Follow me on Instagram and Twitter : @darlasauler

"Yung hindi mapapagod na ipaglaban ako, hindi isasama yung trabaho ko sa personal na buhay ko, kasi package ako... kasama ko yung pamilya ko," Sarah Geronimo on the next man that she'll love.

Sunday, January 6, 2013

First week pa lang ng 2013, pero ginulat na agad ni Sarah Geronimo ang lahat sa kanyang pagiging palaban at open tungkol sa kanyang nararamdaman, nang humarap siya sa ilang myembro ng media sa ginanap na thanksgiving party niya for the press and some supporters. 


This year, she said that she wants to be more involved when it comes to handling her career.
"Gusto ko po mas maging involved sa pagtakbo ng career ko. Mas gusto kong nakakausap ko yung manager ko na si Boss Vic (Del Rosario of Viva), para alam ko yung tinatakno ng career, para hindi yung trabaho lang nang trabaho. Pero syempre meron pa rin pong guidance ng mga magulang, kasi sobrang importante talaga ng guidance. As long as nakikita kong may tama rin naman po ako, importante ng ipaglaban ko rin po ng maayos."

Today, January 6 ay may shooting si Sarah para sa third movie niya with John Lloyd Cruz, ang "It Takes A Man And A Woman." Bahagi ba ng pagbabagong makikita sa kanya this year, ay ang pagiging palaban niya na pati sa pagsabak sa first onscreen kiss niya with John Lloyd?
"Yun po, hindi ko po masasagot. Basta ano po, abangan na lang po. Basta po kailangan pag-usapan. Ready na ba yung mga supporters ko? Ready na ba ako? Half of my heart ready na, pero parang half of my heart hindi pa. Pero naniniwala naman ako sa galing ng direktor namin."

Aside from being more involved with the handling of her career, ano pa ba ang goals inya this 2013?
"At 25 hindi pa rin po ako college graduate, parang nahuli talaga ako pero sobrang pinasasalamatan ko po kasi may trabaho po ako. Passion ko po talaga yung trabaho. Peri unti-unti po matatapos ko rin yung pag-aaral ko. Maswerte ako dahil nakapasok na nga sa Open University (University of the Philippines Open University)."

Is she willing to talk about her failed romance with Gerald Anderson now?
"As much as possible hindi ko na lang gugustuhin pang pag-usapan. Baka two years from now pwede na nating pag-usapan (laughs). Hindi pa po ako komportableng pag-usapan pa."

Knowing how generous Gerald is to the previous special women in his live, did the actor give her a gift last Christmas?
"Wala! Wag na po nating pag-usapan yun. Wag na, tama na. Tama na naman."

Diretsahang tanong, is she lonely?
"Hindi naman po. Hindi naman po. Masaya po kasi maganda yung career, kumpleto ang pamilya ko. Pero syempre hindi ko naman made-denty na lahat naman po tayo meron tayong something na kinalulungkutan o hinahanap. Kailangan maging kuntento tayo para maging happy talaga tayo, tunay tayong masaya."

Ano ang estado ng puso o ng buhay niya ngayon?
"Nasaang stage ako ngayon? Okay naman, thankful ako sa Diyos lahat ng nangyayari it happens for a reason. Saka since day 1, pinagdasal ko naman ito na kung ito talaga ay para sa akin, Lord, go! Pero kung hindi... Kung hindi talaga, kita ko na hindi talaga."

Did she find it hard to let go?
"Opo. Saka lalo na kung may paniniwala ka sa isang bagay o sa isang tao, pero once may makita ka na makakasira nun, ayaw mo nang magbulag-bulagan pa."

Regrets?
"Magsisinungaling po ako kung sasabihin kong walang regrets. Katulad ng sinabi ko po, sana mas ginuard ko yung puso ko."

What will she look for now in a man, kung sakaling may manliligaw na agad ulit sa kanya?
"Tulad ng dati, yung hindi mapapagod na ipagbalan ako, hindi isasama yung trabaho ko sa personal na buhay ko. Kasi package ako, package ako. Kasama ko yung pamilya ko. Kailangan yung lalaki, yung manligaw sa akin alam niya yun, alam niya na meron akong tatay at nanay na nagpo-protekta sa akin."

Her stand on her family being blamed for her failed romance? Sa usaping ito, hindi naiwasan ni Sarah ang maging emosyonal.
"Nanginginig ako! Tama na po, huwag niyo nang isisi sa mga magulang ko yung nangyari. Dahil hindi niyo po alam yung mga totoong nangyari kasi ang sakit sakit po para sa mga magulang ko, lalo na sa nanay ko, na masyado nang bina-bash. Kasi kung ano lang yung nafo-form sa utak nila na kwento, yun na yung pinaniniwalaan nila agad. Pero hindi nila alam kung ano yung mga pinagdaanan namin. Pinagdaanan ko. Bahala na ang Diyos kung sino man yung mga taong involved dito, alam niya alam ko... yung mga totoong nangyari."

For the last time, closed book na ba talaga ang love story nila ni Gerald?
"Oo, oo. May mga bagay na ayaw natin pong ipilit."

Is she ready to fall in love again this year?
"Parang hindi naman tamang panahon pang mag-entertain pa ng bagong manliligaw. Sa lahat naman ng pinagdaanan ko, sana naman matuto na talaga ako. Ayoko na nung history repeats itself."

Her prayers? Her hopes para sa susunod na chapter ng lovelife niya?
"Lahat naman po tayong mga babae gusto na kung sino yung mamahalin natin, yun na talaga, pang-forever na. Basta kung will naman ng Diyos na ibihay sa akin yun, kung yung next boyfriend ko yung makakatuluyan ko, swerte ako. Pero kung hindi man, go pa rin!"


Meanwhile, sana po magawa niyong iboto ang darlasauler.com bilang Pinoy Blog Newsmaker of 2012. Pagkaboto po ninyo, magcomment lang po at ilagay ang inyong pangalan. Example : "Darla Sauler, I voted for darlasauler.com as Pinoy Blog Newsmaker of 2012!" Importante lang po yung name niyo, at kayo na bahala sa comment. Kapag nanalo po ang darlasauler.com, at isa kayo sa bumoto at nag-comment may chance kayong manalo ng $100 through an electronic raffle. Kaya go, vote na for darlasauler.com! 
I-click lang ito --> VOTE!

76 comments:

Anonymous,  January 6, 2013 at 6:44 PM  

Ang tanong ko, ano ang mas gusto nyo, anak na pakawala, suwail at walang respeto or anak na may takot sa Diyos at masunurin? Kung ano man ang narating ni Sarah G ngayon or kung ano sya ngayon dahil yun sa pagpapalaki sa kanya ng kanyang mga magulang. Nakikita rin naman kung gaano ka simple at matino pamilya nila sabihin na natin iba ang pagpapalaki at paghihigpit ni Mommy Divine kay Sarah siguro naman nararapat lang din dahil iba yung mundong ginagalawan nya. Marami ang di tunay na nagmamalasakit. Sa huli pamilya pa rin ang masasandalan ni Sarah. Kaya Sarah kung may bashers ka man dahil na rin may impact ka sa tao accdg to Gretchen. So thank you sa mga bashers pinapatunayan nyo lang na si Sarah ay importante sa inyo dahil nagawa nyo pang mag comment ng masama minsan below the belt at personal na. Sarah G tandaan mo na nandito lang kami lagi mga fans mo Popsters official man o hinde para suportahan ka.

Anonymous,  January 6, 2013 at 6:57 PM  

dapat magmove on na ang mga fans kay gerald anderson! kasi hindi naman talaga magulang ang dahilan eh, pwede naman dba, ayaw na talaga ni gerald, kasi kung gusto haharapin yan, accept it. hello? papayag na yung babae mong mahal na ligawan ka, ang kailangan mo lang makisama, atleast kasama mo parin sya eh, pero tumigil na. WAKE UP na sa mga nagbabash kay mommy divine, at sa mga nagmamarunong pa sa feelings ni sarah!

Anonymous,  January 6, 2013 at 7:01 PM  

Sa tingin ko tumigil na talaga si Gerald. Ang saklap lang tumigil sya pagkatapos sa pinakita ni Sarah during her concert. Di talaga nya mahal kasi iniwan nya sa birthday month pa talaga. Sabihin na natin di nya gusto patakaran ng mga magulang kung talagang mahal nya di sya tumigil kasi ang panliligaw di naman dapat humihinto kung mahal mo ang babae hanggang sa mapapangasawa mo dapat mo pa din ligawan. Anong nangyari sa "No turning back nya... eto na yon" at pakanta kanta nya ng Back at One! Di naman pala sya sigurado!

Anonymous,  January 6, 2013 at 7:05 PM  

Baka may bet yang si Gerald at Rayver. Sabi siguro ni Rayver na subukan mo ngang ligawan yang si Sarah sa paraan na gusto nya yung humarap talaga sa magulang kung magiging successful sya. Then nung napaibig na nya si Sarah bigla na lang iniwan coz he already proved his point. Aminin natin at the start si Gerald naman talaga ang umefort talaga na makipag close kay Sarah. Si Sarah talaga professional lang talaga ang turing sa kanya noong una.

Anonymous,  January 6, 2013 at 7:14 PM  

hopefully ma meet na ni Sarah yung lalaking matyagang maghihintay sa kanya at gusto ng magulang nya kasi as i follow the sasa -gege lovestory sunod sunoran lang naman si sarah sa parents nya..wala naman kasing perfect na tao..masyado lang kasing idealistic itong geronimo family...sana in time mahahanap nya rin yung hindi man perfect pero right guy na talaga sa kanya.ginagawa kasing malaking issue yung lovelife eh lahat naman ng tao mararanasan yun..

Anonymous,  January 6, 2013 at 7:15 PM  

Hay sayang talaga etong dalawa! Sobrang kinilig ako sa kanila. Akala ko tunay talaga yung nararamdaman ni Gerald kay Sarah. Tingin ko ginawa lang nya yun para mapalitan image nya sa pagiging babaero kasi after nyang ma-pair kay Sarah yung image nya bumango talaga kaso lumabas pa din mga pics nya sa ibat ibang babae at mga isyu na nalilink sa ibang babae. Siguro yung ang sinabi ni Sarah na kung may nakita sya na nakakasira ayaw na nya magbubulagan pa.

Anonymous,  January 6, 2013 at 7:22 PM  

I think si Gerald ang unang nag-giveup. Kasi yung mga interviews nya after CEbuana concert nila is about moving on na pero si Sarah yung mga sagot nya is sana mas mag blossom pa daw ang friendship nila kaso si Gerald ang unang nagcocomment kesyo moving forward at moving on na sya sa mga sumunod na interviews nya. Then nung si Sarah na ulit ang hiningan ng comment ang sagot na lang nya na ayaw na nya pagusapan pa. Kasi mismo sya siguro naguluhan kasi di ba ang message pa ni Gerald time will decide what's best for them. Siguro ang understanding ni Sarah nandyan pa rin si Gerald bilang kaibigan and maghihintay lang habang hinahanap pa nya sarili nya para kung maging sila na in the future siya na yung tamang babae para kay Gerald. Kaso si Gerald ang hinde nakapaghintay. At least nalaman na this early na di pala tunay yung pagmamahal nya kay Sarah. Kaya Sarah True love really Waits!

Anonymous,  January 6, 2013 at 7:31 PM  

Sana they can still work together in the future. Who knows baka manumbalik yung dati nilang samahan. I think they had the right love at the wrong time. Dapat gawan sila ng movie Maybe This Time. Sigurong box office hit yun!

Anonymous,  January 6, 2013 at 7:40 PM  

Hay naku, ako rin ayoko nang magbubulagan bulagan pa. Straight from Sarah G na talaga na wala na sila. Move on na talaga ako. So di na ako magiilusyon na promo promo lang at tinatago lang nila relasyon nila para di ako maging tard!

Anonymous,  January 6, 2013 at 7:42 PM  

Si gerald eversince aNg vocal sa panliligaw ke Sarah and all. Si Sarah most of the time sa interviews nya parati nyang nireremind si Gerald to think about it at dapat sigurado sa nararamdaman. Dahil si Sarah gusto nya pag boyfriend sya na yung maging asawa nya as much as possible. SI Gerald etong nagsabi na there's no turning back. Ako bilang fan ni Sarah nagustuhan ko sya kasi akala ko rin decided na sya. Ok lang naman kung later on eh umurong siya eh. Eh kaso to save his face at para di nega o madisappoint sa kanya ang ashrald fanatics eh di nagresort yung team nya na i blame na lang ang nanay ni Sarah tutal contrabida image sya sa public. Mas madali yung gamiting reason, kapani paniwala for them. Buti na lang ganon mommy nya. Gerald, mas maganda pa image mo kung aminin mo na lang na mas pinili career mo. At pakisabihan na lang yang image team mo na tantanan ang paninira sa iba for your sake. Good luck Gerald! Me pure heart ka naman eh. I know you will go a long way.

Anonymous,  January 6, 2013 at 7:54 PM  

maybe kinikilig lang talaga at napapaniwala ang mga fans ang gwapo kasi ni gerald eh. kahit magkamali mali na sa sinasabi.

Anonymous,  January 6, 2013 at 7:54 PM  

hindi pa talaga nagbabago itong si gerald babaero parin. si kim pinaiyak tapos si sarah na naman.

Anonymous,  January 6, 2013 at 8:04 PM  

Aaminin ko fan talaga ako ni Sarah before but I came to love Gerald esp nung pinakita nya na pursigido sya kay Sarah. Ang tampo ko lang sa kanya kasi nung panahon na sinisisi si Mommy Divine di man lang nya sinabi na di si Mommy Divine ang nagpatigil sa kanya kundi kusa syang tumigil. Ang sinasabi lang nya palagi respeto at kung anu man yung reaction ng magulang right nila yon para nya na rin sinabi na totoo yung mga accusations kay Mommy Divine. Kaya si Sarah nasaktan kasi ginawang scapegoat nanay nya esp nung team ni Gerald lalung lalo na si Ogie Diaz. Maybe kinukwento ni Gerald kay Janice about yung sa kanila si Sarah then etong si JAnice naman ang nagkukwento kay Ogie Diaz. Hay Gerald di kita hate pero aaminin ko mas fan ako ni Sarah. Kaya good luck na lang sa career mo mukha naman naka bounce back ka na from Kimerald. Sana lang sabihin mo kay Ogie Diaz tama na ang paninira kay Sarah. Di ba ok na naman career mo dami mo pang projects. Let her be na lang. Wag na sana sirain ang mommy ni Sarah.

Anonymous,  January 6, 2013 at 8:05 PM  

sa interveiw ne sarah kanina sa the buzz napansin ko na si gerald talaga ang may kasal anan.kasi sabi ne sarah na kung may nakita siya na makakasira ayaw na ko nang magbulagbulagan. so hindi si mommy devine ang may kasal anan kung di si gerald...

Anonymous,  January 6, 2013 at 8:23 PM  

Aaminin ko nadadala ako sa kagwapuhan ni Gerald pero mas umaapaw ang pagmamahal at supporta ko kay Sarah. Pero wala akong BV kay Gerald. Salamat na lang at huminto sya kasi at least Sarah was saved of a big heartache.

Anonymous,  January 6, 2013 at 8:25 PM  

Ano na naman kayang Ash ang susunod? Wala na pagasa Ashlloyd wala na din pagasa ang Ashrald. Popster na lang talaga!

Anonymous,  January 6, 2013 at 8:28 PM  

Parang totoo nga na career move lang talaga etong ginawang panliligaw ni Gerald kay Sarah. Kasi nung inamin nyang niligawan nya si Sarah talagang bumango image nya. Pinaiyak si Kim ngayon naman si Sarah. Sino kaya ang susunod nyang biktima baka si Maja na. Pero playgirl lang din si Maja pero malay natin sila magjajive kasi pareho playgirl at playboy! Marald FTW!

Anonymous,  January 6, 2013 at 8:31 PM  

Mga nag ku question sa ugali at paninindigan ni Sarah, mag basa ho kyo ng Bible. One Commandment says Honor thy Mother and Father. At sinusunod ni Sarah yan. Every night may prayer meeting sila. Mga di umaayon ay mga taong bulaan at anti Christ. Bka balikan kyo sa Taas. Like one actor says sa the buzz nuon na God is not Perfect.

Anonymous,  January 6, 2013 at 8:31 PM  

Kaya siguro huminto si Gerald kasi binibuild up sya as action star at next leading man. Mahirap kung may ka relasyon sya kasi di kapanipaniwala kung ipair sya sa iba. Eto naman si Sarah shunga shunga lagi. Waterloo nya talaga lovelife. Kung ako handler ni Sarah wag na syang ipagcomment about lovelife nya. Tutal may talent naman si Sarah yun na lang i-market.

Anonymous,  January 6, 2013 at 8:34 PM  

Type ko isang athlete maging boyfriend ni Sarah. Yung may ibang mundo at medyo tahimik or isang doktor mala Donna Cruz!

Anonymous,  January 6, 2013 at 10:21 PM  

anon 8:31 tama ka dyan... i admire sarah because she can do the things a lot i mean alot of people couldnt do... kaya marami shang hater because they couldnt relate sa paniniwala nila as christians... ang masasabi ko lang babatuhin ka talaga ng mga taong hindi na kaka itindi.. pero sabi nga ni mother theresa in the end.. its between you and god anyway! why is she so popular? why is she so loved? kahit hindi suya maghubad even though marami nagccriticize sa kanya... kasi malakas ang faith nya... at hindi nababali yun kahit ano pang sabihin ng ibang tao! go sarah g! god is behind you... he is there with you continue to be who you are continue to be god fearing and continue to honour your father and mother dahil pag dumating na ang time mo... may reward ka :)

Anonymous,  January 6, 2013 at 10:41 PM  

Si Gerald puro safe answer ang sinasagot sa interviews nya. Puro intindihin ang parents ni Sarah kesyo anak nila yun. Pero Gerald dahil sa sagot mo na yan, ini imply mo na talagang yung parents talaga ang dahilan ng pag stop mo. Iba yung kaso na ikaw na me ayaw o yung tao sa paligid mo, kesa yung parents nya ang me ayaw. Nagsimula ka sa panliligaw mo kuno, na mahigpit na sila from the start. No difference at all, ikaw ang nagbago. Yun ang isagot mo.

Anonymous,  January 7, 2013 at 12:35 AM  

we love you Sarah G! forever yan!

Anonymous,  January 7, 2013 at 1:13 AM  

Korek anon 10:41 alam ni Gerald kung anong pinasok nya di ba alam nya kung ano yung mga conditions. Even si Sarah right from the start sinasabi dapat maging sigurado sya bago manligaw. So korek ka na si Gerald ang nagbago. Maybe he just wanted to prove a point na kaya nya humarap sa magulang at mapaibig si Sarah and pinalabas nya na di talaga kayang ipaglaban ni Sarah kahit mahal nya. Tingin ko may bet sya with Rayver.

Anonymous,  January 7, 2013 at 1:19 AM  

Pansin ko showbiz mga sagot ni Gerald. Ayaw kasi nya mawalan ng fans at least si Sarah honest sumagot na tinuldukan na nya kung anu man yun meron sila para di na bigyan ng false hope mga fans. Aminin ko hoping ako dati pero since galing na kay Sarah naniwala na ako na wag na umasa.

Anonymous,  January 7, 2013 at 1:30 AM  

To pure hearted Gerald, gamitin mo yang bagong imahe na gusto mo i project sa tama. Na build up na ni Sarah ang image mo to a kind, pure hearted but misunderstood soul. Naipakita mo na rin how much of a loving son you are to your mother sa Asap, instagram pics etc. You showed how fun loving and good friend you are to your barkada. Nag peace ambassador ka pa. Ganon din ka ipromote ng image team mo thru various social media. But I think, you have to bear in mind that goodness must come naturally, from within kumbaga. Hindi aral, at hindi ginuhit lang ng mga tao to make you look an angel. Dahil pag hindi totoo ang pinapakita, kusang lumalabas ang tunay na kulay. Yun lang. Good luck!

Anonymous,  January 7, 2013 at 1:42 AM  

And 1 more thing, Sarah has no track record of making up stories. She keeps quiet to understand and analyze things better. Kapag napagtanto na nya ang mga bagay bagay tsaka nya binubuka bibig nya para magsalita. And once she comes up with a decision, let me borrow your insta post 'it is what it is'. Sya rin ang pde magsabi ng there's no turning back. Learn from Sarah ;-)

Anonymous,  January 7, 2013 at 1:53 AM  

Gusto niyo malaman kung sini dahilan? check mo BI ni FP.

Fairness kay Sarah hindi nagdodrop ng names. But I'm loving the spirit! On fire na talaga!

Anonymous,  January 7, 2013 at 1:55 AM  

LET SARA GERONIMO's parents work...hilas ra iya mama dinhi Cebu morag kinsa mag inarte..

Anonymous,  January 7, 2013 at 2:52 AM  

Umpisa pa lang duda na ako sa gerald anderson na yan. pero dahil nkita kong msaya si Sarah kya ntutunan ko din syang mgustuhan. Kala ko kung ano pinapkita nya, kung gano sya ka sweet at ka protective kay Sarah oncam gnun dn offcam. Good thing...bago pa ako nahook sa kanya..lumabas na yung totoo. I love Sarah Geronimo so much!! Kung sino ang lalaking mmhalin at mgmamahal sa kanya...for sure sobrang mamahalin ko din. Pero sa lalaking sakit lang ang binigay sa kanya tulad ng gnawa ni RC...isa lng masasabi ko...KARMA is just aroud the corner!! Watch out!!

Anonymous,  January 7, 2013 at 2:59 AM  

To Sarah....We, all your POPSTERS local and abroad are all behind you!! We are here to support you whatever it takes! We love you so much and we are all praying for you & your family. God loves you so much!!

Anonymous,  January 7, 2013 at 5:28 AM  

Iyan din ang belief ko. The " betting" issue crossed my mind...kasi ang damming writings on the wall to prove this. GE never said he loved Sarah....As an old romantic, I firmly believe that if you really love somebody , you don't give up so easily!!!!

To Sarah- Someday, you will find someone who will tell you that you are the best thing that happened to him....be patient...darting din yan

To Gerald- It is sad how you played with someone' s feelings! Alam mo bang ang Gerald-Sarah would have been the match made in heaven! Ang Ganda Sanang union! Sayang!

To Maja- Why Gerald?

Anonymous,  January 7, 2013 at 6:01 AM  

dont know why kung bakit gustong gs2 magkatuluyan e2ng sarah-gerald. kahit hirap ng situation. in physical/reality hindi talaga cla bagay. prang kahit ayaw ni gerald, si sarah pdn para saknila, knowing gerald marami na din nasaktang babae. knwing sarah di pa masyadong expose outside at takot mahurt. bez frnd pa ni gerald s rayver. siguro dahil sa panunguguna naudlot. ayaw ng lalaki ng ganyan.

Anonymous,  January 7, 2013 at 6:30 AM  

Sarah only proved that she is a decent woman. She can really exposed the real reason for their falling out but she chose to just lift it all to God.I admire her more than ever. I sincerely wish she will find a real Man. I guess I was one of those who was taken for a ride by G's so called expression of love for sarah.I hope he will realized that its not all about career. Admit it or not but being linked to Sarah has greatly improved his image. Sad for Sarah but I know she will bounce back from all these.

Anonymous,  January 7, 2013 at 8:32 AM  

i hate u gerald period.

Anonymous,  January 7, 2013 at 9:22 AM  

I'm sure sa next interview ng The Buzz ke Gerald and his camp plus the real cause of Sarah's heartbreak, with a very sad eyes, lungkot lungkotan
face and very affected mind and heart effect, he will say, "I've done enough fighting. No one has the right to judge me or anyone. Let us all move on from this achuchu..." In short, palalabasin nya sya kung kawawa sa lahat ng eto. Gerald, don't mention Sarah anymore. Don't answer questions related to her anymore. Just shut up! I hope and pray na di na magkrus landas nyong dalawa. Kesehodang ikaw ang huling leading man sa mundo. Kayong 2 ng bestfriend Rayver mo!

Anonymous,  January 7, 2013 at 9:52 AM  

this is just another kimerald part 2. wondering bakit pag pumatok ang loveteam kay gerald may something or dapat ligawan? puro publicity. well mukang malabo na magkagusto si gerald sa ka-loveteam lang. it is needed na sya yung maghanap or sya yung makaramdam, hindi yung reporter ang nagtatanong agad at fans ang nakakaramdam agad.

Anonymous,  January 7, 2013 at 10:02 AM  

DAHIL SA KAKAPASWEET NIYA KAHIT 24 OR 25 NA SIYA, HINDI NA BUMABAGAY SA EDAD NIYA KINIKILOS NIYA. NAKAKAUMAY. YOU CAN BE DECENT BUT YOU HAVE TO SHOW MATURITY. NAWAWALA NA ANG INTERES NG TAO SA KANYA. MGA POPSTERS NA LANG ANG NATITIRA.

I REMEMBER MAHIGPIT DIN TATAY NI JOLINA NOON. HINDI PUMAPAYAG SA ON SCREEN KISSING. WHAT HAPPENED TO HER CAREER? BAKA PAREHO SILA NANG SAPITIN NI SARAH G.

Anonymous,  January 7, 2013 at 10:22 AM  

AT DAHIL CAPSLOCK KA ANON 10:02, MAGCAPSLOCK DIN AKO. EH ANO NGAYON SA 'YO KUNG MAGPASWEET KAHIT 24 NA YUNG TAO AT MAUMAY KA... DI NAMAN CAREER MO YUNG AFFECTED... AT DI RIN NAMAN IKAW YUNG MALALAOS... INIP NA INIP KA NA MAGMATURE YUNG TAO... PARANG IKAW YUNG MANAGER NYA AH KUNG MAKAPAGSALITA... THANKS BUT NO THANKS SA CONCERN MO. YOU ARE FREE NA HANGAAN YUNG IBANG ARTISTA KUNG DI MO GUSTO PAGPAPASWEET NI SARAH... DI NYA SINISIKSIK SARILI NYA SA 'YO. SA SARILI MONG BUHAY MO I-APPLY YUNG GUSTO MONG MANGYARI KE SARAH. MINAMADALI MO YUNG IBA, EH IKAW BA? OO, POSIBLENG DI KA NA PA SWEET SA TEMA BA NAMAN NG PANANALITA MO, PERO ANG TANONG MATURED KA NA BA? AT LEAST SI SARAH , PA SWEET PERO VERY TACTFUL SA PANANALITA... YAN YUNG AYAW MO DI BA? YUNG GUSTO MO EH IBULATLAT SA MADLANG PIPOL YUNG PROBLEMA NYA SA IBA IN A 'DECENT' WAY KUNO . MAGTARAY SYA IN A 'DECENT' WAY , MAGING PALABAN SYA IN A 'DECENT' WAY . TAPOS ANO NAMAN SASABIHIN MO AFTER, SANTA SANTITA RIN PALA ETONG SI SARAH , NASA LOOB ANG KULO. KALA KO MABAIT, PA SWEET LANG PALA... YUN ANG GUSTO MONG MANGYARI DI BA?

Anonymous,  January 7, 2013 at 4:12 PM  

mabuti maghiwalay na ang sasa - gege this tawagan at pa babe babe is so much baduy! so teenager ang peg! eh pinauso lang yun ni sarah at kinuha sa movie yung tawag na baby girl. omg ilan taon na ba sila? much better for gerald a matured role even in real relationship. tama na ang pagpapacute! tapos na ang kimerald eh graduate na. lalo n dito kay sarah huh.. if ever maka bingwit ulit ng tisoy at gwapong guy wag masyadong pakilig kilig at her age medyo umact naman ng kunti pagpapakipot.

Anonymous,  January 7, 2013 at 10:15 PM  

If I recall it was Gerald who kept on saying she is his inspiration, Sarah is GF Wife material. And si Sarah naman early on laging sinasabi na maging sigurado. Tingin ko ginawang trophy si Sarah kasi mahirap ibingwit. Nang makuha na nya iniwan na sa ere. Alam nya na strict ang parents alam nya in the first place na may mga limitations pero nagpursige sya so alam nya ang pinasukan nya may pa no turning back pa sya... pweh. yun pala ang hanap pa rin nya ay yung typical girl na madaling makuha. Kung totoo man yun sa kanila ni Maja well salamat at this early nalaman na ang tunay na kulay nila. Bagay nga sila at talagang birds of the same feather flock together, hello Rayver! Hinahanap nila yung type na babae na handang bumuka para sa kanila!

Anonymous,  January 8, 2013 at 12:59 AM  

i hate you gerald! pweh,user.hoho

Anonymous,  January 8, 2013 at 7:58 AM  

We love you Sarah! Stay Strong!! Deadma sa mga bashers at kay ogie diaz! We will always support you! Napakabait mong tao, protect your self!

Anonymous,  January 8, 2013 at 9:46 AM  

sus pnu naging user kung di naman nya type si sarah. dapat alam yan ni sarah kung user na si gerald kasi makakaramdam naman sya. tsaka laki ng pakinabang ni gerald k sarah nuh. sa sarah g live plng puros promo at si sarah ang tawag ng tawag kay gerald pti babe. kasabwat lagi ang mga host para tuksuhin k gerald isama pa ang mga statemnt songs. sya din ang nag announce na nagdate sila on national tv. iniinvite pa nga si gerald ng viva para manuod ng sg concert. diba diba. dapat nung una palang alam na may gamitan. si sarah alam yun. ay may pakinabang talaga si gerald.

Anonymous,  January 8, 2013 at 9:50 AM  

excuse di ginagamit ni gerald c sarah. di kasalanan ni gerald kung mrmi silng fans n ashrald. at di pa tambal ang ashrald kilala na si gerald. mtagal na sila gs2 pagtambalin diba. eh anu naman kung malakas sila? di naman yun hiningi ni gerald. edi yun ayaw sumuporta goodbye!

Anonymous,  January 8, 2013 at 9:55 AM  

di paasa si gerald kasi wala naman syang pinopromise. as he said kahit kaibigan lang in the end or nakilala si sarah happy na sya. ahaha...yun fans lang umaasa, di naman kasalanan yun ni gerald. tsaka nanliligaw palang? pwede magkatuluyan o hindi.kasi dyan palang ung stage na nagkakakilala sila. it may not work out. kaya kundi nag work out at nasaktan si sarah tangapin nyo.

Anonymous,  January 8, 2013 at 10:16 AM  

TAMA YAN, DI YUN HINHILING NI GERALD. SI SARAH YUNG MAY SARILING ISIP NA GINAGAMIT. MASYADO SYANG WEAK PAGDATING SA LOVE. MASYADONG UMAASA. KAYO NA RIN MISMO NAGSASABI NA PARANG D SINCERE SI GERALD. WALA NAMAN SYANG REGRETS! KUNG MAGKATULYAN OK, KUNG HINDI DAW OK LANG DIN, BASTA NAKILALA SI SARAH. U KNOW IN EVRY RELATIONSHIP PWEDE MAY MAG AWAY/MAGHIWALAY. ITO P NGA LANG COURTING STAGE PLNG. DI NAMAN NAGING SILA. HAY KNG MAY SUMUKO THATS IT! LEARN TO ACCEPT IT. WE CANNOT DO DRAMAS/BITTERNESS THE WHOLE YEAR DAHIL LNG INIWAN SYA NI GERALD!

Anonymous,  January 8, 2013 at 11:43 AM  

Wow ha! ijustify pa ang mga naging actions ng talipandas na yan. Siya tong andaming dada puro empty words naman. Asan n ba yung No Turning back na yan???? At until now... may paspecial special p ring nalalaman yun pala may ibang ka-hook up. no decency talaga ang Ahole na yan. sge.. idolohin nyo yang pambansang playboy na yan.

At si Sarah pa ang weak... haller!!! lahat ng tao pipupush syang boyprenin na yang lalaking yan to the extent na ibash na sya... but she remained steadfast and balanced her emotions with her mind. keeping things all in lined with her values. so sino ngayon ang weak??? malamang kung kayo yan sunggab na agad sa bawat lalaking magkakainteres sa inyo katulad nung fubu nyan ngayon. tama lng yan.. magsama sila! parehong with loose morals.

Anonymous,  January 8, 2013 at 12:51 PM  

and by the way... nasabi nga pala ni talipandas na Gerald before s interview nya na kung maggirgirlpren sya.. he wanted to do it the right way, to woo and court slowly. ayaw daw nya ng biglaan lang...

Well, lookie what happened now. walang kaabog abog he ended up with Maja. may courtship namang nangyari... in bed nga lang.

Full of contradictions. hindi pala intensity ng love ang batayan nyang si Geraldo... level ng libido pala. Good Riddance Ahole!

Anonymous,  January 8, 2013 at 1:29 PM  

ano ba yang sarah fans kasing immature lang ni sarah. magcomment pa ng bastos, ano yan natutunan sa idol nilang kiri? eh kung si maja lantad ang pagka malandi nyan, si sarah, tago naman... kiti kiti nga pag kinikilig kay gerald. haha! oi move on mga sarat. plastik.mapagkunwari etc. kaya tignan nyo madaming nega comments kay sarah sa pep. hindi na natuto.

Anonymous,  January 8, 2013 at 1:30 PM  

Ang ganda talaga ng puso at kalooban mo Sarah.
Kahit hindi ka pa graduate ng college, laging may sense lahat ng sagot mo. I wish you all the best!

Anonymous,  January 8, 2013 at 1:32 PM  

sarat geronimo waley pa yang experience magka BF. madmi kuno nagccrush pero hindi naman magawang ligawan. walang nagttyaga panu kasi belo lang beauty. immature pa. hanggang pakilig kilig lang yan si sarat. sana man lang kahit hindi kagandahan gamitin ang utak. hindi puro kilig, tawa, drama, iyak..

Anonymous,  January 8, 2013 at 1:36 PM  

gerald no turning back. hindi talaga magtuturn back yan sa pagiging bata. batang isip na sya kung ganun. turn off sya kay sarah kasi walang sariling isip.

Anonymous,  January 8, 2013 at 1:47 PM  

oh haliparot yang si sarah malandi. malandi sya kay gerald. walang hiya!!!! sa stage pa hinaharana si gerald ng it might be you, every sunday kinakantahan si gerald ng statement songs bukambibig ang babe! sya na itong nalunod at naobssess kay gerald. pati mga staff host kasabwat. ngayon sino puro satsat. hindi si gerald. sarah is acting the way na parang sya ang nanliligaw kay gerald.diba sa mga quotes nya lol talaga!!!!

Anonymous,  January 8, 2013 at 2:45 PM  

KAHIT ANONG COMMENTS NYO DIYAN, SARAH GERONIMO WILL ALWAYS BE SARAH G. KUNG ANONG MINAHAL SA KANYA NG TAO TEN YEARS AGO, HINDI NA MAWAWALA YUN AT MAS LALO PA SIYANG MINAMAHAL DAHIL TOTOO SIYA. GINAGAWA NYA TRABAHO NYA NANG WALANG TINATAPAKAN O GINAGAMIT NA TAO. KUNG ANONG NAKIKITA SA KANYA, YUN TALAGA SIYA. VALUES - YAN ANG MERON SIYA NA WALA KAYO OR SA IDOL NYO. VALUE SA LORD, FAMILY, FRIENDSHIP, RELATIONSHIP AND HERSELF.

Anonymous,  January 8, 2013 at 3:06 PM  

AnonymousJanuary 7, 2013 4:32 PM

SG's actions and the way she handles herself and answers the questions ngrereflect tlaga kung anu sya as a person. Kita nmn na wala ng bitterness sa mukha nya about sa nangyari sa knila ni budoy because she have moved-on & realizes that he's not worth even a single tear. Naging bitter lng sya sa mga ng-aakusa sa parents nya. She answers with respect and truthfulness. kita nmn na sincere sya sa mga sinasabi nya unlike kay budoy na if iniinterview hindi makatingin ng diretso sa camera or sa ng-iinterview kasi may tinatago pla.And kudos to her parents for raising her so well...

-just sharing pov from other site. not mine but i totally agree.

Anonymous,  January 8, 2013 at 4:08 PM  

nakakatawa talaga ang mga sarah fans dito. i dont know why they blaming gerald in this sarah's kadramahans??? you should accept the reality na masasaktan din talaga ang idol nyo.(ano sya alien?)buti pa nga may nagtiyaga pang manligaw eh! well sa panliligaw pwedeng maging sila o hindi. hindi naman ibig sabihin pag hindi lang sila nagkatuluyan ay masama/babaero/mangagamit na agad si gerald? how? alam nyo ba kung papanu sya nanligaw? natural naman may sariling pagiisip si gerald nakikilala nya si sarah, at napapaisip din kung sya ba talaga... well it didnt work out accept it. tsaka hindi ito about kung sino man ang pinalit kay sarah kesyo malandi etc etc. lahat naman may baho! even yung baho ni sarah nilantad ni cristine. wlang perpekto. tsaka matagal na binaun ang sasa gege ek ek, july pa...anong petsa na. nito lang naspotted na si gerald at maja. at hindi pa nga nagsasalita un dalawa, malayo na ang nilakbay ng pagiisip nyo.

Anonymous,  January 8, 2013 at 4:36 PM  

Sarah Geronimo is finding a perfect lovelife which is very impossible. Kaya naweweirduhan ang tao sa kanya. Wala pa ngang experience ito si Sarah magkaBF gusto nya sigurado na at paglalaban sya. Dahil lang ba sikat sya ganun sya ka-confident? Syempre to make it stronger and perfect marami kang pagdadaanan at kailangan mong MASAKTAN take note na rin sa mga immature na fans na puro ang sisi ay kay Gerald. Please stop talking about mangagamit or sinungaling /user. May feelings at sariling isip din yan si Gerald noh. And his family let him experience the world. Hindi sya kinukulong. Kaya hindi kesyo pinalabas ka sa bahay malandi , pakawala ka na. You need to experience life outside.

Anonymous,  January 8, 2013 at 6:08 PM  

Kung malandi si Sarah ano naman ang tawagmo kay Maja? Excuse me no, nung umpisa si Sarah professional lang talaga kay Gerald. Sino ba ang lumigaw kahit alam nya ang patakaran ng mga magulang. At excuse me din no, kung mahigpit ang magulang tama lang naman. At saka binigyan syanng permiso so meaning winelcome sya kaso sya nagbago! Etong si Gerald pansin ko when the going gets rough umaatras. Remember the BEa incident. Di nya inamin kasi galit mga Kimeralds tapos ngayon naman kay Sarah kesyo time will decide whats best for us, theres always a right time for everything parang binibigyan pa ng hope mga Ashralds kasi takot mawala ng fans from Sarahs camp. Buti pa si Sarah straightforward sinabi na closed na yung chapter nila ni Gerald. Si Kim din pag tinanong nyo closed book na rin sila ni Gerald. Eto lang si Gerald nagcocomment na open naman puso nya... Ek ek!

Anonymous,  January 8, 2013 at 6:23 PM  

Truth of the matter is BINASTED ni Sarah si Gerald na umamin pa talaga on nationwide television na nililigawan nya si Sarah! Di nagpadala si Sarah sa kagwapuhan lang gusto nya makita kalooban kaso iba yung nakita nya kaya binasted nya. Tapos sinasabi nila na dahil kay Mommy Divine, sana naging man enough si Gerald at sabihin binasted sya at hinde yung parang sa mga comments nya iniimply nya na si Mommy Divine ang reason kasi di nya outrightly sinabi na hinde si Mommy D ang reason puro lang sya respect and privacy. Wala ni isang statement na sinabing hindi totoo so meaning implied na true yung sinasabing reason! Tapos ngayon lumalabas na yung kanila ni Maja! Hay buti na lang huminto ka na at baka ikaw pa makakasira sa kung ano binavalue ni Sarah at ng magulang nya.

Anonymous,  January 8, 2013 at 6:43 PM  

naku baluktot na rin pati pag iisip ng fan ni sarat! gusto mo talaga perpekto sa idol mo? edi maghanap ka!. yung idol mo di mo nakikita ang kamalian. no wonder maraming natawag saknyang dependent, immature etc.

Anonymous,  January 8, 2013 at 6:49 PM  

kung malandi si maja, mas malandi ang nasa loob ni sarah. hindi matino ang panliligaw nya kay gerald sya ang babae sya yung sobrang kinikilig. haha! tsaka si sarah pa talaga nangbasted? kaya pala sya iyaaakk iyak pati.. get here daw sabi sa kanta nya. oh wag mo na papuntahin si gerald sa SGL.. diba basted mo na? kamo, sabi ng nagmamagaling na fantard haha!

Anonymous,  January 8, 2013 at 7:32 PM  

alam natin na si gerald ang tumigil na sa kalokohan gimik ligawan na ito. si sarah lang panay ang kadramahan nun umiyak pa daw sa concert nya. ito namang mga sarah fans makitid parin ang mind! ganun talaga pagkakakilala kay gerald edi sana tutal parng kayo ang nakakaalam ng buong pangyayari edi sinabi nyo na sa matalinong sarah na yan wag magpaligaw kay gerald! sno bang e*#ngot.

Anonymous,  January 8, 2013 at 7:57 PM  

NAKO ITIGIL NA ANG AWAY NA IYAN. ALAM NYO SARADO ANG ISIP NG LAHAT. KASI ANG DAMING PINAPANIWALAAN. MAY INTERVIEW SI GENTO PERO HINDI MANINIWALA. MAY SINABI SI GANAN PERO HINDI PAPANIWALAAN OR MANINIWALA AGAD. ERASE THE "LIGAWAN" CHAPTER KASI TAPOS NA IYON. ANG ISSUE KAY SARAH SA INTERVIEW NYA IS ABOUT SA PANGBABASH SA FAMILY NYA, WHICH IS SI GERALD ANG MAY KASALANAN KASI SA PAST INTERVIEW NYA AY IYON ANG PINAPALABAS NYA. "RESPECT FOR HER FAMILY" ECHUNESS. KAYA GALIT SIYA. WHICH IS TAMA NAMAN NA IPAGTANGGOL NYA AT SABIHIN KUNG ANONG TOTOO. SI GERALD KASI SOBRANG ANG PAGKASHOWBIZ, AKALA MO AY MAUUBUSAN NG FANS. DAPAT NGA NAGSOSORRY SYA SA FAMILY NI SARAH.

Anonymous,  January 8, 2013 at 8:14 PM  

AND AS FOR SARAH'S MATURITY: BUHAY NIYA IYON, SIYA ANG MAY ALAM NON. ANONG MALAY NYO BA SA LAHAT NG INIISIP AT GINAGAWA NYA 24/7? WAG O.A. SA PAGJUDGE, AWARE DIN NAMAN SI SARAH SA MATURITY DAHIL YUN DIN ANG WISH NYA FOR HERSELF. KAHIT ANG ATE NYA AT SI MOMMY DIVINE NBANGGIT DIN YUN SA SGL, "MATURITY". AT SOBRANG VOCAL DIN NYA SA MGA FLAWS NYA AS PERSON. SO KUNG IBA ANG SARAH GERONIMO NA GUSTO NYONG MAKITA KAY SARAH GERONIMO SA SARAH G. LIVE, E BAKA HINDI SI SARAH GERONIMO ANG GUSTO NYONG MAKITA. KUNG HINDI NYO SIYA TYPE EH DI DUN KAYO SA TYPE NYO. BAKIT NYO BA PINAPAKIALAMAN BUHAY NUNG TAO? TRY NYO KAYANG BAGUHIN SARILI NYO INTO SOMEONE ELSE, HIRAP KAYA! WELL, BUHAY NYO NA LANG ATUPAGIN NYO, OK?

Anonymous,  January 8, 2013 at 8:29 PM  

MAY ISSUE PO MA'AM DARLA SA OTHER SITE LAST NOVEMBER PA NA WHILE G COURTING S, MERON PA DAW IBANG COURTING NA NANGYAYARI. SO GERALD IS COURTING SARAH AND MAJA AT THE SAME TIME. SANA MAITANONG DIN SA KANILA IF TRUE ITO. SINCE RELIABLE SOURCE NAMAN NG THEBUZZ ANG SITE NA GALING ITO. ONE THING IS FOR SURE, SA COURTING PROCESS, MAY NAKITA SI SARAH NA DAHILAN PARA HINDI NA ITULOY ANG KUNG ANO MANG PWEDENG MAGKAROON SILA NI GERALD DAHIL HINDI SIYA MAGBUBULAG-BULAGAN. :) SANA PO MACLEAR: "GERALD IS COURTING (OR WHATEVER TERM TO USE BETWEEN M&G) SARAH AND MAJA AT THE SAME TIME."

Anonymous,  January 10, 2013 at 3:39 AM  

all i can say sa lahat ng mga d mgandang nagcomment d2 “nagmamarunong kau! pra kaung mga cnong mkpagsalita sa tao bgo kau mgsalita at magjudge sa isang tao unahin nyo munang linisin mga dumi jan sarili nyo! bgo kau magsalita sa kpwa nyo! tsaka wlang perpek2ng tao d2 sa mundo lhat tau ngkkmali lahat tau may sarisariling pag-uugali!wla akong pnpanigan sa dalawa ang akin lng bawas bawasan nyo ung mga salita nyo Na akala mong cnong perpek2ng tao mkpagsalita..!mga fans lng tau and wlang nag-u2s sa atin kng cno supurtahan kusa nating gnwa! nakakapantig kau ng tenga!oo cnabing free country Pro nsobrahan nman prang taga palengke kng mkpagsalita be classy Saan naung tinurong GMRC sa atin?naklimutan na cguro kc puro mga bad moral ung mga and2!

Anonymous,  January 10, 2013 at 9:45 AM  

both sarah and gerald have moved on. kung si sarah nga ayaw ng pag usapan si gerald, kayo naman baliw na baliw padin sa mga nangyaring tapos na. hindi na mababago yun. closed case na yan. your bitter dapat supportahan nyo na lang si S na walang nasasagasaang tao. matagal ng tinigil ni Gerald ang panliligaw! and sarah already accept that. kung sino man ang gustuhin ni gerald di nyo dapat ibash at wala na kayong pakielam. wala naman yung connect kay sarah. hindi naman super close sila ni maja, like kim na bff nya.

Anonymous,  January 12, 2013 at 4:17 PM  

Wow! Be real sarah! Its like naghahanap sya ng needle sa haystack. We want Sarah to be happy peRo my gad! Sometimes its hard to court someone lalo pag anjan ang pamilya.. Hey, we are already in a different generation. And not to be judgemental on her mom, but she needs to let her daughter grow up and experience being inlove and hurt.. I think her mom is not being protective in a way na she doesnt her daughter to get hurt blah blah blah,, she just want to protect their business, or income nila which is Sarah.. I feel sorry for Sarah, she really seems a good person.. Just my opinion.

Anonymous,  January 12, 2013 at 7:21 PM  

4:17 Your OPINION is BASELESS, and that's what we called JUDGEMENT. You don't have the RIGHTS to judge her family, hindi mo naman alam ang natakbo sa mga isip nila, hindi mo naman sila kilala lalo na ang Mommy nya.

Anonymous,  January 13, 2013 at 1:02 AM  

You'll find the right guy, Sarah. Tama yan, wait ka Lang. Gusto ko yung sinabi sa kanya ni TONI GONZAGA sa Sarah G. Live. Yung "someday, someone will walk into your life and make you feel that your heart was never broken." parang Pareho sila ng naging experience. Sana makahanap narin si Sarah ng right guy for her. :)

Anonymous,  January 14, 2013 at 3:58 PM  

7:21. The moment Sarah entered the showbiz industry, we fans already have the right to judge them , good or bad..

Anonymous,  January 15, 2013 at 4:15 PM  

Super true! Hay! Ang love nakakapag hintay kahit ganu pa katagal, basta totoo yung feelings ng isang tao. No matter what, basta mahal mu ang isang tao hinding hindi ka bibitiw. Sabi nga nila love can move maintains. Hay naku Ge!

Anonymous,  January 15, 2013 at 6:13 PM  

Mga baliw sa lalake yong ibang na cocomment dito mga haliparot, hoy d nyo tulaf c SG gusto lng nya sure cya s lalakeng mamahalin nya diyos ko ako nga 2 yrs bgo nging kmi ng asawa ko close lng kmi or let see M.U doon npatunayan ko na ako lng ang nsa puso nya. Sa mga artista sex lng yan at ayaw ni sarah ng ganon. Gusto nya sure cya ang that is ryt, d lng marunong tumanggap ng mali c gerald kc may nkahuling my girl cya sa cebu natural babalaan cya ni mommy D at gusto nya mdala c sarah sa mga overnight outing eh gusto ni MD sa bahay lng sila which is tama nmn yon, pra mkasiguro nga nmn walang tsismis db! Nsa bahay nga lng sila na tsitsismis n sila ni sarah e paano p kya if nag gala gala sila ed sirang sira n emage ni SG, kawawa nmn cya. Kya tma lng yan ginawa nya atleast lumabas at natural ni gerald.

Anonymous,  January 18, 2013 at 4:23 PM  

sarah humanap ka ng panget at ibigin mong tunay. wag ka na choosy at maarte tulad ng mga baliw mong fans at uto uto!

Anonymous,  January 25, 2013 at 5:12 PM  

feeling kasi napakaganda sus may mga detektib pang nalalaman ang ina! mga fans mo mga baliw

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP