Follow me on Instagram and Twitter : @darlasauler

Kathryn Bernardo, hindi galit sa mga nang-bash sa kanya sa Instagram! Daniel Padilla, binigyan din daw siya ng puppy noon!

Monday, December 10, 2012

Kathryn's controversial photo of the puppy named Little Dasho, posted in her Instagram account.
Ilang linggo na ang nakakaraan, may mga tila nagalit sa pinost na photo na ito ni Kathryn Bernardo sa kanyang Instagram account. Ayon sa ilan, ang mga nagalit daw ay mga fans ng Daniel-Kathryn loveteam na nagselos dahil ang bagong puppy na ito ay galing sa KathQuen - o ang isa pang loveteam ni Kathryn, kasama naman si Enrique Gil. Pero sa interview sa kanya na lumabas sa The Buzz kahapon, sinabi ni Kath na hindi naman daw siya nagagalit sa mga nang-away sa kanya. 

"Yung puppy bigay 'yun sa akin ng KathQuen tapos nagpost lang ako ng ng picture niya. Merong ibang nagtampo, merong iba naintindihan naman nila na bigay lang yun. Nag-thank you lang ako sa nagbigay, kasi naalala nila akong bigyan," sabi ni Kath.

Nang si Daniel naman ang nakausap ng The Buzz, nabanggit daw ng ultimate crush ng bayan ngayon na nakapagbigay na rin daw siya noon pa kay Kathryn ng puppy. Samantala, pagkatapos lumabas sa The Buzz ng kwentong ito, mabilis namang nagpahayag ng kanilang suporta kay Kathryn ang KathNiels. Sabi nila ang mga totoong KathNiels naman daw ay hindi aawayin si Kathryn dahil lang sa post na ito.

5 comments:

Anonymous,  December 11, 2012 at 4:20 PM  

Its not about the dogs, hindi ganun kababaw ang kathniels. its about how she treats her fans, and say thank you to everyone not just to kathquens thinking na dehado sila offcam, its not a reason na she'll not thank kathniels too. Ang daming mentions ng the buzz twitter about the damage done by Princess and I, hope you''ll take time to answer the issue.

Anonymous,  January 29, 2013 at 11:01 PM  

Ang OA nmn ng fans na ganon..noh ba yan..natural Kathquen ang nag bigay syempre sila ang pasasalamatan..ako Kathniels ako pero di nmn dapat ganon na kelangan lagi nalang tayo pinapansin at sa atin lang iikot mundo nila.. ka share din po ng kathniels ang kathquen,kathryn fans, kahlil fans, at kung cno2 pang fans club dyan sa mataas na rating na naku2ha ng P.A.I. 'just sayin'

Anonymous,  January 30, 2013 at 12:36 AM  

We love Kathryn, and we cant do that to her. Although we're Soild KATHNIEL, we love Quen too. Love you guys from the Heart of KATHNIEL SPIKERS.

Anonymous,  April 6, 2013 at 2:43 PM  

nakatanggap lang po cguro ng wrong info. ung mga SOLID KathNiel's na nag-react kay ate Kath about dun sa little-cute-puppy :))

Anonymous,  April 20, 2013 at 11:23 AM  

bakit naman sila nagagalit pinose lang naman yung picture ng little cute puppy na bigay ni enrique

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

TopBlogs.com.ph

Entertainment & Lifestyle - Top Blogs Philippines

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP