Follow me on Instagram and Twitter : @darlasauler

"Just be careful with my heart" - Jolo Revilla when asked about issues linking him and Jodi Sta. Maria

Sunday, September 30, 2012

Matapos aminin ni Jodi Sta. Maria sa The Buzz last week that Jolo Revilla is someone special in her life now, kanina ay si Jolo naman ang humarap para sa kanyang panig sa pinag-uusapang relasyon nila diumano. Pinilit umiwas ni Jolo sa pagsagot sa sunod-sunod na tanong ng reporters, requesting na ibalato na muna sa kanya ang tungkol sa pribado niyang buhay. Maging ang mga magulang ng aktor na sina Congresswoman Lani Mercado at Senator Bong Revilla ay piniling respetuhin ang gustong privacy ng anak. 



"Naku alam mo mahirap ako magcomment mas mabuti pang silang dalawa ang kausapin ninyo," ang sabi ni Cong. Lani. 

"As much as possible ayoko manghimasok sa kanilang personal na buhay. Jolo is old enough, siguro naman makakapagdesisyon na siya sa buhay niya. Alam na niya kung ano ang tama at mali, ang importante dito eh maging masaya siya at kung sino man yung ibigin niya at umibig sa kanya ay masaya din," pahayag naman ni Sen. Bong.

Ganun pa man, malaki raw ang pasasalamat ni Sen. Lani sa suportang ibinibigay ni Jodi kay Jolo. 


"Matagal ko nang kilala si Jodi... Masyadong give away na ata ito... Matagal ko na siyang kakilala. Sinabi ni Jolo kasi pareho kami ng ugali. Basta ang masasabi ko lang thank you sa pagsuporta niya kay Jolo sa lahat ng larangan, mapa-showbiz at mapa-pulitika. I know what's in her heart, I just pray for her."

Nang hingan naman siya kung anong hiling niya para sa anak na si Jolo, kung sakaling iibig nga itong muli, ito ang sabi ni Sen. Lani : "I always wish him the best. Ang pag-ibig kasi hindi mo masabi eh kung eto na nga o siya na nga, kung sino man ang mamahalin niya sana mahalin din siya at sana pareho silang maging careful sa kanilang mga puso... O nagpa-plug!"

Kita naman daw niyang masipag at inspired ngayon si Jolo. At alam nito kung anuman ang pinapasok nito sa buhay.

"Nung nagsisimula yan sinabihan namin siya na yun nga be careful with his heart. Alam mo hindi ko madidiktahan ang puso ng anak ko eh, katulad ng mga nakaraang pag ibig niya sa buhay niya. Nandyan lang kami bilang mga magulang para pagsabihan, gabayan (siya)."

Tungkol naman sa paglalaban para pagka-Bise Gobernador ng Cavite nina Jolo at Ronald Jay Lacson na kapatid ng dating karelasyon ni Jodi na si Pampi, iginiit ni Jolo na hindi raw dapat mapasali sa usaping ito si Jodi, na nai-intrigang naiipit diumano sa kanila. "Eh wala naman po sigurong katotohanan yun, basta tayo we wish him luck and may the best man win," sabi ni Jolo.

Sa usap-usapang relasyon naman diumano nila ni Jodi, eto ang naging usapan sa pagitan ni Jolo at ng press :

BUZZ : Jolo espesyal ka raw kay Jodi, sinabi niya sa The Buzz.
JOLO : Ibalato niyo na lang sa 'kin yun, thank you [walks].
BUZZ : Inspired ka ba?
JOLO : Yes.
BUZZ : Inspired ni Jodi?
JOLO : [natawa]
BUZZ : Is the feeling mutual?
JOLO : Basta… kita niyo naman eh.
BUZZ : Ang sabi naman ng mommy mo be careful daw with your heart...
JOLO : Maingat naman kami eh.

Sa isang kahiwalay na event naman, muling tinanong ng The Buzz sina Jolo at Cong. Lani tungkol sa parehong isyu. At dito nilinaw ni Cong. Lani na walang tinatago ang kanyang anak. "Hindi naman tinatago, ano lang he’s just being careful with his heart and that person’s heart," ang muling makahulugang pahayag niya.

Si Jolo naman, hindi raw nagiging mailap sa patungkol sa kanyang lovelife.

JOLO : Hindi naman ako naging mailap basta ang masasabi ko lang gusto ko muna ay ibalato niyo na lang sa 'kin yun. Sana irespeto niyo yun, at the right time will come at pag uusapan natin yan. I just wanna keep my private life.

BUZZ : Gusto mo lang maging careful?
JOLO : Yes, yes. Just be careful with my heart.

Read more...

PAHABOL PHOTOS : The Pink Prada bag na bigay ni Xian Lim kay Kim Chiu!



Don't forget to watch Kris TV live tomorrow, more revelations from Kim Chiu and Xian Lim... plus malay niyo nandun din si Ate Lakam at Mommy ni Xian hehehe!

Read more...

"It’s the thought, gusto ko lang malaman niya na palagi siyang nasa isip ko," Xian Lim on giving Kim Chiu a Prada bag


Wala na talagang makakapigil pa sa pag-blossom ng Kim Chiu-Xian Lim love story! Mula sa pagtatambal nila sa My Binondo Girl, hanggang sa pinakabagong serye nilang Ina, Kapatid, Anak... lahat nakasubaybay na sa patutunguhan ng kanilang magandang tinginan. Sa interview nga sa kanila na ipinalabas kanina sa The Buzz, inamin ng dalawa ang mga pagbabago sa kanilang samahan.

“Mas naging close kami ngayon, si Xian sumasama siya sa amin ngayon since kaunti lang friends niya from showbiz, yun nga sabi niya loner siya, masaya siyang kasama,” ang sabi ni Kim.

Consistent din daw ang pagiging thoughtful at generous ni Xian kay Kim. A couple of months ago nga lang, isang pink Prada bag daw ang ibinigay ni Xian sa Primetime Princess.

“Pag umaalis siya ng bansa, may pasalubong siya sa akin, yung gift niya na wala namang okasyon, yung bag na pink, yung prada bag, sabi ko ano’ng meron, wala lang, mga two months ago siguro,” Kim said.

Sabi naman ni Xian, “kahit ano pa man yan, kahit ano pang things yan, it’s the thought, gusto ko lang malaman niya na palagi siyang nasa isip ko, ganun naman yun di ba, doesn’t matter kung anong binigay mo, as long as naisip mo siya.” Dagdag pa niya, “I will always be here to make this girl feel really special. If she needs a helping hand or open ear, I will be here.”

Pero hindi lang daw sa kanya consistent ang pagka-thoughtful at sweet ni Xian. Dahil maging sa kanyang pamilya, ay ganun din daw ang heartthrob. 

“Tina-trato niyang special ang buong pamilya ko. Kahit pumunta siya sa mall show sa Cebu, gusto niyang dalawin lola ko, sabi ko ano’ng gagawin mo sa lola ko, sabi niya puwede bang dumalaw sa bahay niyo. Sabi ko ano’ng gagawin mo doon, wala makikikain lang. Parang nakakatuwa naman at sana hindi siya mapagod at magsawa,” kwento ni Kim.

Pero ano nga ba ang real score between them?
“Masaya naman kami kung ano kami, ang bahala na kung kailan maging kami or anuman, tingnan na lang natin, mas mahirap kasing mag-trabaho kung mag-jowa kayo," sabi ni Kim. 

Naging vocal din si Kim sa pagsasabing ready na ulti siyang magmahal, dahil naka-2 years na rin naman ang pagmo-move on niya from her previous relationship with Gerald Anderson. Personally, masasabi ko rin talaga na very happy and peaceful na ngayon si Kimmy tuwing nakikita at nakakachikahan ko siya in person or sa text man. May kinalaman ba si Xian sa newfound happiness niya? "Kahit naman hindi dumating si Xian, masaya na naman ako, mas masaya lang ako na nakahanap ako ng bagong kaibigan," ang sagot ni Kim.

Pero eto naku... marami pang pasabog si Kim, lalo na si Xian (based on his pre-interview statements), na mapapanood niyo bukas live na live sa Kris TV. Kim and Xian, in a romantic setting, with Kris Aquino - 8am live tomorrow. Wag pong palampasin!

CLICK HERE for more KIMXI publicity photos!

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS : KC Concepcion's home sweet home!

Saturday, September 29, 2012

Finally! Thanks bebe for saying yes sa pagpopost ko ng photos ng  petit palais mo here. Love yah!




CLICK HERE for 50+ more photos! And text DARLA ON to 2366!

Read more...

EXCLUSIVE! FIRST HERE : Derek Ramsay denies dating Jessy Mendiola!

Exactly a week ago, nagbigay ng statement si Jessy Mendiola dito sa darlasauler.com, saying "I haven't met Derek personally. Baka kamukha ko lang yung nakita nila" patungkol sa kumakalat na isyung spotted daw sila ni Derek Ramsay na magka-date. I also sent a message to Derek last week, and just a few days ago ay sumagot na siya. And ito po ang exact statement that he gave me :

"What????? Baka kamuka ko lang. I don't know her personally."

Thanks D for your continuous trust sa darlasauler.com. Good luck sa movie! 


Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS : Salamat sa pagpapatuloy sa iyong tahanan, Gov. Chavit Singson!

Friday, September 28, 2012

Thanks again Gov. Chavit Singson for allowing me to post these photos here. Super laki at nice ng house niya, kahit pa noong nagshoot kami doon ay nire-renovate ang ilang parts nito. 




CLICK HERE for 50+ more photos! And text DARLA ON to 2366!

Read more...

Suddenly It's Magic MUSIC VIDEO

Wednesday, September 26, 2012

video

Read more...

Late Post : This Guy's In Love With U Mare full trailer! Sa October 10 na! #Go400M!

video

Read more...

Enchong Dee hiniling na wag munang pangunahan anumang meron sila ni Julia Montes!


Kanina sa Kris TV, once and for all ay nilinaw ni Enchong Dee kung ano ang totoong namamagitan sa kanila ni Julia Montes. In his past interviews, very vocal si Enchong na willing siyang maghintay hanggang March of next year kapag 18 years old na si Julia, dahil nga as of now ay hindi pa pwedeng makipag-relasyon ang aktres. Binanggit ni Enchong na masyado nang maraming tao ang pinangungunahan ang kung anong meron sila, o hindi kaya ay nang-iintriga naman na hiwalay na sila. Hiling lang ng isa sa mga bida ng Ina, Kapatid, Anak na bigyan muna sana sila ni Julia ng mga tao ng time and space para sa sarili nilang "version of what's going to happen" - pagtuntong nga ni Julia ng 18.


Samantala, nabisto naman sa episode kanina na nagkaroon pala ng past - as in naging crush pala ni Enchong si Maja noon. Pero hindi raw nagtuloy. Hehehe! 

Read more...

FAMAS 2012 : Anne Curtis - Best Actress, Angelica Panganiban - Best Supporting Actress!


Congrats Anne Curtis, FAMAS 2012's Best Actress for the movie No Other Woman! Deserved na deserved din ni Angelica Panganiban ang Best Supporting Actress Award para naman sa pagganap niya sa Segunda Mano. Our Kapamilya Child Wonder Xyriel Manabat won as Best Child Actress naman, for A Mother's Story. Baron Geisler po is the Best Supporting Actor para sa Manila Kingpin : Asiong Salonga story, kung saan ang lead nitong si Jeorge Estregan ang idineklarang Best Actor - their movie also won the Best Picture award.

Eto naman po ang pinost ni Anne Curtis sa kanyang Instagram / Twitter account after winning last night.


Read more...

Congrats Toda Max! 34th CMMA's Best Comedy Program!

Tuesday, September 25, 2012

Again, congrats Toda Max for winning in the 34th Catholic Mass Media Awards' Best Comedy Program category! Pagpatuloy niyo ang pagpapasaya sa lahat tuwing Sabado! Congrats Robin Padilla, Angel Locsin, Vhong Navarro, and Mamang Pokwang! Syempre congrats din sa Executive Producer ng show na si Rocky Ubana at kay PM Cynthia Jordan! 

Heto po ang ilang photos from the awards night, hanggang sa celebration ng Toda Max family after. Thanks Itay Rocky for allowing me to post these pics here!



CLICK HERE for more photos! And text DARLA ON to 2366!

Read more...

Angel Locsin, handa nga bang lumipad muli bilang si... DARNA!


Photos courtesy : Nante Alingasa

Isang super duper sexy - as in walang exag - na Angel Locsin ang humarap kagabi sa press, sa Avon perfume launch niya. Kaya naman nang magkaroon na ng pagkakataon ang press na makausap siya, ay may naglakas ng loob na magtanong sa kanya kung ang pagpapaseksi niya ba ay dahil sa diumano'y nalalapit niyang new project sa ABS-CBN, ang Darna. Nagulat ang aktres sa tanong, dahil wala naman daw siyang alam na ino-offer na sa kanya ang proyekto kung meron ngang ganito. Pero kung sakaling siya raw ang pipiliin para muling gumanap sa papel na Darna, ay masaya niya itong tatanggapin. 

Samantala, sa same event ay nahingi rin ang opinyon niya tungkol sa pagkakatanggal ng boyfriend na si Phil Younghusband at kapatid nitong si James sa Azkals team. Ayon sa aking source, hangga't maaari ay ayaw magcomment ni Angel tungkol dito dahil isyu raw ito ng magkapatid. Pero ayon sa kanya, alam niyang maapektuhan nito sina Phil lalo pa't bahagi na raw ng pagkatao ng dalawa ang football. 

Sa ibang balita naman, congrats Angel at sa lahat ng bumubuo ng Toda Max dahil waging wagi sila bilang Best Comedy Program, sa idinaos na 34th Catholic Mass Media Awards (CMMA) kanina lang. At tungkol sa diumano'y Darna project, wala pong kumpirmasyon kung meron talagang ganitong proyekto na naka-line up ngayon sa aking pagkakaalam. Pero kung meron man, ay ang bongga kung si Angel ulit ang gaganap! Go Kapamilya Darna hehehe!



Read more...

PAHABOL PHOTO! KathNiel sa Princess and I Grand Royal Fair!

Monday, September 24, 2012


Read more...

Ruffa Gutierrez and Shaina Magdayao, nagkaayos na nga ba?

Sunday, September 23, 2012


Sa pagsasama ng three networks noong nakaraang Wednesday sa SM MoA Arena for the Dolphy Alay Tawa event, inabangan ng marami ang muli sanang pagku-krus ng landas nina Ruffa Gutierrez at Shaina Magdayao. Matatandaang nagkaroon ng hindi pagkaka-intindihan ang dalawa noon dahil sa lalakeng pareho nilang naka-relasyon, si John Lloyd Cruz. Pero hindi ata sila nagkatagpo ng gabing iyon, dahil nang humarap sila sa The Buzz, ito ang mga naging pahayag nila.

Tinanong si Ruffa kung magkaibigan na sila ni Shaina :
RUFFA: Okay naman. Lahat kami magkakaibigan talaga hindi namin iniisip ang network wars at all!  Marami akong nakasalubong diyan! Hindi ko na maalala!
THE BUZZ: Si Shaina ba nagkita kayo?
RUFFA: No, I didn't see her!
LBM: Pero okay naman na kayo ngayon?
RUFFA: No comment! Naku ano ba yan! Goodbye! 

Nang si Shaina naman ang ma-corner ng The Buzz ito ang naging pag-uusap nila :
LBM : Kanina marami lang nagtatanong kung nagkita ba kayo ni Ruffa…
SHAINA: Ay hindi po (smiles)
LBM: Pero bati na ba kayo? Okay na ba kayo?
SHAINA: (looks at The Buzz reporter, then looks away, walks away) God bless you teh! 


Read more...

Team Gino? Team Jao? I'm confused. Hahaha!



CLICK HERE for crowd pics.

Read more...

EXCLUSIVE! FIRST HERE : Jessy Mendiola, spotted nga bang ka-date si Derek Ramsay?

Saturday, September 22, 2012

May mga nagtatanong na sa akin sa Twitter, kung totoo ba raw ang kumakalat na balitang spotted na magkasama o tila magka-date si Derek Ramsay at Jessy Mendiola. Para malinawan ito, I personally asked Jessy kung may katotohanan ang nagsisimulang issue. At eto po ang sagot niya, exclusive and first here sa darlasauler.com!

"I haven't met Derek personally. Baka kamukha ko lang yung nakita nila. :)" - Jessy Mendiola


Read more...

This Guy is In Love With U Mare, sa October 10 na! #Go400M!





CLICK HERE for more photos! Text DARLA ON to 2366!

Read more...

EXCLUSIVE PICS : One Kapamilya Go sa Great America Part 2!

Wednesday, September 19, 2012




CLICK here for more!

Read more...

Exclusive Pictures : One Kapamilya Go sa Great America!




CLICK here for more photos!

Read more...

Bukas, September 19, sa Kris TV : 8am, Wag palampasin!

Tuesday, September 18, 2012

video

Read more...

Jodi Sta. Maria inaming "someone special" sa buhay niya ngayon si Jolo Revilla!


Sa The Buzz noong Sunday ay for the first time, nagsalita si Jodi Sta. Maria tungkol sa matagal nang issue linking her to Jolo Revilla. Sa sorpresang pagtatanong sa kanya ni Boy Abunda, kung sino sa buhay niya ngayon si Jolo Revilla, ito ang naging sagot ni Jodi : "I would say na he is someone special right now. Hanggang dun na lang po muna."

Good luck Judiel! Wish ko ang happiness mo, alam mo yan. Kapit bisig lang!

Read more...

"Wala ho kaming third movie magkasama" - Gerald Anderson, on movie with Sarah Geronimo

Sunday, September 16, 2012


Sa hindi matapos-tapos na isyu involving Sarah Geronimo and Gerald Anderson, finally ay nagpa-interview na ng mahaba sa The Buzz ang aktor, during the FHM press conference - kung saan isa siya sa featured artists sa September issue ng magazine. Sunod-sunod ang pagtatanong sa kanya ng press people, at muli nilinaw ni Gerald na single siya ngayon. "Hindi naman ho dahil single ako kumbaga it's a bad thing, kumbaga busy pa si God sinusulat pa niya yung love story ko. Sabi ni Papa God sandali lang."


PRESS Sabi mo kanina sinusulat pa lang ni God yung love story mo, so ang feeling mo talaga yung mga nakaraan hindi pa pala yun. Hindi pa pala yun ang love story ng buhay mo?
GERALD Kasama ho yan sa journey kasama ho yan sa story, sa isang libro maraming nangyayari hindi lang isang istorya lang.

PRESS Kunwari sabi ni Lord, Gerald sino ang gusto mong ending ko na ibibigay dito?
GERALD Hindi natin ho maaano yan eh marami pa hong pwedeng mangyari kumbaga im only 23 pa lang.
PRESS Pero Ge may panghihinayang ka ba na hindi natuloy ni Papa God yung love life mo kay Sarah?
GERALD Basta ang sa 'kin ho masaya ko sa nangyari samin. At meron ho kaming mga moments na para sa 'min lang.

PRESS May mga nababasa ako about Sarah Geronimo, kayo ba talaga?
GERALD Hindi ho, hindi ho kami.
PRESS Gerald ano na lang ang reaksyon mo na some people are still saying na hindi talaga kayo naghiwalay?
GERALD Mahirap din ho maghiwalay yung hindi naging. Like I said I'm very blessed na I had an opportunity to share beautiful moments na kasama si Sarah and yun na ho yun.
PRESS Gerald for the record may communication pa ba kayo?
GERALD Wala na ho kaming communication.
PRESS Talagang pinutol mo na?
GERALD Grabe naman, hindi naman. Nangyari na ho ang mga nangyari at kailangan na ho nating tanggapin at move on.
PRESS Pero Ge sa mga interview kasi namin sa kanya dati parang sabi niya kung may pagkakataon na maghintay, hanggang ngayon ba naghihintay ka pa rin ba? O balak pang ituloy kapag dumating yung right time?
GERALD Eh hindi ho ako ano, kumbaga hindi ko ho kayang basahin yung future sabay sabay na ho nating malalaman yan.

PRESS Pero tuloy yung plan na 3rd movie nyo together?
GERALD Wala ho kaming third movie magkasama.
PRESS So hindi talaga muna kayo makikitang magkasama?
GERALD Hindi.

PRESS Gerald anong masasabi mo sa mga netizen na tinitira si Mommy Divine
press Siya raw ang dahilan dun sa nangyari sa inyo ni Sarah
GERALD Bigyan na lang ho natin ng respeto at privacy yung pamilya nila, yung Mommy niya, kasi no one deserves that. Wala ho tayong karapatan para magcomment o magbigay ng ating, lalo na kung masama ang sasabihin natin di ba so sana let's just… sabay sabay na lang tayo mag move on and lets give everybody respect and privacy. Pati rin ho sa 'kin.
PRESS Pero Ge di ba dati close din kayo nung parents ngayon ba pag nagkikita kayo pag nagkakasalubong din kayo nina Daddy
GERALD Yeah siyempre ho the respect is still there, of course hindi ho mawawala yun.

PRESS Gerald may nakarating sa 'ming chika na parang nag usap kayo ni Sarah tapos sabi niya kaya na niyang ipaglaban ang pag-iibigan nyo pero ikaw daw ang umayaw kasi marami raw ano...
GERALD Whoah! Hindi ko narinig ang chika na yan ah, hindi ko ho alam yan. Wala hong nangyari na ganun.
PRESS Pero ikaw ba yung klase ng lalaking handa mong ipaglaban ang babaeng mamahalin mo?
GERALD Oo naman, oo naman. Pag mahal mo talaga ang tao dun mo malalaman kapag kaya ka niyang panindigan di ba, saka isa yun sa mga ways of showing your love para sa isang tao.
PRESS Gerald may phone-in question lang, si Sarah daw worth fighting for?
GERALD Yung pagkatao ni Sarah is someone who’s very special to me at sobra hong bait niya, genuine na mabait talaga, so kumbaga yung friendship namin talagang worth keeping for
PRESS But not fighting for?
GERALD You know I’ve done enough fighting, lahat naman tayo we fight for our own reasons, lahat tayo may dahilan.

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS: Sarah Geronimo visits the Queen of All Media sa Kris TV set!



Sa taping ng Kris TV kahapon - Sabado, sorpresang bumisita sa studio para mag-hello kay Kris Aquino ang Popstar Princess na si Sarah Geronimo. Ang pagkikitang muli ng dalawa, ay nagdala ng matinding kasiyahan sa maraming tagahanga nila lalo pa't mahigit isang taon nang nagre-request ang lahat na mag-guest si Sarah sa number one morning life experience talk show. Pero dahil nga sobrang puno ang schedule ni Sarah, maghihintay pa rin tayo kung kelan siya talagang magiging episode guest. Pero sa September 19, Wednesday, ma-happy na tayo sa saglit na pagbisita ni Sarah sa Kris TV na ang episode that day, will be featuring the very inspiring family story ni Janice de Belen kasama ang kanyang apat na anak kay John Estrada. Heto po ang ilang pics ng naging pagbisita ni bebe Sarah...


CLICK HERE for more photos!

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS : Bench Universe 2012

Friday, September 14, 2012











CLICK HERE for more photos! And text DARLA ON to 2366!

Read more...

DOLPHY Alay Tawa sa September 19 na!

Tuesday, September 11, 2012



DOLPHY ALAY TAWA : a Musical Tribute to the King of Comedy scheduled on September 19, 7pm at the SM Mall of Asia Arena.

The event is produced by the Dolphy Aid Para sa Pinoy Foundation in cooperation with ABS-CBN, GMA-7 and TV5.  Stars from the the three networks will gather for this rare occasion to pay homage to Dolphy, whose life served all walks of life through his talent, charisma and untiring commitment to entertain people.  Celebrities, regardless of network affiliation, are joining hands for this special concert, making themselves available to be able to express their appreciation for Dolphy. The event, a celebration of his life, will be led by the Quizon children, with Zsa Zsa Padilla and the following performers/artists :  Vilma Santos, Nora Aunor, Vic Sotto, Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Aga Muhlach, Ai Ai delas Alas, Judy Ann Santos, Gary Valenciano, Martin Nievera, Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Michael V, Lorna Tolentino, Edu Manzano, Roderick Paulate, Vhong Navarro, Shaina Magdayao, Jolina Magdangal, Toni Gonzaga, Angeline Quinto, Rachel Ann Go, Luis Manzano, Ryan Agoncillo, John Prats, Mark Herras, Wally and Jose, Derek Ramsey, Ruffa Gutierrez, Wendell Ramos, Keempee de Leon, Smokey Manaloto, Jhong Hilario, Iya Villania, Ruby Rodriguez, Melai Cantiveros, The Bulilit Kids, Neil Coleta, JC de Vera, Alex Gonzaga, Danita Paner, Martin Escudero. 

Tickets are available at the SM Arena and at all SM Malls and Cinemas for a minimum
donation of P 150 for General Admission, P 250 for the Upper Box and P 450 for the lower box.  All proceeds will go to the Dolphy Aid Para sa Pinoy Foundation, Hope in a
Bottle, Philippine Red Cross and the Eyebank Foundation of the Philippines.

Read more...

KC Concepcion, niregaluhan ng STAR ng French Admirer!

Monday, September 10, 2012



Kahapon sa The Buzz ay nagsalita na si KC Concepcion patungkol sa isang foreigner na lately ay nali-link sa kanya. According to reports, nagkakilala ang dalawa sa isang international event. Ang nasabing lalaki ay ang French na si Pierre Emmanuel Plassart, 29 years old na filmmaker and photographer, na active raw sa iba't ibang festivals around the world. Galing daw sa isang mabuting pamilya si Pierre, na dating may supermarket empire. Famous doctors and Presidents din daw ng Le Mans race ang mga ninuno nito. Sa ngayon ay eto pa lang ang nadi-disclose na information about Pierre's background. Pero tungkol sa tunay na namamagitan sa kanila ni KC, eto ang naging pahayag ng X-Factor Philippines host :

"He’s a visitor from France and (smiles)… yun. Lahat naman ng foreign friends ko dinadala ko to see the best beaches sa Philippines."


Gaano nga kaya ka-special si Pierre sa puso ni KC ngayon?
"Espesyal talaga? Espesyal naman yung mga taong tinuturing ka ng espesyal, siyempre I appreciate that naman. Malaking bagay sa akin na nagpunta siya rito sa bansa natin para bisitahin, puntahan ako, kung saan ako kahit ang layo layo ng pinanggalingan niya."

Ano ang kwento sa ini-regalo raw na star sa kanya ng French "royalty" na ito?
"Nagbigay siya ng star... Eh nasa Boracay kami so we were looking at the sky. Sabi niya first time daw niyang makita yung mga star sa sky sa beach, dito sa Philippines. Sabi niya one of those is yours! Tapos parang what? Hindi ko maintindihan! Parang binili niya yung star for me, so may isang star diyan na nakapangalan sa akin, may certificate yun, constellation kung saan naka-locate yung star. First time, never pa akong nabigyan ng star."

May chance bang si Pierre na ang maging next bf niya?
"He’s very sweet, totoong tao siya… let’s see na lang, hindi naman ako nagmamadali. Ito yung time na gusto ko magpaka-busy sa work kasi marami pa akong gustong gawin, marami pa akong gustong i-achieve dito sa trabaho."

Inamin naman ni KC na isa si Pierre sa mga nagbibigay ng inspirasyon sa kanya. Pero ang isang tumatak sa interview niyang ito sa The Buzz, ay nang tanungin siya kung buhay na buhay ba ang lovelife niya ngayon... ang sagot ng tv host-actress, "kumikinang-kinang!"
 

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP