Follow me on Instagram and Twitter : @darlasauler

"Lumang style na yung nagsasapawan" - Angelica Panganiban, sa isyung may sapawan sila ni Angel Locsin sa pelikulang One More Try!

Sunday, December 2, 2012

Trailer pa lang ng pelikulang pagsasamahan nina Angelica Panganiban at Angel Locsin, with Dingdong Dantes and Zanjoe Marudo, ang One More Try... puro magagandang feedback na agad ang tinatanggap ng pelikula. Pero ang mga intrigera, ang agad na tanong, sinong mas magaling kay Angelica at Angel? Nagsapawan ba? Para ngayon pa lang ay makontra na agad ang intrigang yan, for the first time sa The Buzz ay humarap ang dalawa sa pinaka-magaganda at pinaka-mahuhusay na aktres sa showbiz ngayon at nagkwento tungkol sa pinagdaanan nila while filming this Star Cinema entry to the Metro Manila Film Festival.


On their characters...
"Ako si Jack, isang career-driven na asawa, woman of the world. Binibigay niya ang lahat at sinusunod siya ng lahat. Pero pagdating sa asawa niya may pagka-submissive, lahat ng kailangan o gusto ng asawa niya binibigay niya," kwento ni Angelica.

"Ako naman dito si Grace. Meron akong anak na anim na taon na merong sakit, para siyang leukemia na dahil doon, kailangan kong hanapin uli yung tatay, na ang tatay ay si Mr. Dingdong Dantes na asawa si Jack si Angelica! Meron akong kasintahan si Tristan played by Zanjoe Marudo," Angel shares naman.

The movie...
Angelica says, "nakaka-excite kasi yung tina-tackle ng kwento is napaka-mature, hindi siya yung tipikal na ginagawa ng mga artista sa generation namin, doon pa lang challenging na siya."

Angel naman said that this movie is a story about a modern family.

Is this a sexy / daring film for them?
"Syempre may harot, may naughtiness din siya. Hindi rin naman maganda yung pelikula na wala sa lugar yung pagpapa-sexy niya. Actually hindi nga magandang tawagin na nagpapa-sexy ka kasi hinihingi rin siya ng eksena. Hindi naman kami basta basta nagpapakita ng balat kung hindi kailangan," kontra ni Angelica.

Isang malaking challenge naman daw ang role niya dito, sabi ni Angel.
"Ginawa ko lang yung trabaho ko bilang artista. Nag-research ako kasi alam naman ng mga tao na hindi pa ako isang ina, ang challenge sa akin is kung paano ko mapaniwala sa sarili ko na meron nga akong anim na taon na anak."

On the friendship that they have developed while working together...
Angelica : Well syempre nung una nagkakapaan diba? Syempre sa una tahimik lang ako dahil baka maingayan sila sa akin! Eh hindi ko na rin napigilan ang sarili ko, noong huli sabi ko ay dedma na! Chichika na ako nang chichika nang bongga ayun lagi na akong maingay. Noong una, nakikitawa lang siya sa amin, tapos bandang huli hindi na rin niya kinaya ayun, hindi na niya kinaya lumabas na rin ang tunay niyang kulay! Maganda yung nabubuhay ang samahan, habang ginagawa niyo yung isang pelikula! I think yun ang pinakamahalaga na may nakukuha kang isang kaibigan!
Angel : Lagi ko namang sinasabi na sobrang bilib ako sa kakayahan ng babaeng ito sa pag-arte! Fan na fan talaga ako Becky days pa lang ako bilib na ako! Kung paano niya naiiba ang sarili niya from comedy to drama from kontra to bida!
Angelica : Bipolar kasi ako teh! 
Angel : Baka nga teh! (laughs)
Angelica : Sobrang exciting diba? Na makita mo yung work ethics ng katrabaho mo! Lalo na ito! Kung paano siya mag-alaga ng mga katrabaho, ng mga kasamahan niya! Malapit na siyang lumutang sa lupa sa sobrang kabaitan niya talaga! Papalutang na siya! Next to God na siya! Ang bait!


May napansin naman daw si Angel kay Angelica pagdating sa pag-ibig, bilang isang girl friend...
"Basta ibang klase itong si Gel, pati sa pag-ibig! Alam naman natin yun! Basta bilib ako sa kanya! Yung pasensya niya! Sabi nga niya sa linya: 'Ang pera hindi basta basta nauubos pero ang pasensya konting konti lang!' Baligtad yun! Yung pasensya niya bonggang bongga siya," pambubuking ni Angel.

On may sapawan at kompetisyon daw sila dito sa pelikula...
Angel : Natatawa nga ako kapag may nababasa akong ang pagtutuos! Eh wala namang ganon! Parang siya yung artista na hindi ko naman pag-iisipan ng ganon kasi napaka-professional eh! Wala kaming ganon! Yung direktor namin, napakagaling. Alam niya kung paano balansehin. Napaka-ganda ng pagkakahati-hati ng istorya na lahat ng characters umangat!
Angelica : Hindi naman para umabot doon sa point para magsasapawan yung isa't isa kasi alam mo matalinong artista naman yung mga kasama mo eh! Saka lumang style na yung nagsasapawan eh!

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

TopBlogs.com.ph

Entertainment & Lifestyle - Top Blogs Philippines

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP