"Hindi ko akalain na ganon kababa ang tingin niyo sa akin," Enchong Dee sa mga nagpapakalat na meron umano siyang video scandal with Sebastian Castro!

Friday, October 18, 2013

Marami ang nag-abang sa pagbalik ni Enchong Dee from his family vacation abroad, para malaman kung ano ang magiging sagot niya sa ilang linggo nang usap-usapang sex video scandal umano niya with the openly gay YouTube personality na si Sebastian Castro - who already dismissed he rumor.

Una nang naghamon ang aktor through his Twitter account, na ipakita sa kanya kung ano man itong video scandal na ito. Pero katulad ng inaasahan, walang makapaglabas ng controversial video.

Courtesy : Instagram - Mark Pelobello
"Gusto kong makita kung ano ba ang ibig sabihin nung scandal because as far as I can remember a scandal is something that you're not proud of. So sabi ko, wala naman akong naaalala na ginawa ko na I'm not proud of," sabi pa ni Enchong nang ma-interview siya sa story conference para sa bagong ABS-CBN/ Dreamscape teleserye na You're My Home. Kung saan, makakasama niya sina Richard Gomez at Dawn Zulueta, with Iza Calzado, Shaina Magdayao, Ella Cruz, Francis Magundayao and Cherry Pie Picache.

Bagamat hindi lubhang apektado ng paninira, hindi naman itinatanggi ni Enchong na dismayado siya dahil may mga taong ganun na lang siya kung siraan. "Pasensya na and at the same time, sa mga taong naglalabas hindi ko akalain na ganon kababa ang tingin niyo sa akin," pahayag pa niya.

"Meron akong isang conclusion, again hindi naman po sa nagmamayabang pero automatic kasi na dahil sa dami ng ginagawa ko ngayon I'm the first one na maiisip ng mga tao na ilagay sa mga ganong klaseng intriga. But hindi nga ako masyado nang affected doon eh, it's more of a compliment actually because ako yung unang nasa uta ng mga tao."

"Tiwala kasi sila Mama sa akin eh, saka sabi ko rin... 'You don't have to worry about anything because hindi ako yun. Hindi yun, yung anak niyo,'" sabi pa niya nang matanong naman kung anong reaksyon ng pamilya niya tungkol sa isyung ito.

Ayaw mang tantanan ng intriga, happy naman si Enchong dahil wala ring tigil ang dating ng blessings sa buhay niya. Katulad na nga lang nitong You're My Home, na mapapanood natin next year.

1 comments:

Anonymous,  October 28, 2013 at 3:28 PM  

Baka si julia montes pa ang pwdng magkaroon ng video scandal.dahil 16 palang sya araw araw na syang natutulog sa bahay ng BF nya.pero si enchong imposible kz may natinong magulang na gumagabay sa kanikang mgkakapatid compare to julia na sya ang nasusunod sa lagat ng gusto nyang gawin.sana lng magpakatutuo yang si julia.

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

recent viewers

copyright

recent viewers

copyright

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP