"Pagod na pagod pa yung heart ko ngayon wag muna," Angelica Panganiban on issue linking her to John Lloyd Cruz

Monday, June 11, 2012


Kanina sa The Buzz ay finally hinarap na ni Angelica Panganiban ang mga issues na nagdadawit sa kanya sa dawalang showbiz hiwalayan. Unang sinagot ni Angelica ang pagkakasangkot niya sa break-up nina Bianca Manalo at ng best friend niyang si John Prats.

Hurt ba siya at nadawit name niya sa isyung ito?
"Hindi kasi malinis naman yung konsensya ko eh. Yung nakakalungkot lang bata pa lang ako kaibigan ko na si John eh, and pangit na bigyan ng ibig sabihin yun, ng malisya yun," ang paliwanag ng aktres."

Samantala ang mas mainit na bulung-bulungan, patungkol sa diumano'y namumuong pagtitinginan betweeh her and John Lloyd Cruz na kakahiwalay lang kay Shaina Magdayao, eto po ang mga buwelta ni Angelica.

"Yun nga eh parang lahat ng mga kaibigan ko, hindi ko naman masisisi yung mga tao kasi pwede na siyang bigyan ng meaning ngayon eh, kasi kung dati siguro to nangyari, hindi naman siya mabibigyan ng meaning kasi in a relationship ang mga tao nun. Eh ngayon naman hindi na so pwede na siyang bigyan ng kulay. Eh hindi ko naman na hawak na yun kung anong gusto nilang isipin eh."

How true nakikita raw silang holding hands at nagki-kiss in public?
"Well yun yung imposible na talagang mangyari. Medyo hindi na ako yun. Hindi ko naman lubos maisip na gagawin ko yun. Eh ganun yung mga tao eh, pag may gusto silang i-push eh ipu-push nila. Kung dun sila magiging happy eh, I'm happy for them na nakakagawa sila ng mga ganyang klaseng intriga, ganyang klaseng issues and nakakabuo sila. And kung nafulfill nila yung happiness nila sa paninira ng ibang tao then good. Lahat naman ng bagay may kapalit eh, and naniniwala akong maganda yung kapalit nun sa 'kin."


Promo lang ba to for their movie?
"Hindi naman ako naging ganun... Never naman ako naging ganun. Hindi ko naman kayang maging ganun kashowbiz na tao."

Message sa mga naninira?
"I don't think naman naninira sila, trip nila yun eh walang basagan ng trip. Ako gusto ko na lang maging happy sa life ko at sana yun din ang nangyayari sa mga taong gustong manggulo lang."

So kamusta ba talaga sila ni John Lloyd? What's the real score between them?
"Matagal na naman kaming magkakilala, matagal na kaming magkaibigan. Mahirap lang bigyan ng ibig sabihin, mahirap bigyan ng kulay. Kung ako yung magbibigay ng kulay baka mag-iba so hayaan muna natin hindi ko alam kung ano meron bukas eh di ba? Matulog muna tayo ngayon, gabi na so bukas baka iba na. Hindi ko alam... Siguro kung meron akong natutunan, ang natutunan ko yung na-aappreciate ko kung ano yung meron ngayon, di ako mage-expect ng kahit ano kasi masakit yun so day by day lang, dahan dahan ako."

Naka-move on na ba siya mula sa break-up nila ni Derek Ramsay?
"Ayos lang, ayos lang. Steady lang ako."

Umiyak ba siya? O dahil strong siyang babae, hindi niya ininda?
"Hindi naman pwede yun, syempre masasaktan ka, maaapektuhan ka. Pero mas maganda kasing mag move on eh. Mas maganda, I think mas maliwanag yung future ko."

Gaano ka-espesyal sa kanya si John Lloyd?
"Wala naman kami sa ganung level, hello nagkatrabaho lang kami sa ngayon. Hanggang dun pa lang yun and magkaibigan kami. Kung magiging special siya oh di makikita niyo, malalaman niyo di ba? And kung maging matalik kaming magkaibigan eh di magiging special siya. Pero sa ngayon grabe wag naman ganun, nakaka-conscious naman."

Nali-link sila agad...
"Wag naman. Pagod na pagod pa yung heart ko ngayon wag muna... Wala akong ibang pwedeng daanan kundi yung path na masaya, pag dinala ko yung sarili ko sa malungkot malulugmok lang ako and alam ko naman magiging okay ako eh, and I think okay naman ako."

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP