Follow me on Instagram and Twitter : @darlasauler

FIRST HERE! EXCLUSIVE : Young Actor, may kumakalat na nude photo?

Saturday, April 30, 2011



Someone sent me this photo, ng diumano'y isang papasikat na young actor. Hindi ko rin siya kilala. Sino kaya siya sa tingin niyo based sa katawan niya?  Please click here to see the photo. 

Read more...

PHOTOS : Star Magic artists sa kanilang concert tour sa US

Sunday, April 24, 2011

Thank you so much Tita Rose Flores for the photos!
Text DARLA ON to 2366!



Click here for more photos!

Read more...

PHOTOS : KC Concepcion and Enchong Dee, bilang audience members sa international talk show na The View




Text DARLA ON to 2366!

Read more...

RIP AJ Perez

Sunday, April 17, 2011


Super nakakalungkot at nakaka-shock na balita ang bumulabog sa aming lahat ngayong oras na ito. According to reports, namatay sa isang aksidente ang young actor na si AJ Perez. Galing siya sa isang show daw sa Dagupan, nang ma-sideswipe ng isang bus (according to initial reports : PARTAS) ang sinasakyan nila. 12:20am  daw ang time of death ng young actor dahil sa multiple head injuries. Sabi ng security office na nagreport sa amin, ang kasama lang ni AJ sa van ay ang kanyang daddy, 2 road managers / p.a., isang security personnel at ang driver. 

Si AJ Perez ay isa sa mga bago at sumisikat na young actors ng ABS-CBN, isa siya sa leading men ni Jessy Mendiola sa seryeng SABEL at member din siya sa boy group na Gigger Boys.

Ang sad pa, April 17 ngayon, February 17 ang birthday ni AJ. At ang twitter name niya @ajperez17.

UPDATE : According to the autopsy report, hindi raw multiple head injuries ang nag-cause sa death ni AJ. Kundi ang pagtusok ng ribs niya sa kanyang puso at left lung, dahil sa lakas ng pagkakasalpok ng sasakyan nila sa bus.

Read more...

FIRST HERE! EXCLUSIVE photo leak of Aga Muhlach and Angel Locsin's movie, IN THE NAME OF LOVE

Thursday, April 14, 2011

Nasilip ko na ang trailer ng pinaka-aabangang movie nina Aga Muhlach at Angel Locsin, ang In The Name Of Love under Star Cinema. At eto ang sure na sure, worth it lahat ng paghihintay niyo! Dahil trailer pa lang, ang tindi na ng impact sa akin. Ibang Aga at Angel ang mapapanood niyo, at kakaiba rin ang husay na ipinakita ni Jake Cuenca sa pelikulang ito directed by Olivia M. Lamasan, na sinulat rin niya with Enrico Santos. Sa ngayon eto pa lang ang pwedeng ipasilip sa inyo. Pero don't worry dahil sa May 11 ay mapapanood na natin ng buong-buo ang film. Ngayon pa lang, congratulations na sa lahat ng bumubuo sa pelikulang ito!


Read more...

Jessy Mendiola, Ejay Falcon and Mark Gil... sa isang palabang episode ng MMK ngayong Sabado!




Paano kung ang sarili mong ama ang nagiging pinakamalaking hadlang sa iyong kaligayahan?
 Ito ang nakakagimbal at nakakaantig na tema ng episode ng MMK ngayong gabi na pagbibidahan nina Jessy Mendiola, Ejay Falcon at Mark Gil. 

Sa direksyon ni Jeffrey Jeturian, ang true to life story na ito ay siguradong pupukaw ng atensyon ng mga manonood dahil sa napakatapang na tema ng relasyon at ng obssession.

Don't miss this intriguing episode this Saturday!

Read more...

Toni Gonzaga, happy sa pagiging Box Office Queen ni Ai Ai delas Alas!

Tuesday, April 12, 2011

Last Sunday on The Buzz, officially ay ipinaalam na ng Guillermo kung sino ang official Box Office King and Queen nila for 2010. Sina Vic Sotto at Bong Revilla ang nag-tie sa Box Office King award, at si Ai Ai delas Alas naman ang Queen. Si Toni Gonzaga naman na naging pinaka-mahigpit na kalaban ni Ai Ai sa Queen title, ay pinarangalan bilang Princess of Philippine Movies. Happy ang dalawa nang magkita sila sa set ng The Buzz. Right before Ai Ai's live interview with Boy Abunda and Charlene Gonzalez, tumakbo si Toni papunta sa kanya at mahigpit silang nagyakap. Pero eto lang ang na-capture kong photos hehehe.

Text DARLA ON to 2366!



Read more...

TELL-ALL about her career, family and lovelife : "He makes me happy ngayon," Angel Locsin on Phil Younghusband

Sunday, April 10, 2011


Matapos manahimik ng matagal-tagal sa lahat ng issues na kinasasangkutan niya, finally kanina sa The Buzz ay humarap na si Angel Locsin sa buong bayan, at isa-isa niyang sinagot lahat ng intrigues na patuloy na ibinabato sa kanya. 

Pagdating sa kanyang career, eto ang buong usapan nila ng The Buzz host na si Boy Abunda :

B: Angel you’re one of the biggest stars... may panahon sa mga buhay natin na sobra talaga ang pagod, anong ginagawa mo pag dumarating yung pagkakataon na hindi na kaya ng iyong katawan?
A: Nung medyo bata-bata ako tito boy usually naiiyak ako pero ngayon kasi sa dami ng walang trabaho, kailangan ko na lang magpasalamat. Actually pag nararamdaman ko na yung pagod, andyan na yung self pity pumapasok na: thank you lord, ganun lang talaga ako...
B: that’s right. Pero may panahon ba angel na you almost walked away? ayoko na talaga (A: yes) yung self pity, lahat tayo pinagdadaanan yan
A: kailangan talaga may pagmamahal, Pag wala kang pagmamahal sa trabaho (B: yun lang ang panlaban mo) pagma-mahal talaga, and yung family ko rin siyempre dahil ako yung breadwinner sa amin. Parang di ko rin kasi nakikita yung sarili ko na may ibang ginagawa bukod sa pag-arte...
B: it’s a tough job, it’s a tough job (A: mahirap, mahirap) angel if it’s a tough job being in the business, mahirap ba taguriang madalas na pinakaseksing babae sa pilipinas?
A: (tawa) masarap na mahirap... well masarap dahil hinahangaan ka ng mga tao, hindi ka nila inaaway because you’re fat. Mahirap dahil kailangan mong imaintain...
B: that’s why your core needs to be so strong. Are you afraid, natatakot kang tumaba? Natatakot kang tumanda?
A: well, ilang beses na akong tumaba, ilang beses na akong pumayat (B: pero bumabalik ka eh) sa trabaho na rin siguro. And ngayon kasi wala akong time mag-work out so / Pero sa akin naman kasi wala akong issue
B: ang pagtanda, is that something na sumasagi sa iyong isipan?
A: tito boy ang weird, never kong napicture ang sarili ko na tumanda. (B: why) I don’t know iniisip ko parang hindi eh... sa ngayon kasi di ko pa naiimagine kaya siguro ang bilis ko ring kumilos tong mga panahong ito.  Gusto kong maachieve lahat. Hindi naman ako takot mamatay nang maaga. Para sakin, kakaibang experience din yun eh...
B: natatakot kang malaos?
A: ako kasi tito boy naiisip ko na sa trabahong ito minsan mainit ka, minsan hindi. Masakit, minsan sinasabihan ka ng tao na: laos ka na eh. Para sa akin kasi anong ibig sabihin ng laos?
B: nasabihan ka na angel? Di pa!
A: minsan online may mga ganun. Pero Hindi ko naman sila kilala so okay lang. sabihin nila kung anong gusto nilang sabihin di naman ako masasaktan nang ganung kadali.

Pagdating naman sa naging mild stroke at prostate operation ng kanyang Tatay na ngayon ay okay na at ligtas na sa panganib, heto ang ibinahagi ni Angel :

B: how’s your dad: Daddy angel? I mean kamusta na siya (A: he’s ok na) coz we were worried...
A: he’s ok na... na ano ako, natakot ako tito boy sa totoo lang. kasi si daddy hindi nagkakasakit yun eh. Tapos biglang kailangan naming i-rush sa ICU, so sobrang biglaan. Natakot talaga ako, and guilty kasi yung time na yun, diri-diretso talaga ako. Wala akong oras para bantayan siya. Nahihiya ako sa mga kapatid ko. Lahat sila doon nagpupuyat, tapos ako nagtatra-baho. Alam kong tina-try nila akong intin-dihin pero ayokong umabot doon sa punto na baka masumbatan ako: nasan ka?
B: at saka hahanapin mo rin yan eh. Minsan ikaw na ang manunumbat sa sarili mo...

When asked naman about her controversial lovelife... here are Angel's revelations :

B: hindi mamatay-matay ang balita tungkol sa inyo ni luis manzano... diumano’y nakita kayong nasa loob ng isang kotse. Ano ba talaga ang katotohanan between you and luis?
A: medyo malayo mangyari na ako yun. (B: so hindi totoo?) mas possible pa siguro na ibang babae o kabarkada niya yung nakasakay sa kotse. But we’re friends.
B: pero nano-notice mo ba na hindi pa rin tumigil ang balita kayo pa rin ang pinag-uusapan. Do you wonder why?
A: actually hindi ko po alam (B: hindi mo alam. So iklaro lang po natin yung balitang kayoy magkasama sa auto ay hindi totoo) hindi po totoo...

B: just before this interview, mga kaibigan, angel, I was talking to phil younghusband, magkaibigan kami ni phil... ako diretsa naman ako, I think he really likes you. May pag-asa ba si phil younghusband?
A: masyado pang maaga para isipin...
B: nanliligaw na ba angel? Nagpa-paramdam na ba? nagpapahiwatig na ba?
A: di ko alam kung panliligaw yun but lagi kaming magkausap ngayon. Lagi siyang nagtetext sa akin.
B: kayo'y nagkakausap nang madalas, but hindi kayo nagkikita nang madalas?
A: hindi pa kasi schedule din diba pero usually Sundays, yung pinaka-off day namin. nagkikita kami: church.
B: naipakilala mo na ba si phil kay daddy?
A: Yes yung first time pa lang naming magkita. Kasi siyempre parang niyaya niya lang naman ako sa tweet eh... so ikaw kung gusto mong makipagkita, pumunta ka sa bahay ko, kausapin mo pamilya ko, at tignan natin kung anong mangyayari. So nandun lahat yung pamilya ko, yung mga kaibigan ko. Dumating siyang mag-isa. (natatawa) lamig-lamig niya. Ayun pero naappreciate ko yun kasi matapang siya. hinarap niya yung family ko.
B: ikaw ba’y naipakilala na kay james, sa sister niya, kay mommy
A: hindi pa, hindi pa.

B: are there times angel in your life... but after 2 years and a half na wala kang idini-date, do you somehow pray to god na sana lumigaya naman ako.
A: oo naman, ang sarap sarap ng feeling na ma-in love
B: and do you wish na sana ang taong ito ay si phil younghusband?
A: hindi ko po alam kung ano ang sasabihin tito boy eh. Pwede bang hindi ko alam yung sasabihin ko (tawa) ganun muna yung line ko tito boy, pero he makes me happy ngayon.


Text DARLA ON to 2366!

Source : The Buzz

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS : Toni Gonzaga visits cancer patient fan


Last April 7 - Thursday, binisita ni Toni Gonzaga sa Philippine General Hospital ang isa niyang tagahanga na ngayon ay may bone cancer - stage 4, si jeb Christian Garcia, 14 years old at taga-Iloilo. Sumulat sa ABS-CBN ang tita ni Jeb para ipaabot ang isang pakiusap, na sana nga ay makita ni Jeb sa personal ang idol niyang si Toni. Masyado na kasing mahina ang bata, para pumunta pa sa ABS-CBN studios. 

Very active pagdating sa sports si Jeb, hanggang dahil sa sunod-sunod na injuries sa kanyang braso at balikat dahil sa paglalaro raw ng basketball (6'1" ang height ni Jeb) ay umabot na nga ito sa pathologic fracture - na naging tumor at ngayon nga ay stage 4 na. Kaya nagdesisyon na ang pamilya ni Jeb na ipaputol ang right arm ng binatilyo, dahil before that ay sinabihan na sila ng doktor na 20% na lang ang chances nito dahil very active nga ang cancer niya. 


Ang ma-meet si Toni ang isa sa apat na wishes ni Jeb habang nandito siya sa Manila. Ang iba pa niyang wishes ay ang makapunta sa Avilon Zoo, Ocean Park at makapag-ice skating. Sobrang nakakalungkot, pero nakakapagbigay ng pag-asa ang sitwasyon ni Jeb nang maabutan ni Toni at ng The Buzz sa hospital. Pag-asa, dahil sa kabila ng kanyang kondisyon, nananatiling very positive at masayahin pa rin si Jeb. Para po sa lahat ng nagbabasa nito, let us all pray for Jeb's recovery. Thank you Erick Habijan for the photos!

Click here for more photos! Text DARLA ON to 2366!

Read more...

Graduate ka na mare! Congratulations Jodi Sta. Maria!

Thursday, April 7, 2011

Kanina lang ay gumraduate na si Jodi Sta. Maria sa high school, at talaga namang nakakabilib dahil kahit super busy ang sked niya bilang artista at mommy, natapos niya pa rin ang pag-aaral niya. Syempre thanks to our friend zaldygumaru@twitter!


Click here for more photos!

Read more...

EXCLUSIVE! FIRST HERE : KC Concepcion having birthday brunch with her friends

Yehey! Happy, happy birthday KC Concepcion! Hetong photo ng birthday brunch niya by the bay kanina with her friends, purple balloons and Katy Perry's Firework.


Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS! Behind the scenes of the Vic Sotto-Bea Alonzo movie, Pak! Pak! My Dr. Kwak!

Sunday, April 3, 2011

Thank you so much SimplyBeaJohnLloyd group! Friends, let's all support this movie ha! Kakaiba ito promise! 


Click here for more photos!

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

TopBlogs.com.ph

Entertainment & Lifestyle - Top Blogs Philippines

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP