Sino ba naman kaming mga powerful na tao para magpa-ban ng stylist?

Wednesday, October 10, 2012


Matapos kumalat ang intrigang diumano, pinatanggal ng Mommy Divine ni Sarah Geronimo ang make-up artist niyang si Jing Monis at stylist na si Eric Pe Benito, kagabi sa press conference ng ine-endorso ni Sarah na Cherry Mobile ay nagsalita na ang Popstar. Ang itinuturong dahilan ng diumano'y pagpapatanggal, ang pagiging close raw ng make-up artist at stylist kay Gerald Anderson. Kasi nga naman, diumano paano mailalayo si Sarah sa aktor kung puro malapit dito ang nakapaligid sa kanya.

Wala raw katotohanan ang isyung ito, sabi pa ni Sarah : "isang malaking miscommunication po talaga."  Dagdag pa niya, "alam niyo mahal ko po talaga ang mga taong 'yon. Talagang habambuhay yung utang na loob ko sa kanila... Hinding hindi mawawala po yun at never ko pong gagawin, ng pamilya namin, lalong lalo na kami ng nanay ko, na magpapa-ban kami ng mga tao. Sino ba naman kaming mga powerful na tao na magpa-ban ng mga stylist? At saka mahal po namin sila."

Apektado raw ang kanyang Mommy Divine sa bagong isyung ito, pero hindi na idinetalye ni Sarah ang tungkol sa reaksyon ng kanyang ina. Basta pinanindigan niya na malinis ang konsensya nila, at hindi nila pinatanggal ang dalawa.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP