Follow me on Instagram and Twitter : @darlasauler

EXCLUSIVE PICS : Pasukin natin ang super gandang bahay ni Nikki Gil!

Friday, June 29, 2012

Super bilib ako sa ganda ng bagong bahay na ito nina Nikki Gil. Ang class! Isa sa pinaka-magagandang bahay na nakita ko! Thank you so much Niks for allowing me to post the photos here. 




CLICK HERE for more photos! And text DARLA ON to 2366!

Read more...

KRIS TV with CHIZ ESCUDERO! Simula ngayong Lunes na, July 2 8am!

video

Read more...

EXCLUSIVE PICTURES : Maja Salvador and Diether Ocampo for the special Star Magic movie!

Wednesday, June 27, 2012




CLICK HERE for more photos!

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS : Tarang rumampa sa bahay ng fashion icon na si Liz Uy!

Tuesday, June 26, 2012

Thank you so much Lizzy for allowing me to post these photos here. Love yah!



Read more...

Angeline Quinto at nagpapakilalang diumano'y tunay niyang ina, nagpa-DNA test na!

Monday, June 25, 2012



Last week ay pumutok sa The Buzz ang kwento tungkol sa isang babaeng na nagke-claim na siya diumano ang ina ni Angeline Quinto. Ang babaeng ito na nagngangalang Veronica Tolentino ay nagbitiw ng pahayag na handa siyang magpa-DNA test para malaman ang buong katotohanan... 

At kahapon nga, exclusive pa rin sa The Buzz, ipinakita na ang actual na unang pagkikita at DNA testing nina Angeline at ni Aling Veronica na naganap noong Friday - June 22. Naging emosyonal si Aling Veronica nang finally ay makita at mayakap niya na si Angeline, na dumating naman sa ospital kasama ang kinagisnan at kinikilala niyang tunay na ama.



"Naiyak ako gusto ko na lang yakapin agad, kung pwede nga lang kargahin, kargahin ko na eh... Sabi ko lang kamusta ka na anak... Basta masaya ako, siya talaga ramdam ko siya talaga," ang pahayag ni Aling Veronica.

Ayon naman sa ama ni Angeline, hindi raw niya kilala ang babaeng ito at mula pagkabata ay hindi raw nalayo sa kanya ang anak niya - na lumaki sa tiyahin niya, si Mama Bob na kinalakhang nanay naman ng Pop Superstar. (Claim kasi ni Aling Veronica, patay na ang tunay na ama ni Angeline at ang mga kinikilala ng singer na kamag-anak ngayon ay hindi niya tunay na kadugo)

Sa pagharap naman ni Angeline kay Boy Abunda, buong-buo niyang kinwento ang saloobin niya sa pagkikita nila ni Aling Veronica at sa pagpapa-DNA test nila.

BOY : Punta tayo doon sa kwento ni Aling Veronica Tolentino... Kamusta? Ano ang iyong reaksyon, paano kayo nagkita? Paano kayo ipinakilala? Tell me your story.

ANGELINE : Nagulat po ako tapos sobrang naawa po ako sa kanya kasi alam ko nga pong sobrang matagal na niya ring gustong Makita yung dalawang anak nya nga po na nawawala at sinasabi po na ako po yung Angeline na nawawala, tapos niyakap po niya ko tapos umiiyak po siya.
BOY : Umiyak ka?
ANGELINE : Hindi po.
BOY : May lukso ng dugo ika nga?
ANGELINE : Parang po, kasi hindi ko po maramdaman pa kasi yung tatay ko po nandun din po kanina kasama rin po namin. Parang ayoko naman pong ipakita na masyado po akong naghahanap kasi nahihiya ako dun sa tatay ko…. Kasi kami po yung nadun tatlo po kami.

BOY : Ano ang inyong naging pag uusap? What kind of a conversation was that?

ANGELINE : Nung una po nahihiya po talaga kong magtanong sa kanya... Ayun po hindi po nagtagal kinamusta ako siya tapos sabi niya sa akin nasaan yung kapatid kong si Ronron? Ang sinasabi niya po kasing Ronron yung bunso kong kapatid ko na nasa Las Piñas po.
BOY : Ano ang pangalan ng bunso mong kapatid?
ANGELINE : Rudy po.
BOY : Rudy pero ang tawag ni Aling Veronica, Ronron. Ika-klaro ko lang po ito, siguro ang kanyang tinutukoy ay ang iyong kapatid dahil hindi pa tayo sigurado no. So anong sagot mo nung sinabi niyang kamusta ang kapatid mong si Ronron?
ANGELINE : Sabi ko mabuti po. Sabi niya hindi ko ba siya pwedeng makita ngayon. Sabi ko nasa Las Piñas po kasi ngayon si Rudy sabi ko po kaya hindi ko po alam kung pwede niyo siya makita ngayon.

BOY : Ang father mo galit?

ANGELINE : Hindi naman po

BOY : Ano ang kanyang naging emosyon sa kaganapang ito?

ANGELINE : Tahimik lang po at ayun po sinasabi niya po, ng papa, na sigurado siya na anak niya ko.
BOY : Alam ko na hindi kasama si Mama Bob kanina. Anong kanyang sinasabi?
ANGELINE : Sa totoo po kasi Tito Boy hindi alam ni mama na nag-dna kami kanina. Wala pong alam si mama dyan…
BOY : Ayaw niya?
ANGELINE : Ayaw niya po nagagalit po kasi siya eh. Hindi daw po kasi talaga si Aling Veronica yung nanay ko. 
BOY : Bakit niya nasasabi yun?
ANGELINE : Kasi kilala niya daw po yung talagang nanay ko. 
BOY : Kung kilala niya ang tunay mong nanay, sino at nasaan?
ANGELINE : Ayun po ang hindi nila masabi sa akin.

BOY : Kilala niya pero hindi niya alam kung nasaan.

ANGELINE : Opo

BOY : Halimbawa ang resulta ng DNA ay positibo, hypothetical lang anong gagawin mo?
ANGELINE : Ang sabi ko naman po sa tatay ko at dun sa mga nag aalaga sakin kung sakali man po na maging positive yung DNA namin hindi ko naman po pababayaan si Aling Veronica po at syempre ako'y nagpapasalamat sa kanya kasi siyempre siya pa yung lumapit sakin at nagpapakilala nga po...
BOY : Angeline uulitin ko lamang ang tanong na ito bakit mahalaga para sa iyo na makilala ang iyong tunay na ina?

ANGELINE : Simula po nung pagkabata ko nung nalaman ko na ampon ako yun na po yung isa sa mga pangarap ko kaya rin po ako nagsusumikap kasi gusto ko rin talagang makilala yung tunay kong nanay gusto ko pong malaman kung kanino ko nanggaling. Kasi parang pakiramdam ko po na hindi ko kilala yung tunay kong nanay, hindi po buo yung pagkatao ko.  
BOY : I understand, halimbawa naman ang DNA test ay negative ano ang gagawin mo?
ANGELINE : Kung sakali naman na maging negative ang DNA test, nagpapasalamat pa rin po ako kay Aling Veronica po... May binigay nga po akong sulat sa kanya kanina. Na nakalagay doon na kung sakali nga po na sa kasamaang palad po ay hindi nga kami magkadugo eh sinabi ko naman sa kanya na wag siyang mag alala dahil lagi naman po siyang kasama sa mga dasal ko na sana mahanap niya yung tunay niyang anak.

BOY : May naririnig akong kwento na diumano at hindi ko masisisi ang iyong ama, ay sinasabi niya na hindi siya naniniwala kay Aling Veronica dahil nga sa kwento, diumano may nagtuturo nga kay Aling Veronica sa kanyang mga sasabihin. Did you get that sense na parang may script, na may nagtuturo lamang doon sa sinasabi ng matanda? 

ANGELINE : Hindi po Tito Boy eh never pong pumasok sa isip ko yan eh nang napanood ko po yung interview ni Aling Veronica sa The Buzz, naramdaman ko naman po na talagang seryoso si Aling Veronica.

BOY : This is really, really a wild question... Angeline, hypothetical, lumabas na si tatay mo, ay hindi mo tunay na tatay?

ANGELINE : Sa totoo lang po naisip ko din yan, yun po yung naglalaro talaga sa isip ko ngayon na kung sakaling maging negative ang tatay ko, positive si Aling Veronica, kasi po Tito Boy kung sakaling mangyari yun ang nasa isip ko ngayon, ang lahat po ng pamilya ko na nakilala ko simula po ng pagkabata ko hindi ko tunay na kamag anak. Siguro po kung sakaling mangyari yun ang dami na namang tanong sa akin.
BOY : Pero Angeline handa ka para sa kahit ano? 
ANGELINE : Handa po ako kahit ano pong mangyari.
BOY : Sabi mo nga, so lahat ng mga nakilala ko ay hindi ko mga tunay na pinsan pero lahat ng mga nakasama at nakilala mo at mga nag alaga sayo, ay hindi mo kailanman iiwanan. Kasi yun ang pamilya mo?
ANGELINE : Opo naman at saka lalo na yung nanay ko, yung tatay ko, naramdaman ko rin naman po na kapamilya ko sila.

BOY : Ano ang dasal mo sa Diyos?

ANGELINE [cries] : Minsan po kasi di ko na maintindihan talaga. Parang andami pong blessings na binibigay sakin ng diyos pero parang ang malas malas ko po kasi hindi ko pa rin natatagpuan yung tunay kong nanay. Parang gulong gulo na po yung isip ko ngayon may mga naririnig po ako na nagsasabing patay na raw po yung nanay ko. Hindi ko na po talaga alam kung ano po yung paniniwalaan ko... 
BOY : Wag ka lang bibitaw dasal ka lang ng dasal... Maraming salamat. Maraming, maraming salamat.


CLICK HERE FOR MORE PHOTOS!

Read more...

"Pagod na pagod pa yung heart ko ngayon wag muna," Angelica Panganiban on issue linking her to John Lloyd Cruz

Monday, June 11, 2012


Kanina sa The Buzz ay finally hinarap na ni Angelica Panganiban ang mga issues na nagdadawit sa kanya sa dawalang showbiz hiwalayan. Unang sinagot ni Angelica ang pagkakasangkot niya sa break-up nina Bianca Manalo at ng best friend niyang si John Prats.

Hurt ba siya at nadawit name niya sa isyung ito?
"Hindi kasi malinis naman yung konsensya ko eh. Yung nakakalungkot lang bata pa lang ako kaibigan ko na si John eh, and pangit na bigyan ng ibig sabihin yun, ng malisya yun," ang paliwanag ng aktres."

Samantala ang mas mainit na bulung-bulungan, patungkol sa diumano'y namumuong pagtitinginan betweeh her and John Lloyd Cruz na kakahiwalay lang kay Shaina Magdayao, eto po ang mga buwelta ni Angelica.

"Yun nga eh parang lahat ng mga kaibigan ko, hindi ko naman masisisi yung mga tao kasi pwede na siyang bigyan ng meaning ngayon eh, kasi kung dati siguro to nangyari, hindi naman siya mabibigyan ng meaning kasi in a relationship ang mga tao nun. Eh ngayon naman hindi na so pwede na siyang bigyan ng kulay. Eh hindi ko naman na hawak na yun kung anong gusto nilang isipin eh."

How true nakikita raw silang holding hands at nagki-kiss in public?
"Well yun yung imposible na talagang mangyari. Medyo hindi na ako yun. Hindi ko naman lubos maisip na gagawin ko yun. Eh ganun yung mga tao eh, pag may gusto silang i-push eh ipu-push nila. Kung dun sila magiging happy eh, I'm happy for them na nakakagawa sila ng mga ganyang klaseng intriga, ganyang klaseng issues and nakakabuo sila. And kung nafulfill nila yung happiness nila sa paninira ng ibang tao then good. Lahat naman ng bagay may kapalit eh, and naniniwala akong maganda yung kapalit nun sa 'kin."


Promo lang ba to for their movie?
"Hindi naman ako naging ganun... Never naman ako naging ganun. Hindi ko naman kayang maging ganun kashowbiz na tao."

Message sa mga naninira?
"I don't think naman naninira sila, trip nila yun eh walang basagan ng trip. Ako gusto ko na lang maging happy sa life ko at sana yun din ang nangyayari sa mga taong gustong manggulo lang."

So kamusta ba talaga sila ni John Lloyd? What's the real score between them?
"Matagal na naman kaming magkakilala, matagal na kaming magkaibigan. Mahirap lang bigyan ng ibig sabihin, mahirap bigyan ng kulay. Kung ako yung magbibigay ng kulay baka mag-iba so hayaan muna natin hindi ko alam kung ano meron bukas eh di ba? Matulog muna tayo ngayon, gabi na so bukas baka iba na. Hindi ko alam... Siguro kung meron akong natutunan, ang natutunan ko yung na-aappreciate ko kung ano yung meron ngayon, di ako mage-expect ng kahit ano kasi masakit yun so day by day lang, dahan dahan ako."

Naka-move on na ba siya mula sa break-up nila ni Derek Ramsay?
"Ayos lang, ayos lang. Steady lang ako."

Umiyak ba siya? O dahil strong siyang babae, hindi niya ininda?
"Hindi naman pwede yun, syempre masasaktan ka, maaapektuhan ka. Pero mas maganda kasing mag move on eh. Mas maganda, I think mas maliwanag yung future ko."

Gaano ka-espesyal sa kanya si John Lloyd?
"Wala naman kami sa ganung level, hello nagkatrabaho lang kami sa ngayon. Hanggang dun pa lang yun and magkaibigan kami. Kung magiging special siya oh di makikita niyo, malalaman niyo di ba? And kung maging matalik kaming magkaibigan eh di magiging special siya. Pero sa ngayon grabe wag naman ganun, nakaka-conscious naman."

Nali-link sila agad...
"Wag naman. Pagod na pagod pa yung heart ko ngayon wag muna... Wala akong ibang pwedeng daanan kundi yung path na masaya, pag dinala ko yung sarili ko sa malungkot malulugmok lang ako and alam ko naman magiging okay ako eh, and I think okay naman ako."

Read more...

50+ EXCLUSIVE PHOTOS : Kim Chiu and Xian Lim in Carson, California!

Sunday, June 3, 2012

Last May 26, 2012 ay nagkaroon ng show sina Kim Chiu at Xian Lim, kasama ang iba pang kapamilya stars sa Carson California. Aside from that ay nagkaroon din sila ng fund-raising event for ABS-CBN International at Home Depot Center still in Carson. Thanks for the pics Ate Thess Gubi!




Click here for more photos!

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

TopBlogs.com.ph

Entertainment & Lifestyle - Top Blogs Philippines

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP