Erich Gonzales, ENGAGED na?

Thursday, November 22, 2012



Sa guesting kaninang umaga ni Erich Gonzales sa Kris TV, hindi nakaligtas sa mata ng 26th Star Awards Best Female Celebrity / Showbiz Oriented Talk Show Host na si Kris Aquino, ang suot-suot na diamond ring ng aktres. At tulad din ng una kong tanong kay Erich sa dressing room when I saw the ring, Kris asked her kung engaged na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend. Hindi nag-NO at hindi rin nag-YES si Erich kay Kris. 


Pero sa usapin tungkol sa estado ng kanyang puso ngayon, walang preno naman si Erich in expressing her happiness. Sabi pa nga niya sa pre-interview sa kanya for this guesting, "When I met this guy I am dating right now, siya ang nagbigay ng tamis  sa buhay ko.  I met him 2 years ago.  We started as friends, and then we started dating last year. He is very supportive.   He allows me to be me.   I would say I am at my happiest right now because of him."


Last year pa rin daw ibinigay ng kanyang special someone ang suot niyang diamond ring. Pero isa naman ang siniguro ni Erich, hindi pa siya handang magpakasal dahil marami pa raw siyang gustong gawin sa buhay niya. At lalo na't nakatakda na siyang magbalik teleserye, details about it ay hindi pa po yata pwedeng i-reveal hehehe. Basta bigatin ang magiging bagong serye niya. 

5 comments:

Anonymous,  November 22, 2012 at 4:46 PM  

Thank you Ms Darla.

We are very happy for Erich. Her lovelife and career. :))

Anonymous,  November 22, 2012 at 4:49 PM  

thank you Miss Darla sa Info about Erich:)

Alexis Valderama November 22, 2012 at 6:52 PM  

We fans are happy for Erich,she deserved it.We also respect their privacy.

Thank you Ms Darla!

Anonymous,  November 24, 2012 at 1:55 AM  

Thanks ms darla. Erich is much of a private person, we respect it. And we wanna meet and at least know the guy. :)))

Anonymous,  December 16, 2012 at 12:20 AM  

wow;;so happy for erich g...but then hope d muna xa magpakasal talaga;;;

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP