Follow me on Instagram and Twitter : @darlasauler

Xian Lim, umaming fan ng Kimerald loveteam!

Monday, October 29, 2012


Sa muling pagtatambal sa pelikula nina Kim Chiu at Gerald Anderson, hindi maiiwasang ma-curious ang marami sa reaksyon at nararamdaman ni Xian Lim, na siyang ka-loveteam at masugid na manliligaw daw ngayon ng aktres. Kaya naman nang ma-interview siya ng The Buzz, agad tinanong si Xian kung threatened siya sa reunion ng Kimerald. Ito ang kanyang naging sagot :
"Of course not, as I say from my previous interviews, before I came here in the Philippines di ba? Napapanood ko naman sila. Napapanood ko yung mga interviews nila. So I would say I’m one of their fans and I’m happy for them."

Read more...

Matt Evans, ayaw nang balikan ang girlfriend matapos ang gulong nagdala sa kanya sa kulungan!

Sa pagharap ni Matt Evans kahapon kay Boy Abunda sa The Buzz, detalyado nang inilahad ng aktor ang bersyon niya ng kwento, ng diumano'y bugbugang nangyari between him and his girlfriend Jelline Hickins at kapatid nitong si Juan Alberto. Matatandaang last October 21, nakulong si Matt sa Pasig City Police Headquarters dahil sa reklamo ng girlfriend at kapatid nito na diumano'y sinaktan ng aktor. Sa presinto na rin sinalubong at ipinagdiwang ni Matt ang kanyang birthday noon namang October 22.


Diretsahan ang naging pagtatanong ni Tito Boy kay Matt, una na nga rito ay ang paglilinaw kung totoong galit ang aktor ng mangyari ang insidente.

"Nagalit ako Tito Boy kasi ang daming dinagdag na kwento. Saka ang daming kulang na hindi nila sinabi na mga totoong nangyari," pag-amin ni Matt.

Nasa ugali niya ba ang mambugbog ng babae? Mainitin ba ang ulo niya?
"Kahit sinong tao, hindi ho kayang manakit kaagad agad. Una ho sa lahat hindi ho ako bayolenteng tao, saka para manakit ho (iling)."

"Mainit ho ang ulo ko kapag ka siyempre hindi natin maiiwasan kapag pagod kapag puyat, pero para mag-init kaagad ng ulo hindi ho. Hindi naman."

Totoo bang nanadyak ba talaga siya ng tao noong gabi ng insidente?
"Hindi po."

Ano ang totoong nangyari noong Sabado ng gabing iyon, ayon kay Matt?
"Uminom po kami nun ng mga kaibigan ko. Galing ho ko ng Showtime, tapos dinaanan ko yung mga kaibigan ko. First time nilang bumisita sa bahay at nandun po si Jelline. Mga hapon pa po mga 430. Nag-aano kami na uminom saglit kasi siyempre po first time nilang dumating. Siyempre ako po yung host ng mismong kasiyahan, ang nangyari siyempre hindi ako pwedeng masyadong uminom. Saka una ho sa lahat may iniintindi rin ho akong bata at medyo nagluluto rin ho ako nun."

Ilan silang nag-inuman?
"Mga ano po, 8. Si Jelline umalis po siya nung nandun na yung mga kaibigan ko kasi ang sabi niya maggo-grocery sila ng kapatid niya. Kaya naiwan po kami dun. Pagkatapos ho namin mag inuman eh di umalis na ho yung mga kaibigan ko, saka lang ho dumating nung gabi na si Jelline saka yung kapatid niya. Umalis po siya mga around 530 in the afternoon, (umuwi ng) mga eleven. Umalis po yung mga kaibigan ko so hindi na ho sila nag-abot sa bahay. Tapos dumating sila tinanong niya ko, “nasan yung mga kaibigan mo? Bakit mo pinauwi?” Sabi ko hindi ko sila pinauwi. Sabi ko bakit ko naman papauwiin? Tapos na kaming uminom, medyo nagkausap usap kami, may mga pag iinsist siya na pinauwi mo eh. Sabi ko hindi ko nga pinauwi. Tapos medyo hindi na ho maganda yung mga tono ng pag uusap namin, kaya naisip ko sabi ko, alam ko na kung saan pupunta to. Kaya nagpupumilit ako lumabas. Nasa second floor kami nun nagpipilit ako na bumaba. At pinipigilan niya po ako. Nung nandun na ho ako sa may hagdan banda, pinipigilan niya, medyo umistruggle po kami… nadulas siya. Nahulog siya. Sinundan ko ho siya at yung kapatid niya nasa baba ho. So pagdulas niya hong ganun pumunta yung kapatid niya nakita niya ho siguro na yung kapatid niya medyo gumulong ho. Hindi ho nag-roll pero tumama ho dun sa may hagdan tapos sinuntok niya ko sa hita. Kumuha rin siya ng kutsilyo kaya lumayo ho ako umakyat ho ako sa taas."

Pero bakit sa bersyon ng kabilang kampo, kumuha rin siya ng kutsilyo?
"Wala naman hong kutsilyo sa taas Tito Boy eh."

Hindi raw nagtanong ang kapatid ng babae kung anong nangyari, at si Jelline mismo, hindi raw sinabi sa kapatid niya ang nangyayari sa kanila ni Matt. Pagkatapos ng engkwentro ay humingi na raw ng tulong sa barangay ang magkapatid. 

Lasing ba si Matt noong nangyari ang gulo?
"Nakainom po. Kasi una sa lahat hindi ho ako makakapag asikaso ng anak ko at hindi ho ako makakapag luto kung lasing ho ako."

Nang makulong si Matt diumano ay tatlong beses pang dumalaw ang girlfriend niya sa kanya. Sa mga pagdalaw na ito, sinubukan ba ni Matt na makipag-ayos?
"Nakiusap po ko na tigilan na namin. Na wala naman itong pupuntahan kundi demandahan, naiintindihan nya naman ho na ayokong makipagtalo pero hindi ko ho alam bakit kailangan niyang magalit dahil umalis yung mga kaibigan ko dahil iniisip niya pinaalis ko, hindi ko po alam Tito Boy."

Bakit nagalit si Jelline porket umalis lang ang mga kainuman ni Matt? Dahil ba sa birthday surprise na pina-plano diumano nito at ng kapatid, para sa aktor? Iniinis siya kunwari para mas may impact ang sorpresa?
"Ganun ho yung naisip ko kasi sinabi niya ho sa akin na may plano daw sila na ina-arrange ng kuya niya. So iniisip ko na baka ganun yung ginagawa nila na nakipagtalo siya kunwari na walang plano. Ang alam ko ho sinabi niya sakin na may gift daw siya na nasa baba. Kaya siguro din noong pinipilit kong bumaba, kaya niya din siguro ko pinipigilan dahil meron siyang regalo sa baba."

Habang nasa kulungan, ano ang iniisip niya tungkol sa babaeng ina ng kanyang anak?
"Sa totoo lang galit ako nun. Galit ako. Pero nagmamakaawa ako kasi, walang kakwenta kwenta yung pinagmulan. Sobrang hirap, nangingibabaw yung galit mo pero nandun pa rin yung pagmamahal mo. Hindi ko gusto na maging ganun yung resulta namin. Hindi ko gusto na maapektuhan din yung bata."

Bago raw ang pangyayaring ito, walang maituturong galit o away si Matt, na magpapaliwanag kung bakit humantong sa pagpapakulong ang lahat. Mapag-uusapan pa ba nila ang kasong ito?
"Sa tingin ko Tito Boy mapapag-usapan to. Pero pagkatapos siguro ng pag-aayos, pag uusap, mas pipiliin ko na lang na lumayo kami sa isa’t isa."

Hindi niya na babalikan ang ina ng anak?
"Ayaw ko na po. Hindi na ho Tito Boy. Sigurado po ko dahil sobra sobra po yung pinaranas niya sakin para bumalik pa ko."

Naniniwala ba siyang mahal pa siya ni Jelline?
"Hindi na po. Kung mahal niya ko may sarili ho siyang isip at yun ho ang paniniwalaan niya."

Kung sakaling humingi raw ng tawad ang babae, handa si Matt. Pero...
"Kung para ho sa bata nandito ho ako palagi. Pero kung para ho samin… [iling]."

Sa huli, hiling pa rin ni Matt na matapos na ang gulong ito. At para sa dating ka-relasyon, ito ang kanyang mensahe...
"Jelline alam mo kung gaano kita minahal. Sorry kasi kinakailangang umabot tayo sa ganito sa demandahan. Alam mo, hindi kita kayang saktan. Alam mong hindi kita sinuntok, hindi kita sinipa. Hindi kita kayang saktan."
 

Read more...

"Yes we are (in a relationship)" John Lloyd Cruz finally admits relationship with Angelica Panganiban!

Sunday, October 28, 2012



Matapos ang lahat ng speculations, ng sightings, at nang mga makahulugan nilang statements about what's really going on between them... Kanina sa The Buzz, kasabay ng birthday celebration ni Boy Abunda ay tinuldukan na ni John Lloyd Cruz lahat ng palaisipan tungkol sa kanila ni Angelica Panganiban. Tito Boy asked the ultimate leading man kung ano ba talaga ang estado nila ni Angelica, in a relationship ba sila? After a short pause, diretshan na itong sinagot ni John Lloyd.

"Yes we are," (in a relationship) ang pag-amin niya. Kasunod nito ay sinabi niyang masayang-masaya sila ng aktres ngayon sa kung ano ang meron sila. When asked to describe this feeling, he said that this is something "beyond" happiness. Matatandaang sa nakaraang interview ni Angelica ay very vocal din ito in saying that she never thought she will be as happy as she is right now. Nakakakilig at nakaka-inspire ding isipin na kahit pareho silang galing sa heartbreak, ay heto at mabilis silang nakabangon at muling nagmamahal. Two people who never lost faith in love.

Sa bandang dulo ng interview ay pabiro bang binati ng aktor si Angelica, and said "Hi Love!" kasunod ang malakas na tilian ng studio audience. Happy ako for the both of you JL and Angelica. Go, go, go! Support ko kayo, borrowingthe words form YES magazine, in your pursuit of happiness.

Read more...

"Patawarin niyo ko President," Superstar Nora Aunor to former President Joseph Estrada


Ilang taon na ang nakakaraan, nang magkaroon ng lamat ang pagkakaibigan ng Superstar na si Nora Aunor at ng dating Presidente na si Joseph Estrada. Matatandaang kumontra si Nora kay Erap noong panahon ng impeachment nito bilang Pangulo, dahilan para magkasamaan sila ng loob. At kanina lang, sa exclusive one-on-one nila ng birthday boy na si Boy Abunda sa The Buzz, matapang na humingi ng tawad si Ate Guy kay Erap.


BOY Nagkausap na po kayo ng dating President?
NORA Hindi pa po pero malay mo may pagkakataon na magkasalubong.
BOY At saka ang kaibigan, kaibigan.
NORA Opo kung anuman ang mga nangyari noong nakaraan sana ay magkapatawaran na. Sa Akin kasi kung nagkamali ako, alam mo naman ako humihingi naman ako ng tawad.
BOY Te Guy kung bibigyan ka ng pagkakataong makausap si Dating President anong nais nyong sabihin?
NORA Patawaring niyo ko President [laughs] yun lang. Kung ano yung pagkakamali ko sana mawala na sa isip at mapatawad, kasi walang masama kung aaminin mong nagkamali ka. Kung di ka mapatawad, di mo na kasalanan yun. At least pinakita mo na taos sa puso mo na humihingi ka ng tawad sa kanya hindi ba.


Samantala, isa pang malaking tanong sa isip ng marami nitong mga nakaraang taon, ay kung ano ba talaga ang papel ni John Rendez sa buhay ni Nora Aunor. Isang tanong na matapang nang hinarap ng superstar, kasabay ng iba pang isyung ibinabato sa kanya.


BOY Te Guy few days ago nag-launch ng album ang kaibigang John Rendez, Metal Dog. Isang deretsang tanong, sino si John Rendez sa iyong buhay?
NORA Sa akin kasi pamilya na si John. Nagstay ako sa States ng walong taon, yan yung may makain, walang makain, magkasakit ako... Siya yun at hindi ako iniwanan, kahit anong tsismis ang marinig namin di talaga ko iniwanan ni John kaya yun ang ipinaglalaban ko kay John.
BOY When I was reading some of the articles written about John Rendez, isa doon sa nakakaantig naman ng puso, noong kanyang sinabi na hiniwalayan ko ang aking asawa noong panahon binastos na niya ang nag-iisang superstar na si Nora Aunor... Paano ka binastos?
NORA Yung mga salitang hindi maganda, andyan yung maraming tao sa bahay, nasa kalsada siya paalis, tapos sabi niya hoy sugar mommy! Eh narinig ni John nagalit si John yun yung time na pinalayas niya yung asawa niya pinagtanggol ako kasi wala naman akong ginagawang masama yung ganun bakit mo babastusin yung tao.
BOY For the longest time people don’t understand this relationship. Nasaktan ka Ate Guy dun na kung ano-ano ang sinasabi ng mga tao?
NORA Hindi, hindi. Kasi alam ko sa puso ko at alam ni John na wala kung ano yung pinaparatang sa amin hindi naman totoo.
BOY Ngayon ikaw ang tumatayong manager?
NORA Manager ako ni John ngayon.


Nagpahayag na rin si Ate Guy ng kanyang saloobin, patungkol sa pagkakahanap ni Lotlot De Leon sa tunay nitong ina at ama.
"Pinag-usapan na namin noon yan kasi noong nasa Valencia pa kami, tumawag yung mommy niya sa bahay nagkataon si Lotlot ang sumagot. Tapos pagkatapos yata nila mag usap umiyak yung bata. Sabi ko bakit ka umiiyak? Nagyakapan kami tapos sabi niya kasi mommy tumawag yung nanay ko daw sabi nyang ganun. Eh bakit ka umiiyak kung nanay mo siya. Sabi ko alam mo hindi naman masama kung halimbawang kilalanin mo yung nanay mo talaga. Kasi ang lagi kong paliwanag sa kanila lahat naman kayo mga anak ko. Si Ian, yung dalawang lalaki, sila ni Matet... si Ian nanggaling sa sinapupunan ko pero kayo ibinigay kayo ng Diyos sa akin kaya anak ko pa rin kayo walang pinagkaiba yun. Tapos sabi ko, kung halimbawa tanungin ka ng mommy mo, gusto mong sumama sa akin anong sasabihin mo? Sabi niya hindi mommy kasi nung kailangan ko siya nun, wala naman siya syempre hindi kita iiwanan. Nag-iyakan kaming dalawa. Ang sarap. Marami akong pagkukulang sa mga anak ko. Ang ipinagmamalaki ko lang na kahit na alam nilang ang laki ng pagkukulang ko, yung respeto nila sakin di talaga nawala hanggang ngayon."
Bago matapos ang kwentuhan nila ni Tito Boy, nagbigay ng kanyang regalong silya si Ate Guy sa King of Talk bilang regalo rito. Dahil si Tito Boy po ay may bagong pinapagawang bahay, at ang kanyang ten-seater na dining table ay may sampung iba't ibang upuan, na galing sa iba't ibang kaibigan ni Tito Boy.



Read more...

CenterStage Mall of Asia branch, now open!

Friday, October 26, 2012


Ang saya lalo na sa taga-South like me dahil may malapit nang mapupuntahan na bonggang KTV venue! Last Tuesdayay nag-grand opening na ang branch ng CenterStage sa Mall of Asia Seaside Boulevard, between Hooters and Vikings. Kahilera po ito nung MoA Eye-Ferris Wheel. Karylle invited me sa opening and sobrang nanghihinayang ako hindi ako nakapunta because I was feeling sick that night. Pero for sure, pupuntahan ko to lalo pa't ang dami kong Cavite friends na mahilig kumanta. Oh well, lahat naman tayo halos mahilig talagang kumanta. Kaya kung may party-party o simpleng bonding lang kayo ng friends or family niyo, eto ang isang magandang puntahan! 



For more photos and for CenterStage MoA promos and features, please click here.

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS! BFFs at Kris TV taping




CLICK HERE for more pics!

Read more...

Gerald Anderson, kinausap nga ba si Mommy DIvine Geronimo sa Sarah G Live last Sunday?

Thursday, October 25, 2012


Kumalat ang balitang diumano, noong nakaraang Linggo, ay pinuntahan at kinausap ni Gerald Anderson ang ina ni Sarah Geronimo na si Mommy Divine sa programa ng popstar na Sarah G Live. Matatandaang nasa ABS-CBN din talaga ang aktor noong nakaraang Sunday, dahil may pictorial naman sila ni Kim Chiu para sa kanilang reunion movie na 24/7 In Love.


Ang balitang pagpunta ni Ge kay Mommy Divine, nagsimula sa article na lumabas sa banderablogs.wordpress.com. Sa artikulo, sinasabi ng nagsulat na ang kanyang source ay siya ring nagsabi sa kanya noon na patuloy pa rin ang communication ni Ge at Sarah, matapos ang kontrobersiyal na pagkakaudlot ng kanilang ligawan. Ang mga impormasyong ito, nanggaling daw sa mismong best friend ni Gerald at dating co-housemate sa PBB House na si Fred Payawan.

Tinanong ko po ang mga mapagkakatiwalaang staff ng Sarah G Live, at lahat po sila ay nagulat sa isyu. Wala raw po silang nakita o nabalitaang nagpunta si Gerald at nakipag-usap kay Mommy Divine. 

Photo courtesy : teen1.pinoybigbrother.com
Tinawagan ko rin ang pinangalanang source diumano ng kwento, na si Fred Payawan. Itinanggi ito ni Fred. At heto po ang official statement niya :

Hi Darla! The Bandera article quoting me as the source of the story implying a meeting between Gerald and Mrs. Geronimo is completely false. Walang naganap na pag-uusap, at wala tayong kinakausap regarding their personal lives. Sa kanila na yun, let's leave it at that. Thanks Darla for the concern. :)

Read more...

EXCLUSIVE PICS : ASAP in Singapore!

Thanks again to my dearest Gerrome Esguerra for these exclusive pics! Abangan ang part 2 ng ASAP in Singapore ngayong Sunday na!



CLICK HERE for more photos!

Read more...

REPOST : Kim Bum video greeting!

Wednesday, October 24, 2012

video

Bianca Gonzalez took this video for me. Hehehe. Sana maulit muli. Hahaha. Lee Min Ho? This November? Wishing!

Read more...

Matteo Guidicelli admits he lost time for Maja Salvador


Ilang buwan after their break up, kanina sa Kris TV ay inamin na ni Matteo Guidicelli na ang kawalan ng time ang isa sa mga naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Maja Salvador. "We have different priorities right now," ang sabi ng aktor kay Kris Aquino. He is giving 110% of his time raw kasi ngayon sa teleserye nila ni Jessy Mendiola, ang PHR presents Paraiso na magsisimula na sa November 5 kapalit ng Pintada. 


Aside from this, ang triathlon din ang isa sa mga pinagtutuunan niya ng pansin ngayon. "I fell in love with the sport," ang pahayag ni Matteo.

Kahit pa ibinuking ni Jessy na hanggang sa taping nila ay laging bukambibig ni Matteo si Maja, at kahit pa sinabi ni Kris na based on her observation ay pareho pang in love sa isa't isa ang dalawa... diretsahang sinabi ni Matteo na hindi pa siguro ito ang tamang time for him to be in a relationship. "I'm not ready to have a relationship right now," were his exact words. "She's always here in my heart," dagdag pa ni Matteo.


Read more...

"Pwede ko siyang mahalin habambuhay," - Jessy Mendiola on JM De Guzman


After JM De Guzman's new revelations about his feelings for Jessy Mendiola last Saturday sa Showbiz Inside Report, finally kanina sa Kris TV ay tinapatan ito ni Jessy ng mga diretsahang pasabog. Natanong kasi si JM sa interview niya kung si Jessy ba ang klase ng babaeng pwedeng mahalin habambuhay, at sinagot niya ito ng yes. Kaya nang si Jessy naman ang tanungin ni Kris Aquino, she said "pwede ko siyang mahalin habambuhay," referring to JM.

Inamin din ng Paraiso star na ilang buwan silang naging magka-Exclusively Dating ng aktor, bago sila nagkaroon ng problema. Mga two weeks ago lang daw sila ulit nag-reconnect. Nagpalit daw kasi ng number si Jessy, at recently lang ito nakuha ni JM. At ayun nga, "kinulit" na raw ulit nito ang aktres hanggang sa maging okay na sila ulit. Pero nasa awkward stage pa raw sila ngayon, dahil parang nagsisimula raw sila ulit.

Read more...

EXCLUSIVE PICS : Behind the scenes of Suddenly It's Magic, showing on October 31!

Monday, October 22, 2012

Hay Mario Maurer, ayaw mo ko pansinin sa Twitter. Hehehe! Heto po ang Thai heartthrob kasama ang kapamilya sweetheart na si Erich Gonzales, kasama ang staff and crew ng pamilya nila sa Suddenly It's Magic. I would like to thank Joross Gamboa for allowing me to post these pictures here. Thanks Joross, miss you!



CLICK HERE for more cute photos!

Read more...

Sarah G with her SGLive family


Thanks Gerrome Esguerra for the pics! And CLICK HERE for more photos!

Read more...

"Hindi ko inakalang maa-achieve ko yung ganitong klaseng happiness," says Angelica Panganiban!

Saturday, October 20, 2012


Matapos ang controversial "perfect sunday" photo nila sa Instagram account ni Angelica Panganiban, finally sa 4th anniversary concert ng Banana Split ay humarap sa press ang aktres, at pahapyaw na nagsalita tungkol sa namamagitang pagtitinginan sa kanila ni John Lloyd Cruz. Sa inilabas na interview sa kanya ng Cinemanews, sinabi ng aktres na kahit pa nanggaling siya sa isang failed relationship ay may lakas pa rin siya ng loob para muling umibig.

"May mga tao kasing natatakot after a relationship, hindi na nila kayang magtiwala, hindi na nila kayang maniwala sa relationship and sa love. So I think yung meron ako is meron akong lakas ng loob para tanggapin ulit yung pagmamahal, yung hope and yung relationship na puwedeng i-offer ng ibang tao," sabi ni Angelica.

Naging very open din siya in saying na kakaiba talaga ang sayang nararamdaman niya ngayon. Si John Lloyd ba ang dahilan nito?
"Oo naman malaking parte siya. Masaya sobra. Sobra! Parang hindi na siya part ng mundo, yung happiness mo, iisipin mo totoo pa ba ito, realidad pa ba ito. Yung happiness na meron ka, hindi ko inakalang maa-achieve ko yung ganitong klaseng happiness na meron ako."

Usap-usapan din ang naging pagpapadala ng bulaklak sa kanya ni John Lloyd noong gabing iyon, bilang pagco-congratulate na rin sa anniversary ng Banana Split at pagpuri sa masaya at solid na pamilyang meron si Angelica sa show na ito. Anong pakiramdam niya sa thoughtfulness na ito ng aktor?
"Ano… nakaka-perfect ng pagiging babae. Dati kasi duda ako kung babae ako eh, ngayon ah, oo babae nga ako."

Read more...

FIRST HERE, EXCLUSIVE! Piolo Pascual at Shaina Magdayao, SPOTTED nga bang super sweet at panay holding hands sa Singapore?



Ito ang mga photos na pinost ni Shaina Magdayao sa kanyang Instagram account last week, habang nasa Singapore sila nina Piolo Pascual at iba pang kapamilya stars, para sa special na pagtatanghal ng ASAP doon. Mga larawang sa simula, ay hindi nabigyang kulay. Pero makalipas ang ilang araw... unti-unti nang naglabasan ang rumors tungkol sa extra sweetness daw ng dalawa sa Singapore.

Ayon sa ilang showbiz inside info na kumalat, naging kapansin-pansin daw ang kakaibang closeness diumano ng dalawa abroad. Madalas pa raw ay spotted silang magka-holding hands. 

Matatandaang bago ang bagong isyu na ito linking her to Piolo, na-link na rin si Shaina kina Diether Ocampo at Gerald Anderson. Issues na natatawang sinagot ni Shaina sa kanyang past interviews, saying na malamang daw dahil single siya kaya kung kani-kanino na lang siya nali-link. 

Ngayon, tungkol naman sa diumano'y namumuong pagtitinginan between her and Piolo, I immediately asked Shaina about it at natawa ang aktres dahil after Diether and Gerald, eto may bago na namang nau-ugnay sa kanya porket naging single lang siya. FOR THE FIRST TIME AND EXCLUSIVE here sa darlasauler.com, nagbigay siya sa akin ng kanyang reaksyon sa intriga. She said :

"Papa P has always been a gentleman naman to me and everyone. Kahit sino pa tanungin niyo :) Isang mabait na tao. We're friends. :)"

Thank you so much Shaina for the trust, always. Love yah!

Read more...

Mario Maurer with the Princess and I family in ASAP Singapore!

Friday, October 19, 2012



Thai superstar Mario Maurer recently joined the biggest stars of ABS-CBN in bringing smiles to the faces of thousands of Filipinos during the grand visit of "ASAP 2012" in Singapore.

After the warm welcome of ASAP Kapamilya, the lead actor of Star Cinema’s upcoming film "Suddenly It's Magic" further added entertainment in the show by hosting and through a special production number that he offered to his fans. But the crowd turned wilder when Mario announced that his film with Erich Gonzales will have a Singapore screening beginning November 1.

Meanwhile, Mario throws a bigger treat to his Pinoy fans as he will return to the Philippines on October 29 to promote "Suddenly It's Magic" in different ABS-CBN shows.

Star Cinema’s first Filipino-Thai film "Suddenly It's Magic" will hit theaters nationwide on October 31 (Wednesday).

Read more...

Dinner with Kris Aquino and MELASON - Melai Cantiveros and Jason Francisco!

After our taping yesterday, dumirecho kami sa isa sa mga favorite Japanese Restos ni Kris (na na-discover ko thru her at favorite ko na rin). Pa-dinner ito for Melai and Jason, bilang way ni Kris of thanking them for co-hosting her sa Kris TV. Ang sweet lang talaga ni Krisy siya taga-grill ko hihihi. Try niyo ring kumain dito - Sakura Yakiniku, sarap promise.




CLICK HERE for more photos!

Read more...

Kris TV, Ocrtober 18 taping.






Read more...

EXCLUSIVE PICS! Thai superstar Mario Maurer, joins the ASAP family in Singapore!



Todo-saya at kilig ang idinulot kamakailan ng Thai superstar na si Mario Maurer sa libo-libong Pilipinong dumagsa sa engrandeng pagdalaw ng "ASAP 2012" sa Singapore.

Matapos ang special welcome na inihandog para kay Mario ng ASAP, agad na naki-bonding at nakiisa ang lead actor ng upcoming Star Cinema film na "Suddenly It's Magic" sa mga Kapamilya star na lubos na nagpaligaya ng mga taong dumagsa sa show. Bukod sa production number, nagkaroon rin ng pagkakataon si Mario na mag-host sa ASAP at lubos ang tilian ng fans nang inanunsyo niya na sa November 1 na ang simula ng Singapore screening ng "Suddenly It's Magic," kung saan katambal niya si Erich Gonzales.

Samantala, mas pasisiyahin pa ni Mario ang kanyang Pinoy fans dahil sa October 29 ay lilipad ang Thai heartthrob sa Pilipinas at bibista sa iba't ibang show ng ABS-CBN upang i-promote ang first Filipino-Thai film ng Star Cinema na "Suddenly It's Magic."

Ang "Suddenly It's Magic" ay mapapanood na sa mga sinehan sa buong Pilipinas sa October 31 (Wednesday).


CLICK HERE for more photos!

Read more...

The ABS-CBN Christmas Station ID 2012 : Ang sarap ng Paskong Kapamilya!

Thursday, October 18, 2012

Congrats sa CCM team ng ABS-CBN, para sa isa na namang mahusay, mapuso at inspiring na pagkakagawa ng station id. Sa mga oras na may ganto, mas lalo akong nagiging proud na isa akong Kapamilya. Congrats sa inyo Sir Robert, Edsel at sa buong team!

video

Read more...

EXCLUSIVE PICS : Daniel Padilla's Parking 5 bandmates!

Wednesday, October 17, 2012

Saya lang ng gabing ito, nagtweet lang ako asking kung gusto ba ng taong mapanood si Daniel Padilla sa Kris TV with his bandmates - Parking 5, BOOM! Nagtrend agad ang #Parking5OnKrisTV! Wow! At ang mas ikinaloka ko, a few minutes after the bugso of tweets, nakasama ko ang P5! Sa Cavite! Hehehe saya, ang cool at okay nilang kasama. Sana nga makapag-guest sila sa show, sana may free sked si DJ. Super busy kasi siya talaga eh. Pero I miss him na. Leave your comments about P5 on Kris TV!



CLICK HERE for more pics! And text DARLA ON to 2366!

Read more...

Additional bags for the Kris Aquino Charity Bazaar for Gawad Kalinga!

Prada

Valentino

Read more...

Oh, oh, oh!!!!!!!! Mario! Ahhh!

Monday, October 15, 2012


Thanks Gerrome Esguerra! Bongga nakaka-ilang fan signs na ko kay Mario Maurer hahaha!

Read more...

Kris Aquino's Chanel Bags, para sa pabahay ng Gawad Kalinga!

Sunday, October 14, 2012

Sa Lunes na po! Sa ABS-CBN The Loop, ang charity bazaar ni Kris Aquino kung saan napakaraming clothes, books, shoes at bags ang pwede niyong mabili in very affordable prices! Ang daming gustong magpa-reserve pero mukhang kailangan talagang sumugod na sa mismong araw ng bazaar, para makasigurong mapapa-sa inyo ang mga gusto niyong Krisy items! Go! You'll get to own Krisy's things na, makakatulong pa kayo sa Gawad Kalinga!

Heto po ang mga Chanel Bags na ibebenta sa Kris Aquino Bazaar. 




CLICK HERE for more bags!

Read more...

Shaina Magdayao, nililigawan nga ba ni Gerald Anderson?

Saturday, October 13, 2012


Last week ay nagsimulang lumutang ang usap-usapang diumano, nililigawan ngayon ni Gerald Anderson si Shaina Magdayao. Pero sa isang report na lumabas sa Cinemanews on Cinema One, Shaina denied the rumor. 

"Hindi! Never... Hindi talaga pero magkaibigan kami," she said.

Nilinaw din ng bida sa top-rating afternoon soap na "Kung Ako'y Iiwan mo," never silang lumabas ng aktor, at hindi rin sila madalas na nakakapag-usap, kahit sa telepono. "Di ko alam number niya," ang sabi raw ni Shaina.

Dagdag pa ng aktres, nagugulat daw siya sa dami ng nali-link sa kanya ngayong single na siya.

"Naloloka ako mula nang naging single ako nili-link nila ako sa kung sino sino. E bahala kayo. Ano magagawa ko? Single ako. Di lang sila sanay na…. di sila sanay na nananahimik ako."

Pero she insisted na as of now, she is not yet ready to fall in love again.

"I'm very honest, I’m not ready at all. Let’s all be friends. Kung gusto nyo makipagkaibigan ok, pero hanggang dun lang muna. Lahat kaibigan ko in fairness. The people I get to talk to now, mga lalaking nakakausap ko, mga bago kong kaibigan, artista friend."

Ano naman kaya ang panig ni Gerald Anderson sa isyung ito? Abangan bukas.

Read more...

Mario Maurer and Erich Gonzales for Suddenly It's Magic!




CLICK here to see more pics!

Read more...

Kris Aquino, Ai Ai delas Alas at Vice Ganda... confirmed! Magsasama sa isang pelikula!

Thursday, October 11, 2012


Matapos ang iba't ibang bersyon na narinig natin nitong mga nakaraang araw, finally ay lumabas na ang final at totoong balita! Confirmed, magsasama-sama sa iisang pelikula ang tatlo sa pinaka-malalaki at pinaka-sikat na artista sa ating bansa ngayon! Ang Queen of All Media na si Kris Aquino, ang Comedy Concert Queen na si Ai Ai delas Alas, at ang Phenomenal Box Office Star na si Vice Ganda! Silang tatlo ang siguradong mas magbibigay kulay at magpapasaya sa ating Pasko, at sa darating na Metro Manila Film Festival. Surefire box office hit na naman ito, lalo pa't pagbabasehan ang track record nilang tatlo, at idagdag pa dyan na Star Cinema ang gagawa ng kanilang pelikula! Ang saya! Ngayon pa lang, super excited na ko!

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP