Follow me on Instagram and Twitter : @darlasauler

Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz, may kissing scene na nga ba sa kanilang third movie together?

Sunday, December 2, 2012


Nagshu-shooting na ngayon ang para sa pangatlong installment ng kanilang pelikula, sina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo. Isang balita na paniguradong noong unang ma-confirm ay nagpaligaya sa milyon-milyong tagahanga ng box office tandem na ito. Sinisiguro naman nina Sarah na hindi nila bibiguin ang lahat, na umaasang mai-in love at muling kikiligin sa pagpapatuloy ng kwento nina Laida at Miggy.

"Syempre yun ang goal namin maibalik yung kilig. Kumbaga yung kilig na naramdaman nila dun sa first movie pa lang, sana bumalik yun at ayun, as we end the love story of Miggy and Laida, sana may maiwan kaming lessons sa kanila," sabi ng Popstar Princess na for sure magiging Box Office Queen na naman sa pelikulang ito.

Aminado naman si SG na malaking kasiyahan for her, ang muling maka-trabaho si JL. "It's a joy kasi ang tagal na the last time we worked together. Masaya 'ko na nanumbalik yung friendship namin, yung magandang working relationship namin better talaga. Masaya kami sa set I’m happy to see him," she said.

Pareho silang dumaan sa makukulay na buhay pag-ibig... idagdag pa dito na na-link din sila sa isa't isa dati. Hindi ba nagkaroon ng ilangan between them sa muling pagtatambal nilang ito?
"Hindi… may mga konti lang din halimbawa pag sobrang close na close kami sa isa't isa sabi ko nga kitang kita mo na yung pores ko ah. Sorry ah ang ganda ganda ng skin mo. Yun lang pero sobrang komportable ako sa taong yun kasi ganun din niya pinaramdam sa 'kin nung una kaming nagkatrabaho."

Ang tanong ng lahat ngayon, sa huling yugto ng love story nina Miggy at Laida... makikita na ba ng buong bayan si Sarah sa first ever kissing scene niya sa big screen?
"Ay yun po, hindi ko muna masasagot abangan natin," Sarah said.

Anyway, talaga namang aabangan ko - namin - itong pelikulang ito! Ang kwento kaya nila Laida at Miggy ang isa sa pinaka-favorite kong love stories sa Pinoy movies hehehe. Good luck sa inyo, at syempre congratulations again SG sa sunod-sunod mong achievements at pagbibigay karangalan sa Pilipinas.



6 comments:

Anonymous,  December 2, 2012 at 8:06 PM  

FINALLY JLS3 malapit na :D sana feb 2013 na talaga :D

Anonymous,  December 2, 2012 at 11:19 PM  

Super Excited.. Sarah + John Lloyd ba naman.. Yehey!..

Pearl,  December 2, 2012 at 11:32 PM  

Excited na po kami. International screening agad!

Anonymous,  December 5, 2012 at 8:21 AM  

dapat si lloydie talaga first kiss ni sarah... walang eepal na ashrald! ashlloyd ftw!

roselyn gilapay December 6, 2012 at 11:07 PM  

waaa!!googoogo ashlloyd!!!kayo na ang da BEST!!
i ope my kissing scene..

Anonymous,  December 8, 2012 at 2:13 PM  

super excited to see sarah and johnlloyd together again..sila na ata ang most kilig loveteams of all time yan ha..hehe..GOASHLOYDS

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP