"Only God knows... pabayaan muna namin ang isa't isa," Sunshine Cruz on reconciliation with husband Cesar Montano

Sunday, April 7, 2013

Matapos maging mailap sa press matapos ang controversial Instagram posts niya tungkol sa pinagdaanan nila ng asawang si Cesar Montano, kung saan nadawit pa ang starlet na si Krista Miller... Finally ay nagsalita na ang nagbabalik-showbiz na si Sunshine Cruz tungkol sa estado ng kanilang buhay ngayon nang muli siyang humarap sa The Buzz.

Photo taken during Kris TV's feature of Cesar and Sunshine's home. 
"Only God knows. Sa ngayon kung anuman ‘yung dumarating sa aking trabaho, doon muna ako naka-focus at sa mga anak ko, huwag muna, pabayaan muna namin ang isa’t isa," ang naging sagot ng sexy actress sa tanong kung nakikita niya bang magkakabalikan din sila ni Cesar.

Hindi naman niya tinanggi na sa nangyari, dumaan din sa point na nakaramdam ng galit ang mga anak niya sa tatay ng mga ito. "There was a time na parang nagkaroon sila ng kaunting hinanakit, kasi nakakapagbasa na ‘yan, naggugu-google na yan. It’s really hard to explain that’s why I told them to ask your dad about it, anong gagawin ko sisiraan ko, hindi ako ganoon eh. Although minsan nagkakaroon tayo ng nag-snap ka, nagagalit ka, like what I did before, nag-post tayo ng kung anu-ano. I think karapatan ko ‘yun bilang asawa, kahit sinu ‘yun ganoon ang nararamdaman," pag-amin ni Shine. 

Pero kung siya ang tatanungin, nakapagpatawad na ba siya? 
"Siguro nga kaya nakakangiti tayo ngayon at masaya tayo dahil nakapagpatawad na tayo."

Sinusuyo ba siya ulit ni Cesar ngayon?
"Hindi ko alam, tanungin mo siya. Ang isang tao kapag mahal mo ‘yan or minahal mo, you want what will make him happy, kung saan siya masaya so let it be."

Pero mahal pa ba niya ang asawa?
"The love, I will not deny, he is my first love. He’s my first boyfriend, he’s my first everything. Kahit naman sa kanya, sinabi ko, it will always be there. Kahit magkaroon pa kami ng iba’t ibang buhay, nandyan ‘yung pagmamahal ko sa kanya, dahil siya ang tatay ng mga anak namin."

Okay na ba ang puso niya ngayon?
"Exhausted. Tao lang tayo, napapagod, nasasaktan din tayo but I know it will heal. Kung anuman ang nangyari sa akin, it makes me a stronger and better person."

Bakit ba humantong sa pagtapos ng relasyon - sa ngayon, at paglipat nila ng bahay ng kanilang mga anak?
"We’re not getting any younger. I am 35 years old. Anong gagawin ko sa buhay ko, ganoon na lang ba lagi? never ending cycle? Ayoko na, kapag kids kasi ang apektado, babae mga anak ko, kailangan lang gawin ko kung ano ang the best for my children."

Nang maungkat naman ang pagsasama-sama ulit nilang buong pamilya sa graduation ng kanilang anak, heto ang pahayag ni Shine...
"Of course anak namin ang ga-graduate. Of course tatay ‘yun, tinext talaga ng principal na kailangan pumunta kami both. Pinicturan ko pa siya, pinicturan pa niya kami, inaya niya ang mga kids for lunch, I was there for lunch with them. Wala namang problem. Kung anuman ‘yung nilagay ko sa Instagram, it came from my heart because Buboy is really a good father and he is really generous. Di ko ipagdadamot sa kanya ang anak ko, anak niya rin ‘yan. Kaya nga pag nagte-taping ako nasa kanya ang mga kids, nagtetext kami with regards to children."

Ang pagpo-pose niya ba para sa April issue ng FHM ay paraan niya ng pagre-rebelde?
"No. Wala ngang pusod na nakita. I just want na ‘yung mga kababaihan, lalo na ‘yung mga may anak, di porket may anak ka na, puwede ka nang magpabaya sa katawan mo. Mahalin natin ang sarili natin."

Nagpaalam ba siya kay Cesar sa ginawang ito, at maging sa kanyang muling pagta-trabaho?
"Actually I don't have to do that anymore. Let's be honest, bakit naman ako magpapaalam pa and I’m not doing anything bad. This is work, this is a blessing."

Tuloy tuloy na ba ulit ang pagpapa-sexy niya ibig sabihin nito?
"Matanda na tayo dyan. I was offered an indie film which requires that, may nudity ganyan... Ayoko, ayoko na. Meron akong tatlong babaeng anak. And eto namang FHM sa totoo lang pinaalam ko to sa mga anak ko. We trust you mommy, ganun sila."

Nang simulan namang buksan ang topic tungkol kay Krista, ang alleged third party sa kanilang relasyon... umiwas na si Shine at iniba ang usapan. Pero aniya, wala pa silang legal actions na ginagawa ni Cesar patungkol sa kanilang relasyon.


0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP