"Patawarin niyo ko President," Superstar Nora Aunor to former President Joseph Estrada

Sunday, October 28, 2012


Ilang taon na ang nakakaraan, nang magkaroon ng lamat ang pagkakaibigan ng Superstar na si Nora Aunor at ng dating Presidente na si Joseph Estrada. Matatandaang kumontra si Nora kay Erap noong panahon ng impeachment nito bilang Pangulo, dahilan para magkasamaan sila ng loob. At kanina lang, sa exclusive one-on-one nila ng birthday boy na si Boy Abunda sa The Buzz, matapang na humingi ng tawad si Ate Guy kay Erap.


BOY Nagkausap na po kayo ng dating President?
NORA Hindi pa po pero malay mo may pagkakataon na magkasalubong.
BOY At saka ang kaibigan, kaibigan.
NORA Opo kung anuman ang mga nangyari noong nakaraan sana ay magkapatawaran na. Sa Akin kasi kung nagkamali ako, alam mo naman ako humihingi naman ako ng tawad.
BOY Te Guy kung bibigyan ka ng pagkakataong makausap si Dating President anong nais nyong sabihin?
NORA Patawaring niyo ko President [laughs] yun lang. Kung ano yung pagkakamali ko sana mawala na sa isip at mapatawad, kasi walang masama kung aaminin mong nagkamali ka. Kung di ka mapatawad, di mo na kasalanan yun. At least pinakita mo na taos sa puso mo na humihingi ka ng tawad sa kanya hindi ba.


Samantala, isa pang malaking tanong sa isip ng marami nitong mga nakaraang taon, ay kung ano ba talaga ang papel ni John Rendez sa buhay ni Nora Aunor. Isang tanong na matapang nang hinarap ng superstar, kasabay ng iba pang isyung ibinabato sa kanya.


BOY Te Guy few days ago nag-launch ng album ang kaibigang John Rendez, Metal Dog. Isang deretsang tanong, sino si John Rendez sa iyong buhay?
NORA Sa akin kasi pamilya na si John. Nagstay ako sa States ng walong taon, yan yung may makain, walang makain, magkasakit ako... Siya yun at hindi ako iniwanan, kahit anong tsismis ang marinig namin di talaga ko iniwanan ni John kaya yun ang ipinaglalaban ko kay John.
BOY When I was reading some of the articles written about John Rendez, isa doon sa nakakaantig naman ng puso, noong kanyang sinabi na hiniwalayan ko ang aking asawa noong panahon binastos na niya ang nag-iisang superstar na si Nora Aunor... Paano ka binastos?
NORA Yung mga salitang hindi maganda, andyan yung maraming tao sa bahay, nasa kalsada siya paalis, tapos sabi niya hoy sugar mommy! Eh narinig ni John nagalit si John yun yung time na pinalayas niya yung asawa niya pinagtanggol ako kasi wala naman akong ginagawang masama yung ganun bakit mo babastusin yung tao.
BOY For the longest time people don’t understand this relationship. Nasaktan ka Ate Guy dun na kung ano-ano ang sinasabi ng mga tao?
NORA Hindi, hindi. Kasi alam ko sa puso ko at alam ni John na wala kung ano yung pinaparatang sa amin hindi naman totoo.
BOY Ngayon ikaw ang tumatayong manager?
NORA Manager ako ni John ngayon.


Nagpahayag na rin si Ate Guy ng kanyang saloobin, patungkol sa pagkakahanap ni Lotlot De Leon sa tunay nitong ina at ama.
"Pinag-usapan na namin noon yan kasi noong nasa Valencia pa kami, tumawag yung mommy niya sa bahay nagkataon si Lotlot ang sumagot. Tapos pagkatapos yata nila mag usap umiyak yung bata. Sabi ko bakit ka umiiyak? Nagyakapan kami tapos sabi niya kasi mommy tumawag yung nanay ko daw sabi nyang ganun. Eh bakit ka umiiyak kung nanay mo siya. Sabi ko alam mo hindi naman masama kung halimbawang kilalanin mo yung nanay mo talaga. Kasi ang lagi kong paliwanag sa kanila lahat naman kayo mga anak ko. Si Ian, yung dalawang lalaki, sila ni Matet... si Ian nanggaling sa sinapupunan ko pero kayo ibinigay kayo ng Diyos sa akin kaya anak ko pa rin kayo walang pinagkaiba yun. Tapos sabi ko, kung halimbawa tanungin ka ng mommy mo, gusto mong sumama sa akin anong sasabihin mo? Sabi niya hindi mommy kasi nung kailangan ko siya nun, wala naman siya syempre hindi kita iiwanan. Nag-iyakan kaming dalawa. Ang sarap. Marami akong pagkukulang sa mga anak ko. Ang ipinagmamalaki ko lang na kahit na alam nilang ang laki ng pagkukulang ko, yung respeto nila sakin di talaga nawala hanggang ngayon."
Bago matapos ang kwentuhan nila ni Tito Boy, nagbigay ng kanyang regalong silya si Ate Guy sa King of Talk bilang regalo rito. Dahil si Tito Boy po ay may bagong pinapagawang bahay, at ang kanyang ten-seater na dining table ay may sampung iba't ibang upuan, na galing sa iba't ibang kaibigan ni Tito Boy.



0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP