"Just be careful with my heart" - Jolo Revilla when asked about issues linking him and Jodi Sta. Maria

Sunday, September 30, 2012

Matapos aminin ni Jodi Sta. Maria sa The Buzz last week that Jolo Revilla is someone special in her life now, kanina ay si Jolo naman ang humarap para sa kanyang panig sa pinag-uusapang relasyon nila diumano. Pinilit umiwas ni Jolo sa pagsagot sa sunod-sunod na tanong ng reporters, requesting na ibalato na muna sa kanya ang tungkol sa pribado niyang buhay. Maging ang mga magulang ng aktor na sina Congresswoman Lani Mercado at Senator Bong Revilla ay piniling respetuhin ang gustong privacy ng anak. 



"Naku alam mo mahirap ako magcomment mas mabuti pang silang dalawa ang kausapin ninyo," ang sabi ni Cong. Lani. 

"As much as possible ayoko manghimasok sa kanilang personal na buhay. Jolo is old enough, siguro naman makakapagdesisyon na siya sa buhay niya. Alam na niya kung ano ang tama at mali, ang importante dito eh maging masaya siya at kung sino man yung ibigin niya at umibig sa kanya ay masaya din," pahayag naman ni Sen. Bong.

Ganun pa man, malaki raw ang pasasalamat ni Sen. Lani sa suportang ibinibigay ni Jodi kay Jolo. 


"Matagal ko nang kilala si Jodi... Masyadong give away na ata ito... Matagal ko na siyang kakilala. Sinabi ni Jolo kasi pareho kami ng ugali. Basta ang masasabi ko lang thank you sa pagsuporta niya kay Jolo sa lahat ng larangan, mapa-showbiz at mapa-pulitika. I know what's in her heart, I just pray for her."

Nang hingan naman siya kung anong hiling niya para sa anak na si Jolo, kung sakaling iibig nga itong muli, ito ang sabi ni Sen. Lani : "I always wish him the best. Ang pag-ibig kasi hindi mo masabi eh kung eto na nga o siya na nga, kung sino man ang mamahalin niya sana mahalin din siya at sana pareho silang maging careful sa kanilang mga puso... O nagpa-plug!"

Kita naman daw niyang masipag at inspired ngayon si Jolo. At alam nito kung anuman ang pinapasok nito sa buhay.

"Nung nagsisimula yan sinabihan namin siya na yun nga be careful with his heart. Alam mo hindi ko madidiktahan ang puso ng anak ko eh, katulad ng mga nakaraang pag ibig niya sa buhay niya. Nandyan lang kami bilang mga magulang para pagsabihan, gabayan (siya)."

Tungkol naman sa paglalaban para pagka-Bise Gobernador ng Cavite nina Jolo at Ronald Jay Lacson na kapatid ng dating karelasyon ni Jodi na si Pampi, iginiit ni Jolo na hindi raw dapat mapasali sa usaping ito si Jodi, na nai-intrigang naiipit diumano sa kanila. "Eh wala naman po sigurong katotohanan yun, basta tayo we wish him luck and may the best man win," sabi ni Jolo.

Sa usap-usapang relasyon naman diumano nila ni Jodi, eto ang naging usapan sa pagitan ni Jolo at ng press :

BUZZ : Jolo espesyal ka raw kay Jodi, sinabi niya sa The Buzz.
JOLO : Ibalato niyo na lang sa 'kin yun, thank you [walks].
BUZZ : Inspired ka ba?
JOLO : Yes.
BUZZ : Inspired ni Jodi?
JOLO : [natawa]
BUZZ : Is the feeling mutual?
JOLO : Basta… kita niyo naman eh.
BUZZ : Ang sabi naman ng mommy mo be careful daw with your heart...
JOLO : Maingat naman kami eh.

Sa isang kahiwalay na event naman, muling tinanong ng The Buzz sina Jolo at Cong. Lani tungkol sa parehong isyu. At dito nilinaw ni Cong. Lani na walang tinatago ang kanyang anak. "Hindi naman tinatago, ano lang he’s just being careful with his heart and that person’s heart," ang muling makahulugang pahayag niya.

Si Jolo naman, hindi raw nagiging mailap sa patungkol sa kanyang lovelife.

JOLO : Hindi naman ako naging mailap basta ang masasabi ko lang gusto ko muna ay ibalato niyo na lang sa 'kin yun. Sana irespeto niyo yun, at the right time will come at pag uusapan natin yan. I just wanna keep my private life.

BUZZ : Gusto mo lang maging careful?
JOLO : Yes, yes. Just be careful with my heart.

2 comments:

Anonymous,  October 7, 2012 at 12:37 AM  

Darla at some points I think twice or thrice you wrote "Sen." Lani. You may want to clarify those :)

Anonymous,  March 16, 2013 at 7:53 PM  

I love Maya & Sir Chief in Be Careful with My Heart. Niccolo (Marlo Mortel) is really cute!

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP