Follow me on Instagram and Twitter : @darlasauler

Judy Ann Santos umaming ni-request sa Star Cinema na maging leading man si John Lloyd Cruz!

Sunday, December 23, 2012

Sobrang ganda at sexy ni Judy Ann Santos sa live guesting niya sa The Buzz kanina. While promoting her MMFF movie with Vic Sotto and Bong Revilla, nilinaw din ng teleserye queen ang mga issues sa kanya ngayon. Una na dito ang balitang ayaw na raw niyang mag-teleserye dahil mas pinapaboran na niya ang pagho-host. 

"Hindi naman, hindi naman. Syempre sa teleserye ako lumaki eh, parang kakambal ko na yan, part na yan ng pagkatao ko," sabi ni Judai sabay sabing mas matimbang pa rin sa puso niya ang acting.


Sa usapin naman ng pelikula, magandang balita ang kumpirmasyon ni Judai na magkakasama nga sila ni John Lloyd Cruz sa isang film soon.

"May mga usapan na about it, isa siya sa mga leading man na nirequest ko nung nag-meeting kami nina MNS, nina Tita Malou... Ang intense kasi niya uamrte eh, gusto ko siya ma-experience," pahayag ni Judai.

Paano ang movie with Piolo Pascual?
"Wala pa talaga."

"I would only say naman, nothing naman really is impossible. I believe that given the right time and the right project... Hayaan na lang po natin, kung mangyayari, mangyayari," paliwanag ni Judai.

Okay lang ba kay Ryan Agoncillo sakaling matulog ang reunion project nila?
"Sa totoo wala namang isyu kay Ryan eh," sagot naman ni Judai. Nilinaw din niyang matagal na silang okay at friends with Piolo.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP