Matteo Guidicelli admits he lost time for Maja Salvador

Wednesday, October 24, 2012


Ilang buwan after their break up, kanina sa Kris TV ay inamin na ni Matteo Guidicelli na ang kawalan ng time ang isa sa mga naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Maja Salvador. "We have different priorities right now," ang sabi ng aktor kay Kris Aquino. He is giving 110% of his time raw kasi ngayon sa teleserye nila ni Jessy Mendiola, ang PHR presents Paraiso na magsisimula na sa November 5 kapalit ng Pintada. 


Aside from this, ang triathlon din ang isa sa mga pinagtutuunan niya ng pansin ngayon. "I fell in love with the sport," ang pahayag ni Matteo.

Kahit pa ibinuking ni Jessy na hanggang sa taping nila ay laging bukambibig ni Matteo si Maja, at kahit pa sinabi ni Kris na based on her observation ay pareho pang in love sa isa't isa ang dalawa... diretsahang sinabi ni Matteo na hindi pa siguro ito ang tamang time for him to be in a relationship. "I'm not ready to have a relationship right now," were his exact words. "She's always here in my heart," dagdag pa ni Matteo.


0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP