Senator Chiz Escudero admits relationship with Heart Evangelista, says she is his "sanctuary"!

Friday, October 5, 2012


Finally, inamin na ni Senator Chiz Escudero na mag-boyfriend-girlfriend na sila ng Kapuso star na si Heart Evangelista. Kanina sa birthday and farewell episode ng Senador sa Kris TV bilang co-host ni Kris Aquino, tilad ng naipangako niya sa mga nakaraang episodes ay nag-tell all nga si Sen. Chiz. He's looking forward daw na mag-anniversary sila ni Heart, bilang panimula sa pag-amin niya. Pareho raw silang hindi naghahanap ni Heart ng karelasyon o love, nang magtagpo sila at mahulog nga ang loob sa isa't isa. When Kris directly asked him if Heart is his girlfriend, he said YES. Dagdag pa niya, kay Heart daw kasi ay he gets to experience and see a different world, isang bagong perspective na malayo sa ginagalawan niyang mundo. Masarap din nga naman sa pakiramdam, na both of them ay walang kinalaman sa nakaraan ng isa't isa. He never attempted to 'google' Heart's history rin daw. In the end he said that Heart serves as his 'sanctuary.'

Sa episode na ito, for the first time ay lumabas din sa telebisyon ang kambal na anak ni Sen. Chiz na sina Chesi at Quino. Bago ang kanilang live appearance, ibinuking ng kambal ang kanilang ama. Their lola (Chiz's mom) asked them kung anong favorite shapes nila. Isa rito ay Heart sabi ng kambal, because "she loves Daddy!" 

Samantala, sa surprise VTR naman ni Heart para sa Senador sinabi niyang nakakatawa at funny person daw si Chiz. Pero sa mga matters na kailangang seryoso ay seryoso rin ito. She also said that Senator Chiz makes her laugh. When asked if that laugh is the 'kilig' kind of laugh she said "all kinds of laughs! He's very nice. We're having fun." 

Awww.. So sweet. Pero mamimi-miss ka namin sa show Senator Chiz! Hoping to see you again soon! Good luck sa 2013 elections! Asahan mo an suporta ko. Hehehe! 


Sent from my iPhone

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP