"Ginagawa ko na" - JM De Guzman, when asked kung handa na siyang mahalin si Jessy Mendiola

Sunday, August 5, 2012


Marami ang nakisimpatiya kay JM De Guzman pagkatapos ng naging interview niya kanina sa The Buzz, tungkol sa ini-intrigang ugnayan nila ni Jessy Mendiola. Matagal na kasing usap-usapan na meron diumano silang lihim na relasyon, at madalas silang makitang magkasama on a date. Pero ang isyu ng itinatagong relasyon ay itinanggi na ni Jessy. Pero sa isang guesting ni JM sa Kris TV, marami ang mas na-intriga nang sabihin niyang may pagkakaintindihan na sila ng aktres. 

"Naging close friends kami, super close friends, pero hanggang doon lang. Yung pagkakaintindihan na puwede tayong maging close, date date, labas labas lang as friends lang," ang pagpapaliwanag niya kanina sa naging statement niya earlier.

Nang sinabi niyang mahal niya si Jessy, ano ang totoong nararamdaman niya?
"Yung nagawa niya sa akin bilang kaibigan, parang i-consider ko na special, parang rare for a friend na parang ganoon siya magmahal ng kaibigan, kung totoo man, ewan ko, di ko ma-explain eh. Ang laki ng natulong niya sa akin, without expecting anything in return, ang pagkakaintindihan namin, hindi pa muna dapat, ewan ko, tinamaan ako eh."

Pakiramdam ba niya unreciprocated ang pagmamahal niya kay Jessy?
"Feeling ko ganoon nga. Minadali ko, hindi pa tamang oras, hindi pa dapat magseryoso, pero yun ni-rush ko yung mga bagay at hindi maganda yung kinalabasan doon sa friendship namin. Sana hindi ko pa completely nawala yung chance."

Kung anuman ang totoong namagitan sa kanila - kung naging sila man o nagkaroon sila ng malalim na pagkakaintindihan, what went wrong?
"I rushed things, meron din akong mga ano, bilang tao, may mga bisyo rin ako na hindi niya nagustuhan like… pero siya yung nagsabi, sa kanya ko natutunan na hindi kailangan yun, makakasira lang yun sa lahat."

Totoo bang madalas sa condo unit niya si Jessy?
"Yun nga nabasa ko rin yung isyu na ‘yun, at gusto kong i-clarify sana, na hindi po totoo, ako po yung pumupunta sa condo nila, umaakyat ng ligaw sa nanay niya. Gusto ko pong i-clarify na hindi totoo, sa Mommy ni Jessy, sorry po, ayun lang."

Umaasa pa rin ba siya sa kanila ni Jessy?
"Hindi pa naman tapos yung buhay natin at maliit lang yung mundo na ginagalawan natin, I am still hoping."

Handa na ba siyang magmahal?
"Siyempre, siyempre handang handa na."

Handa na ba talaga siyang mahalin si Jessy?
"Ginagawa ko na."

Hanggang saan at kailan?
"Siguro hanggang mapagod na, mapapagod naman to ng kusa, pero hangga’t kaya."

Mensahe para kay Jessy?
"Jessy, sana makatrabaho kita soon, and good luck sa career. And... love you."


3 comments:

Kurt-Zion August 6, 2012 at 6:59 PM  

Haha i love this. JM has a rough boy charm but he never fails to touch people's sentiments to him. I hope it will work out with him and Jessy. Stop ka na sa bisyo mo, JM. Just weigh it in, Bisyo or Jessy? I'm sure you know the answer for that ;) Good Luck ;)

Anonymous,  August 7, 2012 at 3:30 AM  

Ang sweet naman ni JM kay Jessy...
JM to JM - GOOD COUPLE.. :)
Good luck JM de Guzman! :)

- JESSYnators :*

Anonymous,  August 10, 2012 at 4:30 PM  

JM, ang tunay na lalaki marunong maghintay. :)

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP