Gerald Anderson, kinausap nga ba si Mommy DIvine Geronimo sa Sarah G Live last Sunday?

Thursday, October 25, 2012


Kumalat ang balitang diumano, noong nakaraang Linggo, ay pinuntahan at kinausap ni Gerald Anderson ang ina ni Sarah Geronimo na si Mommy Divine sa programa ng popstar na Sarah G Live. Matatandaang nasa ABS-CBN din talaga ang aktor noong nakaraang Sunday, dahil may pictorial naman sila ni Kim Chiu para sa kanilang reunion movie na 24/7 In Love.


Ang balitang pagpunta ni Ge kay Mommy Divine, nagsimula sa article na lumabas sa banderablogs.wordpress.com. Sa artikulo, sinasabi ng nagsulat na ang kanyang source ay siya ring nagsabi sa kanya noon na patuloy pa rin ang communication ni Ge at Sarah, matapos ang kontrobersiyal na pagkakaudlot ng kanilang ligawan. Ang mga impormasyong ito, nanggaling daw sa mismong best friend ni Gerald at dating co-housemate sa PBB House na si Fred Payawan.

Tinanong ko po ang mga mapagkakatiwalaang staff ng Sarah G Live, at lahat po sila ay nagulat sa isyu. Wala raw po silang nakita o nabalitaang nagpunta si Gerald at nakipag-usap kay Mommy Divine. 

Photo courtesy : teen1.pinoybigbrother.com
Tinawagan ko rin ang pinangalanang source diumano ng kwento, na si Fred Payawan. Itinanggi ito ni Fred. At heto po ang official statement niya :

Hi Darla! The Bandera article quoting me as the source of the story implying a meeting between Gerald and Mrs. Geronimo is completely false. Walang naganap na pag-uusap, at wala tayong kinakausap regarding their personal lives. Sa kanila na yun, let's leave it at that. Thanks Darla for the concern. :)

3 comments:

Jayelynn Pierce October 26, 2012 at 6:28 AM  

Respect and Privacy for Gerald, Sarah and also her family. This is obviously something PERSONAL. I wish some people would just let this issue go and move on.

colleen murphy October 31, 2012 at 9:48 AM  

let us all move on from this issue for it is really nonsense, its over, no such thing as illusion and assuming a non existent scripted loveteam, it didnt work so forget it, move forward and be more productive.

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP