Follow me on Instagram and Twitter : @darlasauler

BI : Hunk Actor, LABAKARA KING ng bagong henerasyon?!

Monday, May 30, 2011

Ohhhh my gosh! Nakakatawa man pero parang totoo na yata talaga ang tsismis na uso na ulit ang paggamit ngayon ng labakara para pagmukhaing malaki ang, you know, ng isang lalaki! Kasi naman kapansin-pansin ang hunk actor na ito na laging parang puputok ang pantalon sa "banda roon". Marami tuloy ang napapa-isip kung talagang ganun ka... oh well, big si aktor. Pero ang nakakalokang chikang nasagap ko... sa show, habang off cam ay biglang hiniritan ng isang bata si aktor. Ang sabi ni bagets, "Kuya bakit parang ang liit ng ____ mo ngayon?!" Oh my! Kaya tuloy si aktor, go muna sa CR siguro para ayusin ang dapat ayusin, dahil paglabas niya ulet... bigtime na naman ang dating niya! Nakakaloka!

Read more...

EXCLUSIVE UPDATE : John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao's Europe vacation


Ang dami nang nakaka-miss kina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao, na ngayon ay nasa mga huling araw na ng kanilang 1 month vacation sa Europe. Wala pa ring photos from them, pero heto po ang update na kwento sa akin ni Shaina a few minutes ago. 

"We were in Rome a few days ago. And now andito kami sa Venice, went to Piazza San Marco, the largest square here in Venice and maggo-gondola na kami in a bit ganda dito "

Thanks so much Shaina and Lloydy! Miss you!

Read more...

"Kaya mo bang mahalin ang isang taong, alam mong mawawala rin sa'yo?" FOREVER AND A DAY, June 15 na!

video

Read more...

"Angel makes me a better person," Derek Ramsay on Angelica Panganiban


Sa kanyang guesting sa The Buzz yesterday, tinapos na ni Derek Ramsay ang anumang issue linking him to Erich Gonzales. 

“This was over a year ago, that Angel knew about, that I was already interviewed about. It was making it look like si Erich ‘yung pumapasok, ‘yung nagi-intrude. It’s not true guys, my mom asked if she could meet her and I asked Erich and Erich was so nice and she said yes. Angel knew about this, I went out, stepped out of my way, ako mismo humarap sa camera to clear this issue, this was almost a year ago,” ang paliwanag ng hunk actor, at game master ng The Biggest Loser Pinoy Edition na magsisimula na mamaya after Mara Clara. 

Nang diretsahan naman siyang tanungin ni Boy Abunda kung mula nang maging sila ni Angelica ay loyal siyang boyfriend, mabilis na "yes" din ang isinagot ni Derek. Even his best friend Martin Castro defended Derek at sinabing talagang friendly lang aktor, at natural na maging close sa girl dahil lumaki itong malapit din sa kanyang mga sisters. Kung lapitin man ng babae, ito ay dahil hot daw ang pare niya. Madalas lang daw talagang nami-misinterpret ng ibang babae ang pagiging friendly ni Derek - or yung iba ginugustong i-misinterpret. Pero para raw sa kanya, si Derek ay para kay Angelica at talagang stick to one raw ito. 

Read more...

Know the characters behind Guns and Roses, June 6 na!


Thanks Kuya Mico del Rosario for the video!

video

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS! Piolo Pascual, Cristine Reyes and Gerald Anderson... game na game na nakipag-punchlinean at nakitawa with Vice Ganda sa Gandang Gabi Vice! Sunday, after PGT!

Saturday, May 28, 2011

Naku, kung nabitin kayo sa unang episode ng Gandang Gabi Vice... sinisiguro ko sa inyo, sa episode 2 ng number 1 show last Sunday ay todo ang kaligayahang mararamdaman niyo! Walang kyeme, as in palaban sa mga hirit ni Vice Ganda ang mga bigating bisita ng episode na sina Papa P, Cristine, Gerald at marami pang surprise guests! Kaya friends, sabay-sabay ulit tayong manood ngayong Sunday, pagkatapos ng Pilipinas Got Talent! 






Click HERE for more photos dali!

Read more...

Guns & Roses malapit na malapit na sa ABS-CBN Primetime Bida!

Sa June 6, magbabago na ang Primetime Bida nating lahat! Dahil magsisimula na ang pinaka-astig na love story sa balat ng telebisyon! Starring the biggest, newest and most exciting combination of Diether Ocampo, Empress, Ejay Falcon, Bea Alonzo and Robin Padilla! Guns and Roses, sa June 6 na mga kapamilya!




Read more...

Derek Ramsay for The Biggest Loser Pinoy Edition, sa May 30 na!

Thursday, May 26, 2011



Click HERE for more photos!

Read more...

Melai at Jason, handa nang gulatin ang lahat sa unang pelikulang pagbibidahan nila!



Got this email from my friend sa Melason Pexers. Sobrang thanks dear! Eto po ang sinend niya sa akin :

Tunay na kaabang-abang ang kauna-unahang pelikulang pagbibidahan ng Prinsipe at Prinsesa ng Masa na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco (MELASON) na pinamagatang “The Adventures of Pureza: Queen of the Riles.” Pansamantalang pinull-out ang MELASON sa May 24 episode ng Happy Yipee Yehey upang puspusang mapaghandaan ang nalalapit na pagpapalabas ng pelikula sa Hulyo.

Siyempre hindi mawawala ang patuloy na suporta ng mga tagahanga ng MELASON nang bumisita sila sa set ng Pureza noong Martes kabilang ang isang tagahanga ng tambalang Guy at Pip na may bibit pang lechon para sa dalawa. 

Kasama din sa nasabing pelikula  sila  Joem Bascon, Bianca Manalo,Bentong, at Martin del Rosario with special appearance niMs. Gina Pareno at Pokwang sa direksyon ni Direk Soxy Topacio. Ang “The Adventures of Pureza: Queen of the Riles" ay ipapalabas na ngayong Hulyo  mula sa Star Cinema.



Maraming salamat kay runawaybride81 ng Melason Pexers sa mga litrato.


Click HERE for more photos!

Read more...

Forever and a Day, ngayong June 15 na!

Monday, May 23, 2011


Kita-kita tayo sa premiere night friends! Wala pa akong kasama eh! Huhuhu!

Read more...

EXCLUSIVE UPDATE : John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao, super happy sa kanilang Europe vacation!

Saturday, May 21, 2011

Sa ngayon ay nasa France pa ang lovers na sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao, para sa kanilang 1 month Europe vacation. Ka-text ko kani-kanina lang si Shaina, at eto ang update niya (saka na po ang photos hihihi) :

"We're in Paris now. Nag-tour na kami sa Louvre and we just visited Versailles and Marie Antoinette's Hamlet "


Read more...

GANDANG GABI VICE, bukas na after Pilipinas Got Talent! Wag magpahuli sa pinag-uusapan ng buong world!

Abangan kung paanong humagalpak sa kakatawa, habang nagre-reveal ng new info about themselves, sina Kim Chiu, Angeline Quinto at Bea Alonzo! Go GGV! Salamat po sa lahat ng ngayon pa lang ay positive feedbacks na ang ibinibigay tungkol sa show. Ginawa po ito para pasayahin kayong lahat!






Read more...

"Parang it's so last year," Bea Alonzo sa balitang dedmahan daw nila nina Kim Chiu at Gerald Anderson sa isang showbiz event

Sunday, May 15, 2011

Last year ay naging very controversial ang "love triangle" diumano nina Bea Alonzo, Gerald Anderson at Kim Chiu. Pero ngayon friends na sina Kim at Gerald, at may Zanjoe Marudo nang bagong nali-link kay Bea... nakakagulat lang na na-intrigang muli ang tatlo na hindi raw nagpansinan nang sabay-sabay silang umattend sa Guillermo Mendoza Awards Night. Pero paglilinaw nila, wala raw katotohanan ang issue na ito. Una between Bea and Gerald na na-link sa isa't isa noon...

"Walang dedmahan, malayo po yung upuan namin. Nag-hi po ako, smile pero alangan naman pupuntahan ko pa nandun din sina Ms. Ai Ai, lahat sila so nakakahiya naman din," depensa ni Gerald.

"Hindi naman kami nagde-dedmahan. Ang layo kasi ng upuan, awkward naman na pupunta ko dun sa dulo just to say hi to them. Parang nakakahiya naman na gagawa ako ng eksena, hello alam naman natin na kung lumapit pa ko dun mas malaking bulungan yun di ba hahahaha!" ang sabi naman ni Bea. 

Naging sina Bea at Kim naman ang intrigahing hindi nagpansinan, eto ang buwelta ni  Kim :

"Hindi totoo, nag-hello kami, nag-hi ganyan. Wala naman pong hindi nagpapansinan. Bakit naman po kami hindi magiging okay, kahit kelan dinaman po kami nagkasamaan ng loob."

Kaya naman tuluyan nang tinuldukan nina Gerald at Bea ang intriga sa kanila. "Civil, civil lahat... At last year pa yun tapos na ho yun, let's just leave it at that. Masaya kaming lahat with our status... Wala pong problem at all," sabi ni Gerald. At pagtatapos din ni Bea, "pag kami-kami lang naman parang wala namang issues, parang feeling ko pag mga ganitong events lang kasi yung mga tao yung atensyon nila nasa amin. Wala namang issues, wala na, parang it's so last year hahahaha!"

Source : The Buzz

Read more...

"Our friendship is there and we will always support each other..." Jake Cuenca sa isyung hiwalayan nila ni Melissa Ricks


Naging laman daw ng mga blind items, hanggang sa tuluyan nang pinangalanan. Hiwalay na nga ba ang hindi pa naman umaamin na mag-on na sina Jake Cuenca at Melissa Ricks? Sa kanyang live guesting sa The Buzz, muli ay nag-open up si Jake sa tunay na estado ng relasyon nila ngayon ni Melissa (na after mag-tweet ng ilang controversial statements nang hindi tiyak ang pinatatamaan, ay nasa Guam ngayon). Inamin ni Jake na may inaayos sila ngayon ni Mel sa kanilang samahan. Hindi naman dinetalye ng aktor kung ano itong inaayos nila, pero ang mga nakapanood sa interview ay siguradong may mga nabuo nang konklusyon o sagot sa isip.

"One thing is for sure, our friendship is there and we will always support each other and we just have some things that we need to fix," sabi ni Jake. Dagdag pa niya, kahit anong mangyari, hindi mawawala ang suporta niya kay Melissa dahil wala raw ibang taong nagpakita ng suporta sa kanya katulad ng ipinakita ng young actress. 

Pero sa ngayon, let's all be positive na lang and happy for them, lalo na kay Jake na sunod-sunod ang papuring tinatanggap dahil sa napakahusay niyang pagganap sa pelikulang In The Name Of Love - na hindi niyo dapat ma-miss. Dahil bukod sa kakaibang acting, may ipinakita rin dito sa Jake na siguradong ikakagulat niyo! First time niyang gawin ito sa pelikula! Hihihi!

Read more...

WITH EXCLUSIVE PHOTOS! "Hindi ko kaya ang sabay-sabay," Angel Locsin sa pag-aming EXCLUSIVELY DATING na sila ni Phil Younghusband


A few days agp ay naging maugong ang pag-amin ni Phil Younghusband na exclusively dating na sila ni Angel Locsin. Pero kanina sa The Buzz, finally ay tinuldukan na ni Angel ang lahat ng espekulasyon tungkol sa real score between her and the Team Azkals member. Gamit ang iba't ibang choices ng relationship status sa Facebook, ay tinanong siya ni Charlene kung ano na nga ba ang meron sila ni Phil.

"Dun ako sa exclusively dating. Iki-clear ko lang din, kasi kami ni Phil... pag may inentertain na kami, yun lang. Hindi yung sabay-sabay, ako lalo... hindi ko kaya yung sabay-sabay lalo na kung dine-date. Ang focus ko sa kanya lang, ayoko kasi ng paiba-iba," ang confession ng aktres na gumulat sa lahat. 

Natigilan naman si Angel nang tanungin siya ni Charlene kung nag-I love you na sa kanya si Phil. At nang magsalita siya ay sinabi niyang mas mabuti kung si Phil na ang tatanungin tungkol doon. Malinaw naman sa interview sa aktres na hindi pa sila officially mag-syota ni Phil. "Iniisip ng tao kami na pero ako kasi, ayoko pa magmadali. Gusto ko muna i-enjoy. Ako 26 (years old) na, ayoko nang maglaro. Gusto ko munang maging sigurado. Ayokong masaktan," ang paliwanag ni Angel.


Sa dulo ng interview ay todo naman ang kilig na naramdaman ni Angel nang sorpresahin siya ng The Buzz with Phil's straight from the heart gifts for her. Nakakatuwa kasi talagang si Phil mismo ang nag-effort na bumili at mag-isip kung anong ibibigay kay Angel. Bawat gift niya, may personal notes ding kasama. Syempre, kinunan ko ang mga gifts ni Phil at sana mabasa niyo yung mga notes niya for his "angel" hehehe!


CLICK HERE lang to see the other gifts ni Phil ay Angel. ☺

Read more...

"I pray every night that she's the one I'll spend my live with," Direk Paul Soriano tungkol sa isyung pagpapakasal nila ni Toni Gonzaga



Isa sila sa mga talagang ina-admire ko na showbiz couples ngayon. Bilib ako kung paano nilang napapanatiling private at peaceful ang kanilang relasyon. At kanina lang sa The Buzz, kahit laging sinasabi ni Toni Gonzaga na bata pa siya, at gusto niya munang mag-30 years old siya bago magpakasal... diretsahan si Direk Paul Soriano sa pagpapahayag na si Toni na ang gusto, at nakikita niyang pakakasalan niya.

"She wants three years, then three years I'll wait... I pray every night that she's the one I'll spend my life with. I think we've invested four years of our lives together, through the tough times and the good times, and we're still here together, happy as ever. I definitely pray three years later it's u. If she says three years, then I'll wait. Siya ang boss eh," ang nakakakilig na sabi ni Direk Paul.

Sa tanong naman kung okay lang sa kanyang sa Taytay, Rizal ganapin ang kasal nila ni Toni, eto ang sagot ni Direk... "Taytay is like a second hime to me, if she wants to get married in Taytay we'll get married in Taytay... I'll leave the wedding to her. Just tell me what time, where and I'll show up. For me talaga the wedding is about her, the lady, what she wants. Me, I'll just be there."

Read more...

Hunk Actor and Young Actress, confirmed! HIWALAY NA!

Wednesday, May 11, 2011


Hay nakakalungkot mang magbalita ng mga showbiz hiwalayan, pero eto ang nasagap kong latest... totoong hiwalay na ang isang hunk actor at girlfriend nitong pretty young actress. Sikat sila pareho. At according to one of them, ang pagiging busy sa trabaho ang naging major cause ng kanilang break-up. Kelan sila aamin? Hindi ko po alam. Pero as soon as may maglakas ng loob na magsabi ng totoo sa kanila, ilalabas ko agad ang names nila dito.

Read more...

In The Name Of Love, dinudumog sa mga sinehan!

Grabe!!!!! Ngayon lang ulit ako naging ganto kasaya sa napanood na movie! Last night sa premiere ng In The Name Of Love ng Star Cinema starring Aga Muhlach, Jake Cuenca at Angel Locsin... lahat ng nanuod kinilig, tumawa at umiyak! Napakaganda ng movie! Napakahusay ng mga stars! Ang ganda ng mga shots! As in, sulit na sulit ang ibabayad niyo promise! Ibang Angel, Aga at si Jake... ang husay! After ng premiere nga super emotional si Jake hanggang sa cast party, dahil sa ganda ng feedbacks sa ipinakita niya sa movie na ito. Congrats din syempre Inang and Sir Enrico Santos! 

Kaya para wag mahuli sa pinag-uusapan ng lahat, ngayon pa lang pumila na! Isama ang buong pamilya, friends o lovers! Nood na dali!


Read more...

ABS-CBN's 100 Days To Heaven, nag-trending topic worldwide sa Twitter! Congrats!



Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS! Jericho Rosales sa premiere ng Hollywood film niyang "Subject : I Love You" with Briana Evigan!

Sunday, May 8, 2011

Congrats Jericho Rosales sa successful premiere ng Hollywood movie mo! And syempre, thank you so much to Ate Justina Nabong for the photos!





Click HERE for more photos! And text DARLA ON to 2366!

Read more...

Thank you Ma'am Charo! Hihihi!

Monday, May 2, 2011

Read more...

"I stopped wishing a long time ago," Charlene Gonzalez-Muhlach when asked by Aga kung ano pang birthday wish niya


Lahat kanina sa studio ng The Buzz ay naiiyak at kinikilig at the same time, sa special birthday celebration ni Charlene Gonzalez-Muhlach, na walang idea na ang "guest" niya pala - her husband Aga Muhlach, ang siyang magi-interview sa kanya sa sarili niyang segment. 

Bago pa mag-start ang show, while we were in his dressing room, super nate-tense na raw si Papa Ags sa gagawin niyang pagi-interview kay Cha. Kahit pa we gave him a set of questions for the segment. Ang ending, nung nasa stage na sila at umeere na ang show, Aga decided to ask his personal and more meaningful questions para sa kanyang wife. Nakakatuwa kasi ramdam na ramdam ng lahat ang sincerity, ang kilig, ang love, ang saya ng dalawa... lalo pa't present din sa studio ang kambal nilang anak na sina Atasha at Andres, pati na rin ang panganay ni Papa Ags na si Luigi (with his wife and son). Sa pag-uusap ng dalawa live, feel na feel ng lahat ng nanunuod at nakikinig kung gaano sila ka-simpleng mga tao, at kung gaano ka-pure ang pagmamahal nila sa isa't isa. When Papa Ags asked Charlene nga kung ano pa ang mahihiling nito ngayong birthday niya, tagos sa puso ang naging sagot ng tv host.

"I stopped wishing a long time ago. All I do is dream. Because when you dream, you live your life without expectations. When you dream that's what motivates you to become a better person. At kung anuman ang dumating sa buhay mo, you'll always appreciate everything and be grateful with whatever life has in store for you. Hindi na ako nagwi-wish ng kahit ano pa."


Syempre pa, hindi rin nawala ang pagiging kalog ni Papa Ags na that time, hirap na hirap pigilin ang luha sa sobrang saya at pagmamahal na nararamdaman for Charlene. He asked his wife kung kelan ang huling time na kinilig ito, at prangkahan naman siyang sinagot ni Charlene na that moment, kinikilig siya. And the last thought na meron siya bago sila matulog ni Papa Aga? "Ang bango-bango ng asawa ko!" ang sabi ni Charlene. Kaya naman pati ang mga anak nila na nasa audience pa at that time, tawang-tawa rin. Pero syempre, pati ang kambal ay may surprise sa mom nila. Andres played the guitar for Charlene, at si Atasha naman ay kinanta ang "Sana Maulit Muli." Aga gave Charlene a very special watch, bilang personal niyang regalo dito. The watch na magma-match sa watch na ibinigay rin sa kanya ni Charlene nung birthday niya last year. Click here to see related story.

Kaya naman until now, bago ako matulog, kinikilig at nai-inspire pa rin ako sa love story at family life nina Aga and Charlene. Perfect na para sa akin ang buhay nila. At kung sila kayang magkaroon ng ganun kasaya at peaceful na samahan, kaya rin natin dapat. Happy birthday ulit Cha, I love you (and Papa Ags and your whole family) sooooo much! Click here for more photos.

Read more...

Mutya, pangarap magka-bahay, sasakyan at palaruan para sa kanyang pamilya!


Kanina sa The Buzz, sa kanyang first ever talk show live guesting, lahat nakyutan sa bida ng top-rating teleseryeng Mutya na si Mutya Orquia. Kasabay ng pagpapasalamat niya sa lahat ng sumusuporta sa kanilang teleserye, inamin din ni Mutya na ang pangarap niya lang talaga ngayon ay magkaroon ng sariling bahay at sasakyan for her family, at isang palaruan para sa kanya. 

Pagdating naman sa pag-arte, proud at confident ang child superstar na sabihin kay Tito Boy Abunda na walang nagtuturo sa kanyang umarte. Hehehe. Super cute ni bagets as in! Kaya naku friends, tutukan nating lahat ang huling linggo ng Mutya at siguradong mas marami pa tayong mga eksenang hindi dapat palampasin. Congrats sa buong team ng Mutya sa napaka-successful niyong programa!

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS : Kris Aquino, Josh and James sa kanilang US vacation

Sunday, May 1, 2011



Super happy si Kris Aquino kasama ang kanyang mga anak na sina Josh and James pagbalik nila dito sa Pilipinas a few days ago, dahil sa naging bonding nila sa katatapos lang na US vacation / cruise nila. Kwento ni Krisy, talagang nagkaroon sila ng quality bonding time na mag-iina. Ang bakasyong ito ang nagsilbi na ring celebration nila ng pagtatapos ni Josh sa school at birthday ni James.

More than the places and activities, pinaka-nagmarka raw for Krisy ang sarap ng pakiramdam na maging nanay lang sa kanyang dalawang anak. Dahil dito ay nakita rin daw niya kung gaano kamahal nina James at Josh ang isa't isa - at syempre, siya. Kwento pa niya, "nung nandun kami sa Manzanillo, parang ang sign nila dun, frog. Eh si Josh alam na favorite ko frog, so nauna kami ni Bimby sa ship kasi gusto nang mag-banyo ni Bimby. Dun sa fort area, parang merong tiangge effect, so pagbalik ni Joshie, may dala-dala siya talagang frog para sa akin. 'Mama this is for you,' si Bimby sabi : 'No, mama! I bought it for you,' sabi ko : 'But you were with me,' 'No, I bought it. Kuya tell mama I bought it!' Tapos sabi ni josh : 'Okay, we both bought it.' So pinagbigyan niya na lang kunwari galing sa kanilang dalawa. Ang maganda I think, na-instill sa kanila is they enjoyed each other's company. Hinahanap nila ang isa't isa. Tapos in all fairness talaga, pasensyoso si Josh sa kakulitan ni Bimby."

Nang matanong naman kung kelan ulit mauulit ang bonding nila like this na mag-iina, eto ang nakakatuwang sagot ni Krisy : "Naku, nagpaplano na yung dalawa! Ang gusto naman nilang puntahan ngayon, Alaska. Ako naman nagbabargain ako sa kanila, why not a european cruise? Sabi ni Bimby, 'No, mama! It's boring. We have to go to Alaska. I have to see the snow and glacier. O di ba? At least alam niya yung mga glacier!"

Thanks Krisy for allowing me to post these photos here! Click HERE to see more pictures!

Read more...

Happy Birthday Charlene Gonzalez-Muhlach!

Birthday ngayon ng isa sa pinakamaganda at pinakamabuting artistang nakilala ko, sa buong buhay ko sa showbiz. Hindi lang siya host o ka-trabaho ko, pero isa rin sa masasabi kong tunay kong kaibigan. I love you very much CHA, stay the same. Happy birthday!


Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP