"Pwede ko siyang mahalin habambuhay," - Jessy Mendiola on JM De Guzman

Wednesday, October 24, 2012


After JM De Guzman's new revelations about his feelings for Jessy Mendiola last Saturday sa Showbiz Inside Report, finally kanina sa Kris TV ay tinapatan ito ni Jessy ng mga diretsahang pasabog. Natanong kasi si JM sa interview niya kung si Jessy ba ang klase ng babaeng pwedeng mahalin habambuhay, at sinagot niya ito ng yes. Kaya nang si Jessy naman ang tanungin ni Kris Aquino, she said "pwede ko siyang mahalin habambuhay," referring to JM.

Inamin din ng Paraiso star na ilang buwan silang naging magka-Exclusively Dating ng aktor, bago sila nagkaroon ng problema. Mga two weeks ago lang daw sila ulit nag-reconnect. Nagpalit daw kasi ng number si Jessy, at recently lang ito nakuha ni JM. At ayun nga, "kinulit" na raw ulit nito ang aktres hanggang sa maging okay na sila ulit. Pero nasa awkward stage pa raw sila ngayon, dahil parang nagsisimula raw sila ulit.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP