With Premiere Night Photos : "The Healing" humataw agad sa takilya!

Thursday, July 26, 2012



Talk-of-the town ngayon ang patuloy na tumatabo sa takilya na “The Healing,” ang graded A horror-suspense film na pinagbibidahan ng Star for All Seasons Vilma Santos at ng Princess of Philippine TV and Movies na si Kim Chiu.

Sa matagumpay nitong premiere night pa lamang noong Martes (July 24), naging no.1 trending topic na agad ang “The Healing” sa sikat na microblogging site na Twitter kung saan bumaha ng tweets mula sa mga netizen na sobra na ang pananabik na mapanood ang pelikula.

Sa labis na excitement ng publiko sa “The Healing,” matagumpay agad ang first day of showing nito sa laksa-laksang tao na sumugod at matiyagang pumila sa iba’t ibang mga sinehan sa buong bansa. Sa katunayan, sa patuloy na pagdagsa ng moviegoers, ilang malls na ang nagplanong magdadag ng cinemas ngayong weekend upang matiyak na maa-accommodate ang dami ng nais manood.  

Sa ilalim ng produksyon ng Star Cinema, ang "The Healing" ay ginawaran kamakailan ng pinakamataas na marka na Grade A ng Cinema Evaluation Board (CEB).

Ang "The Healing" ay engrandeng panimula ng selebrasyon ng ika-50 anibersayo ni Ate Vi sa showbiz.

Palabas na ngayon ang "The Healing" sa mahigit 140 na sinehan sa buong bansa.

Kasama rin sa cast ng "The Healing" sina Janice de Belen, Mark Gil, Martin del Rosario, Jhong Hilario, Allan Paule, Cris Villanueva, Daria Ramirez, Ces Quesada, Ynez Veneracion, Simon Ibarra, Abi Bautista, Joel Torre, Chinggoy Alonso, Mon Confiado, Carmi Martin at Pokwang.

CLICK HERE for more photos!






2 comments:

Anonymous,  July 27, 2012 at 3:13 PM  

katakot si janice :(

Anonymous,  July 31, 2012 at 8:05 AM  

hi miss darla, can you post po a video of the reviews of the moviegoers after ng the healing premiere night? the one shown in abscbn during commercial gaps ng programs. thanks po! :)

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP