay Angelica Panganiban. Nagsimula ang gulong ito matapos ang ilang tweets ni Angelica, tungkol sa pagkadismaya niya sa pag-aartista raw ni Phil. 




Sunod-sunod ang naging pag-atake sa kanya ng isang diumano'y fan nina Phil Younghusband. Mula sa negative reactions sa pagpuna ni Angelica sa pagsho-showbiz ni Phil, hanggang sa mga personal nang atake sa aktres at maging sa boyfriend nitong si Derek Ramsay. Hindi ko na ipo-post dito ang Twitter ang tweets niyang masyado nang mahalay at bastos. 

Nakausap ko rin si Derek tungkol sa isyung ito at maging siya ay masyadong na-hurt at na-disappoint sa mga birada ng hindi pa kilalang taong ito. Dahil sa totoo naman, marami nang karangalang inuwi si Derek kung pagiging atleta ang pag-uusapan (frisbee, at dati rin pong football / basketball player si Derek) - kung hindi man champion, lagi silang may medalyang nai-uuwi.. At sa pagkaka-alam ko, bawat laban nina Derek, sa mismong bulsa niya / nila nanggagaling ang pangtustos sa buong team at laban. Hindi sila suportado ng gobyerno financially, ginagawa nila ito for the love of the sports at para sa bansa. Masyado ring nasaktan si Derek sa mga personal na pagtira ng Twitter user na ito sa kanyang girlfriend. Kaya desidido ang kampo nilang malaman kung sino ang may-ari ng account na ito at nang maturuan ng leksyon. 


"What the person said is definitely uncalled for, what he/she was saying has definitely nothing to do with football. This calls for a legal action. That fan should realize that whatever he/she said would only reflect on his/her idol/s (Phil/Team Azkals)," sabi pa ni Derek. At kung siya raw ang nasa lugar ni Phil o ng Team Azkals, ay pagsasabihan niya kung sino man itong fan na ito na hindi maganda ang ginagawa niya.

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS : ASAP rocks DAVAO!

Daghang salamat sa mga taga-Davao nga nag-suporta sa ASAP ROCKS diha! Masking gi-ulan, nag-stay gihapon mo! Mabuhay mong tanan! Thanks Leo Bernardo for the photos!




Click here for more photos!

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS : Kapamilya sa Dubai

Wednesday, March 2, 2011




Click here for more photos!

Read more...

FIRST HERE! EXCLUSIVE PHOTOS : Angelica Panganiban and Derek Ramsay in Bali, Indonesia

Tuesday, March 1, 2011

Napaka-consistent talaga ng relasyon ng dalawang ito - sina Angelica Panganiban at Derek Ramsay. Definitely isa sila sa mga celebrity couples na super true at strong ang pagmamahalan, yung di na basta basta maaapektuhan ng kahit anong intriga. I am so happy for them. At talagang mahal na mahal ko ang dalawang ito. Thanks Gel and Kuya for everything!




Click here for more photos! 

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

TopBlogs.com.ph

Entertainment & Lifestyle - Top Blogs Philippines

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP