Follow me on Instagram and Twitter : @darlasauler

"I will be the happiest man if I see you smile genuinely again," Enchong Dee to Julia Montes

Sunday, December 23, 2012

Finally, binigyang linaw na ni Enchong Dee ang real score between him and his rumored girlfriend na si Julia Montes sa interview niya kanina lang sa The Buzz. Matatandaang for the longest time ay nali-link na ang dalawa, at wala naman silang inaaming relasyon. Consistent si Enchong sa pagsasabing hihintayin niyang mag-18 years old ang aktres para sa pormal nilang pagiging magka-relasyon.


Bago ang live interview niya, sinabi ni Julia sa VTR na "everything happens for a reason. So God knows kung ano yung dapat mangyari, kung ano yung naka-plano," patungkol sa present situation nila ni Enchong.

Kung bali-balitang natapos na ang panliligaw ni Enchong sa kanya, nanatili naman daw ang friendship nila. "Ganun pa rin naman. And siguro yung nawala sa aming time, ngayon okay naman kami. Wish? Syempre yung career magtuloy-tuloy and yung happiness sa family, yun lang," pahayag ni Julia.

Ang 'time' na ito na sinasabi ni Julia, na nawala sa kanila ni Enchong and apparently ang itinuturong dahilan kung bakit nagtapos ang anumang namamagitan romantically sa kanila, ay kinumpirma naman ni Enchong sa interview nga sa kanya ni Charlene Gonzalez-Muhlach.

"I'm quiter, I'm more peaceful," ang panimula ni Enchong referring sa estado ng puso niya ngayon.

Is he romantically inspirted?
"Maybe not romantically inspired? Kasi di ba aminin naman natin the meaning of romantically inspired is being with someone..."

What went wrong sa kanila ni Julia?
"It's because of the time... Nung last part of 2012, is ibang klase ng hectic of schedule na even with my parents, even with my brothers I can't see them... Naging malaking factor yung time kaya hindi nag-prosper whatever it is."

"Because I was just waiting, for her to turn 18. In three months time, yun na sana yun eh official. Para kahit sinong magtanong, yes, oo naging kami... Pag she's 18... Ang tagal ko talagang naghintay... Ang daming nagtatanong kung kami or more than friends, yes naging kami. I can't completely say na naging kami kasi I had to wait na mag-18 siya," ang paliwanag ni Enchong.

Liligawan niya ba ulit si Julia?
"Hindi ko talaga alam eh, how I wish kaya kong sagutin at the moment... Pero hindi ko talaga alam."

Threatened ba siya sa balitang ang bagong manliligaw ni Julia ay si Coco Martin?
"Ah wow, akala ko next topic... Ahm, hindi ko alam kasi syempre I'm not involved with that anymore, so I don't want to include myself on that part."

Masasaktan ba siya to see Julia with another guy?
"No if I see that smile that I am looking for."

What smile?
"When people get married. meron kang smile na nakikita na, ay magiging amsaya with that person forever..."

Is he looking for his forever?
"Lahat naman tayo naghahanap ng forever."

Lesson in love?
"Never be too complacent. Wag mong gagamitin yung word na okay na yan, sapat na yan. Baka mamaya hindi pala yun enough."

Message niya for Julia?
"I would love to, I will be the happiest man if I see you smile genuinely again."

Read more...

Judy Ann Santos umaming ni-request sa Star Cinema na maging leading man si John Lloyd Cruz!

Sobrang ganda at sexy ni Judy Ann Santos sa live guesting niya sa The Buzz kanina. While promoting her MMFF movie with Vic Sotto and Bong Revilla, nilinaw din ng teleserye queen ang mga issues sa kanya ngayon. Una na dito ang balitang ayaw na raw niyang mag-teleserye dahil mas pinapaboran na niya ang pagho-host. 

"Hindi naman, hindi naman. Syempre sa teleserye ako lumaki eh, parang kakambal ko na yan, part na yan ng pagkatao ko," sabi ni Judai sabay sabing mas matimbang pa rin sa puso niya ang acting.


Sa usapin naman ng pelikula, magandang balita ang kumpirmasyon ni Judai na magkakasama nga sila ni John Lloyd Cruz sa isang film soon.

"May mga usapan na about it, isa siya sa mga leading man na nirequest ko nung nag-meeting kami nina MNS, nina Tita Malou... Ang intense kasi niya uamrte eh, gusto ko siya ma-experience," pahayag ni Judai.

Paano ang movie with Piolo Pascual?
"Wala pa talaga."

"I would only say naman, nothing naman really is impossible. I believe that given the right time and the right project... Hayaan na lang po natin, kung mangyayari, mangyayari," paliwanag ni Judai.

Okay lang ba kay Ryan Agoncillo sakaling matulog ang reunion project nila?
"Sa totoo wala namang isyu kay Ryan eh," sagot naman ni Judai. Nilinaw din niyang matagal na silang okay at friends with Piolo.

Read more...

EXCLUSIVE PICS! Kathryn Bernardo and Daniel Padilla in Nagcarlan, Laguna!

Friday, December 21, 2012

Abangan po ngayong Sabado sa Showbiz Insider Report ang special interview na ito ni Manong Joey Marquez kina Kathryn Bernardo and Daniel Padilla.

Thank you so much Tita Hervie Bautista for the photos!



CLICK HERE for more photos!

Read more...

LATE POST : The Kapuso Hunks at Mark Herras's Birthday Party 2012!

Wednesday, December 19, 2012

So happy to be invited sa birthday party ng isa sa mga sobrang crush ko sa showbiz, si Mark Herras. And surprisingly, kachika ko na rin pala ang marami sa kanila from the Kapuso Network. I enjoyed the night making chika to everyone. 






CLICK HERE for more photos!

Read more...

"It's hard to argue with someone who admits he is mentally sick with bipolarism," Divine Lee on Baron Geisler


Sa report ng www.pep.ph tungkol sa diumano'y pagkalasing at panggugulo ni Baron Geisler sa ginanap na MVP Party the other night, isa sa mga diumano'y nabastos ng aktor ay si Divine Lee. Sa nasabing report ng PEP, sinabi dito na dapat ay bebeso lang si Divine kay Baron, pero bigla diumano itong humarap na nakabuka ang bibig. Bagay na ikinabastos ni Divine.

Nang sumagot sa PEP si Baron para ibigay ang kanyang panig, sinabi niyang para sa kanya ay wala raw issue. Sinasabi ng aktor na tila masyado na lang naa-associate ang pangalan niya sa isyu. Kapag nandun daw siya, lagi na lang nababalitang may issue kahit wala naman talaga. Ang panig na ito ni Baron ay tila hindi maganda ang naging dating kay Divine dahil tila sila pa ang lumabas na sinungaling. I asked for Divine's statement at kaagad naman siyang nagbigay. Thank you so much teh for being soooo kind to me, always. Heto po ang statement niya :

Photo from Divine's Twitter Page

"It's hard to argue with someone who admits he is mentally sick with bipolarism. An apology would have been much appreciated. But to paint us as liars for career growth is a bit low. The first step to recovery is his admission to having a problem. I hope he seeks guidance soon."

Read more...

Sexy singer, nagwala sa lobby ng building ng boyfriend!

Tuesday, December 18, 2012



Ang impluwensya nga naman ng alak. Lalo pa kung lango na rito ang isang tao. Ganto ang kaso ngayon ng isang sexy singer na sobrang lasenggera na raw. Sayang, kasi ang powerful pa naman ng voice niya, at magaling siyang magperform. May boyfriend siya na in fairness, gwapo. HOT. At iginagalang sa kanyang propesyon. Kamakailan daw ay sumugod ang sexy singer na ito sa isang building kung saan nandun ang boyfriend niya. Ang dahilan : hindi na siya sinasagot sa texts o tawag, kasi gusto nang kumalas ng bf niya sa kanya. Ending : lasing, nagwala si sexy singer sa harap ng napakaraming tao. As in. At ang mas malala pa, sa kalasingan niya ay doon na siya nakatulog sa sofa sa lobby ng building. Hindi lang yun. Nakatulog siya in her vomit - hindi lang sa sofa at floor, kundi maging sa sarili niya! Kawawa pa naman. I wonder kung alam ito ng mga kamag-anak niya sa showbiz, o ng mga kaibigan niya. Sana magbago na siya, kundi pag nagkataon hindi lang bukas niya ang itinatapon niya. Kundi bukas ko, at ng buong mundo echos.

Read more...

JUAN DELA CRUZ Full Trailer

Monday, December 17, 2012

video

Read more...

APOY SA DAGAT Full Trailer

video

Read more...

KAILANGAN KO'Y IKAW Full Trailer

video

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS : The Buzz behind-the-scenes, December 16, 2012!

Thank you so much Kamille Abrenica for taking these photos. (=





CLICK HERE for more pics!

Read more...

"Bakit pa ako magpapakipot kung alam ko namang gusto ko siya," Angelica Panganiban, revealing na 5 months na sila ni John Lloyd Cruz!


Kanina sa episode ng Kris TV ay guests ni Kris Aquino ang tatlo sa apat na bida ng Star Cinema MMFF entry na One More Try, na sina Dingdong Dantes, Zanjoe Marudo at Angelica Panganiban. For the first time, nakakatuwang marinig ang tatlo opening up about their families and their lovelife. Kung tutuusin kasi, eversince medyo hesitant si Zanjoe halimbawa to talk about his family. Pero kanina he revealed na medyo complicated ang relationship ng kanyang mother and father. Based na sa New York ang dad niya, pero hindi raw ito nakipaghiwalay sa nanay niya. Maayos daw ang naging usapan nung dalawa, dahil initially ay umalis ang father niya para sa isang marriage of convenience. Pero ngayon daw, his father is here dahil medyo in ciritical condition ang ama nito. 

About Bea naman, obvious na very happy si Zanjoe now with his girlfriend Bea Alonzo, na according to him ay 1 year and 9 months niya nang ka-relasyon. March 16, 2011 daw nila ginawang formal ang kanilang relationship.

Si Dingdong naman, na galing sa isang happy at buong family, ay iniisip na rin daw ang pag-aasawa. Very soon daw niya nakikita ang sariling magpapakasal na kay Marian Rivera. Every month daw ay sinisiguro niyang nakakadalaw siya kina Marian at sa pamilya nito sa Cavite. 

Si Angelica naman, na in her past interviews ay paunti-unti nang nagshe-share tungkol sa relasyon nila ni John Lloyd Cruz, ay extra giving kanina pagdating sa mga detalye ng kanilang samahan ni JL. 

Unlike in her previous relationship, kung saan isa ang sports sa bonding nila, ngayon daw ay ang kumain ang isa sa pinagsasaluhan nilang trip ni John Lloyd. When asked by Kris kung nasa bucket list nila ni JL na magtavel at manood ng kahit anong sport, wala raw silang plano sabi ni Angelica. Dahil hindi naman daw siya sporty na tao. Pero she doesn't deny na noong sila ni Derek Ramsay, yes pinasok niya ang iba't ibang sports. Punong puno daw ng saya ang relasyon nila ngayon ni JL, at believe it or not, hindi pa raw sila nag-aaway dalawa.

"Hindi kami nag-aaway eh... Saka yung away namin pikunan. Sa pikon ganun, kasi mahilig yun mang-amoy ng kili-kili. Eh kasi minsan naman tama na di ba, naiinis na ko... Tapos kalabit nang kalabit, ayaw na ayaw kong kinakalabit ako di ba," pagbabahagi ni Angelica.

"Siya ang nagluluto for me... Hello! Mamaya na siya ang magluluto for me eh," kinikilig pang kwento ng aktres.

"Yung totoo ilang months na kayo?," prangkang tanong naman ni Kris.  

"Sabi ko na nga ba eh.... 5 months," diretsahang pag-amin ni Angelica.

"Bakit pa ako magpapakipot eh alam ko namang gusto ko siya?," pagpapakatotoo pa ni Angelica. Kung sina Zanjoe at Bea raw ay pinili ang March 16 bilang official date when they became a couple, sila rin ni John Lloyd ay binalikan daw ang naging samahan nilang dalawa bago pa tuluyang maging sila noong July. Na-realize na lang daw nila na iba na ang nararamdaman nila para sa isa't isa, mahal na raw nila each other.

When asked why she decided to be open now, matapos ang pagiging matipid sa detalye about her relaitonship with JL earlier this year...

"Actually sa'yo nga lang ako ganto eh (laughs)... Actually siya talaga yung mas vocal, mas open... Feeling ko baka pede kong ipagdamot muna to, sa akin muna, i-enjoy ko muna. Pero dahil na-enjoy ko na, sige sali na kayo. Dahil sabi nga nila di ba, happiness is best when shared," paliwanag ni Angelica.

Salamat Angelica, Zanjoe and Dingdong for trusting Kris TV with these special stories about your personal lives. Abangan po natin ang ONE MORE TRY, sa December 25 na. 

Read more...

WITH EXCLUSIVE PICS! KathNiel, kabado na raw sa kanilang unang pagbibida sa sarili nilang pelikula sa 2013!

Saturday, December 15, 2012


Finally, narinig ng Star Cinema ang request ng milyon-milyong tagahanga ng loveteam nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla! Dahil tuloy na tuloy na next year ang pelikulang silang dalawa na talaga ang bida. After 24/7 In Love and itong MMFF entry nilang Sisterakas, ngayong naiisip na raw nila na next year na ang launching movie nila, unti-unti na raw silang kinakabahan. Sabi pa nga ni Daniel sa story conference para sa 2013 movie nila, "magkakaalaman na tayo dito."

Isang romantic-comedy o rom-com movie ang kanilang gagawin. Sang-ayon daw sila na ganto muna ang tema ng kanilang pelikula, para angkop lang sa edad nila at hindi masyadong mabigat sa puso. Lalo pa't ayaw daw ni Daniel ng heavy drama, dahil "ka-badtrip" daw yung makaramdam ng lungkot at bigat sa dibdib. 

Pero bilang fan nilang dalawa, sigurado namang maraming susuporta sa pelikula nilang ito. Abangan na lang natin sa 2013! Sa ngayon, panoorin muna natin ang Sisterakas - pati syempre One More Try - sa December 25!

Thanks Mylene De Leon for the photos!


CLICK HERE for more pics!

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS! Welcome sa bahay ng Prince of Pop, Erik Santos!

Friday, December 14, 2012

Thank you so much Prince of Pop Erik Santos for allowing me to post the photos of your house here. 




CLICK HERE for more photos!

Read more...

OVER 100 PHOTOS! The ABS-CBN Christmas Special : Liwanag ng Pasko!

Wednesday, December 12, 2012

This is indeed the ONLY and TRULY star-studded Christmas Special this year. Walang dudang kaya ang ABS-CBN Christmas Special ang laging inaabangan ng lahat kada December, dahil dito nagtitipon-tipon ang lahat ng totoong maningning na mga bituin ng showbiz. Abangan ang two-part presentation / pagpapalabas nito sa December 15 and 16.

Maraming salamat my dear friend, my ate G3 San Diego for sharing her photos here. Visit her blog also, www.g3cafe.com for other chika!









CLICK HERE for more photos!

Read more...

CHARO SANTOS-CONCIO Appointed CEO of ABS-CBN Corporation

Tuesday, December 11, 2012



ABS-CBN Corporation, the country's leading and largest multimedia conglomerate, announced the appointment of Ma. Rosario “Charo” Santos-Concio as its new Chief Executive Officer (CEO), effective January 1, 2013. The new position is in addition to her role as the company’s President and Chief Content Officer. Eugenio "Gabby" Lopez III continues to be the Chairman of the Board of ABS-CBN.

As ABS-CBN President, Santos-Concio conceptualized strategies and solutions for the company’s growth, helping it achieve profit margins, record-high advertising revenues, and leadership in nationwide TV ratings.

It was also during Santos-Concio’s term that the network was named as one of the top 15 highest scoring companies and the only publicly listed media organization to garner a score for 90% or higher in the Institute of Corporate Directors’ 2008 Corporate Governance Scorecard.

Before being promoted to President in 2008, she served as ABS-CBN’s Head for Channel 2 in 2006, Executive Vice President in 1998, Senior Vice President of TV Production in 1996, Vice President of Production Operations in 1991, and Director for Programs in 1989. She joined ABS-CBN as Consultant in 1987.

As a programming executive and producer, she is credited with ABS-CBN’s leadership in the TV and movie market with top-rating programs and high-grossing films under her helm, such as “Esperanza,” “Pangako Sa ‘Yo,”  and "May Bukas Pa," the sitcom “Home Along Da Riles” that revived the King of Comedy Dolphy’s career, and Star Cinema’s quality movies that broke box-office records.

Santos-Concio is a recipient of many awards for her work and contribution to the film and broadcast industry, including Film Academy of the Philippines' Manuel de Leon Award, Hall of Fame Awards for her long-running drama anthology “Maalaala Mo Kaya” from the Catholic Mass Media Awards (CMMA), PMPC Star and Anak TV Awards, CEO Communication Excellence in Organizations (CEO EXCEL) Awards, and CMO Awards’ Woman Super Achiever Award.

She began her career in media as a production assistant in “John en Marsha,” then moved on to become a drama actress and producer for BanCom Audiovision, Experimental Cinema of the Philippines, Vanguard Films, Regal Films, and Vision Exponents.

Before becoming a media executive, Santos-Concio became famous for acting in critically acclaimed films, most notably in “Brutal,” “Kisapmata,” “Gumapang Ka sa Lusak,” and Mike de Leon’s “Itim,” for which she won the Best Actress award in the 1978 Asian Film Festival.
She graduated cum laude from St. Paul’s College in Manila with a degree in Communications Arts and completed the Advanced Management Program at Harvard Business School in 2007.

Read more...

Mahusay na aktor, nalululong nga ba sa bisyo?

Monday, December 10, 2012


Nakakapanghinayang naman kung totoong muli raw nalululong sa bisyo ang isang mahusay at gwapong aktor. Naging obvious na raw kasi ito dahil may mga araw daw na bigla na lang siyang nawawala sa taping ng kanilang show. May mga nagsasabi na babae raw ang dahilan ng ipinagkaka-ganito ng aktor, pero may ilan ding nagsasabi na ang bisyo niyang ito ang naging problema nila ng love niyang girl. Sana naman kung totoo nga, maagapan agad. Sayang naman kasi siya kung dahil sa bisyo malaos na lang siya ng tuluyan. 

Read more...

Piolo Pascual, hindi pa handang umibig muli?

Sinagot ni Piolo Pascual ang ilan sa mga tanong ng marami sa atin, nang ma-interview siya ng The Buzz para sa Buzz ng Bayan segment nito kahapon. Unang isyung nilinaw ni Piolo, ay ang pagkalat ng photo nila ni Maja Salvador na spotted diumanong naghahalikan. Isang gawa-gawa o katuwaan lang daw naman nila ng aktres, na nabigyan ng kulay at medyo napalaki.

Photo from Maja Salvador's Instagram account
"Nag-run kami tapos nag-Star Magic kami, Gives Back Concert. I was driving back of Mckinley, nakita ko siya nagpaalam ako, she suddenly rode in my car, tapos ayun may pumicture na. We were gonna kiss pero yun lang," paliwanag ni PJ.

Dahil ba pareho silang single kaya agad binigyan ng malisya ang photo?
"Siguro, pero wala lang yun, lokohan lang yun. Wala yun."

Also from Maja's IG account. Sa tingin niyo, pwedeng maging sila? 
Ang sumunod namang isyu na hinarap ng aktor ay ang kompetisyon diumano sa kanila ni Coco Martin. 
"I am happy with whatever Coco is reaping right now. Napaka-hardworking ng tao na yun. Di lang siya mabait na tao kung hindi napaka-galing na artista. So I am happy for him. Kapatid ko sa Star Magic yun at sa ABS-CBN, success ng isa, success ng lahat." 

Nang matanong naman tungkol sa estado ng kanyang puso, at kung handa na ba siyang makipag-relasyong muli...
"Ang mga bagay na yan, hindi pinapangunahan, darating at darating tayo dyan."

Read more...

Coco Martin, bagong manliligaw ni Julia Montes? Enchong Dee, out of the picture na?

Photo from Julia Montes's Instagram account.
Matagal nang laging laman ng usap-usapan ang isyung relasyon diumano between Julia Montes and Enchong Dee. Kahit pa maraming nagsasabing may lihim na umanong relasyon ang dalawa, naging consistent naman si Enchong sa pagsasabing hinihintay niya pang tumuntong sa edad na 18 si Julia. Pero recently, matagal ding hindi nagkita ang dalawa dahil sa pagiging busy ni Julia sa shows at shoot abroad kasama ang Walang Hanggan family niya at si Coco Martin. At ngayong pagbalik ng dalaga, isang bagong isyu ang sumalubong sa kanila ni Enchong. Wala mang relasyon na kinu-kumpirma, ang chika : hiwalay na sila. Mas na-intriga pa ang marami nang sa presscon ng pelikula nilang The Strangers ay nabanggit ni Enchong na "hindi na lang siya katulad ng dati," tinutukoy ang kung anuman ang meron sila ni Julia. Hindi niya rin itinanggi na isa sa mga dahilan kung bakit hindi na katulad ng dati kung anuman yun, ay ang kakulangan nila ng oras sa isa't isa.

Kaya naman ang kasunod na tanong agad ng marami... si Coco Martin na nga ba ang bagong nanliligaw kay Julia ngayon, dahil nga sa tagal ng pinagsamahan nila sa teleserye? 

"Wala pang 18 eh, kapag 18 na, saka na natin pag-isipan," ang naging sagot ni Coco sa isyu nang ma-interview siya ng The Buzz.

Pansinin lang na in all fairness, ang sagot na ito ni Coco, ganto rin ang mga sagot ni Enchong noon tuwing matatanong tungkol sa estado ng relasyon nila o panliligaw niya kay Julia.

Read more...

Kathryn Bernardo, hindi galit sa mga nang-bash sa kanya sa Instagram! Daniel Padilla, binigyan din daw siya ng puppy noon!

Kathryn's controversial photo of the puppy named Little Dasho, posted in her Instagram account.
Ilang linggo na ang nakakaraan, may mga tila nagalit sa pinost na photo na ito ni Kathryn Bernardo sa kanyang Instagram account. Ayon sa ilan, ang mga nagalit daw ay mga fans ng Daniel-Kathryn loveteam na nagselos dahil ang bagong puppy na ito ay galing sa KathQuen - o ang isa pang loveteam ni Kathryn, kasama naman si Enrique Gil. Pero sa interview sa kanya na lumabas sa The Buzz kahapon, sinabi ni Kath na hindi naman daw siya nagagalit sa mga nang-away sa kanya. 

"Yung puppy bigay 'yun sa akin ng KathQuen tapos nagpost lang ako ng ng picture niya. Merong ibang nagtampo, merong iba naintindihan naman nila na bigay lang yun. Nag-thank you lang ako sa nagbigay, kasi naalala nila akong bigyan," sabi ni Kath.

Nang si Daniel naman ang nakausap ng The Buzz, nabanggit daw ng ultimate crush ng bayan ngayon na nakapagbigay na rin daw siya noon pa kay Kathryn ng puppy. Samantala, pagkatapos lumabas sa The Buzz ng kwentong ito, mabilis namang nagpahayag ng kanilang suporta kay Kathryn ang KathNiels. Sabi nila ang mga totoong KathNiels naman daw ay hindi aawayin si Kathryn dahil lang sa post na ito.

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS : ABS-CBN Trade Launch December 2012!

Friday, December 7, 2012

Thank you so much Sol Caco for taking these photos for darlasauler.com. 






CLICK HERE for more photos!

Read more...

Dalawang big stars... muntik magpang-abot!

Wednesday, December 5, 2012


Yan po ang tweet ko kahapon. Posting this here kasi ang daming nag-react yesterday, so binabawi ko ang sinabi ko hehehe. Ganun pa man, hindi ko sila papangalanan at hindi ako magbibigay ng bonggang clues. Pero eto ang nakarating sa akin, muntik magpang-abot ang dalawang big stars. Kung totoo man, sana magka-ayos agad. Kung hindi totoo, mabuti naman. Yun lang po. Sensya na di ko talaga keri mag-blind item sa level na makakasira o makaka-nega. Hehehe!

Read more...

ABS-CBN rules National and Primetime TV Viewing in November 2012!


ABS-CBN Corporation, the country’s largest and leading multimedia conglomerate, continued its lead among urban and rural households in the country for the month of November with a total day average national audience share of 41%, or ten points higher than GMA’s 31%, based on data from Kantar Media.


Kantar Media uses a nationwide panel size of 2,609 urban and rural homes that represent 100% of the total Philippine TV viewing population, while AGB Nielsen only has 1,980 homes based in urban areas and represent only 57% of the Philippine TV viewing population.

Data also show that ABS-CBN sustained a sharp lead in the core primetime block (6PM-10:30PM) with an average audience share of 47%, or higher than GMA (29%) by 18 percentage points. This block is the most important part of the day when most Filipinos watch TV and advertisers put a larger chunk of their investment in to reach more consumers efficiently.

ABS-CBN also won on core primetime in other territories such as Total Luzon, which includes Mega Manila, with a 42% audience share vs GMA’s 33%. In the Visayas, ABS-CBN pulled away with a 53% audience share vs GMA’s 26%, while in Mindanao it peaked at 59% or three times bigger than GMA’s 19%.

ABS-CBN also improved on daytime (6AM-6PM) nationwide with an average audience share of 38% from 37% in October, while GMA dropped to 33 from 35%.

Out of the top 15 regularly running programs, ABS-CBN grabbed the 13 out of the 15 spots and captured the top 10. “Wansapanataym” soared high and led the pack with a national TV rating of 36.4%, while “Princess and I” remained strong at 2nd place with 34.2%.

“Maalaala Mo Kaya” remained as the country’s number one drama anthology with a national TV rating of 29.4%, almost twice rival program’s “Magpakailanman” that only fared at 16.8%.

The undisputed leading daytime program “Be Careful With My Heart,” meanwhile, zoomed into November’s top 8 from last month’s top 14. The Jodi Sta. Maria-Richard Yap starrer strengthened to a national TV rating of 25.1% from October’s 23.3%.

The other ABS-CBN programs in the top 15 include “Ina Kapatid Anak” (32.2%), “TV Patrol” (30.8%), “Aryana” (26.6%), “Kapamilya Deal or No Deal” (25.7%), “Goin’ Bulilit” (24.5%), “Rated K” (23.1%), and “TV Patrol Weekend” on Sundays (22.3%) and Saturdays (20.4%), and “A Beautiful Affair” (19.4%).

Most Filipinos also watched the special airing of Zoren Legaspi’s surprise marriage proposal and wedding to host-actress Carmina Villaroel in “Zoren-Carmina Always, Forever: A Wedding Like No Other,” which aired last November 24 and hit a national TV rating of 22.8%.

Kantar Media is a leading television (TV) audience measurement provider with capabilities in gathering TV viewing data in both digital and analog platforms. It Is a multinational market research group that specializes in audience measurement in more than 80 countries, has 26 TV networks, ad agencies, and pan-regional networks subscribing to its ratings services.

Among its current subscribers are ABS-CBN, NBN, Sky Cable, J. Romero and Associates, 720ConsumerConnect, Starcom, OMD, PhD, Mediacom, Mindshare, MEC, Maxus, Universal McCann, Wellmade Manufacturing Corporation, Brand Ideas, and MPG Havas. They also include pan-regional networks like CSM Media Inc., Fox International Channels, Star HK, Discovery, AXN, HBO, MTV, Sony Pictures Television International, Celestial Tiger, and A&E Television Network.

Among these, the following subscribe to both urban and rural TV audience measurement: ABS-CBN, Brand Ideas, MPG Havas, and 720ConsumerConnect.
ABS-CBN shifted to Kantar Media/TNS after filing a case vs. AGB Nielsen Media Research for failing to comply with its request to investigate alleged cheating and data tampering in TV ratings. The case is still pending in court contrary to claims by GMA, which is not a party to the case, that it has been resolved.





Read more...

"Lumang style na yung nagsasapawan" - Angelica Panganiban, sa isyung may sapawan sila ni Angel Locsin sa pelikulang One More Try!

Sunday, December 2, 2012

Trailer pa lang ng pelikulang pagsasamahan nina Angelica Panganiban at Angel Locsin, with Dingdong Dantes and Zanjoe Marudo, ang One More Try... puro magagandang feedback na agad ang tinatanggap ng pelikula. Pero ang mga intrigera, ang agad na tanong, sinong mas magaling kay Angelica at Angel? Nagsapawan ba? Para ngayon pa lang ay makontra na agad ang intrigang yan, for the first time sa The Buzz ay humarap ang dalawa sa pinaka-magaganda at pinaka-mahuhusay na aktres sa showbiz ngayon at nagkwento tungkol sa pinagdaanan nila while filming this Star Cinema entry to the Metro Manila Film Festival.


On their characters...
"Ako si Jack, isang career-driven na asawa, woman of the world. Binibigay niya ang lahat at sinusunod siya ng lahat. Pero pagdating sa asawa niya may pagka-submissive, lahat ng kailangan o gusto ng asawa niya binibigay niya," kwento ni Angelica.

"Ako naman dito si Grace. Meron akong anak na anim na taon na merong sakit, para siyang leukemia na dahil doon, kailangan kong hanapin uli yung tatay, na ang tatay ay si Mr. Dingdong Dantes na asawa si Jack si Angelica! Meron akong kasintahan si Tristan played by Zanjoe Marudo," Angel shares naman.

The movie...
Angelica says, "nakaka-excite kasi yung tina-tackle ng kwento is napaka-mature, hindi siya yung tipikal na ginagawa ng mga artista sa generation namin, doon pa lang challenging na siya."

Angel naman said that this movie is a story about a modern family.

Is this a sexy / daring film for them?
"Syempre may harot, may naughtiness din siya. Hindi rin naman maganda yung pelikula na wala sa lugar yung pagpapa-sexy niya. Actually hindi nga magandang tawagin na nagpapa-sexy ka kasi hinihingi rin siya ng eksena. Hindi naman kami basta basta nagpapakita ng balat kung hindi kailangan," kontra ni Angelica.

Isang malaking challenge naman daw ang role niya dito, sabi ni Angel.
"Ginawa ko lang yung trabaho ko bilang artista. Nag-research ako kasi alam naman ng mga tao na hindi pa ako isang ina, ang challenge sa akin is kung paano ko mapaniwala sa sarili ko na meron nga akong anim na taon na anak."

On the friendship that they have developed while working together...
Angelica : Well syempre nung una nagkakapaan diba? Syempre sa una tahimik lang ako dahil baka maingayan sila sa akin! Eh hindi ko na rin napigilan ang sarili ko, noong huli sabi ko ay dedma na! Chichika na ako nang chichika nang bongga ayun lagi na akong maingay. Noong una, nakikitawa lang siya sa amin, tapos bandang huli hindi na rin niya kinaya ayun, hindi na niya kinaya lumabas na rin ang tunay niyang kulay! Maganda yung nabubuhay ang samahan, habang ginagawa niyo yung isang pelikula! I think yun ang pinakamahalaga na may nakukuha kang isang kaibigan!
Angel : Lagi ko namang sinasabi na sobrang bilib ako sa kakayahan ng babaeng ito sa pag-arte! Fan na fan talaga ako Becky days pa lang ako bilib na ako! Kung paano niya naiiba ang sarili niya from comedy to drama from kontra to bida!
Angelica : Bipolar kasi ako teh! 
Angel : Baka nga teh! (laughs)
Angelica : Sobrang exciting diba? Na makita mo yung work ethics ng katrabaho mo! Lalo na ito! Kung paano siya mag-alaga ng mga katrabaho, ng mga kasamahan niya! Malapit na siyang lumutang sa lupa sa sobrang kabaitan niya talaga! Papalutang na siya! Next to God na siya! Ang bait!


May napansin naman daw si Angel kay Angelica pagdating sa pag-ibig, bilang isang girl friend...
"Basta ibang klase itong si Gel, pati sa pag-ibig! Alam naman natin yun! Basta bilib ako sa kanya! Yung pasensya niya! Sabi nga niya sa linya: 'Ang pera hindi basta basta nauubos pero ang pasensya konting konti lang!' Baligtad yun! Yung pasensya niya bonggang bongga siya," pambubuking ni Angel.

On may sapawan at kompetisyon daw sila dito sa pelikula...
Angel : Natatawa nga ako kapag may nababasa akong ang pagtutuos! Eh wala namang ganon! Parang siya yung artista na hindi ko naman pag-iisipan ng ganon kasi napaka-professional eh! Wala kaming ganon! Yung direktor namin, napakagaling. Alam niya kung paano balansehin. Napaka-ganda ng pagkakahati-hati ng istorya na lahat ng characters umangat!
Angelica : Hindi naman para umabot doon sa point para magsasapawan yung isa't isa kasi alam mo matalinong artista naman yung mga kasama mo eh! Saka lumang style na yung nagsasapawan eh!

Read more...

Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz, may kissing scene na nga ba sa kanilang third movie together?


Nagshu-shooting na ngayon ang para sa pangatlong installment ng kanilang pelikula, sina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo. Isang balita na paniguradong noong unang ma-confirm ay nagpaligaya sa milyon-milyong tagahanga ng box office tandem na ito. Sinisiguro naman nina Sarah na hindi nila bibiguin ang lahat, na umaasang mai-in love at muling kikiligin sa pagpapatuloy ng kwento nina Laida at Miggy.

"Syempre yun ang goal namin maibalik yung kilig. Kumbaga yung kilig na naramdaman nila dun sa first movie pa lang, sana bumalik yun at ayun, as we end the love story of Miggy and Laida, sana may maiwan kaming lessons sa kanila," sabi ng Popstar Princess na for sure magiging Box Office Queen na naman sa pelikulang ito.

Aminado naman si SG na malaking kasiyahan for her, ang muling maka-trabaho si JL. "It's a joy kasi ang tagal na the last time we worked together. Masaya 'ko na nanumbalik yung friendship namin, yung magandang working relationship namin better talaga. Masaya kami sa set I’m happy to see him," she said.

Pareho silang dumaan sa makukulay na buhay pag-ibig... idagdag pa dito na na-link din sila sa isa't isa dati. Hindi ba nagkaroon ng ilangan between them sa muling pagtatambal nilang ito?
"Hindi… may mga konti lang din halimbawa pag sobrang close na close kami sa isa't isa sabi ko nga kitang kita mo na yung pores ko ah. Sorry ah ang ganda ganda ng skin mo. Yun lang pero sobrang komportable ako sa taong yun kasi ganun din niya pinaramdam sa 'kin nung una kaming nagkatrabaho."

Ang tanong ng lahat ngayon, sa huling yugto ng love story nina Miggy at Laida... makikita na ba ng buong bayan si Sarah sa first ever kissing scene niya sa big screen?
"Ay yun po, hindi ko muna masasagot abangan natin," Sarah said.

Anyway, talaga namang aabangan ko - namin - itong pelikulang ito! Ang kwento kaya nila Laida at Miggy ang isa sa pinaka-favorite kong love stories sa Pinoy movies hehehe. Good luck sa inyo, at syempre congratulations again SG sa sunod-sunod mong achievements at pagbibigay karangalan sa Pilipinas.



Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP