Follow me on Instagram and Twitter : @darlasauler

Confirmed : Katrina Halili is pregnant

Sunday, March 25, 2012



After ng mga bulong-bulungan, finally ay na-confirm na kanina na buntis nga ang sexy star na si Katrina Halili. Ang ama ng kanyang dinadala ay ang kanyang boyfriend na fil-am singer - si Kris Lawrence. Matatandaang nagkahiwalay pa ang dalawang ito a few years ago, at nagkabalikan din. Sabi ni Katrina kahit pa nagdadalang tao na siya, ay hindi pa sila magpapakasal ni Kris Lawrence. 

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS : Julia Montes's House Blessing and Birthday Celebration

Thursday, March 22, 2012

Last Sunday ay pina-bless na ni Julia Montes ang bago nilang bahay, kasabay na rin ng kanyang birthday celebration. Dumating sa espesyal na okasyong ito ang mga kaibigan at kapamilya ni Julia tulad nina Kathryn Bernardo, Enrique Gil, Melissa Ricks, Sam Concepcion, Janus del Prado at si Miss Susan Roces na katrabaho niya sa Walang Hanggan. Congrats bebe Julia and happy birthday! More pics of your favorite Star Magic artists to come, thank you SM and Tracy Manlangit!



Click here for more photos! And text DARLA ON to 2366!

Read more...

Exclusive Photos : Xian Lim nagbonding with his fans!

Here are some photos from Xian Lim's bonding with his fans, sa Quezon Avenue branch ng bago niyang ine-endorse na fastfood chain. 



Click here for more photos!

Read more...

Congratulations Eugene Domingo, People's Choice for Favorite Actress at the 6th Asian Film Awards!

Tuesday, March 20, 2012



photo courtesy : @patringjoy (Patricia Joy) on Twitter
Waging wagi ang favorite actress nating si Eugene Domingo sa katatapos lang na 6th Asian Film Awards. Nakuha ni Eugene ang People's Choice for Favorite Actress award, na nade-determine sa pamamagitan ng dami ng botong pumasok online para sa bawat nominado. Eugene won for her excellent performance sa pelikulang Ang Babae Sa Septic Tank, na ngayon ay mabibili niyo na on DVD and VCD!

Congratulations din kay Shamaine Buencamino na nanalo rin bilang Best Supporting Actress sa nasabing film awards for the movie Niño, si Sharmaine yung gumanap na nanay ni Antonio sa Ang Lihim ni Antonio.

Read more...

"Uy alagaan mo yan..." Jake Cuenca to Paul Jake Castillo courting Melissa Ricks

Last Sunday sa The Buzz ay nagsalita na rin ang Star Awards' Movie Supporting Actor of the Year na si Jake Cuenca tungkol sa confirmed reports ng pagde-date ngayon nina Paul Jake Castillo and Melissa Ricks. Happy daw si Jake sa mga nangyayari ngayon sa buhay ng kanyang ex-girlfriend, mapa-personal man o sa career. Nabanggit ni Charlene Gonzalez during the interview that Jake once told her that Melissa is the perfect girl, at swerte ang kung sinumang lalakeng makakasama nito habang buhay. When asked why he let go of Mel, ito ang magandang sagot ni Jake : "She was the perfect girl, but I was not the perfect guy that time."

Hiningan din ng message ni Charlene si Jake para kay Paul Jake, and pabirong bungad ng aktor, "Uy alagaan mo yan!" Sabay wish na maging happy ang dalawa sa kung anumang meron sila ngayon. 

Samantala, isang reliable source ang narinig kong nagsabi na diumano'y confeeermed nang mag-on sina PJ at Melissa ngayon. True ba ito Mel and PJ?

Read more...

"Siya yung gusto ko. Malinaw naman yun and alam naman ng lahat," Gerald Anderson on his panliligaw kay Sarah Geronimo!

Sunday, March 11, 2012

Pagkatapos ng controversial pagtawag ni Sarah Geronimo ng "babe" kay Gerald Anderson, pagkatapos ng V-day date at ng exchange of gifts, kanina sa The Buzz Celebrity Stories with Charlene Gonzalez, finally ay nag-open up na si Gerald tungkol sa real score between him and Sarah. Sinabi ng aktor na hindi pa raw sila mag-on ni Sarah.




"As much as gusto kong sabihing yes, we're taking things slow. Totoo yan pero ako naniniwala ako na slowly but surely," ang sabi ni Gerald sabay amin na talagang nanliligaw siya kay Sarah. Nagsimula raw ito sa last shooting day nila ng kanilang recent film, yung eksena sa bus station. Yun daw ang itinuturing niyang 'magic' moment sa pagitan nila.

As much as gusto niya ring sagutin ang tanong kung m.u. na sila ng popstar princess, ito na lang ang nasabi ni Gerald nang tanungin siya ni Charlene kung exclusively dating na ba silang dalawa : "Well, gusto ko po siyang yayain sa ibang date. Siya yung gusto ko. Malinaw naman yon and alam naman ng lahat."

Message niya for Sarah?
"Gusto ko lang talagang magpasalamat sa kanya for the inspiration she gives me and for making me happy everyday. Nawawala ang stress ko dahil sa kanya, it's a good start." 

Read more...

Ex-PBB housemate Paul Jake Castillo admits he's now dating Melissa Ricks!

Thursday, March 8, 2012

Kanina sa exclusive episode ng Kris TV, ginulat ni ex-PBB housemate Paul Jake Castillo ang lahat ng aminin niyang nagde-date na sila ni Melissa Ricks. Diretsahang ang pag-yes ni PJ nang tanungin siya ni Kris Aquino tungkol dito. Nakwento pa niya na sa isang date nila, mismong siya ang nagluto ng pagkain nila ng Walang Hanggan star. Kaagad namang napansin ng karamihan na ang bagong lalake sa buhay ngayon ni Melissa ay may Jake na naman sa pangalan hehehe.

Photo courtesy : Jasmin Pallera

Read more...

Star Magic shoots digital film "ANINO"

Here are some behind the scenes photos of the Star Magic Digital Film "Anino" starring Jake Cuenca, Dimples Romana, Yeng Constantino, Joem Bascon, the Star Magic workshoppers and Jodi Sta. Maria! Their red carpet premiere is scheduled on March 19, 2012, with the venue to be announce soon. The film is directed by Rahyan Carlos.





Click here for more photos!

Read more...

Mabuhay ang UP Babaylan!

Monday, March 5, 2012


Ito na siguro ang taon ng aking mahal na org sa UP nung college pa ako — ang UP Babaylan. Una, big winner ang dalawang bagets na designers ng Babaylan sa katatapos na Mega Young Designers Competition: si Renan (Grand Winner) at si Mara (1st RU and Best in Show).

Mara (2nd from left) at Renan (center) after the awarding with Risa Hontiveros (2nd from right who’s wearing a dress by Joel Acebuche na isa ring member ng UP Babaylan) and other UP Babaylan members.
Pangalawa, big winner din ang UP Babaylan dahil apat sa members nito ang title (wagi) sa university at college elections- pinaka-importante dito ang pagkakapanalo nina Heart Diño bilang chairperson ng Univesity Student Council at Pat bilang konsehal. Ang dalawang ito ay parehong transgender women. (Transgender woman: assigned male at birth but identifies and lives as a woman).


Super happy ang pagka-win ni Heart dahil siya ang kauna-unahang transgender woman na nakamit ang pinakamataas na posisyon sa Student Council. Perhaps, siya ang una sa Pilipinas, o baka nga sa buong South East Asia pa. Kaya nga lately ay laman siya ng lahat ng mga dyaryo, balita,  local at international websites at blogs.


Ang UP Babaylan Diliman ay ang kauna-unahang LGBT student organization sa Pilipinas na recognized ng school administration. Ito na rin marahil ang pinakamatagal na LGBT organization sa buong bansa. Bukod sa pagkakatatag ng UP Babaylan, naging makasaysayan din ang pagkapanalo ni dating Punong-Babaylan Perci Cendaña bilang USC Chairperson ng UP Diliman noong 1992. Si Perci ay ang kasalukuyang Commissioner-at-large ng National Youth Commission.

Not a few years ago ay itinatag ng mga alumni ng UP Babaylan ang Babaylanes, Inc. na alumni organization ng UP Babaylan. Tumutulong ang Babaylanes, Inc. sa iba’t ibang grupo ng student LGBTs para makapag-buo ng kanilang sariling organisasyon. So if you want to organize your own LGBT organization in your school, pwede kayong magpatulong sa kanila. You may visit their website: http://www.babaylanes.org




Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

TopBlogs.com.ph

Entertainment & Lifestyle - Top Blogs Philippines

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP