Follow me on Instagram and Twitter : @darlasauler

Newbie actor Kiko Estrada impresses netizens with his portrayal in Maalaala Mo Kaya's "Prosti" episode starring Julia Montes!

Saturday, March 9, 2013


Ibang klase rin talaga ang husay ni Julia Montes sa pag-arte, at muli niya itong pinatunayan sa mapanghamong role niya sa MMK tonight kung saan gumanap siya bilang isang prosti. Nag-trending pa worldwide ang aktres dahil sa hindi mapigilang page-express ng netizens ng paghanga sa kanya.

Pero aside from Julia, nakatawag pansin din sa marami ang naging leading man niya sa episode na ito na napag-alaman kong si Kiko Diaz Estrada pala, anak nina Gary Estrada at Cheska Diaz.Sa huling pagkaka-alam ko nasa third year na siya sa College of St. Benilde, underload daw siya sa kursong Diplomatic Studies dahil na rin sa showbiz schedule niya. Kwento rin ni Kiko sa interview sa kanya ng Pep last year, naisipan daw niyang pumasok sa showbiz matapos mamatay ang lolo niyang si Paquito Diaz. Pero pangako daw niya sa yumaong lolo at sa Mom niya na tatapusin niya ang kanyang pag-aaral. Unang sumabak ng bongga sa acting sa Kapamilya Network si Kiko sa ikalawang yugto ng Angelito : Batang Ama. (Yes po he appeared muna sa GMA-7, sa Tween Hearts ba yun.)

Jason Joseph Francis Carlos Ejercito in real life, hindi raw niya pinangarap dati na mag-showbiz pero now ay he's loving the industry na rin. Sabi niya rin sa Pep interview niya na ang pag-arte mismo ang gusto niya, at hindi ang showbiz. Kung sakali man daw na hindi siya magtagumpay sa pag-aartista hindi raw malayong pasukin din niya ang politics dahil nga naman, isa siyang Ejercito at nasa dugo na nila yun. 

Congrats Kiko! Hoping to see more of you soon!

11 comments:

Anonymous,  March 9, 2013 at 9:48 PM  

Una ko 'to nakita sa MMK.. in all fairness good actor talaga

Nald March 9, 2013 at 9:53 PM  

Oo ngayon ko rin lang siya nakita. So lolo niya si Paquito Diaz? In all fairness, pwede na siyang isabak sa primetime. Thumbs up

Anonymous,  March 10, 2013 at 3:59 PM  

dati ko na syang gusto sa Angelito pero mas lalo ko syang nagustuhan sa MMK..sana mabigyan sya ng break kasi he has great potential..kahit newbie pa lng ok na ok na sya umarte at hindi bano :) baby Jerome Ponce and him could be the future leading man of primetime :D

Anonymous,  March 10, 2013 at 4:02 PM  

leading men..typo :)

Anonymous,  March 10, 2013 at 5:39 PM  

Nasa Angelito pa lang sya before adik na adik na ako sa kanya e. Sabi ko na after ng Mmk nya sisikat na yan e. Dumami na kaagaw ko. :( Haha! But Kiko deserves it. Hindi ko naman sya ipagdadamot. Haha =)))

Anonymous,  March 10, 2013 at 8:34 PM  

Pwede siya sa indie film. Sa itsura at dating niya, pang-Indie actor ang dating!

Anonymous,  March 12, 2013 at 3:02 PM  

Hello Ms. Darla. Ang galing ni Kiko.. At bagay sila ni Julia, May Chemistry sila. Sarap balikbalikan ung scenes nila together. Sana po mgkaruon sila ng movie or kahit sa primetime lang na sila ung loveteam. Thanks po. :) Go for JulKiko!:)))

Anonymous,  March 15, 2013 at 3:05 PM  

Good job Kiko Estrada:)

Pwedeng pang leading man at isabak sa prime time. I hope magkaroon sya ng big break.

Anonymous,  March 16, 2013 at 7:47 PM  

Kiko Estrada did a great job for a Maalaala Mo Kaya first timer! Congrats!

Anonymous,  May 18, 2013 at 12:04 PM  

This is interesting -- Martin del Rosario as a transgender in Maalaala Mo Kaya May 18 2013 !

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

TopBlogs.com.ph

Entertainment & Lifestyle - Top Blogs Philippines

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP