Follow me on Instagram and Twitter : @darlasauler

"Matagal na kaming naghiwalay ni AA, last year pa," Rayver Cruz admitting break-up with Cristine Reyes!

Sunday, January 13, 2013


Last year pa lang ay lagi nang usap-usapan ang hiwalayan daw nina Rayver Cruz at Cristine Reyes. Pero kanina lang sa The Buzz, nanggaling na mismo sa kanilang dalawa ang kumpirmasyon ng balita. Isang pag-aming kakaiba sa mga napanood at narinig nating showbiz hiwalayan dahil ang lakas maka-disente nung sabay silang humarap at okay pa rin sila after the break-up.

Grabbed from Rayver and Cristine's interview on The Buzz
"Oo, ang ahm... ang maganda dito kasi okay kami... matagal na kaming naghiwalay ni AA, last year pa. And we did our best dito sa relationship namin, and ah ganun siguro talaga di ba, hindi naman halos lahat ng relationships nagwo-work eh di ba?" diretsang sagot ni Rayver.

Bakit ngayon lang sila umamin kung matagal na pala silang hiwalay?
"Dinecide namin na nung naghiwalay kami, i-discreet na lang, wag na lang maingay, wag na lang siguro sabihin sa public kasi nagstart kami, nagstart kami, nag-start ang relationship namin sobrang daming na-apektuhan so feeling namin ganun ang tama... pero sa huli kasi ang dami nang nakakahalata. And, as being unfairly judged na naman sa mga nangyari, so nagdecide ako na dapat nang sabihin na natin. Pero mutual naman yung decision namin eh," sabi ni Rayver.

"Siguro bata pa kasi talaga kami... pareho eh, and parang gusto rin muna naming mag-focus sa work. Gusto naming mag-focus sa career namin," dagdag ni Cristine.

Ngayong hiwalay sila, nakakasiguro ba silang okay pa rin ang samahan nila?
"Para sa akin kasi syempre parte na yan ng buhay ko hanggang sa pagtanda," Rayver said.

"Syempre nandito pa rin ako para sa kanya and same, katulad din ng sa kanya, parte na rin siya ng buhay ko and, hindi ko babalewalain yung pinagsamahan namin. Anytime, alam naman po niya yun eh, nandito lang ako," sabi naman ni Cristine.

1 comments:

Anonymous,  January 14, 2013 at 9:24 AM  

The birthday celebration of Toni Gonzaga sa The Buzz was so lame. Hindi niyo talaga pinaghandaan. Sana bigyan niyo naman siya ng totoong birthday celebration pagbalik niya sa US.Main host yan ng show niyo. She did not deserve that lame birthday celebration. Parang hindi naman importante si Toni samantalang ang daming awards na ni Toni as a host !

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

TopBlogs.com.ph

Entertainment & Lifestyle - Top Blogs Philippines

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP