Relasyong Daniel-Rommel Padilla, Piolo Pascual-Moi Bien at Maja Salvador-Mommy Thelma Andres... sa 1st anniversary ng Showbiz Inside Report!

Saturday, April 6, 2013


Bonggang mga pasabog at exclusive surprises ang ihahatid ng “Showbiz Inside Report” ngayong Sabado (Abril 6) sa pagdiriwang ng una nitong anibersaryo na kinatatampukan ng well-loved hosts nito—ang ‘showbiz ate’ na si Janice de Belen, ang makulit at mabusisi na si Carmina Villaroel, at ang showbiz insider na si Ogie Diaz.

Mula nang umere noong 2012, tumatak agad ang “Showbiz Inside Report” sa puso ng TV viewers dahil sa makabago at natatangi nitong malalim na paglalahad ng eksklusibong showbiz balita. Itinuturing din ang talk show bilang isa sa mga pinakapinagkakatiwalaang takbuhan ng mga artista para mailabas ang kanilang saloobin at panig kaugnay ng mga isyung kanilang kinasasangkutan.

Bukod sa pamamayagpag sa TV ratings at sa social networking sites, kinilala rin ang husay at ganda ng “Showbiz Inside Report” sa 2012 Golden Screen TV Awards kung saan pinarangalan ito bilang Outstanding Showbiz Talk Program; at ang host nito na si Janice bilang Outstanding Female Showbiz Program Host.


Samantala, para sa kanilang kauna-unahang anibersaryo, abangan ngayong Sabado ang first na silip sa relasyon ng dating mag-amo na ngayo’y magkaibigan na sina Piolo Pascual at Moi Bien; ang first exclusive confession ng mag-amang Daniel at Rommel Padilla; at ang first heart-to-heart interview ng mag-inang Maja at Thelma Salvador. Paano nga ba binago ng pag-aartista ni Moi ang relasyon nila Piolo? Masama nga ba ang loob ni Daniel kay Rommel dahil wala ito sa kanyang tabi noong kanyang pagkabata? Ano ang mga pagsubok na pinagdaanan nina Maja at Mommy Thelma na nagpatibay ng relasyon nila bilang mag-ina?




Abangan ang mga hindi dapat palampasing pag-amin ng mga totoong tao sa likod ng kwento sa inaabangan at tinututukan na no.1 showbiz talk show sa puso ng bayan, “Showbiz Inside Report,” ngayong Sabado pagkatapos ng “It’s Showtime.”

Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @SIRTVOfficial sa Twitter, o i-’like’ ang Facebook fanpage nawww.facebook.com/ShowbizInsideReport.AbsCbn.

1 comments:

Randel April 7, 2013 at 9:06 AM  

I was very pleased to come across this web-site.I wanted to thanks for your time for this amazing read!! I unquestionably enjoying each and every little bit of it and I’ve you bookmarked to take a look at new stuff you blog post. Galeng!

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP