FIRST HERE : Bimby and Ryzza Mae in their first TV Commercial together!

Wednesday, October 30, 2013

Read more...

BnB Exclusive : Phoemela Baranda, inilantad ang anak na 15 years niyang itinago!

Sunday, October 27, 2013



Exclusive sa Buzz ng Bayan kanina, ipinakilala na ni former The Buzz host Phoemela Baranda si Kim. Her daughter na 15 years niyang itinago sa publiko, at maging sa kanyang mga kamag-anak. 

Pati kami sa The Buzz noon ay walang kaalam-alam sa sikretong ito ni Phoem. Sa kwento niya, desisyon daw ng yumao niyang ina ang ilihim anv kanyang anak. Isinilang niya ito when she was 19 years old at nasa kainitan ng kanyang modelling career - maraming contracts na di pwedeng sirain. Kalaunan ay inamin niyang natuto siyang magbuhay dalaga. Pero in the end nga nung nakita niyang lumalaki na si Kim ay narealize niya ang pagkukulang niya rito. 

Kaya ngayon ay ipinakilala na niya si Kim sa lahat, dahil for her, kailangan itong gawin para sa pagsisimula nilang muli sa buhay - bilang mag-ina.


Sent from Samsung Mobile

Read more...

Buzz ng Bayan, October 27 2013

Saturday, October 26, 2013

Read more...

First Here! Angel Locsin and Phil Younghusband break-up, CONFIRMED!

Friday, October 25, 2013

Angel Locsin sent me this message... and sana po tulad ng lagi kong sinasabi sa gantong issue, let's respect her decision. And pray na maging okay ang lahat sa kanya, at paramdam natin na we are all here to support her and love her...

Angel Locsin :
This is my official statement: 
Sa mga naglalabasang balita kung saan na-quote po na nag pa-interview ako, hindi po ito totoo. Wala pa po akong nakakausap about the issue dahil sa totoo lang po hindi ko pa ho kayang kumausap ng kahit sino sa press at nag si-sink in pa lang po samin ngayon ang lahat ng ito. Pasensya na po. Dalawa pa lang po ang nakausap ko, Si Manay Ethel na manager ko at si Darla na sinagot ko lang po ang text sa akin dahil naramdaman ko ang sincerity niya although hindi po ako directly nagsalita about sa amin ni Phil. It was also off the record.
Sa lahat po ng nagtatanong kung totoo bang hiwalay na kami ni Phil, Totoo po. Sana po maintindihan nyo kung hindi na po namin sasabihin ang dahilan... pero maayos po kaming naghiwalay at mutual decision po ito. Pasensya  po kung hindi po kami makasagot agad tungkol sa status ng aming relasyon. Lalong-lalo na po sa mga sumuporta sa aming dalawa. Hindi po namin kayo binalewala... mahirap lang po talaga kung nasa ganitong sitwasyon. Nagulat na lang kami na naunahan na kami ng balita bago pa man kami makapagusap uli.
Salamat po sa lahat ng sumubaybay at sumuporta sa journey namin ni Phil. Hinding-hindi po namin malilimutan.


Maraming salamat din Gel dahil hinayaan mo kaming maging part ng journey niyo. 

Sent from Samsung Mobile

Read more...

D.Slambook : Daniel Padilla

Wednesday, October 23, 2013


Thanks Kamille Abrenica for shooting this hehehe!

Read more...

Kris Aquino for SM

Tuesday, October 22, 2013

Read more...

Angel Locsin and Phil Younghusband break up, for real?

Monday, October 21, 2013

Last week inamin sa akin ni Luis Manzano na hiwalay na sila ni Jennylyn Mercado. Ngayon naman ay si Angel Locsin ang napapabalitang break na rin sa boyfriend niyang si Phil Younghusband. 

Naturally, agad agad tinext ko si Angel. Actually until now katext ko siya. And ito lang po ang pwede kong ishare, hindi niya kino-confirm ang issue. Hindi niya rin dine-deny. 

Ako naman kilala niyo, tulad ng lagi kong sinasabi... hintayin natin na si Angel mismo ang magsalita, o si Phil. Irespeto natin kung wala pa silang maisasagot sa ngayon. Basta, sana anuman ang totoo... maging okay sila - as a couple man, o bilang individuals. 


Sent from Samsung Mobile

Read more...

Kris RealiTV with Judy Ann Santos and KC Concepcion ツ bukas na! ツ


Read more...

BUZZ NG BAYAN, October 20 2013

Friday, October 18, 2013

Read more...

"Hindi ko akalain na ganon kababa ang tingin niyo sa akin," Enchong Dee sa mga nagpapakalat na meron umano siyang video scandal with Sebastian Castro!

Marami ang nag-abang sa pagbalik ni Enchong Dee from his family vacation abroad, para malaman kung ano ang magiging sagot niya sa ilang linggo nang usap-usapang sex video scandal umano niya with the openly gay YouTube personality na si Sebastian Castro - who already dismissed he rumor.

Una nang naghamon ang aktor through his Twitter account, na ipakita sa kanya kung ano man itong video scandal na ito. Pero katulad ng inaasahan, walang makapaglabas ng controversial video.

Courtesy : Instagram - Mark Pelobello
"Gusto kong makita kung ano ba ang ibig sabihin nung scandal because as far as I can remember a scandal is something that you're not proud of. So sabi ko, wala naman akong naaalala na ginawa ko na I'm not proud of," sabi pa ni Enchong nang ma-interview siya sa story conference para sa bagong ABS-CBN/ Dreamscape teleserye na You're My Home. Kung saan, makakasama niya sina Richard Gomez at Dawn Zulueta, with Iza Calzado, Shaina Magdayao, Ella Cruz, Francis Magundayao and Cherry Pie Picache.

Bagamat hindi lubhang apektado ng paninira, hindi naman itinatanggi ni Enchong na dismayado siya dahil may mga taong ganun na lang siya kung siraan. "Pasensya na and at the same time, sa mga taong naglalabas hindi ko akalain na ganon kababa ang tingin niyo sa akin," pahayag pa niya.

"Meron akong isang conclusion, again hindi naman po sa nagmamayabang pero automatic kasi na dahil sa dami ng ginagawa ko ngayon I'm the first one na maiisip ng mga tao na ilagay sa mga ganong klaseng intriga. But hindi nga ako masyado nang affected doon eh, it's more of a compliment actually because ako yung unang nasa uta ng mga tao."

"Tiwala kasi sila Mama sa akin eh, saka sabi ko rin... 'You don't have to worry about anything because hindi ako yun. Hindi yun, yung anak niyo,'" sabi pa niya nang matanong naman kung anong reaksyon ng pamilya niya tungkol sa isyung ito.

Ayaw mang tantanan ng intriga, happy naman si Enchong dahil wala ring tigil ang dating ng blessings sa buhay niya. Katulad na nga lang nitong You're My Home, na mapapanood natin next year.

Read more...

Daniel Padilla : Hinahanap Hanap Kita

Read more...

"We want to keep things private na lang," Luis Manzano on break up with Jennylyn Mercado

Thursday, October 17, 2013

Yes. This time it's true. Hiwalay na sina Luis Manzano at Jennylyn Mercado. 

While driving now, may nagtext sa akin telling me that another website confirmed the news. I immediately asked Luis. Kasi last week I posted this issue, and he denied it. According to Luis okay naman daw talaga sila that time. And magkasama talaga sila sa Aliw Awards. Pero this time... sadly, pero totoong break na sila.

I asked him for his official statement, pero he said that they want this matter to be private na lang. And I respect that. Tao lang din naman sila like us and they need time to heal. 

Pero thanks Lu for always trusting darlasauler.com. Ito muna ang post ko, back to driving na ko eh. Hehehe. 
Sent from Samsung Mobile

Read more...

PAHABOL PHOTOS : Parking 5 recording

Tuesday, October 15, 2013



Read more...

D.Slambook : Dingdong Dantes


Thanks again Kamille for doing this for me!

Read more...

More than half of showbiz personalities na pasok sa Top 500 Individual Taxpayers for Taxable Year 2012, mula sa ABS-CBN!


Mga celebrities na pasok sa Top 10 Individual Taxpayers of 2012
37 sa Top 500 Individual Taxpayers for the year 2012 ay mula sa showbiz industry. Last year, nanguna sa listahan ang Queen of All Media na si Kris Aquino. Pero this year, nasa pang-anim na puwesto na siya with P44.933 M. Nanguna ngayon ang Mercury Drug president na si Vivian Que Azcona. Nasa second place naman si Willie Revillame with P63.9M, 2011 ay nasa pang-181 siya. P42.791 naman ang ibinayad ni John Lloyd Cruz kaya napunta siya sa 8th spot.

Grabbed from BIR's website
21 sa mga taga-showbiz / TV industry ay mula sa Kapamilya Network. Narito po ang listahan, and ranking ng mga pasok sa Top 500 na taga-industriya :

9. Sharon Cuneta - P42.04M
30. Manny Pangilinan (TV5 Boss) - P24.671M
32. Judy Ann Santos - P24.09M
34. Piolo Pascual - P23.36M
36. Manny Pacquiao - P22.38M
41. Felipe Gozon (GMA-7 Chairman and CEO) - P20.9M
43. Eugenio "Gabby" Lopez III (ABS-CBN Boss) - P20.75M
44. Bea Alonzo - P20.74M
50. Anne Curtis - P19.17M
53. Tony Tuviera (TAPE Boss) - P18.9M
59. Sarah Geronimo - P18.3M
60. Robin Padilla - P18.262M
61. Gilberto Duavit Jr. (GMA-7 President and COO) - P18.239M
68. Derek Ramsay - P16.7M
71. Mike Enriquez - P16.5M
79. Coco Martin - P15.6M
81. Ray Espinosa (former TV5 President) - P15.38M
89. Vic Sotto - P14.6M
110. Boy Abunda - P13M
118. Michael V. - P12.59M
137. Vice Ganda - P12M
156. Joey De Leon - P11M
190. Charo Santos-Concio (ABS-CBN CEO and President) - P10.074M
216. Dingdong Dantes - P9.48M
226. Angelica Panganiban - P9.06M
287. Gerald Anderson - P7.782M
296. Cory Vidanes (ABS-CBN Broadcast Head) - P7.6M
309. Kim Chiu - P7.436M
311. KC Concepcion - P7.420M
327. Solenn Heussaff - P7.2M
390. Toni Gonzaga - P6.634M
398. Angel Locsin - P6.575M
447. Jessica Soho - P6.2M
456. Laurenti Dyogi (ABS-CBN TV Production Head) - P6.1M

Para sa kumpletong list ng Top 500 Individual Taxpayers for Taxable Year 2012, CLICK HERE.

Read more...

FIRST HERE, EXCLUSIVE : MELASON is back, in the city!

Monday, October 14, 2013

Photo ng Melason bago sa GenSan kahapon, bago sila lumipad today pabalik dito sa Manila.
Magkausap kami ng soon-to-be-mom/wife na si Melai Cantiveros kanina, and good news! Nandito na ulit sila ni Jason Francisco, and ready to work again! Di ba sinabi naman ni Melai before na kelangan lang munang malampasan niya ang first trimester ng kanyang pregnancy. 

Now on her fourth month na ata, keri niya na ulit tayong pasayahin! Abangan na lang ang muli niyang paglabas sa telebisyon. =)

From Melai, para sa lahat po ng nangangamusta sa kanila, heto po ang exact message niya : 

"Hi  madam andtu na kami ni jason sa manila safe at sound sa travel ok namn na ang pakiramdam ko di na masyadong maselan.  sobra din happy ni jason kasi may umbok na kunti ang tiyan ko at di na ako masyadong hirap kaya happy xa :)  All out support naman si jason sa mga hinihingi ko at inaasal ko kahit oa na hehehehehe sana lang di magbago pakiramdam ko kasi nung sa Gensan ako naging ok pakiramadam ko sana sana sana." 

Heto pa ang ilang photos nila sa General Santos, kasama ang pamilya ni Melai. Movie dates, kain sa labas after ng seminar nila for the wedding, etc. All photos came from their IG account. =)



Lunch nila after ng seminar ng mag-asawa-to-be



Read more...

Sarap at relaxation ng SPA, right at your home!


Kung feeling niyo masyado na kayong stressed from work... o sa problema... O feeling niyo, deserved niyo ang isang masarap na masahe bilang reward for doing something good... Di niyo na kelangang gumastos ng pamasahe, para magpunta sa mga spa na nagkalat in the Metro! Dahil pwede niyo na itong ma-experience, sa mismong tahanan niyo! 100% safe and sulit! Magpa-book na!



Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS : Bea Alonzo, Enrique Gil, Liza Soberano and Dingdong Dantes on Kris RealiTV!

We super enjoyed taping Kris RealiTV in Alabang with the cast of Star Cinema's 'She's The One,' Bea Alonzo, Enrique Gil, Liza Soberano and Dingdong Dantes. Ang bait pa ng dalawang pogi boys dahil ipinakita at ipina-experience nila sa show ang kanilang mamahaling sports cars. Enrique's 'bumblebee' na Camaro, and Dong's Maserati.



















CLICK HERE FOR MORE PHOTOS!

Kaninang umaga ay napanood niyo na ang first part. Pero bukas at sa Wednesday ang dami pang magaganap... ang dami pang mare-reveal! Alam niyo naman, kapag si Kris Aquino na ang nagtanong, bongga talaga! Kaya please watch! 8am, Kris RealiTV! And syempre, ang 'She's The One' showing na this Wednesday, October 16!



Read more...

Buzz ng Bayan Teaser

Read more...

"Buzz ng Bayan" replaces "The Buzz," Boy Abunda to be co-hosted by Janice de Belen and Carmina Villarroel

Sunday, October 13, 2013

Goodbye "The Buzz."


Ito na ang huling Sunday na maririnig at makikita natin ang logong ito, at ang mismong title na "The Buzz." Kasabay ng pag-alis nina Toni Gonzaga at Charlene Gonzalez sa programa, ay ang pagbubukas ng isang bagong kabanata pagdating sa pababalita. 


Isang bagong karanasan ang sama-sama nating pagsasaluhan simula sa susunod na Linggo - October 20, 2013, ang BUZZ NG BAYAN. Hosted by Janice De Belen, Carmina Villarroel, at ng nag-iisang hari ng Talk Shows Boy Abunda. Katulad ng napanood niyo na sa umereng patikim ng programa, dito ay hindi lamang tayo basta makikibalita... makikialam na tayo! Bawat kwento ng artista na mababalita at mapag-uusapan sa show, siguradong tatamaan ka, ang kaibigan mo, o kapamilya mo. Dahil ang katotohanan naman talaga, ang kwento ng mga celebrities... ay kwento rin nating mga manunuod.


Kaya tara... makisali tayo. Sa linggo na. Buzz natin ito. Buzz ito... ng Bayan.

Read more...

Toni Gonzaga and Charlene Gonzalez bid goodbye to The Buzz


Kanina nga, matapos ang more or less three years sa Showbiz Authority ng bayan na The Buzz, nagpaalam na sina Charlene Gonzalez at Toni Gonzaga. Positibo ang naging pamamaalam ng dalawa, sa programang minahal at naging bahagi na rin ng kanilang buhay at career. Puno rin sila ng pasasalamat sa lahat ng tumangkilik sa kanilang pagho-host sa programa, at sa King of Talk na si Boy Abunda na ayon sa kanila, ay nakapagturo pa sa kanila ng napakaraming bagay tungkol sa buhay at sa hosting.

From Toni G's IG Account
Hindi katulad ng typical na goodbyes, walang iyakang naganap sa last appearance nina Toni at Charlene. Dahil para sa kanila, at maging para sa akin na rin, wala naman talagang GOODBYE na nagaganap sa showbiz. Kung maliit ang mundo, lalo na ang industriyang ito. Natapos man today ang aming pagiging magkaka-trabaho, mananatili naman kaming magkakaibigan at magkakapamilya. At lahat kami, looking forward sa susunod na pagkakataong muli kaming magkakasama sa isang show.

"I will never forget..." Toni G. From her IG account.
Maraming salamat sa pagbabahagi niyo ng inyong buhay sa amin, Toni and Charlene. See you! 

Read more...

D.Slambook : Jessy Mendiola

Friday, October 11, 2013



Thanks again for shooting this for me Kamille Abrenica!

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS : Parking 5 / Daniel Padilla recording for their album!

Nagsimula nang magrecord ang Parking 5 - Daniel Padilla's band, para sa kanilang album under Star Records. Daniel's brother JC is the vocalist.

Thank you Rox Santos, their album producer, for sharing these photos!

Parking 5 with album producer Rox Santos

CLICK HERE for the other pics!

Read more...

BAGONG PASABOG mula sa Kapamilya Network!

Thursday, October 10, 2013

Isang bagong pasabog na siguradong pag-uusapan ng buong bayan.

Read more...

Gandang Gabi Vice, October 13 2013

Bea Alonzo, Enrique Gil and Dingdong Dantes sa GGV, for She's The One. Siguradong papakiligin tayo ng movie na to. Pero bago yan... siguradong hagalpakan muna ng tawa sa guesting nilang 'to! Don't miss this episode, ngayong Sunday na!

Read more...

UPDATE : First Here, Luis Manzano kills rumors about break up with Jennylyn Mercado!

Wednesday, October 9, 2013

Photo from Luis Manzano's Instagram Account

Shortly after I posted a blind item about a showbiz couple na kakahiwalay lang, ang dami na agad nagsabi na sina Luis Manzano at Jennylyn Mercado ang tinutukoy ko. Jen even sent the link of my post ata kay Luis. 

Then nakausap ko thru phone ang Kapamilya TV Host-Actor agad agad. Kahit nahihiya ako I asked him agad kung true rumors na hiwalay na sila. 

Not True. 

Yan ang mabilis na sagot ni Luis. He said kagabi ay sila pa ni Jen ang magka-date sa Aliw Awards. I apologized and told him na I'll remove the post, pero he said na sabihin ko na lang naverify ko na. So there... stop na ang tsismis na hiwalay sila dahil hindi yun totoo. 

Thanks Lu! =)


Sent from Samsung Mobile

Read more...

BI : Kapamilya Actor hiwalay na sa girlfriend na TV Host?



Isang balita ng break up na naman ang nakarating sa akin. This time, isang Kapamilya Actor naman daw ang hiwalay na sa sexy TV Host girlfriend niya. Ang showbiz couple na ito ay very open about their relationship, marami na silang trips together at talaga namang magkasundong magkasundo sila based sa mga interviews nila in the past. Dumating pa nga sa point na ang super famous mom ni Kapamilya Actor ay tinatanong na rin kung payag siya kung sakaling magpakasal na ang anak niya.

Kaya ang malaking tanong ngayon, totoo ba ang nasagap kong chika na hiwalay na sila? Nagkaproblema ba sa time for each other dahil galing sila sa magkaibang network? 

I will update this story as soon as makausap ko si Kapamilya Actor.

Sent from Samsung Mobile

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS : Kris Aquino and Kim Chiu sa Farmer's Market!

Friday, October 4, 2013

Maraming salamat again Kim Chiu, dahil sa pagiging laging game mo sa anumang adventure ng Kris TV, na pamilya mo na rin ngayon. Love you Kimmy! 






CLICK HERE for more photos!

Read more...

Gretchen Barretto REVEALS MORE!

Wednesday, October 2, 2013


Linggo-linggo, parang isang real-life teleserye na ang nangyayari sa gulo sa pagitan nina Claudine Barretto at Raymart Santiago, at within the Barretto family. At ang latest nga, si Gretchen na nasa London ay hindi na rin napigilang magbigay ng statement patungkol sa mga nasabi ng kanilang ama, na kampi naman kay Claudine.

Exclusive na nagbigay ng kanyang statement si Gretchen sa PEP.ph. Heto po yung statement as posted by the said entertainment site :

I have suffered long and hard in silence all through the verbal, physical, financial and, most painful of all, emotional abuse from my very own parents.

In April 2013, in spite of the attacks on my character from my mother (who publicly disowned me) and Gia Barretto-Reyes (who fabricated stories), I chose to deal with my pain privately. 

Today, after the false statements made by my father, I feel I've earned the right to say my piece.
As to whether they are bad parents or they raised bad children—we all know that all children are born good and pure. How they turn out, whether good or bad, will reflect on the parents. 

I recall from a very young age my mother saying when asked how many children they have, would say "I have 7 monsters" and maybe in her eyes, we were and still are.

It pains me to be depicted by our parents as the ‘bad children’ who are only out to ‘bully’ Claudine. Everyone knows NO ONE can bully Claudine! No one will dare. 

We supposedly envy her success, which our father says, is ‘sibling rivalry.’ Why would we seek the destruction of our sister? What possible benefit does that give us?

We are happy with the lives we have and we are content and happy. But it certainly does not add to our happiness to see this family drama played out in public.

He also said that we should back off. "Tumahimik na kami." But I realized that "puede akong manahimik pero hindi ako matatahimik".

What JJ, Marjorie and I are prepared to do is to defend ourselves from repeated lies, from undeserved attacks, and from the idea that each of us can be sacrificed and that our lives can be ripped apart to promote the illusion that all is well with Claudine. 
 
My father said that Raymart is promoting a lie in exposing Claudine's history of drug abuse.
We are not willing participants in Claudine’s war against Raymart. But she forced us to speak out when she named us in her complaint-affidavit, weaving her tale of ‘abusive sisters.’

We submitted our affidavits, guided by one simple, unbending rule: to tell the truth. We swore to tell the truth and we told the truth.
And Raymart is telling the truth. 

I would like to remind my father that in January 2011, he pretended to have suffered a heart attack and confined himself in Medical City and got my sister-in-law, Connie, to call Claudine at 2 a.m. so she could go to the hospital. 
However, that was just a ploy to get Claudine confined at the basement for her severe drug abuse and mental condition.
My brother, Mito, and his wife Connie, their son John, Marjorie and my parents planned and witnessed the confinement. 

The following month, Claudine's treatment for drug abuse was continued in a private clinic in Chana, Thailand. After arriving back in the country, she had counseling with Mr. Dondi Ayuyao.
Again, I would like to remind my father of a family meeting that he called Connie, JJ, Marjorie, John and myself to attend at 3 p.m. on December 21, 2012 at Da-Ude Tea Place at the Fort.
He said that he had just come from a meeting that morning with Ms. Eos Capistrano, a counsellor from White Plains who said Claudine needed to be confined at the basement 12-18 months minimum. 
And that it was a choice of confining her at the basement or seeing her in the morgue at the rate she's going. 

I remind him again that I am just repeating exactly what he said then. My father told us that his choice was to see Claudine in the basement and, of course, we all wanted the same thing.
Our family has, for the longest time, struggled with the problem of how to deal with Claudine's problem.

Sadly, we now recognize that any effort to help her was doomed to fail because my parents are not capable of dealing with the truth. Another example of this is the drug test result they recently showed to the press.

We did not reject our parents. They rejected us.

Sadly, they mistake our concern as envy, and our refusal to support their lies as betrayal.
Whether they believe it or not, we care for Claudine. 

However, the Claudine that we see and experience now is not the Claudine we used to know.
In my quiet moments, I am in desperate search of that Claudine. The sweet Claudine, the loving Claudine, the caring Claudine. Our hardworking and successful baby sister who brought so much pride and joy to the family. 

In a perfect world when I dream everything and anything is possible, I'd like to believe that I can see the vibrant, loving, caring, generous and beautiful Claudine, come back. 

I believe that it is up to my parents to own up to the truth to make this possible.
It is not important now to point fingers as to who, what, why.
We do not need to cover up anyone's stories or put up a front to avoid shame.
We are beyond that.
We hear Claudine's cry for help. Why can't you?

SOURCE : www.pep.ph

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS : Star Magic Games 2013!

Thank you Star Magic's Thess Gubi and Tracy Manlangit for these photos! 





CLICK HERE for other photos!

Read more...

Kris Aquino at Kim Chiu, namalengke sa Farmer's Market!

Bukas na to, sa Kris RealiTV! Please watch, 8am po!

Read more...

D.Slambook : Marian Rivera

Showing na po today ang Kung Fu Divas! Manood na po tayo, ang bonggang pelikula! Kasing bongga nitong si Marian Rivera, na super love ko na!

Read more...

Condolence Angeline Quinto :-(

Tuesday, October 1, 2013

Ang lungkot na balita this morning, Angeline Quinto's dad passed away na matapos ang ilang araw na pakikipaglaban sa sakit. May he rest in peace.

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

recent viewers

copyright

recent viewers

copyright

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP