"Hindi ko inakalang maa-achieve ko yung ganitong klaseng happiness," says Angelica Panganiban!

Saturday, October 20, 2012


Matapos ang controversial "perfect sunday" photo nila sa Instagram account ni Angelica Panganiban, finally sa 4th anniversary concert ng Banana Split ay humarap sa press ang aktres, at pahapyaw na nagsalita tungkol sa namamagitang pagtitinginan sa kanila ni John Lloyd Cruz. Sa inilabas na interview sa kanya ng Cinemanews, sinabi ng aktres na kahit pa nanggaling siya sa isang failed relationship ay may lakas pa rin siya ng loob para muling umibig.

"May mga tao kasing natatakot after a relationship, hindi na nila kayang magtiwala, hindi na nila kayang maniwala sa relationship and sa love. So I think yung meron ako is meron akong lakas ng loob para tanggapin ulit yung pagmamahal, yung hope and yung relationship na puwedeng i-offer ng ibang tao," sabi ni Angelica.

Naging very open din siya in saying na kakaiba talaga ang sayang nararamdaman niya ngayon. Si John Lloyd ba ang dahilan nito?
"Oo naman malaking parte siya. Masaya sobra. Sobra! Parang hindi na siya part ng mundo, yung happiness mo, iisipin mo totoo pa ba ito, realidad pa ba ito. Yung happiness na meron ka, hindi ko inakalang maa-achieve ko yung ganitong klaseng happiness na meron ako."

Usap-usapan din ang naging pagpapadala ng bulaklak sa kanya ni John Lloyd noong gabing iyon, bilang pagco-congratulate na rin sa anniversary ng Banana Split at pagpuri sa masaya at solid na pamilyang meron si Angelica sa show na ito. Anong pakiramdam niya sa thoughtfulness na ito ng aktor?
"Ano… nakaka-perfect ng pagiging babae. Dati kasi duda ako kung babae ako eh, ngayon ah, oo babae nga ako."

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP