Follow me on Instagram and Twitter : @darlasauler

"Bakit pa ako magpapakipot kung alam ko namang gusto ko siya," Angelica Panganiban, revealing na 5 months na sila ni John Lloyd Cruz!

Monday, December 17, 2012


Kanina sa episode ng Kris TV ay guests ni Kris Aquino ang tatlo sa apat na bida ng Star Cinema MMFF entry na One More Try, na sina Dingdong Dantes, Zanjoe Marudo at Angelica Panganiban. For the first time, nakakatuwang marinig ang tatlo opening up about their families and their lovelife. Kung tutuusin kasi, eversince medyo hesitant si Zanjoe halimbawa to talk about his family. Pero kanina he revealed na medyo complicated ang relationship ng kanyang mother and father. Based na sa New York ang dad niya, pero hindi raw ito nakipaghiwalay sa nanay niya. Maayos daw ang naging usapan nung dalawa, dahil initially ay umalis ang father niya para sa isang marriage of convenience. Pero ngayon daw, his father is here dahil medyo in ciritical condition ang ama nito. 

About Bea naman, obvious na very happy si Zanjoe now with his girlfriend Bea Alonzo, na according to him ay 1 year and 9 months niya nang ka-relasyon. March 16, 2011 daw nila ginawang formal ang kanilang relationship.

Si Dingdong naman, na galing sa isang happy at buong family, ay iniisip na rin daw ang pag-aasawa. Very soon daw niya nakikita ang sariling magpapakasal na kay Marian Rivera. Every month daw ay sinisiguro niyang nakakadalaw siya kina Marian at sa pamilya nito sa Cavite. 

Si Angelica naman, na in her past interviews ay paunti-unti nang nagshe-share tungkol sa relasyon nila ni John Lloyd Cruz, ay extra giving kanina pagdating sa mga detalye ng kanilang samahan ni JL. 

Unlike in her previous relationship, kung saan isa ang sports sa bonding nila, ngayon daw ay ang kumain ang isa sa pinagsasaluhan nilang trip ni John Lloyd. When asked by Kris kung nasa bucket list nila ni JL na magtavel at manood ng kahit anong sport, wala raw silang plano sabi ni Angelica. Dahil hindi naman daw siya sporty na tao. Pero she doesn't deny na noong sila ni Derek Ramsay, yes pinasok niya ang iba't ibang sports. Punong puno daw ng saya ang relasyon nila ngayon ni JL, at believe it or not, hindi pa raw sila nag-aaway dalawa.

"Hindi kami nag-aaway eh... Saka yung away namin pikunan. Sa pikon ganun, kasi mahilig yun mang-amoy ng kili-kili. Eh kasi minsan naman tama na di ba, naiinis na ko... Tapos kalabit nang kalabit, ayaw na ayaw kong kinakalabit ako di ba," pagbabahagi ni Angelica.

"Siya ang nagluluto for me... Hello! Mamaya na siya ang magluluto for me eh," kinikilig pang kwento ng aktres.

"Yung totoo ilang months na kayo?," prangkang tanong naman ni Kris.  

"Sabi ko na nga ba eh.... 5 months," diretsahang pag-amin ni Angelica.

"Bakit pa ako magpapakipot eh alam ko namang gusto ko siya?," pagpapakatotoo pa ni Angelica. Kung sina Zanjoe at Bea raw ay pinili ang March 16 bilang official date when they became a couple, sila rin ni John Lloyd ay binalikan daw ang naging samahan nilang dalawa bago pa tuluyang maging sila noong July. Na-realize na lang daw nila na iba na ang nararamdaman nila para sa isa't isa, mahal na raw nila each other.

When asked why she decided to be open now, matapos ang pagiging matipid sa detalye about her relaitonship with JL earlier this year...

"Actually sa'yo nga lang ako ganto eh (laughs)... Actually siya talaga yung mas vocal, mas open... Feeling ko baka pede kong ipagdamot muna to, sa akin muna, i-enjoy ko muna. Pero dahil na-enjoy ko na, sige sali na kayo. Dahil sabi nga nila di ba, happiness is best when shared," paliwanag ni Angelica.

Salamat Angelica, Zanjoe and Dingdong for trusting Kris TV with these special stories about your personal lives. Abangan po natin ang ONE MORE TRY, sa December 25 na. 

13 comments:

Anonymous,  December 17, 2012 at 10:14 AM  

Feeling naman tong c angelica teh di bagay sayo mag inarte mukha kang puta eh kahit anong sabihin mo malandi kpa rin at mang aagaw ng jowa! Yan na ang image mo forever na nakatatak! Ilan nba anak mo? Mukha kanang laspag na laspag ur “queen of sag“ kaya wag kang feeling! Haha maghihiwalay din kayo ni jl PERIOD!

Reyn December 17, 2012 at 3:34 PM  

Halla! Sobra ka naman diyan kung makapanghusga. I like Angelica..

Anonymous,  December 17, 2012 at 3:54 PM  

Sana di pakitang tao ang happiness na yan!

Anonymous,  December 17, 2012 at 3:56 PM  

Sobrang bitter nung unang nagkoment! inggit ka teh kay angel?! Hahaha! get a life and be happy..

Anonymous,  December 17, 2012 at 4:13 PM  

I love and i like angelica...bad nmn ung ngcoment ampalya ka???wg gnun te bad un good vibes dpt lgi

Blueberries December 17, 2012 at 5:38 PM  

You sound so bitter naman, ni hindi ka nga kilala ni angelica. There's no need to swear like that. It shows who you are rather than the person you're swearing at. No class at all.

Anonymous,  December 17, 2012 at 6:05 PM  

Ang Ampalaya kinakain o inuulam di inuugali... kung puta si Angelica idi maging puta kanarin para maka jowa ka katulad nina Derek at JL. Sarili mo ata ang tinutukoy mo eh....

Anonymous,  December 17, 2012 at 6:26 PM  

so xa ang nangaliwa?at first doubt ako dahil pinag-aaway nia mga babae nalink ke Derek to the point na isipin mo martyr ang babaeng 'to...pero just like that itapon na lang cuz someone better(?)or she likes comes along!buhay nga naman!(:

Anonymous,  December 17, 2012 at 7:35 PM  

Baka nakalimutan nyo na si Derek ang may Sabit dahil kasal pa sya until now, at mismo galing Kay Angel na baklang bakla daw sya nung sila pa ni Derek, ibig sabihin ang pagmamahal na binigay nya eh sobrang over. May plano pala syang umalis ng abs-cbn di manlang ng share ng kahit ano Kay Angel about his plan, nalaman nalang ni Angel nasa TV 5 na sya. Yan ba ang may respeto sa karelasyon?

Anonymous,  December 18, 2012 at 4:40 PM  

just be happy para sa ibang tao,we're not in their shoes to judge them,kung saan sila masaya,jl & angel deserve to be happy sino tayo para husgahan/tutulan sila ??? Artista lang sila pero normal na tao din pong tulad natin :) Merry Christmas!

Anonymous,  December 28, 2012 at 8:29 AM  

Oh my gosh!!! She is so laspag..as in. Bayaran ba?

Anonymous,  December 28, 2012 at 8:32 AM  

Sya yong artistang hinding hindi nmen gusto at hindi kyang gugustuhin at hindi kailan man ggustuhin.

Anonymous,  March 1, 2013 at 8:47 PM  

Hello makalait ka nman kay angelica!mahiya ka nga sa balat mo!...inggit lng yan wlng gamot dyan!Go Angel!..:)

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

TopBlogs.com.ph

Entertainment & Lifestyle - Top Blogs Philippines

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP