"Yes we are (in a relationship)" John Lloyd Cruz finally admits relationship with Angelica Panganiban!

Sunday, October 28, 2012



Matapos ang lahat ng speculations, ng sightings, at nang mga makahulugan nilang statements about what's really going on between them... Kanina sa The Buzz, kasabay ng birthday celebration ni Boy Abunda ay tinuldukan na ni John Lloyd Cruz lahat ng palaisipan tungkol sa kanila ni Angelica Panganiban. Tito Boy asked the ultimate leading man kung ano ba talaga ang estado nila ni Angelica, in a relationship ba sila? After a short pause, diretshan na itong sinagot ni John Lloyd.

"Yes we are," (in a relationship) ang pag-amin niya. Kasunod nito ay sinabi niyang masayang-masaya sila ng aktres ngayon sa kung ano ang meron sila. When asked to describe this feeling, he said that this is something "beyond" happiness. Matatandaang sa nakaraang interview ni Angelica ay very vocal din ito in saying that she never thought she will be as happy as she is right now. Nakakakilig at nakaka-inspire ding isipin na kahit pareho silang galing sa heartbreak, ay heto at mabilis silang nakabangon at muling nagmamahal. Two people who never lost faith in love.

Sa bandang dulo ng interview ay pabiro bang binati ng aktor si Angelica, and said "Hi Love!" kasunod ang malakas na tilian ng studio audience. Happy ako for the both of you JL and Angelica. Go, go, go! Support ko kayo, borrowingthe words form YES magazine, in your pursuit of happiness.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP