Follow me on Instagram and Twitter : @darlasauler

EXCLUSIVE PHOTOS : Daniel Padilla shares his blessings on his 17th Birthday!

Thursday, April 26, 2012

Yesterday, bago ang mismong birthday niya, pinili ng NEXT BIG STAR AND ULTIMATE LEADING MAN NG SHOWBIZ na si Daniel Padilla na ipagdiwang ito sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga biyayang natatanggap niya sa mga bata mula sa Child Haus, Quezon City. Kasama niya sa meaningful celebration na ito ang kanyang pamilya at ilang malalapit na kaibigan. Nakasama ko ang ina ni Daniel na si Karla Estrada last Sunday & Monday sa Palawan for our Kris Reali-TV shoot, and mismong siya ay natutuwa na sa edad ng anak niya ngayon, talagang choice na nitong i-share anumang blessings na natatanggap niya. Kaya naman hindi na nakapagtataka na napakarami nating nagmamahal kay DJ. Tama? Happy birthday again, Daniel Padilla!



Click here for more photos. And show your love for DJ! Leave a comment / birthday message for him. 

Read more...

ABANGAN NGAYONG 2012 : "What I Did For Love"

Tuesday, April 24, 2012

In celebration of their 20th anniversary, isang very special movie ang ginagawa ngayon ng Star Magic, ang "What I Did For Love". Scheduled itong ipalabas bandang last quarter ng taong ito. At syempre pagbibidahan ito ng lahat ng naglalakihang stars ng Star Magic. Bilang patikim, heto ang ilang photos mula sa shoot nila. Thanks to Tracy Manlangit of Star Magic, and Ate Thess Gubi!



Click here for more photos!

Read more...

EXCLUSIVE PICS : #HappyBirthdayKimChiu!

Wednesday, April 18, 2012

Last April 16, 2012, maagang nagcelebrate ng kanyang birthday si Kim Chiu kasama ang mga bata from Barangay Loyola Heights. Nakipag-party si Kimmy with the kids, kasabay na rin ng pagpapakain sa mga ito at pagbibigay sa kanila ng regalo. In all fairness talaga kay Kimmy. Happy birthday be, love you!



Click here for more photos!

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS : Chito Miranda and Neri Naig, with friends, in Bataan!

Tuesday, April 10, 2012

Sweet couple in Bataan! Parokya ni Edgar's Chito Miranda with Neri Naig. Thanks mars!


Click here for more photos! Text DARLA ON to 2366.

Read more...

Divine and Tin Patrimonio for Slater!

Sunday, April 8, 2012


Overwhelming po sobra ang number ng mga bumoto sa katatapos lang na poll dito, sa kung sino ang gusto niyong maging unang leading lady ni PBB Unlimited Big Winner Slater. When I made the poll, supposedly ay hanggang 3pm lang siya yesterday making SLAVINE the winner. Hindi ko alam what happened, di naman ako expert sa internet no, at na-extend ang poll. Kaya as it closed kaninang madaling araw, SLATIN ang nakakuha ng mas maraming votes. Pero wag po kayong mag-alala, kung anuman ang project na maibigay sa kanila - kay Slater, paniguradong yun ay kung ano ang makaka-satisfy sa lahat ng supporters nila / niya. Thanks po sa lahat ng bumoto, at wag na po mag-away-away.

Read more...

Melai Cantiveros breaks silence on break-up with Jason Francisco : "Syempre mas mahal ko na sarili ko ngayon"


Matapos umiwas sa interviews, nacorner ng The Buzz si Melai Cantiveros at hindi na ito nakaiwas sa mga tanong patungkol sa naging hiwalayan nila ni Jason Francisco. 

"I am very happy... siyempre mas mahal ko na sarili ko ngayon. Dati nahahati oras ko sa iba... Kaya tayo natuto sa future, kaya tayo naging mabuting tao sa future, dahil sa past," ang pahayag ni Melai.

Sa pinagdaanan nila ni Jason at ng kanilang relasyon, sigurado raw na may mahalagang natutunan ang komedyante. "Kung meron silang pinagdadaanan, dumaan sila sa maayos na daanan, wag silang pa-stress. I-enjoy niyo yung dinadaanan niyo at magmature kayo."

Nang maungkat naman ang napabalitang pagiging bad influence diumano ng kaibigan nilang si Paul Jake Castillo kay Jason, eto ang depensa ni Melai : "Matanda na naman si Jason para magpaudyok siya, wala kaming problema ni Paul Jake."

Pero nang tanungin na siya kung kamusta ang relasyon nila ngayon ni Jason, umiwas na si Melai at tumangging magbigay pa ng ibang pahayag.

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

TopBlogs.com.ph

Entertainment & Lifestyle - Top Blogs Philippines

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP