FIRST HERE, EXCLUSIVE! Piolo Pascual at Shaina Magdayao, SPOTTED nga bang super sweet at panay holding hands sa Singapore?

Saturday, October 20, 2012



Ito ang mga photos na pinost ni Shaina Magdayao sa kanyang Instagram account last week, habang nasa Singapore sila nina Piolo Pascual at iba pang kapamilya stars, para sa special na pagtatanghal ng ASAP doon. Mga larawang sa simula, ay hindi nabigyang kulay. Pero makalipas ang ilang araw... unti-unti nang naglabasan ang rumors tungkol sa extra sweetness daw ng dalawa sa Singapore.

Ayon sa ilang showbiz inside info na kumalat, naging kapansin-pansin daw ang kakaibang closeness diumano ng dalawa abroad. Madalas pa raw ay spotted silang magka-holding hands. 

Matatandaang bago ang bagong isyu na ito linking her to Piolo, na-link na rin si Shaina kina Diether Ocampo at Gerald Anderson. Issues na natatawang sinagot ni Shaina sa kanyang past interviews, saying na malamang daw dahil single siya kaya kung kani-kanino na lang siya nali-link. 

Ngayon, tungkol naman sa diumano'y namumuong pagtitinginan between her and Piolo, I immediately asked Shaina about it at natawa ang aktres dahil after Diether and Gerald, eto may bago na namang nau-ugnay sa kanya porket naging single lang siya. FOR THE FIRST TIME AND EXCLUSIVE here sa darlasauler.com, nagbigay siya sa akin ng kanyang reaksyon sa intriga. She said :

"Papa P has always been a gentleman naman to me and everyone. Kahit sino pa tanungin niyo :) Isang mabait na tao. We're friends. :)"

Thank you so much Shaina for the trust, always. Love yah!

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP