"Nakakainis din na kapag nawawalan na kayo ng time mabilis na uminit yung ulo niyo," Zanjoe Marudo on relationship with Bea Alonzo

Saturday, September 21, 2013

Umamin si Zanjoe Marudo sa interview sa kanya ng Showbiz Inside Report na naging isyu na rin daw sa kanila ni Bea Alonzo ang kawalan nila ng oras para sa isa't isa dahil sa trabaho.

"Oo dati nakakainis, nakakainis din na kapag nawawalan na kayo ng time mabilis na uminit yung ulo niyo kasi hindi na kayo nagkikita pero nalagpasan na namin," sabi ni Z.

Photo from Bea Alonzo's IG account


Pero ganun pa man, alam naman daw nila ang priorities nila sa ngayon.

"Actually natanggap na namin na kailangan nating magtrabaho, anong gusto nating gawin, huwag lang tayo magtrabaho tapos mag-enjoy eh hindi naman pwedeng ganun. Darating din yung puntong magbi-break ka ng matagal, yun naman yung time na pwede kayong lumabas or i-enjoy yung isa’t isa."

Sa pagtagal ng relasyon - lalo na sa showbiz couples, malalampasan din daw ang isyu ng oras.

"Yun yung mga bagay na minsan pinag-aawayan pa, pero nalagpasan na namin. Nagiging malawak na yung utak namin, nagkakaintindihan na kami sa mga ganun, malulungkot ka na lang pero hindi niyo na gagawing issue."



0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP