Follow me on Instagram and Twitter : @darlasauler

EXCLUSIVE PHOTOS! Your favorite stars sa Star Magic 19th Anniversary party!

Tuesday, June 28, 2011







Click HERE for more photos! Text DARLA ON to 2366!

Read more...

Poll Result : Si Devon ang unkabogable ka-loveteam ni James Reid!

Congrats Jaevon! Winner sa unkabogable loveteam poll dito sa darlasauler.com. Pero syempre, malakas din ang Jamli at Jacia! Mga bagets pa itong mga ito, malayo pa ang tatakbuhin ng kanilang karera sa showbiz!


Read more...

RICKY RIVERO, nagsalita na tungkol sa pananaksak na sinapit diumano sa lalaking nakilala sa Facebook!

Sunday, June 26, 2011

Ilang araw din nating hinintay ang kanyang salaysay. Ang kwento sa likod ng pananaksak sa kanya ng lalaking nakilala sa raw niya sa Facebook. Ano nga ba ang nagtulak kay Hanz Ivan Ruiz, para diumano'y saksakin ang Mula sa Puso unit director na si Ricky Rivero? Ang krimeng ito ba ay may kinalaman sa pangangailangan ng suspect ng pera? Si Hanz ba ay boyfriend, o naka-relasyon sexually, ni Ricky? Ang buong kwento... ang sagot sa lahat ng palaisipan... mula mismo kay Ricky, sa kanyang first interview matapos makalabas ng ospital. Isang The Buzz exclusive.


Narito po ang naging usapan nila ni Tito Boy Abunda.

BOY : ricky maraming salamat sa pagkakataong ito... how are you?
RICKY : im recovering well... medyo masakit pa yung ibang mga sugat kasi mas malalim yung iba dun sa iba... nung dinala ko sa heart center tito boy parang napuncture yata yung isang area ng lung ko, yung right lung ko so they had to put a tube para magdrain out yung dugo saka para yung hindi magcollapse daw yung lung... so eto yung medyo malalim talaga  
BOY : ricky andaming mga kwentong naglabasan, maraming mga bersyon... ano ba talaga ang nangyari?
RICKY : so nung Sunday pa lang ng gabi nagkakatextan na kami ni hanz na gusto niyang magsleep over sa bahay. Tapos sinasabi ko sa kanya na medyo busy ako... But he was insistent na dun siya matulog... ang sinasabi niya kasi may trabaho siya kinabukasan din sa diliman so parang ako din may taping din ako kinabukasan so sabi ko sige, pero sabi ko mga eleven pa siguro ko pupwede. Sabi niya sige hintayin kita sabi ko okay.
BOY : ito ba’y unang pagkakataon na siya’y nagsabing pwedeng mag sleep… pwedeng makitulog? 
RICKY : no no... this is the third, nakatulog na siya nung una tapos yung pangalawa, it was only Thursday before nung Sunday. Hindi lang natuloy yung pagtulog niya talaga diretso kasi mga past eleven tumawag yata yung step mother niya sa kanya at sinabing dinala yung daddy niya sa hospital so kailangan niyang umuwi./ 
BOY : tapos itong lingo na ngayon, nagtetext text sabi niya pwede ko magsleep over…  
RICKY : then sabi ko sa kanya akala ko ba binabantayan mo yung daddy mo?
BOY : and then what did he say? 
RICKY : sabi niya nasa Caloocan siya. sabi ko sinong nagbabantay dun? Sabi niya yung mommy ko. Eh kamusta na yung daddy mo? Sabi niya lalabas na kinabukasan... which was Monday bale Sunday night kami naguusap eh... Sabi ko sige. Basta magtext text na lang... so anyway to cut the long story short nag usap kami sabi nya mga ten oclock papunta na ko ng quezon city so magkita na lang kami sa may kanto ng edsa saka ng timog... so dun ko siya sinundo, so mga bandang bago mag 12 nasundo ko na siya... so sumakay siya ng kotse nag usap usap sandalI dumating kami sa bahay binigyan ko siya ng pantulog, nanood kami ng tv/ and after mga 30-45 mins sabi ko parehas pa tayong maaga bukas... mag aalarm na ko ng 6:15.
BOY : but in your conversation mula nung sinundo mo siya sa may kanto ng edsa saka timog did he talk to you about needing some help dahil lalabas nga ang tatay kinabukasan? Did he mention to you na buntis ang kanyang girlfriend? 
RICKY : wala wala... wala hindi siya humingi ng pera. Pero nung Thursday night na nagpaalam siya na uuwi siya dahil nga dinala sa ospital yung tatay niya, inabutan ko rin siya na para at least kung may kailangang bilhing gamot, makatulong. Pero that Sunday night wala kaming pinag usapan tungkol… tinanong ko lang siya ulit, sabi ko okay na yung daddy mo? sabi niya  okay na okay na... anyway yun na yun nandun na kami sa bahay... Pinatay ko na yung ilaw... tapos natulog na kami. Ng maayos...
BOY : mga anong oras ito?
RICKY : bago mag alauna...
BOY : and then?
RICKY : and then nagising na lang ako nandito na siya sa ibabaw ko tapos sinasaksak na niya ko ng sinasaksak. Nung nakaganito na ko nung dumilat ako nakita ko na siya dito sa ibabaw ko akala ko para kong binabangungot.... parang inaano ko sa utak ko gising gising and then tuloy tuloy lang siya sa pagganun saka ko lang na ano.. na this is happening na... so sinimulan ko na siyang labanan tapos sinasabi ko sa kanya bakit mo ko sinasaksak?! Bakit mo ko sinasaksak?!
BOY : anong sinasabi niya?
RICKY : di siya nagsasalita basta tuloy tuloy lang siya sa pagsaksak sakin
BOY : walang sound as in tahimik siyang sinasaksak ka?
RICKY : wala wala hindi siya nagsasalita basta tuloy tuloy lang siyang ganun nanggigigil lang siya... so sumastruggle kaming ganun hanggang sa nahawakan ko siya sa wrist... nahawakan ko siya nabaligtad ko yung pwesto so ang nangyari samin mula sa nakaganito ko na umiiwas ako, kasi nakikita ko na wala kasi kong tshirt nung natulog ako nung gabing yun eh/ so nakita ko na ang dami ko nang dugo... so nung nahawakan ko siya sa wrist nagbaligtad kami ng puwesto. 
BOY : anong gamit niya? 
RICKY : eto eto yan ganun 
BOY : paano Ito, paganun o paganun?
RICKY : yan tama na tama na [ganun pa rin siya ganun pa rin siya ng ganun hanggang sa nahawakan ko siya naganun ko siya ngayon so nagbaligtad kami ng pwesto. so eto na siya ngayon... so nung napindown ko na siya [pero dumudugo] oo dumudugo. nakita ko wala na yung kutsilyo sabi ko bakit mo ko sinasaksak tama na tama na. tapos nakikita ko sa mukha niya na para siyang nacoconfuse eh. Nagdie down yung rage eh nagdie down yung rage 
BOY : pero there was rage ha? May galit? nanlilisik ang mata?
RICKY : galit. gigil na gigil siya sa pagsaksak sakin talaga eh... sa isip ko anong nangyari? Parang maayos tayong natulog wala naman tayong pinag awayan? So nung time na nagsubside yung rage niya tumakbo ko ng banyo kasi puro dugo na ko, kasi gusto kong Makita kung gaano karami nang tama yung meron ako...
BOY : tumakbo ka sa banyo ibig sabihin malakas ka pa rin ha? 
RICKY : wala kong naramdam wala kong nararamdaman 

Click HERE to continue reading!

Read more...

FIRST HERE! EXCLUSIVE : Showbiz couple, captured ang halikan habang magkatabi sa kama!

Thursday, June 23, 2011

OMG! Hihihi! Eto na yung kasunod na photo ng unang post ko na isang showbiz couple spotted magkatabi sa kama, na sinend ng source ko! Obvious na ba para sa inyo kung sino ito? Abangan ang big revelation, soon!


Read more...

FIRST HERE : EXCLUSIVE PHOTOS! Tutukan ang first ever paghaharap nina Kris Aquino at Senator Chiz Escudero, sa Kris TV! Monday, June 27, 9:30am!

Bilang buwena mano, makaka-bonding ni Kris Aquino sa kanyang unang episode si Senator Chiz Escudero – at ito ang kanilang magiging pinaka-unang paghaharap at pag-uusap on cam, matapos ang lahat ng intriga na nag-uugnay sa kanilang dalawa. Lahat ng gustong malaman ng tao tungkol sa senador ay masasagot : kamusta na nga ba ang relasyon niya sa kanyang asawa? Bakit nga ba sila nali-link ni Kris?


Malalantad din sa guesting na ito ni Senator Chiz sa Kris TV, ang ibang aspeto ng kanyang pagkatao at pagkalalake na hindi alam ng marami. Katulad ng kanyang kakaibang hilig sa household chores at kung anu-ano pang handyman activities. Ikagugulat din ng marami ang galing niya sa pagluluto, kasabay ng pagtuturo niya ng kanyang napaka-sarap na adobo rice recipe. At bilang outdoor activity, ipaparanas at ipapakita niya kay Kris kung paano ba ang tamang pagtatanim ng mga fruit-bearing trees.

Sa lahat ng nangyari sa episode na ito – lahat ng activities, ng walang kaplastikang usapan, at “kilig”… siguradong iisa lang ang sasabihin niya matapos niyo itong mapanood. Na-miss niyo ang Queen of Talk sa umaga, na ginagawa kung ano ang pinaka-mahusay niyang nagagawa… ang mag-host ng isang talk show.

            Kris TV, magsisimula na po ngayong June 27, Lunes hanggang Biyernes, 9:30am bago mag-Showtime.



Click HERE for more EXCLUSIVE photos! Text DARLA ON to 2366!

Read more...

John Lloyd Cruz-Sarah Geronimo's third movie, tuloy na tuloy na!

Tuesday, June 21, 2011


Kung nung 2008 pinakilig tayo ng box-office film, at unang movie team-up nuna John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo, ang A VERY SPECIAL LOVE... at noong 2009 ay mas lalo pa natin silang minahal bilang sina Miggy Montenegro at Laida Magtalas sa YOU CHANGED MY LIFE... ang pinakahihintay ng lahat ng kasunod tuloy na tuloy na! The third installment ng box-office tandem... eto na! IT TAKES A MAN AND A WOMAN, malapit na malapit na! Pwedeng this year, o eaarly next year! Basta abangan lang! Yehey!

Text DARLA ON to 2366!

Read more...

First time : Senator Chiz Escudero faces Kris Aquino! Kris TV, ngayong Lunes - June 27 na!

Kris TV, starting June 27 na! Lunes hanggang Biyernes, 9:30am-10:30am! 

video

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS! Angelica Panganiban, KC Concepcion and Gretchen Barretto... Labanan ng no-make-up look!

Here are some photos mula sa workshop kahapon nina Angelica Panganiban, KC Concepcion at Gretchen Barretto para sa bago nilang teleserye sa ABS-CBN. Ginawa ang workshop sa bahay ni Direk Laurice Guillen. As of now ay wala pa ring final title ang teleserye nila. Thanks Madam Hervie Bautista for the photos!

Text DARLA ON to 2366!


Click HERE for more photos!

Read more...

Vice Ganda's new tattoo!

Sunday, June 19, 2011

Photo Courtesy : Jon Avila

Photo Courtesy : Jon Avila

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS! KC Concepcion, Sam Milby, Jhong Hilario... sa Gandang Gabi Vice!

Ngayong Sunday, todo na naman ang tawanan at kasiyahan! Ang sasabak naman sa mga hirit ni Vice Ganda, ay sina Jhong Hilario, Bianca Manalo, Venus Raj, Sam Milby at KC Concepcion! Kaya sama-sama ulit tayong magpakasaya, mag-trending ulit worldwide sa Twitter! Gandang Gabi Vice, pagkatapos ng Pilipinas Got Talent!



Click HERE for more photos!

Read more...

FIRST HERE! MMFF 2011 entries, revealed!

Friday, June 17, 2011

Heto na po, mainit-init pa, ang listahan ng mga pelikulang officially ay pasok na sa Metro Manila Film Festival ngayong December 2011!

1. Enteng ng Ina mo - co-prod by Star Cinema, Vic Sotto and Ai Ai delas Alas
2. Segunda Mano - co-prod by Star Cinema, Kris Aquino and Dingdong Dantes
3. Panday
4. Shake, Rattle & Roll 13
5. Hototay
6. Mr. Wong - Robin Padilla and Angelica Panganiban
7. My House Husband - Octoarts, Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo
8. Yesterday, Today, Tomorrow

Read more...

FIRST HERE! EXCLUSIVE! Showbiz Couple, huling-huling magkatabi sa kama!

Ay nakakaloka naman itong photo na biglang dumating sa e-mail ko! Picture ng isang sikat na showbiz couple na magkatabi sa kama... Kung anong naganap, o magaganap bago ang tagpong nasa photo... naku di ko po alam! Pero unang pasabog pa lang daw ito, dahil sabi sa akin ng aking source, may susunod pa siyang pasabog na ipapadala sa akin! Abangan!


Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS : Toni G, K Brosas at Gladys Reyes... Tinapatan ang bawat patawa ni Vice Ganda!

Sunday, June 12, 2011

Independence day, tara munang palayain ang ating mga sarili sa problema at kung anu-anong page-emote! Maging masaya tayong lahat, habang sabay-sabay na nanunuod ng Gandang Gabi Vice, pagkatapos ng Pilipinas Got Talent! Mamaya na! Text DARLA ON to 2366!





Click HERE for more photos!

Read more...

FOREVER AND A DAY, sa June 15 na!

Wednesday, June 8, 2011




Click HERE for more photos!

Read more...

PHOTOS : THE PARTY! 2NE1 in Manila

Monday, June 6, 2011

Si Melissa Ricks at Joseph Bitangcol, full support sa friend nilang si Dara.
Click HERE for more photos!

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS! Angelica Panganiban, Diether Ocampo, Melai and Jason, Kiray... sa episode 3 ng Gandang Gabi Vice!

Saturday, June 4, 2011

TODO na naman ang tawanan at kasiyahan natin tomorrow sa number 1 show tuwing Sunday! Gandang Gabi Vice, with Angelica, Diether, Melai, Jason, and Kiray! I swear super saya ng episode na ito! Kaya tutok lang, at sabay-sabay ulit tayong manood! Maraming salamat sa pagsuporta niyo sa show friends!






Click HERE for more exclusive photos! Text DARLA ON to 2366!

Read more...

"Deadma talaga ako..." Kris Aquino sa pagkaka-link ni James Yap kay Marie Digby

Wednesday, June 1, 2011


Usap-usapan mula pa last week, ang diumano'y special na pagtitinginang namumuo ngayon sa pagitan ng dating ka-relasyon ni Kris Aquino na si James Yap, sa YouTube sensation na si Marie Digby (na una nang na-link kay Sam Milby). Syempre lahat naka-abang sa sagot nina James at Marie, at ni Kris. 

Kagabi sa SNN ay sinubukan nilang hingan ng reaction si Kris, pero ito lang ang naging sagot ng Queen of All Media na very soon ay magbabalik na sa pagho-host ng morning show sa ABS-CBN : "Deadma talaga ako, kung kay PNoy deadma ako, mas deadma dyan kasi let him have his privacy, kasi the very factor we are hiwalay already, gives him some measure of privacy that he didn't have in our marriage."


Nang tanungin naman siya kung kanino siya boto sa mga nali-link kay James, ang statement ni Krisy : "Wala akong boto, wala akong karapatan bumoto kasi siya later on in life ayokong magboto boto rin siya sa lovelife ko, so no! No! No! Ayoko! Wala akong boto!"

Sinusubukan kong kunin ang side ni Marie Digby sa issueng ito (although alam ko naman talaga ang totoo hindi ko pa lang mailantad hehehe), pero ayaw pa nilang magsalita. Pero sa June 8, Marie will be signing up with Star Records / MCA Universal. And then she'll fly back to Tokyo on June 13 and spend the next couple of months there, to write her songs for the album. She will also do a recording in Japan for a Japanese label. Thanks Sir Chris for the info!

Text DARLA ON to 2366!

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

TopBlogs.com.ph

Entertainment & Lifestyle - Top Blogs Philippines

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP